CHANDRIA"Oh, damn! This shitty pieces of trash. What the hell are you doing?!"Kinakapos ang hiningang singhal niya.Awtomatikong kumulo ang dugo ko nang matanto kong si Marga ang walang modong nagmura sa harap ng mga anak ko. Sarap suntukin ng bunganga niya dahil tinawag niyang basura ang mga anak ko. Nasa pintuan siya ng sala at basang-basa ang damit. Nanginginig siya sa galit habang binabatuhan ng matatalim na tingin ang mga anak ko."Hindi mga basura ang mga anak ko. Simpleng basa lang eh, akala mo nasira na ang buhay mo,"asik ko.Tumakbo palapit ang tatlo sa'kin saka kumapit sa damit ko. Ramdam ko ang kaba nila at pagsinghap kasi may takot sila sa bruha bagamat ilang beses ko sabihin na wala silang dapat ikatakot.Kumibit-balikat si Marga."Oh come on, Chandria. H'wag kang magpanggap, totoo namang mga basura sila... hindi pala sila kundi kayo. Literal kayong mga basura na nakikisiksikan sa pamilyang to!""Watch your fucking mouth, Marga!"Babala ni Atlas. Di ko namalayan na sumusun
NICOLA Nakaupo ako sa gilid ng kama, naaningan ko ang silid sa tanging liwanag ng bedside lamp. Maingat kong sinusuri ang magazine ng baril bago nilagay sa holster sa ilalim ng aking blazer. Binibigyan ako ng kapanatagan ng malamig at mabigat na armas na sukbit ko.Timindig ako habang binubutones ang aking blazer, pinantay ang gusot bago binuksan ang pinto. Humugot ako ng malamim na hininga bago lumabas. Dinig ko ang bawat yabag ng aking paa sa marmol na pasilyo, malakas ang tunog ng sapatos ko habang papalapit sa garahe.When I reach the garage, the lights flickered on automatically, revealing my collection of pristine vehicles. Walang-wala ito kay Phoenix pero sapat na para tawagin akong bilyonaryo. Ginala ko ang tingin kaso wala akong nagustuhan sa kanila, hindi ang itim na Roll Royce o ang Ferrari ang nagpaalindog sa akin kundi sa halimaw sa sulok-ang malaki kong motor.Ngumisi ako, tumibok ang puso sa kulay itim at nakakatakot na kumikinang na motor. Nilapitan ko kaagad saka kin
NICOLAPangalawang araw ko sa kompanya matapos kong magbakasyon ng tatlong taon. Sinalubong ako ng pamilyar na tunog nang pumasok ako sa dambuhalang salamin na pintuan ng aking lending company. Kuminang ang marmol na sahig sa liwanag ng flourescent light, at umalingawngaw ang tunog ng telepono at mahinang pag-uusap ng mga empleyado.I adjusted my cufflinks, a habit I couldn;t shake, and make my way to the office floor.Napagpasyahan kong ikutin muna ang lahat ng department bago tumungo sa aking opisina. Isa-isa ko silang binati at nagkipag-kwentuhan saglit. Huminto ako sa huling destinasyon—ang Loan Processing and Underwriting Department. Nagkataon na di pala sila busy dahil maaga pa.The moment my presence registered, heads turned. Pati sila'y nasasabik na makita muli ako, tinuring kong pamilya ang lahat ng empleyado kaya wala sa'min ang hiyaan. Lumaganap ang bulungan kabuan ng silid, at ilang sandali ay nasa paligid ko na sila."Sir Nicola!" Tawag ng isa, nababalot ng gulat at tuwa
CHANDRIA"I-Ikaw si Nicola Henderson?"Kinakabahan kong tanong.Namungay ang kanyang mga mata kasabay ng pagguhit ng mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Pumintig ng mabilis ang aking puso. Kasalukuyang nasa elevator kami. Tila maiihi ako sa nerbyos matapos niya akong yakapin. Inakala kong hina-harass niya ako dahil biglang nawala ang kuryente. Nasa abuhin niyang mata ang sensiradad."How do you know me?"Matigas, buo at malamig na boses na balik tanong.Ang kaninang takot ay naging maangas. Ang saklap kasi di ko naalala ang mukha niya sa personal. Pasulyap-sulyap lang ako sa litrato niya noon. Ibang-iba pala siya kapag naka-close encounter. Kinabahan ako sa mala-adonis niyang kagwapuhan. Gustong-gusto ko ang medyo singkit niyang mga mata.Napalunok ako ng malalim. "Ah-"Hindi natapos nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Binaling niya ang atensyon sa paglabas. Natataranta akong sinundan siya. Tinampal ko ang pisngi, sinabi sa sarili na panindigan ang desisyong sabihin sa kanya ang
CHANDRIAKanina pa ako naiinis sa walang humpay na pagmumura ni Nicola Henderson. Nahimasmasan siya kanina at ngayon sinamahan niya akong tumungo sa mansyon ko para ipakilala sa kanya ang tatlo. Natatakot akong mahimatay uli kapag makita niya ang mga anak. Nakaupo ako sa back seat ng sasakyan niya. Sumasakit ang tainga ko habang panay ang silip sa kanya sa rearview mirror. Natuklasan kong masungiti siya, ayos lang... kasi bawat pagsusungit niya ay gumagwapo siya. He's looking fucking hot.Inalis ko ang pagiging green-minded saka kumibit-balikat. "Kailan ka ba titigil ng magic words mo?" Pambabasag ko sa kanya."Magic words?"Taka niyang tanong.Ang slow niya. "Pagmumura! Nabibingi ako kakakinig sa iyo!""Damn! Sino ba ang di magugulat magkaroon ng mga anak? Okay lang sana kung isa pero tatlo!"Awtomatiko niyang sumbat na kinasalpok ng kilay ko."It's called a blessing! Tsaka kasalanan mo rin kasi ang dami mong bala no'ng araw,"naiinip kong tugon."F*ck! Pinanganak ka sigurong malusog
NICOLAKakaalis ko lang sa Henderson Enterprises company building, sumakay ako sa bagong ferrari ko. Medyo iritable dahil walang magandang advice si Mikhael sa akin. Nagsayang lang ako ng laway sa pagmamakaawa sa kanya. Nagdadalawang isip pa rin ako kung aakuin ko ba ang responsabilidad kasi di pa rin ako makapaniwala na may triplets ako. Gayunpaman, masaya ako na muli kong nakita si Chandria, ang babaing laman palagi ng panaginip ko kaso nadismaya ako dahil hindi siya kasing ganda noon. Di bale, nandyan pa rin ang coca-cola body niya at kumikislap na mga mata.She’s my type—at least in terms of physical appearance. But it’s more than that. I like the way she grimaces when something doesn’t go her way, as if the entire world dared to cross her. And that shift, when her annoyance melts into a reluctant smile, even though she’s clearly trying to stay mad? It’s impossible to ignore. I want to know her beyond those moments. Truth is, I can’t go a second without thinking about her.Nagulo
NICOLAKumapit siya sa pintuan saka nakakalokong ngumisi sa akin. Tumingin ang mga dumadaang empleyado sa'min. Kaswal akong ngumiti habang pinapatuloy ang pag tulak sa kanya palabas."You're greatest distraction,huh?""Enough and go home!""No!" Tinuwid niya ang tindik at tinaboy ang kamay ko. "Umuwi ka na at wag nang matigas ang ulo.""Hindi ako uuwi hangga't di mo ako secretary!"Talunan akong binagsak ang mga balikat. Bumuntong hininga at tumingin sa malayo. "Fine, I'll do what you want. But you should prove me you're qualified, I don't want you to use my triplets as an excuse."Ngumisi siya, hayagan ang satisfaction. "Oo naman!" Nasasabik niyang saad sabay kindat. "Kailan ba ako magsisimula.""Puntahan mo si Troy agawin mo ang pwesto niya at sabihin mong mag-retire na siya,"tinatamad kong instruction.Pigil siyang tumawa. "Opps.. bigla akong na-guilty pero kailangan ko 'to eh,""Pero dapat mo siyang bayaran. Tutal may pera ka naman kaw na ang magbabayad,"sabi ko sabay tingin sa k
CHANDRIASinasara ko ang butones ng damit ko habang lumalabas kami ng kampbal sa mansyon. Today was supposed prefect dahil unang araw ko bilang secretary ni Nicola, at lalong lalo na ito ang unang araw na titira kami sa nag-iisang bubong. Nagawa ko siyang pikutin kagabi. Mas bongga ang mansyon niya kesa sa mansyon ng Callagry at halatang nagustuhan ng tatlo.Maingay kaming pumwesto sa grand pavillion, malapad ang ngiti kong chini-check ang uniporme nila. Panay ang bungisngis at hila sa blusa ko."Behave,"saway ko habang pinasusuot sa kanila ang backpacks. Wala akong nagawa sa kakulitan nila kundi ang tumawa. Matagal kaming naghintay sa kanya sa driveway, nalulundag ang kambal sa stone steps habang nagkikwentuhan ng napanood nilang cartoons. Sinipat ko ang wrist watch. He should be out any minute. Bakit ganito? Nauubusan ako ng pasensiya. Ini-expect ko pa naman na ililibre niya kami ng sakay sa Ferrari niya. Mayamaya narinig ko ang ingay ng sasakyan niya, nagalak kami. Subalit nagulat
NICOLA "Someone is weird today." Huli-huli ng tenga kong puna ni Paolo sa'kin. Nasa maaliwalas na coffee shop kami. Sinasala ng malaking glass window ang liwanag ng araw. Abala ako sa pagsimsim ng black coffee, tensyonado naman sa pagpindot si Paolo sa phone niya at kalahating nakatago si Blake sa hawak niyang dyaryo. Nangibabaw ang banayad na konbersasyon ng mga tao at ang ingay ng kumakansing na mga tasa sa hangin."Sino'ng weird?" Patay-malisya kong tanong. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.Binaba ni Blake ang dyaryo niya at niregaluhan niya ako ng ngiti. "What's with you today, huh? Parang baliw kang tumatawang mag-isa d'yan.""Yeah, spill it, Nico!" Segundo ni Paolo na tila binabasa ako.Ngumisi ako. Gusto kong gawing suspense muna."Dude, you've got that 'I know something you don't' face. That's unnerving," alma niya.I chuckled, and then I took another sip of my coffee. "What? Di ba pwedeng mag-enjoy ang tao ng kape niya na may kapayapaan?""I hate that cryptic look...""Yo
CHANDRIA "Bakit ba palaging may distractions? Nasa punto na ako eh kaso parang ayaw nilang matuloy," malungkot kong tanong sa sarili pagkatapos ihatid sa kwarto ang triplets at pinatulog sila.Dinalaw na ako ng antok kaya nawalan ako ng gana makipag-ano kay Nicola. Nanlulumo akong umupo sa kama habang isa-isang tinatanggal ang butones ng blusa ko. Naka-bra na lang ako nang lumabas sa banyo ang lalaki ko. Tinatanggal ko ngayon ang hikaw at kwentas ko.Nanliit ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin."Next time na lang, Nic. Pagod na ako," sabi ko sabay tihaya sa kama.Kumaibabaw siya sa akin. Kinilig ang kiffy ko sa mahalimuyak niyang after shave. Sumasabog ang pagiging lalaki niya. Naka-tapis lang siya at anumang oras ay handa niya akong pasukin."Hindi ako naniniwala. Pwede rin nating gawin iyon. Mabilis lang." Tumulo ang tubig mula sa basa niyang buhok sa mukha ko.Napapikit ako. Para akong sasabog, pinipigilan ko ang sarili ko pero malakas ang pang-aakit niya.Tinulak
CHANDRIASiguro, kino-consider ko na, ito ang pinakamasaya na nangyari sa buhay ko—ang makilala ang ibang myembro ng pamilya ni Nicola. Pakiramdam ko, bahagi na talaga ako ng buhay niya. Kilala na ako ng mga magulang niya at masaya ang mga kapatid niya na magkaroon ng bagong ate.Magalang akong pumasok sa bahay ni Althea, siya ang ina ng anak ni Mikhael at balita ko ay nagkahulugan na sila ng loob sa isa't isa. O baka huli na ako sa balita na mag-asawa na pala sila. Hindi ako nakapag-marites noong mga nakaraang araw. Di talaga ako binabalitaan ni Nicola, masyado niya akong inaabala sa araw-araw na gawain sa kompanya o baka nagkataon iyon ng problema ko kay Marga.Bitbit ang cute kong regalo ay sinalubong ko si Althea kasama ang triplets na may kanya-kanyang hawak na regalo para sa pinsan. Malapad ang ngiti niya, at biglang mabilis na pumintig ang puso ko. Para siyang hollywood actress na si Emma Watson, ang amo ng mukha at nakakatakot hawakan. Para siyang living doll. Marupok. Pero sa
NICOLA I gritted my teeth. Nasa punto na ako naipapasok ko na si manoy sa butas ni manay nang bilang tumunog ang cellphone ko. Huminto ako sa pagkiskis ng matigas kong pagkakalalaki para sagutin iyon. "Argh! What are you doing?" Reklamo niya. Akma kong abutin ang cellphone pero pinigilan niya ang kamay ko. "Let me answer this first," sabi ko. Bumakat ang frustration sa mukha niya. Alam kong nabitin siya at tila nawalan siya ng gana ngayon. "Mas importante pa ba iyan?" Naiinis niyang turan. Sumalpok ang kilay ko. "No idea. Pero sasagutin ko lang, istorbo eh." "Fine. I will end this," dagli niya saka bumalik sa kinauupuan. Umaapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang sinusuot ang damit. Wala na akong chance maka-score ngayon. Kawawa si Manoy. "Chanie, 'wag ka naman ganyan. Itutuloy pa rin natin," sabi ko habang nakatingin sa cellphone. Pesteng, Blake! Istorbo talaga, binibwesit ako. Baka nalaman niyang may milagro kaming ginagawa.Nakabusangot siyang kumibit balikat. "
NICOLA Sumiklab ang malaking apoy sa dibdib ko nang makitang may ibang kausap na lalaki si Chandria. Hindi ako magagalit kung hindi malagkit ang pagtitig nito. "Chandria Mielle!" Tawag ko. Mabibigat na yabag ang ginawa ko papunta sa kanila. Eksakto rin ang pagsuot ng lalaki sa maskara niya. "What the hell are you doing?" Hinatak ko s'ya palapit sa 'kin. "What's your problem?" Balik tanong, nalakipan pa ng masamang tingin. "Ikaw!" Sigaw ko sa mukha niya. "Ba't ka nanlalaki kahit alam mong nandito ako?" Hindi ko na mailarawan ang mukha niya. Kulang na lamang ay kakatayin niya ako. "Pambihira ka, Nic! Nagkabangga lang kami. Naghingi ako ng sorry, nanlalaki na kaagad? Masyado ka namang seloso!" Alma niya. Ngumiwi ako. Nilakasan ko ang pagpisil sa kamay niya. "Kung makatitig ka parang kayo lang sa mundo. Umuwi na tayo, Chandria Hindi ko na nagugustuhan ito!" Winaksi niya ang kamay ko. Lumaganap ang itim na hamog sa mukha niya na nagpapatunay na umabot na sa limitasyon ang
Kumikislap ang mga mata ko nang pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa vanity mirror. Kasalukuyan kong inaayusan ang sarili dahil pupunta kami sa auction. Mariin kong nilapat ang mga labi matapos lagyan ng lipstick. Pulang-pula ito gaya ng gusto ni Nicola saka pinaresan ko ng pulang dress na kumikinang sa liwanag.Una akong nanaog ng hagdan. Di ko hinintay si Nicola dahil nasa banyo pa siya. Hindi makapagpasya kung ano ang susuotin. Mas higit siya sa babae sa kaartehan, nakakaasar minsan.Huminto ako sa salamin ng sala. Sinugarado ko ang mukha kung pasok ba ang make-up ko para sa gabing ito. Humugot ako ng malalim na hininga sabay akma na susuotin ang maskara nang biglang may yumakap sa beywang ko. Nanayo ang balahibo ko sa mainit na hangin na dumapi sa batok ko. Namilog ang mga mata ko nang kumislap ang flash ng camera. Camera ng Iphone ni Nicola. "You're gorgeous," bulong niya na kinayanig ng puso ko. Nagwawala sa kilig ang sistema ko."Pero—"Ayos na sana kung wala ang pero.
CHANDRIA Nanakit ang lalamunan ko habang pinipigilan ang mga luha. Nasa sitwasyon ako ng matinding emosyon at nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.Naikuyom ko ang mga palad, napako sa kinatatayuan. Nasa maaliwalas na sala kami ng mansyon ng Callagry. Kagaya ko ay mistulang bato ang mga magulang ko. Nahihirapan silang tignan ako ng deretso sa mga mata.I crossed my arms, and my jaw tightened as I took at them. "Chandria... h-hindi ko alam kong paano ko sisimulan," pasimula ni Mom. Sinubukan niya akong tignan. Tumango ako para ipahiwatig na nakikinig ako."Ilang taon akong binubulag ng pride ko. I believed Marga because... because it was easier to trust her than to question myself. I failed you as a mother."Mataimtim akong tinignan sa mga mata ni Dad. "We failed you, Chandria. May karapatan ka para kamuhian kami. Pinili namin makinig sa kasinungalingan ni Marga. Pinagdudahan ka namin kahit na ikaw mismo ang anal namin... at ano ito? Para sa katahimikan? Para maiwasan ang gulo
NICOLAHinila ako ang siko ni Chandria nang pagtangkaan siyang hablutin ni Marga. Nanginginig siya sa galit at parang gustong sabunutan si Marga."Enough, Marga! You've already done horrible things! I won't let you hurt her again. Hindi mo lang siya pinagbintangan kundi sinaktan pa. Hindi lang estafa ang ikakaso sa'yo kundi patong-patong na kaso na magpapabulok sa'yo sa bilangguan habambuhay!" Malalim at matalim kong bulyaw.Hindi siya natinag kundi ginawaran lamang ako ng umaapoy ng tingin. "Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! Inosente ako at gusto ko lang umunlad itong kompanya. Manloloko ang babaeng iyan! Gusto niya lang makuha ang simpatya niyo!" nangagalaiti niyang turan.Kinagat ni Chandria ang ibabang labi. "Hindi ko ginagamit ang simpatya ng iba. Sadyang tinutulungan ako ng Maykapal para ilalad ang pagsasamantala mo sa pamilya ko. Wala kang utang na loob, minanipula mo ang mga magulang ko. Ninakaw mo ang pera namin tapos sisirain mo ako para pagtakpan ang krimen mo. Sa takot m
NICOLA "Good job, bro," sabi ko kay Paolo nang tinapik ko ang balikat niya.Nandito kami sa labasan ng airport, sinasamahan ang mga pulis matapos nilang hulihin si Autumn. Muli ko siyang nakausap nang malaman ko na magkaibigan sila ni Chandria. Hindi ko sukat akalain na tatraidorin niya ito dahil sa pera. Nakilala niya si Marga dahil naging kaklase ito noong college sila. Parehong Business Administration ang kinuha pero dumiretso ng pagiging lawyar ang bayaw kong hilaw."Parehong-pareho kayo ni Chandria, may mga taong gusto kayong sirain. Sana mawala na ang mga ahas sa paligid niyo. Hindi ko maatim ang gano'ng gawain," komento ni Paolo.Tumango ako. Pinatong ko ang isang kamay sa itaas ng kilay habang pinagmamasdan ang pulis na pinapasok si Autumn sa sasakyan."At sana hindi ka rin maging katulad nila," biro ko.Matalim niya akong tiningnan. "Malabo akong maging ahas, sa sobrang honest ko, ikaw na lang ang maiinis. Saka hindi ko ipagpalit ang tulad mo. Mahirap hanapin ang red flag n