Brenda “Angela…my God, besh…kumusta?” tanong ko pa kinaumagahan nang nadatnan ko siya sa sala. “Ikaw ang kumusta. Nasaan pala ang guwapo kong inaanak. Naku besh, gusto kong makita ng personal si Atlas,” sabi nito inilibot pa ang tingin sa paligid. “Wala nga sa tabi ko paggising ko ngayon. Baka kasama ng Tita Anaren. Bakit nga pala hindi ka kahapon nagpunta. Tara sa kitchen. Kape muna tayo roon at doon natin ituloy ang chismisan.” “Besh nong gusto mo? Black coffe o mayroon creamer?” tanong ko pa ng nasa dining area na kami. “No thanks besh, tapos na ako sa bahay. Tanghali na nga tulog ka pa rin,” saad nito. “Tanghali? Woi alas-siyete pa at ngayon nga lang din ako late nagising sinusulit ko ang bakasyon ko rito.” Kalimitan kasi ang gising ko sa Catbalogan kapag alas sais ng umaga ay late na ako niyan. Pinakamaaga naman 5:00 a.m. kapag daming kong work load. Sa hindi nakakaalam I have a job. Yes, work from home nga lang, dahil bawal naman ako sa office pumunta. Mabuti rin pinaya
Mattheus “Kumusta pala ang paghahanap kay Brenda? Wala pa rin bang balita?” tanong ng kakambal ko sa ‘kin. Umiling ako dahil hanggang ngayon wala pa rin talaga. “Until now hinahanap ko siya. Wait, why are you asking me? Do you have an update on her?” balik tanong ko sa kaniya kasi na curious ako kung bakit tungkol agad kay Brenda, ang binuksan nitong kwento kung wala itong ibig sabihin. Alam ko kasi tinutulungan niya ako sa paghahanap kay Brenda. Naitanong ko lang baka mayroon itong lead na p'wedeng pag taguan ng babaeng minamahal. I'm also curious because, despite the fact that the private investigator I hired is skilled at hiding, I'm unable to locate it and am not receiving any leads that would help me locate the woman I love. “Baka naman kasi nagpabaya ka na ngayon—” Sinamaan ko siya ng tingin tinawanan lang ako ng kakambal ko talagang sinasadya akong buskahin. “Init talaga ng ulo mo. Relax, parang nagtatanong lang,” “Alam mo naman, tol. Wala akong tigil maghanap sa
Mattheus “Nasa bahay siya ni Ms. Anaren. Alam mo ang hina mo. Naturingan kang matalino mahina ang pakiramdam mo. Puntahan mo na sa bahay ni Ms. Anaren. Bago pa ito makarating kina Dad. Yare ka naman baka hindi lang sapak ang abutin mo roon ayaw noon ng may bastardong, Martinez.” “Sira ka ba? Sabi mo may asawa na?” singhal ko sa kakambal ko. “Anak n'yo ni Brenda, kamukha nating dalawa. Kahit nakuha ang kilay kay Brenda pero kuhang-kuha ang mukha natin noong maliit pa tayo. Alamin mo paano kayo nagkaanak ni Brenda. Kasi ako nga rin nagtataka paanong nangyari nagkaanak kayo kung nalaglag ang anak n'yo,” “Iisa lang ang ibig sabihin niyan. Galit na galit siya sa ‘kin para makaganti siya. Pinalabas na wala na kaming anak para saktan niya ako ng sobra.” “Kaya nga kumilos ka na ngayon. Mamaya niyan makatakas ulit sa ‘yo. Kawawa ka naman. Another three years ba ulit bago ka magka lovelife. Baka mabigat na iyang k*****a mo wala ng kaldag,” “Fvck!” saad kong hindi ako makapaniwala sa kaniya
Mattheus Nagpasya akong puntahan na si Brenda sa bahay ni Ms. Anaren. Hinubad ko na ang coat ko at maging ang kurbata ko. Iniwan kong nakasabit sa upuan. Ang panloob kong long sleeve polo ang tanging isinuot ko na lang pagkatapos dinampot ko na ang aking laptop. Bago pa akong lumakad may kumatok na sa pinto. Kaya napilitan akong sagutin iyon kahit tinatamad akong magsalita ngayon. “Sino ‘yan!?” pa sigaw na sagot ko kung sino man nasa labas. Nanatili akong nakatayo sa likuran ng swivel chair ko. “Sir President, Sir Vidal is here papasukin ko na po ba?” saad ni Ms. Aranya. Inutusan ko nga pala itong papuntahin ang head ng talent agency na si Mr. Vidal. Damn kung kailan aalis ako ‘tsaka naman ito dumating. Napilitan akong bumalik ulit sa upuan at umayos ng upo. Tumingin ako sa bisig ko kung saan naroon ang aking relo tumingin ako kung anong oras na. Kakausapin ko lang si Mr. Vidal aalis din agad ako. Hindi na ako makapag-antay na puntahan ko ang mag-ina ko. Dammit ang saya
Brenda “Naku 'nak, next time ‘wag po basta-basta tatanggap ng gift sa hindi kilala na tao, ha?” pakiusap ko pa kay Atlas, sabay nakanguso pa ako upang magmukhang kawawa sa paningin niya. “Mommy, ‘wag po mag-worry. I know him, po. He is the guy at the airport," tugon nito sa ‘kin na kinataranta ko. “S-si Matthias?” bulong ko lang ngunit narinig ni Angela at Atlas. Kaya alanganin ang ngiti ko sa kanilang dalawa. "Oh? Is that his name, Mommy? His nice naman po eh at mukha rin po siya mabait.” Napalunok ako samantala si Angela kinuhit ako. May meaning ang ngisi ng kaibigan ko. Sinamaan ko siya ng tingin upang bigyan ng babala na ‘wag na siyang umepal baka sabihin pa niya kilala ko talaga si Matthias. “Mommy, sabi po ni pogi. Kilala ka raw po n'ya ‘wag daw po ako matakot.” “Sinabi niya iyon?” “Opo,” Bigla akong napakamot sa buhok ko. Letse! Confirm nga si Matthias iyon. My God…paniguradong ni report na nito sa gago niyang kapatid ang tungkol sa ‘ming mag-ina. Kailangan ko
Brenda “Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo—” "Marami, Brenda! Kasama na roon ang anak natin," Nanlaki ang mata ko nang mabilis n'yang pinaharorot ang kotse. Natakot ako baka kung saan niya ako dadalhin. Bayolente akong napalunok. Nag-iisip ako kung anong gagawin ko para huminahon ito talaga nga galit si Mattheus. Kahit sa pagbusina talagang gigil si Mattheus para bang doon niya ibinuhos ang galit na mayroon siya ngayon. Mahahalata sa mahigpit niyang hawak sa manibela at kung makarereklamo lang iyon sa kaniya kanina pa siya pinagsabihan ng manibela nasasaktan na. “Please stop the car! I said stop the car! Ano ba Mattheus! Sabi ko ihinto mo itong sasakyan mo!” Mariing utos ko sa kaniya. Lumingon ako sa likuran namin nakalabas na kami ng subdivision. Baka hinahanap na ako ni Atlas. My God anong gagawin ni Mattheus sa akin. Saan ba niya ako dadalhin. Pwede kong sirain ang bintana at tumalon para makatakas lang sa kanya. No! Ako rin ang naghunos dili. Baka ang ending nito mati
Brenda Nanatiling nakaparada ang kotse ni Mattheus sa tabi ng kalsada. Wala sa amin gustong magsalita. Maya-maya si Mattheus sumandal sa upuan niya pagkatapos ay pumikit. Tulog na ba ito? Wala na ba talaga siyang balak na ibalik ako sa bahay ng Tita Anaren. Wala pa naman akong dalang phone kasi ihahatid ko lang naman si Angela sa labas. Pwede ko sanang kontakin ang Daddy ko upang puntahan kami rito ni Mattheus. Mariin akong napalunok. Kinapa ko ang labi ko napangiwi ako ng kumirot dahil sa paghawak ko. Paano ko ito itatago pag-uwi mamaya sa anak ko, maging sa Tita Anaren. I'm sure puputaktihin ako ng tanong ng Tita ko. Lalo na anak ko, matanong pa naman si Atlas, hangga't walang sagot na tama ulit-ulit nito ako uusisain. Bumuntonghininga ako nagpasya akong sabihin sa kaniya ang lahat. Hindi ko ipagkakait si Atlas sa kaniya ngunit hindi niya pwede kunin ang anak ko sa 'kin. Binagsak ko ang likuran sa sandalan ng upuan at mariin napapikit. Sandali ko rin lang iyong ginawa at t
Brenda Nang humupa na ang sama ng loob ko kay Mattheus. Doon ko lang narealize nakasandal na pala ako sa dibdib niya. Hindi lang basta nakasandal. Nasa kaniya na ang buong bigat ko parang nakahiga na ako sa kaniya. Bahagya akong napanguso ng napagtanto ko ang sweet ng posisyon namin ngayon. Para bang okay na kami. Parang kanina hindi lang ako humagulgol ng iyak sa aming pag-uusap. Okay na ba kami? Wala pa naman ito sinasabi na mahal niya ako. Mahigpit niya lang akong yakap. Nanatili sa baywang ko ang magkabila niyang palad. Maya't maya rin kahit nakadikit na ang likuran ko sa dibdib niya. Panay ako hinihila pa rin niya padikit sa kaniya. Nakapirmi ang palad ni Mattheus sa tiyan ko. Nakikiliti ako kahit hindi naman malikot at ang balahibo ko nag tayayuan na, kapag minsan hinahaplos niya ang aking tiyan. Panay nito buntonghininga at hinahalikan din ang buhok ko. Tumikhim ako gusto ko ng umayos ng upo naramdaman siguro ni Mattheus hindi ako mapakali. Kasi nag lumikot ako niyuko
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.
Andrea Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Erica. Sa mommy niya kami lumapit ni Atlas. Ganun pa rin tulala pa rin si Olivia. Bumuntonghininga ako sana lang hindi lang siya umaarte. Sa kabilang banda gusto kong gumaling agad si Olivia para sa mga anak niya. Nakita ko si Erica, nasasaktan sa nangyari sa mama niya kahit wala itong banggitin nagsasabi ang malungkot nitong mata. Nang tumingin ito sa mama niya bago sumakay sa taxi naluha si Erica. Dumating din pala ang kaibigan ni Atlas na head director ng rehabilitation center. Sinundo si Olivia. Si Atlas siguro ang tumawag kanina kasi marami naman tinawagan bago kami pumunta rito. May kasamang anim na mga nurse. Dalawang babae at apat na lalaki. Van ang dala naisakay na sa loob si Olivia ngunit nakasarado naman ang pinto at napalibutan siya ng apat na lalaking nurse. Kausap pa ni Atlas ang kaibigan n'yang head director. Maraming bilin si Atlas. Soon dadalaw kami. Baka kailangan din kasama si Erica sa pagdalaw para hindi maramda
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang