NICOLAPangalawang araw ko sa kompanya matapos kong magbakasyon ng tatlong taon. Sinalubong ako ng pamilyar na tunog nang pumasok ako sa dambuhalang salamin na pintuan ng aking lending company. Kuminang ang marmol na sahig sa liwanag ng flourescent light, at umalingawngaw ang tunog ng telepono at mahinang pag-uusap ng mga empleyado.I adjusted my cufflinks, a habit I couldn;t shake, and make my way to the office floor.Napagpasyahan kong ikutin muna ang lahat ng department bago tumungo sa aking opisina. Isa-isa ko silang binati at nagkipag-kwentuhan saglit. Huminto ako sa huling destinasyon—ang Loan Processing and Underwriting Department. Nagkataon na di pala sila busy dahil maaga pa.The moment my presence registered, heads turned. Pati sila'y nasasabik na makita muli ako, tinuring kong pamilya ang lahat ng empleyado kaya wala sa'min ang hiyaan. Lumaganap ang bulungan kabuan ng silid, at ilang sandali ay nasa paligid ko na sila."Sir Nicola!" Tawag ng isa, nababalot ng gulat at tuwa
CHANDRIA"I-Ikaw si Nicola Henderson?"Kinakabahan kong tanong.Namungay ang kanyang mga mata kasabay ng pagguhit ng mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Pumintig ng mabilis ang aking puso. Kasalukuyang nasa elevator kami. Tila maiihi ako sa nerbyos matapos niya akong yakapin. Inakala kong hina-harass niya ako dahil biglang nawala ang kuryente. Nasa abuhin niyang mata ang sensiradad."How do you know me?"Matigas, buo at malamig na boses na balik tanong.Ang kaninang takot ay naging maangas. Ang saklap kasi di ko naalala ang mukha niya sa personal. Pasulyap-sulyap lang ako sa litrato niya noon. Ibang-iba pala siya kapag naka-close encounter. Kinabahan ako sa mala-adonis niyang kagwapuhan. Gustong-gusto ko ang medyo singkit niyang mga mata.Napalunok ako ng malalim. "Ah-"Hindi natapos nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Binaling niya ang atensyon sa paglabas. Natataranta akong sinundan siya. Tinampal ko ang pisngi, sinabi sa sarili na panindigan ang desisyong sabihin sa kanya ang
CHANDRIAKanina pa ako naiinis sa walang humpay na pagmumura ni Nicola Henderson. Nahimasmasan siya kanina at ngayon sinamahan niya akong tumungo sa mansyon ko para ipakilala sa kanya ang tatlo. Natatakot akong mahimatay uli kapag makita niya ang mga anak. Nakaupo ako sa back seat ng sasakyan niya. Sumasakit ang tainga ko habang panay ang silip sa kanya sa rearview mirror. Natuklasan kong masungiti siya, ayos lang... kasi bawat pagsusungit niya ay gumagwapo siya. He's looking fucking hot.Inalis ko ang pagiging green-minded saka kumibit-balikat. "Kailan ka ba titigil ng magic words mo?" Pambabasag ko sa kanya."Magic words?"Taka niyang tanong.Ang slow niya. "Pagmumura! Nabibingi ako kakakinig sa iyo!""Damn! Sino ba ang di magugulat magkaroon ng mga anak? Okay lang sana kung isa pero tatlo!"Awtomatiko niyang sumbat na kinasalpok ng kilay ko."It's called a blessing! Tsaka kasalanan mo rin kasi ang dami mong bala no'ng araw,"naiinip kong tugon."F*ck! Pinanganak ka sigurong malusog
NICOLAKakaalis ko lang sa Henderson Enterprises company building, sumakay ako sa bagong ferrari ko. Medyo iritable dahil walang magandang advice si Mikhael sa akin. Nagsayang lang ako ng laway sa pagmamakaawa sa kanya. Nagdadalawang isip pa rin ako kung aakuin ko ba ang responsabilidad kasi di pa rin ako makapaniwala na may triplets ako. Gayunpaman, masaya ako na muli kong nakita si Chandria, ang babaing laman palagi ng panaginip ko kaso nadismaya ako dahil hindi siya kasing ganda noon. Di bale, nandyan pa rin ang coca-cola body niya at kumikislap na mga mata.She’s my type—at least in terms of physical appearance. But it’s more than that. I like the way she grimaces when something doesn’t go her way, as if the entire world dared to cross her. And that shift, when her annoyance melts into a reluctant smile, even though she’s clearly trying to stay mad? It’s impossible to ignore. I want to know her beyond those moments. Truth is, I can’t go a second without thinking about her.Nagulo
NICOLAKumapit siya sa pintuan saka nakakalokong ngumisi sa akin. Tumingin ang mga dumadaang empleyado sa'min. Kaswal akong ngumiti habang pinapatuloy ang pag tulak sa kanya palabas."You're greatest distraction,huh?""Enough and go home!""No!" Tinuwid niya ang tindik at tinaboy ang kamay ko. "Umuwi ka na at wag nang matigas ang ulo.""Hindi ako uuwi hangga't di mo ako secretary!"Talunan akong binagsak ang mga balikat. Bumuntong hininga at tumingin sa malayo. "Fine, I'll do what you want. But you should prove me you're qualified, I don't want you to use my triplets as an excuse."Ngumisi siya, hayagan ang satisfaction. "Oo naman!" Nasasabik niyang saad sabay kindat. "Kailan ba ako magsisimula.""Puntahan mo si Troy agawin mo ang pwesto niya at sabihin mong mag-retire na siya,"tinatamad kong instruction.Pigil siyang tumawa. "Opps.. bigla akong na-guilty pero kailangan ko 'to eh,""Pero dapat mo siyang bayaran. Tutal may pera ka naman kaw na ang magbabayad,"sabi ko sabay tingin sa k
CHANDRIASinasara ko ang butones ng damit ko habang lumalabas kami ng kampbal sa mansyon. Today was supposed prefect dahil unang araw ko bilang secretary ni Nicola, at lalong lalo na ito ang unang araw na titira kami sa nag-iisang bubong. Nagawa ko siyang pikutin kagabi. Mas bongga ang mansyon niya kesa sa mansyon ng Callagry at halatang nagustuhan ng tatlo.Maingay kaming pumwesto sa grand pavillion, malapad ang ngiti kong chini-check ang uniporme nila. Panay ang bungisngis at hila sa blusa ko."Behave,"saway ko habang pinasusuot sa kanila ang backpacks. Wala akong nagawa sa kakulitan nila kundi ang tumawa. Matagal kaming naghintay sa kanya sa driveway, nalulundag ang kambal sa stone steps habang nagkikwentuhan ng napanood nilang cartoons. Sinipat ko ang wrist watch. He should be out any minute. Bakit ganito? Nauubusan ako ng pasensiya. Ini-expect ko pa naman na ililibre niya kami ng sakay sa Ferrari niya. Mayamaya narinig ko ang ingay ng sasakyan niya, nagalak kami. Subalit nagulat
CHANDRIATinatali ko na pa-ponytail ang buhok ko nang dumating ako sa company building. Huminto saglit para i-double check ang laman ng bag ko. Taas noo akong naglakad papunta ng opisina. Napansin ko lang na hindi ako binati ng ibang emplyedo. Sinusuri nila ako gamit ang matatalas nilang mga mata. Kumapit ako sa bag ko at diretsong lumakad. Sa ngayon, x muna sila sa'kin."Why are you late?" Nakahalukipkip na salubong ni Nicola sa'kin.Dinilatan ko siya. Umusbong ulit ang inis sa loob ko pero agad naman nawala nang makita ko ang maamo niyang mukha. 'Wag ka munang lumandi ngayon, lalaampasuhin mo muna ang mokong."Kasalanan mo kaya late ako!"Bwelta ko."Saan banda naman? Unang araw mo pa lamang ay laglag ka na, paano na lang kaya sasusunod?" Lumapit siya sa 'kin. "Iniwan mo kami kanina kaya ako late!""Ano'ng sabi mo? Hindi ko alam na sasakay pala kayo?""Common sense, boss! Ang laking tao ko hindi mo ko nakita kanina sa driveway!""Aba malay ko na naghihintay pala kayo sa'kin?" Naglak
NICOLA Hinay-hinay akong lumabas ng bahay, sarili kong bahay pero parang magnanakaw ako at takot mahuli. Tatlong araw na ang nakakalipas na gusto kong sumugal kaso di ko magawa dahil kay Chandria na mistulang body guard ko. Tyempong masalubong ko siya tuwing magbabalak akong lumabas. Ngayong araw binigyan ko siya ng maraming trabaho, tiyak na natutulog na. Pinapawisan akong nanaog sa hagdan, lumilinga-linga pa para tiyakin na safe ako. Ngumisi akong pumunta sa garahe. Pinili ko ang pinakatahimik na sasakyan, saka mabilis na pumanhik.Sinalubong ako nang maliwanag na VIP room ng casino. Lumipat ako ng silid dahil sa masamang experience noong nakaraan. Umupo akong inaayos ang cufflinks. Ngayon gabi'y magkaibigan kami ng swerte. I couls feel the envious gazes of my opponeys, their frustration palpable as the dealer slid another pot of chips in my direction.Tumatawa akong tinatamasa ang kaswertehan nang pumasok na misteryosong babae. She wore a sleek red dress that clung to her figure
hello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead
NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na