CHANDRIA MIELLE
Umungol ako nang magkaroon ng ulirat. Hindi ko kaagad naimulat ang mga mata. Nakakasilaw ang liwanag. Mabigat ang katawan ko. Masakit ang balakang ko. Mas malala ang pagitan ng hita ko. Ang hapdi, hindi ko naiinidihan. Saka parang nilalamig ako—wala yata akong suot. Bumalikwas ako para bumangon pero lumanding ako sa sahig. Nasa dulo pala ako ng kama. "Argh!"Hiyaw ko. Sumama sa akin ang kumunot. Mistulang balat ng ahas na bumalot sa'kin. Bumangon ako. Hinihilot ang kirot sa pang-upo. Hinay-hinay kong minulat ang mga mata. "Saan ako?"Tanong ko sa sarili bago dumapo ang matinding sakit ulo. Sumingkit ang mga mata ko. Nilibot ang tingin. Wala ako sa bahay. Talagang wala ako sa bahay dahil pinalayas nila ako. Aber, nasaan ako?! Gumana ang hinala ko. Ang huling alaala ko ay nakipaglustay ako ng pera sa casino, sa kamaang palad na nanalo. Hayun, naalala ko ang gwapong lalaki na mala-modelo ng brief. Niyaya ko siya sa disco. "At ano ito?" Tiningnan ko ang sarili. Wala akong saplot. Nakipag-ano ako! What? Hindi naman ito kasali sa plano. Sapat na sa'kin ang ilustay ang pera ng Beunavista. Diyos ko, Lord. Ang timang ko! Nang-akit ako at ako pa ang nawalan. Hinagilap ko ang pera. Wala na. Dinala ng hudyo. Naluluha akong pinulot ang mga damit. Nangyari na. Binigay ko ang hiyas ko sa isang estranghero. Ano pa ba ang silbi 'non? Anak naman ako ng squatter, at least nakatikim ako ng gwapo. Sinusuot ko ang damit. Makaalis na nga rito. Teka, wais ng lalaking iyon kinuha niya ang pera ko, okay lang hindi na iyon sa'kin. Nagsusuot ako ng takong ko nang mapuna ang bracelet sa kamay. Kunot-noo kong tinanggal. "May pa remembrance pa siya,"anang ko. Inusisa ko ang bracelet. Nababakasakaling may pangalan n'ya. Tumpak meron nga. "Hmp, Nicola Hayes Henderson?"Nalulula kong sabi. Kilala ko ang Henderson. Teka, Nicola? Nicola! Ang may-ari ng H Lending corporation at Lux Grand Casino Hotel at iba pang sikat na Casino sa buong mundo? Ang lalaking naka-one night stand ko kagabi? Jusko! Naka-jackpot ako. Nilagay ko ang kuku sa ngipin. Kinagat-kagat na parang bata. Hindi ko naman maabot si Nicola kasi poor na ako ngayon. Saka iyong tipo niya, magkakama lang tapos wala na. Maliban kapag magbubunga ito. Sana nga para makabalik ako sa marangyang buhay. Ako'y humayo ng masama at nilisan ang hotel. Dumiretso ako sa bahay ng kaibigan ko. Wala na kasi akong matutuluyan. Mabuti marami akong savings, for the meantime, gagamitin ko 'yon para mag-apply ng bagong trabaho. Marami naman akong experience, malamang pwedeng manager ng puputsuging restaurant o grocery store. "Where have you been? Bigla-bigla kang nawawala sa night club ka gabi?"Sita ni Lauren habang tinatanggal ko ang takong. May hawak siyang walis, halatang day off ngayon. May sarili siyang book store at binibigyan niya ng day off ang sarili tuwing sabado. Maghahanap daw siya ng boyfriend. Kami 'yong magkakaibigan na NBSB. Magaganda naman kami pero hindi kami tinakda para magkap-nobyo. Nasa croptop siya at square pants. Nakatali patayo ang buhok. I gritted my teeth. "Nakipagtalo doon sa lalaki,"tamad kong salaysay. Lumitaw ang mapaglarong ngiti niya. "Sino ba ang natalo sa inyo? Ikaw o siya? Wag mong sabihin pinusta mo ulit ang perang pinanalunan mo?" "Tumpak! May tama ka!"Napalakpak kong sabi na may malapad na ngiti. "Nagpadale ka agad bes?"Sumulpot si Autumn. Isa ko pang kaibigan. Tinignan ko siya ng blanko. "'Nong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa Yong ka?"Asik ko. Ngumising aso lang. Isa siyang fashion designer at may-ari ng maliit na kompanya. Magaling siyang tumahi at patay na patay sa mga Korean Actor. Sa katunayan may isa siyang boyfriend na korean pero hindi actor. Yong ang tawag sa kompanya niya at mga designer outfit ang binibenta nila. Magkakaedad kaming tatlo.Parehong venti-cinco. Parehong magaganda at sexy. "Day off ko rin ngayon,"rason n'ya. Tinanggal niya tuwalya sa ulo. Nakatapis siya. Kakalabas lang sa banyo. "Rason mo lang 'yon kasi na-hang over ka. Hindi ka ba hahanapin ni Singkit?"anang ko. Sinamahan ko sila sa sala. Kumibit balikat si Autumn. Binaba ni Lauren ang walis. "In-inform ko na siya. Free day natin ngayon. Ano kwento ka naman doon sa paruparo mo,"nasasabik na usisa ni Autumn. Lumukot ang mukha ko. Natatawa ako sa pa-Mr. Butterfly niya. Nicola Henderson, hindi marunong pumili ng nickname. "Si Mr. Butterfly tinakasan ako at tinangay ang pera ko,"lahad ko. "Ano?" Sabay silang nagulat. Magsasalita sana ako pero inunahan nila "Maldito siya!" "Yeah, what a thief bastard!" Tinaas ko ang dalawang kamay. Pumait ang itsura nila nang matanto na dinidepensahan ko ang lalaki, "Hinay-hinay kayo.Wala naman problema ang sa'kin kung tatangayin niya ang pera. Alam n'yo na pinalayas ako ng tinuring kong mga magulang at naghihiganti ako. Salamat sa kanya kasi sampung milyon ang tinangay niya. Hindi lang cash iyon lahat pero nilagay ko doon ang credit card at cheke,"mahabang litanya ko. Marahan kong panahayag para maintindihan nila. Ngumiwi si Lauren. "I'm sorry to hear that,Bes. Wala talagang puso ang mga Buenavista. Kahit hindi ka nila totoong anak sana hindi ka minaltrato. Wala silang utang na loob. Ang laki pa naman ng na-contribute mo sa kanila,"paghihimutok niya. Ramdam ko ang genuine concern sa tinig niya. Tumaba ang puso ko. Tama ang mga kaibigang nakilala ko. Nunca nila akong iniwan kahit ngayo'y pobre na ako. "Hayaan na natin sila. Ang mahalaga nagtagumpay akong naiwaldas ang pera nila,"nagbubuntong hininga kong saad. Pa-poker face akong tiningnan ni Autumn. "Swerte nong lalaki ha, hindi lang siya nakaisa kundi dalawa pa." "Okay lang gwapo rin naman,"deretsahan kong sagot. Humagalpak sila sa tawa. "Adik ka bes? Nagpapa-easy to get kaagad!"Tudyo ni Lauren. Napahawak sa panga. Malamang nangalay na sa kakatawa. "Hoping na makikita ulit kayo. Sayang naman kung sa one-night stand lang mag-uuwi,"anang ni Autumn. Naintriga ako sa pangarap niya. Inangat ko ang pulseras. Gawa sa pilak,na may infinity ang design, kumikinang sa liwanag ng araw at talagang mamahalin. "Yes, magkikita ulit kami ni Mr. Butterfly,"nasasabik kong wika. Umangat ang kilay nilang dalawa. "Dahil siya si Nicola Hayes Henderson. Sino pa ba ang hindi makakakilala sa kanya?" Napatutup ng bibig si Autumn."Omo,bes!" Binaba ko ang kamay. Naglakad-lakad. "First things first, aayusin ko muna ang gusot ng pamilya ko. Saka hindi pa ako tapos sa Buenavista. Hindi ako mananahimik hangga't hindi pa sila nababagsak,"madiin kong pahayag. Nasa mata ko ang determinasyon. Umaalab ang pagkasabik kong sirain sila. "So, ano ang plano mo?"Nag-aalalang tanong ni Lauren. "Pupuntahan ko muna ang totoo kong mga magulang,"deklara ko. Menasahe ko ang sintido nang makaradam ng kirot. "But first let me take a rest." Mahina silang napatawa.CHANDRIA MIELLENapakunot ako ng noo nang makaapak sa squatter area ng Manila. Nandiri ng limang segundo pero pinatatag ang sarili. Kinuyom ko ang mga palad at sinuong ang di pamilyar na lugar.The air was thick with a musty odor, a blend of stale food and something more unpleasant, a reminder of neglect and dispair. Idagdag pa ang makitid na kalye na punong-puno na nakakalat na basura—mga supot, styro-foam, mga basag na bote at ibang bagay na kinalimutan na nila.Tumingala ako. Tiim ang bagang nang matanaw ang sira-sirang gusali at barong-barong bahay. May mga batang naglalaro sa alikabok. Ang ingay ng tawanan nila ay humahalo sa bangayan ng mga matatanda. Damang-dama ko ang kahirapan nila.My heart sank as I walked deeper into the maze of dilapidated structures. Ramdam ko ang mapanuring mga mata ng mga residente. Sino bang hindi makakapansin sa outfit ko. Sobrang elegante ko at parang pupunta sa opisina. Nag-click ang takong ko sa bako-bakong kalsada na lalong inaakit ang atensyon n
NICOLA HAYESI gripped the pool cue tightly as I lined up my next shot. Mag-isa akong naglalaro ng billiard habang umiinom ng chivas regal. Tatlong araw ang nakalilipas nang may mangyari sa amin ng magandang dilig na nakilala ko. Hindi ko makalimutan ang pangalan niya. Chandria.Her name rolled off my tongue like a sweet, forbidden liquor, rich and dangerously smooth. It lingered in my mind, each syllable as slow burn that crept through me, leaving a heady warmth that was both intoxicating and addictive.Iyong tipong lalo akong naki-crave sa kanya, para siyang alak na iniiwan akong uhaw at sa bawat tikim ko ay parang nilulubog ako sa kumunoy at di ako makakatakas. Siya ang unang babaeng naramdaman ko ng ganito. Marami akong naging girlfriend pero iba siya, parang gusto ko siyang makasama habambuhay.Bigla-bigla akong na-o-obsess sa babaing unang beses kong nakilala. Nasisiraan ata ako ng bait.Tinuon ko ang sarili sa tina-target kong bola. Nakalimutan ko ang paligid hanggang sa mapun
NICOLAMapayapa akong minamaneho ang Mclaren P1 kong sasakyan sa kahabaan ng mataong kalsada. Tinatapik ang mga daliri sa manubela habang nakikinig ng kantang just the way you are ni Bruno Mars. Naging mapayapa ako makalipas ang dalawang linggo pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapatawad ko kay Papa. Patay na siya at nilibing na namin. Wala na kong problema.Sisikapin ko ngayo'y kalimutan ang masamang nakaraan at magbagong buhay. Napagdesisyonan kong tumabay muna ng tatlong taon sa Luxemburg. Lalayo muna ako sa bisyo, hihilumin ng husto ang puso at magpopukos sa negosyo. Sa katunayan meron akong pinatatayong grand casino doon. Saka bigatin ang mga investor. Palalaguhin ko ng husto ang mga casino ko at magre-relax mamaya.Sinipat ko ang oras sa wrist watch. Pasado alas singko ng hapon. Alas dose pa ang flight ko. Kaso naiirita ko sa sitwasyon ngayon. Uwian kaya maraming tao.As I inched forward, my eyes darted to the rearview mirror, and then suddeny, from the coner of my vision, a
CHANDRIA MIELLE Binibilang ko ang aking salapi habang hinihintay ang taxi. Tutungo ako ngayon sa malayong mansyon ng mga Callagry. Pupunta ako sa Ayala Alabang Village. Makipasagupaan sa tunay kong pamilya.Makulimlim ang panahon nang sumakay ako ng taxi. Ilang sandali narating ko ang malawak at prestihiyosong village. Tahanan ng maraming mga prominenteng pamilya. Isa sa mga nakatira ang tunay kong pamilya. Sad to say, hindi malinis ang pangalan nila. Involve maraming eskandalo sa bansa. Kaya't biglang naglaho sa politika at industriya ng mga artista.Kilala ko si Dara Callagry dahil dati siyang artista. Isang actress na maraming awards. Biglang naglaho noong twelve years old ako. Sa ayaw't gusto, kinakabahan ko. Nasa lalamunan ko na ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko mahanap ang wastong salita para ipagtapat na ako ang anak nila. Saka wala akong sapat na ebidensya, tanging DNA test at report ng huling pang-iimbestiga sa mag-asawang Nestor at Blisha. "Manong, dito lang po ako
CHANDRIABumalik ako sa mansyon ng Callagry. Nasa sala ako ngayon. Kahit basa at nilalamig, pinilit kong maging matatag. Mataman akong tinitigan ng mag-asawa. Nasa tabi ko ang dalawang binata. Parehong matangkad. Mabangis ang mukha. Ang isa nakahalukipkip at ang isa naman nakapameywang. The brothers exuded a striking blend of Filipino roots and a European, almost Irish look that made them stand out. Halatang madalas sila mag-gym. Pero ang moderno ng dating nila. Para silang artista o modelo manamit. Sinong babae ay tiyak malaglag ang panty. Pareho silang moreno. Matatangos ang ilong. Mahahaba ang pilik mata at pinaghalong chocolate at amber ang kulay no'n. Maalon ang buhok ng isa. Army cut naman ang buhok ng isa. "Ano ang ibig sabihin nito,Ezekiel? Bakit pinapasok mo ang babaeng ito?"Alma ni Dara. Masama ang tingin niya sa lalaking nakasuot ng leather jacket at rugged jeans. Ito ang unang tumanggap sa'kin. Pinilit niya akong pumasok."I think she was my long-last sister. I dreamed l
NICOLA"It's good to be back!"usal ko matapos kung lumabas ng arrival area. Lumipas ang tatlong taon na parang isang ihip ng hangin. Hinubad ko ang shades nang masalubong ang pandak kong sekretaryo. Matipid siyang nakangiti habang hawak-hawak ang karatola na may pangalan ko."Welcome back,Sir!"masigla niyang bati.Taliwas sa ekpresyon niya kanina. Kinakabahan siyang makita ko. Alam niyang bibigyan ko siya ng sakit ng ulo muli.Natapos ang mahabang bakasyon ko sa Luxemburg kaso hindi ko na-enjoy. Nabitin ako sa piling ng magagandang dilag. Sana wala akong nabuntis sa kanila para walang maghahabol sa akin dito.Nilampasan ko si Troy. Lakad-takbo siyang sinundan ko. Isang hakbang niya, dalawa sa'kin. Mabilis din akong maglakad. Inangat ko ng kilay ang chauffeur na umaabang sa'kin. Binuksan niya ang pintuan ng nagniningning na itim at marangyang sasakyan. Sumakay agad ako. Walang imik na pinapakinggan ang mahabang listahan ng schedule ko na binabasa ni Troy.Bumuntong hininga ako bago tin
NICOLALumusot ang malumanay na liwanag ng umagang ito sa dambuhalang bintana ng aking master bedroom, gumuhit ang mahahaba at manipis na gintong liwanag sa sahig. 5:00 AM, ang nababasa ko sa wall clock. Ang minamahal kong oras kahit na sinusundan ito ng kaguluhan mamaya. Hindi ko kailangan matulog. Di talaga. I've trained myself over the years to operate on adrenaline, on purpose. Walang kaibahan ang umagang 'to. Bumalik ako sa gawain ko dati.Nakatayo ako sa harap ng full-length size mirror,tiningan ang sariling repleksyon. Pinasadahan ko ng tingin ang matatalim na angolo ng aking mukha, ang kamalamigan ng aking mga mata–sakto ang lahat. Walang labis, walang kulang. Sinumang babae ay mafu-fall head over heels sa kagawapuhan ko. Tatlong lahi ang dumadaloy sa dugo ko, kaya walang duda na perpekto ang resulta ng aking mukha. Dinampot ko ang grey button-up shirt, mabilis na sinilid sa aking kamay. Ramdam ko ang malamig na tela na dumapi sa king balat. Habang sinasara ko ang butones ay
CHANDRIA Parang kailan lang ako nanganak. Malalaki na ang tatlong bubwit. Isang buwan na rin ang nakalilipas nang bumalik kami sa Manila. Wala akong naging problema. Tinanggap ng pamilya ko ang pagkaroon ko ng mga anak. Masaya si Mom at Dad na may automatic apo sila, di lang isa kundi tatlo. Idagdag pa ang tatlo kong kababatang kapatid, mga overprotective at sobrang maalaga. Pinagaagawan nilang tatlo ang mga anak ko. Iisa lang naman ang problema ko: si Marga. Mailap pa rin siya sa'kin. Palagi malamig ang trato niya sa'kin. Saka panay ang pakitang-tao niya sa mga magulang namin. Mabait siya kapag nasa harapan kami ng mga magulang namin pero demonyo 'pag nakatalikod. Inaaway n'ya ako na di ko naman siya inaano. Umiling ako para itaboy ang masamang iniisip. Ang hirap mamuhay bilang mayaman kasi maraming problema. Kararating ko lang ng bahay matapos kong ayusin ang problema ni Dad sa Henderson Lending Corp. Sa dami na pwedeng pag-uutangan do'n pa. Buwaya ang may-ari no'n dahil mataas an
NICOLA "Someone is weird today." Huli-huli ng tenga kong puna ni Paolo sa'kin. Nasa maaliwalas na coffee shop kami. Sinasala ng malaking glass window ang liwanag ng araw. Abala ako sa pagsimsim ng black coffee, tensyonado naman sa pagpindot si Paolo sa phone niya at kalahating nakatago si Blake sa hawak niyang dyaryo. Nangibabaw ang banayad na konbersasyon ng mga tao at ang ingay ng kumakansing na mga tasa sa hangin."Sino'ng weird?" Patay-malisya kong tanong. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.Binaba ni Blake ang dyaryo niya at niregaluhan niya ako ng ngiti. "What's with you today, huh? Parang baliw kang tumatawang mag-isa d'yan.""Yeah, spill it, Nico!" Segundo ni Paolo na tila binabasa ako.Ngumisi ako. Gusto kong gawing suspense muna."Dude, you've got that 'I know something you don't' face. That's unnerving," alma niya.I chuckled, and then I took another sip of my coffee. "What? Di ba pwedeng mag-enjoy ang tao ng kape niya na may kapayapaan?""I hate that cryptic look...""Yo
CHANDRIA "Bakit ba palaging may distractions? Nasa punto na ako eh kaso parang ayaw nilang matuloy," malungkot kong tanong sa sarili pagkatapos ihatid sa kwarto ang triplets at pinatulog sila.Dinalaw na ako ng antok kaya nawalan ako ng gana makipag-ano kay Nicola. Nanlulumo akong umupo sa kama habang isa-isang tinatanggal ang butones ng blusa ko. Naka-bra na lang ako nang lumabas sa banyo ang lalaki ko. Tinatanggal ko ngayon ang hikaw at kwentas ko.Nanliit ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin."Next time na lang, Nic. Pagod na ako," sabi ko sabay tihaya sa kama.Kumaibabaw siya sa akin. Kinilig ang kiffy ko sa mahalimuyak niyang after shave. Sumasabog ang pagiging lalaki niya. Naka-tapis lang siya at anumang oras ay handa niya akong pasukin."Hindi ako naniniwala. Pwede rin nating gawin iyon. Mabilis lang." Tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok sa mukha ko.Napapikit ako. Para akong sasabog, pinipigilan ko ang sarili ko pero malakas ang pang-aakit niya.Tinulak
CHANDRIASiguro, kino-consider ko na, ito ang pinakamasaya na nangyari sa buhay ko—ang makilala ang ibang myembro ng pamilya ni Nicola. Pakiramdam ko, bahagi na talaga ako ng buhay niya. Kilala na ako ng mga magulang niya at masaya ang mga kapatid niya na magkaroon ng bagong ate.Magalang akong pumasok sa bahay ni Althea, siya ang ina ng anak ni Mikhael at balita ko ay nagkahulugan na sila ng loob sa isa't isa. O baka huli na ako sa balita na mag-asawa na pala sila. Hindi ako nakapag-marites noong mga nakaraang araw. Di talaga ako binabalitaan ni Nicola, masyado niya akong inaabala sa araw-araw na gawain sa kompanya o baka nagkataon iyon ng problema ko kay Marga.Bitbit ang cute kong regalo ay sinalubong ko si Althea kasama ang triplets na may kanya-kanyang hawak na regalo para sa pinsan. Malapad ang ngiti niya, at biglang mabilis na pumintig ang puso ko. Para siyang hollywood actress na si Emma Watson, ang amo ng mukha at nakakatakot hawakan. Para siyang living doll. Marupok. Pero sa
NICOLA I gritted my teeth. Nasa punto na ako naipapasok ko na si manoy sa butas ni manay nang bilang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako sa pagkiskis ng matigas kong pagkakalalaki para sagutin iyon. "Argh! What are you doing?" Reklamo niya. Akma kong abutin ang cellphone pero pinigilan niya ang kamay ko. "Let me answer this first," sabi ko. Bumakat ang frustration sa mukha niya. Alam kong nabitin siya at tila nawalan siya ng gana ngayon. "Mas importante pa ba iyan?" Naiinis niyang turan. Sumalpok ang kilay ko. "No idea. Pero sasagutin ko lang, istorbo eh." "Fine. I will end this," dagli niya saka bumalik sa kinauupuan. Umaapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang sinusuot ang damit. Wala na akong chance maka-score ngayon. Kawawa si Manoy. "Chanie, 'wag ka naman ganyan. Itutuloy pa rin natin," sabi ko habang nakatingin sa cellphone. Pesteng, Blake! Istorbo talaga, binibwesit ako. Baka nalaman niyang may milagro kaming ginagawa.Nakabusangot siyang kumibit balikat. "
NICOLA Sumiklab ang malaking apoy sa dibdib ko nang makitang may ibang kausap na lalaki si Chandria. Hindi ako magagalit kung hindi malagkit ang pagtitig nito. "Chandria Mielle!" Tawag ko. Mabibigat na yabag ang ginawa ko papunta sa kanila. Eksakto rin ang pagsuot ng lalaki sa maskara niya. "What the hell are you doing?" Hinatak ko s'ya palapit sa 'kin. "What's your problem?" Balik tanong, nalakipan pa ng masamang tingin. "Ikaw!" Sigaw ko sa mukha niya. "Ba't ka nanlalaki kahit alam mong nandito ako?" Hindi ko na mailarawan ang mukha niya. Kulang na lamang ay kakatayin niya ako. "Pambihira ka, Nic! Nagkabangga lang kami. Naghingi ako ng sorry, nanlalaki na kaagad? Masyado ka namang seloso!" Alma niya. Ngumiwi ako. Nilakasan ko ang pagpisil sa kamay niya. "Kung makatitig ka parang kayo lang sa mundo. Umuwi na tayo, Chandria Hindi ko na nagugustuhan ito!" Winaksi niya ang kamay ko. Lumaganap ang itim na hamog sa mukha niya na nagpapatunay na umabot na sa limitasyon ang
Kumikislap ang mga mata ko nang pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa vanity mirror. Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili dahil pupunta kami sa auction. Mariin kong nilapat ang mga labi matapos lagyan ng lipstick. Pulang-pula ito gaya ng gusto ni Nicola saka pinaresan ko ng pulang dress na kumikinang sa liwanag.Una akong nanaog ng hagdan. Di ko hinintay si Nicola dahil nasa banyo pa siya. Hindi makapagpasya kung ano ang susuotin. Mas higit siya sa babae sa kaartehan, nakakaasar minsan.Huminto ako sa salamin ng sala. Sinugarado ko ang mukha kung pasok ba ang make-up ko para sa gabing ito. Humugot ako ng malalim na hininga sabay akma na susuotin ang maskara nang biglang may yumakap sa beywang ko. Nanayo ang balahibo ko sa mainit na hangin na dumapi sa batok ko. Namilog ang mga mata ko nang kumislap ang flash ng camera. Camera ng Iphone ni Nicola. "You're gorgeous," bulong niya na kinayanig ng puso ko. Nagwawala sa kilig ang sistema ko."Pero—"Ayos na sana kung wala ang pero.
CHANDRIA Nanakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ang mga luha. Nasa sitwasyon ako ng matinding emosyon at nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.Naikuyom ko ang mga palad, napako sa kinatatayuan. Nasa maaliwalas na sala kami ng mansyon ng Callagry. Kagaya ko ay mistulang bato ang mga magulang ko. Nahihirapan silang tignan ako ng deretso sa mga mata.I crossed my arms, and my jaw tightened as I took at them. "Chandria... h-hindi ko alam kong paano ko sisimulan," pasimula ni Mom. Sinubukan niya akong tignan. Tumango ako para ipahiwatig na nakikinig ako."Ilang taon akong binubulag ng pride ko. I believed Marga because... because it was easier to trust her than to question myself. I failed you as a mother."Mataimtim akong tinignan sa mga mata ni Dad. "We failed you, Chandria. May karapatan ka para kamuhian kami. Pinili namin makinig sa kasinungalingan ni Marga. Pinagdudahan ka namin kahit na ikaw mismo ang anal namin... at ano ito? Para sa katahimikan? Para maiwasan ang gulo
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n