Mga labs readers. Si Aaron Chong po sa story ng ISANG GABI SA PILING MO. Kung hindi n'yo pa po nabasa. Completed na po siya mga Madam
Mattheus Nagpasya akong puntahan na si Brenda sa bahay ni Ms. Anaren. Hinubad ko na ang coat ko at maging ang kurbata ko. Iniwan kong nakasabit sa upuan. Ang panloob kong long sleeve polo ang tanging isinuot ko na lang pagkatapos dinampot ko na ang aking laptop. Bago pa akong lumakad may kumatok na sa pinto. Kaya napilitan akong sagutin iyon kahit tinatamad akong magsalita ngayon. “Sino ‘yan!?” pa sigaw na sagot ko kung sino man nasa labas. Nanatili akong nakatayo sa likuran ng swivel chair ko. “Sir President, Sir Vidal is here papasukin ko na po ba?” saad ni Ms. Aranya. Inutusan ko nga pala itong papuntahin ang head ng talent agency na si Mr. Vidal. Damn kung kailan aalis ako ‘tsaka naman ito dumating. Napilitan akong bumalik ulit sa upuan at umayos ng upo. Tumingin ako sa bisig ko kung saan naroon ang aking relo tumingin ako kung anong oras na. Kakausapin ko lang si Mr. Vidal aalis din agad ako. Hindi na ako makapag-antay na puntahan ko ang mag-ina ko. Dammit ang saya
Brenda “Naku 'nak, next time ‘wag po basta-basta tatanggap ng gift sa hindi kilala na tao, ha?” pakiusap ko pa kay Atlas, sabay nakanguso pa ako upang magmukhang kawawa sa paningin niya. “Mommy, ‘wag po mag-worry. I know him, po. He is the guy at the airport," tugon nito sa ‘kin na kinataranta ko. “S-si Matthias?” bulong ko lang ngunit narinig ni Angela at Atlas. Kaya alanganin ang ngiti ko sa kanilang dalawa. "Oh? Is that his name, Mommy? His nice naman po eh at mukha rin po siya mabait.” Napalunok ako samantala si Angela kinuhit ako. May meaning ang ngisi ng kaibigan ko. Sinamaan ko siya ng tingin upang bigyan ng babala na ‘wag na siyang umepal baka sabihin pa niya kilala ko talaga si Matthias. “Mommy, sabi po ni pogi. Kilala ka raw po n'ya ‘wag daw po ako matakot.” “Sinabi niya iyon?” “Opo,” Bigla akong napakamot sa buhok ko. Letse! Confirm nga si Matthias iyon. My God…paniguradong ni report na nito sa gago niyang kapatid ang tungkol sa ‘ming mag-ina. Kailangan ko
Brenda “Wala akong dapat ipaliwanag sa ‘yo—” "Marami, Brenda! Kasama na roon ang anak natin," Nanlaki ang mata ko nang mabilis n'yang pinaharorot ang kotse. Natakot ako baka kung saan niya ako dadalhin. Bayolente akong napalunok. Nag-iisip ako kung anong gagawin ko para huminahon ito talaga nga galit si Mattheus. Kahit sa pagbusina talagang gigil si Mattheus para bang doon niya ibinuhos ang galit na mayroon siya ngayon. Mahahalata sa mahigpit niyang hawak sa manibela at kung makarereklamo lang iyon sa kaniya kanina pa siya pinagsabihan ng manibela nasasaktan na. “Please stop the car! I said stop the car! Ano ba Mattheus! Sabi ko ihinto mo itong sasakyan mo!” Mariing utos ko sa kaniya. Lumingon ako sa likuran namin nakalabas na kami ng subdivision. Baka hinahanap na ako ni Atlas. My God anong gagawin ni Mattheus sa akin. Saan ba niya ako dadalhin. Pwede kong sirain ang bintana at tumalon para makatakas lang sa kanya. No! Ako rin ang naghunos dili. Baka ang ending nito mati
Brenda Nanatiling nakaparada ang kotse ni Mattheus sa tabi ng kalsada. Wala sa amin gustong magsalita. Maya-maya si Mattheus sumandal sa upuan niya pagkatapos ay pumikit. Tulog na ba ito? Wala na ba talaga siyang balak na ibalik ako sa bahay ng Tita Anaren. Wala pa naman akong dalang phone kasi ihahatid ko lang naman si Angela sa labas. Pwede ko sanang kontakin ang Daddy ko upang puntahan kami rito ni Mattheus. Mariin akong napalunok. Kinapa ko ang labi ko napangiwi ako ng kumirot dahil sa paghawak ko. Paano ko ito itatago pag-uwi mamaya sa anak ko, maging sa Tita Anaren. I'm sure puputaktihin ako ng tanong ng Tita ko. Lalo na anak ko, matanong pa naman si Atlas, hangga't walang sagot na tama ulit-ulit nito ako uusisain. Bumuntonghininga ako nagpasya akong sabihin sa kaniya ang lahat. Hindi ko ipagkakait si Atlas sa kaniya ngunit hindi niya pwede kunin ang anak ko sa 'kin. Binagsak ko ang likuran sa sandalan ng upuan at mariin napapikit. Sandali ko rin lang iyong ginawa at t
Brenda Nang humupa na ang sama ng loob ko kay Mattheus. Doon ko lang narealize nakasandal na pala ako sa dibdib niya. Hindi lang basta nakasandal. Nasa kaniya na ang buong bigat ko parang nakahiga na ako sa kaniya. Bahagya akong napanguso ng napagtanto ko ang sweet ng posisyon namin ngayon. Para bang okay na kami. Parang kanina hindi lang ako humagulgol ng iyak sa aming pag-uusap. Okay na ba kami? Wala pa naman ito sinasabi na mahal niya ako. Mahigpit niya lang akong yakap. Nanatili sa baywang ko ang magkabila niyang palad. Maya't maya rin kahit nakadikit na ang likuran ko sa dibdib niya. Panay ako hinihila pa rin niya padikit sa kaniya. Nakapirmi ang palad ni Mattheus sa tiyan ko. Nakikiliti ako kahit hindi naman malikot at ang balahibo ko nag tayayuan na, kapag minsan hinahaplos niya ang aking tiyan. Panay nito buntonghininga at hinahalikan din ang buhok ko. Tumikhim ako gusto ko ng umayos ng upo naramdaman siguro ni Mattheus hindi ako mapakali. Kasi nag lumikot ako niyuko
Brenda Hindi ko na kinausap si Mattheus. Baka madulas pa ako’t masabi ko sa kanya na Daddy ko si Aristeo Cornejo na pinagdudahan niyang lover ko. Bahala siyang mag-imbestiga ng sarili niya hindi ko sasabihin sa kaniya para lalo siyang magalit. Pagdating sa tapat ng gate ng bahay ni Tita Anaren. Sinubukan ko buksan ang pinto sa gilid ko. Baka kasi ngayon mabuksan ko na ito. Subalit naka lock pa rin pala kaya gigil kong nilingon si Mattheus. “Buksan mo na nga ito!” singhal ko pa sa kaniya. “Ipapasok ko sa loob, hon, sabay tayo bababa,” “Ha, dito na lang Mattheus,” laban ko sa kaniya ngunit nagbusina pa rin si Mattheus gusto talaga nitong makapasok sa loob ng bakuran ni Tita Anaren. “Dito na lang kasi! Sinabi ko naman pwede mo madalaw si Atlas. Sa sunod ka na lang dumalaw kay Atlas,” giit ko pa malay naman kung pumayag. “No! I want to see my son now; you can't stop me.” “Edi wow, hanep ka Mr. Martinez. Ang kapal mo talaga kahit kailan,” inis na sinandal ko aking likuran sa sandal
Brenda “Son? Me, anak po mo? Are you kidding man?” tanong ng anak ko at salubong pa ang kilay. Lihim akong napangiwi. Ngayon lang ito nagkaganito masungit. Proud ako pinalaki ko siyang magalang at mabuting bata. Kahit sa nursery pinapasukan niyang learning center. Wala akong problema mabait sabi ng titser nito. Higit sa lahat matalinong bata si Atlas. Hindi ko rin siya in-spoiled. Ngunit siniguro ko buong pagmamahal ko binigay ko sa kaniya. Kahit wala si Mattheus sa tabi niya. Hindi ko ipinaramdam kay Atlas na wala siyang ama kahit ako lang kaya ko maging ina at ama sa kaniya. Alam ni Atlas ang name ng Daddy niya pero hindi ko pinakita ang picture ni Mattheus. Mabuti lang hindi ito maurirat. Kasi one time nagtanong ito sa ‘kin. Kung anong itsura ng ama niya. I told him to look in the mirror. Kung anong makita mo. Kamukha kayo ng Daddy mo. Gano'n ang sabi ko kay Atlas na sinagot lang ako ‘okay I got it mom.’ Pero sabi ko mahal siya ng Daddy niya. Sa pagitan lang namin ng Dad
Brenda Kahit sungitan ni Atlas natatawa lang si Mattheus sa anak niya. Bumukas ang pinto ng main door sa bahay ng Tita Anaren. Lumabas ang Tita na seryoso ang mukha palapit sa ‘min. Shitty baka iniisip ni Tita Anaren, ako ang nakipagkita kay Mattheus. Kaya kasama kong dumating ang bipolar na ama ni Atlas dito sa bahay niya. Alam kong hindi ito galit kay Mattheus. Gusto lang nito ako iiwas na masaktan ulit. Sila ni Daddy tinatanong akong parati kapag dumadalaw sila sa amin ni Atlas sa Catbalogan. Kung wala raw ba akong balak makipag-usap kay Mattheus. Kasi nga may anak kami. Kailan ko raw balak sabihin na may isa kaming anak. Naiintindihan ko ang gusto nila iparating sa ‘kin. Ayaw nilang ipagkait ko kay Atlas na makita si Mattheus. Para naman sa ‘kin. Parati ko rin sagot sa kanila. Kung anong kalooban na mangyare at kung dumating ang araw na magkita ulit kami ni Mattheus. Hindi ko naman itatago si Atlas sa kaniya. “Tita,” alanganin kong ngiti nang tuluyan itong makarating s
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyai
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “Iyan po ba ang gusto mo Dad, hindi na ako pupunta rito? Bahay ko rin po ito at gusto rin po kitang madalaw—” sabi ko pa dahil humabol ako sa kaniya ngunit nilampasan lang ako ni Dad. Inayos ko muna ang sarili ko. Naka labas na ako ng office ni Daddy. Ayaw ko makita ni Atlas ang hitsura ko na wala sa ayos. Though hindi ko maitatago sa kaniya ang namumugto kong mata at least maayos ang hitsura ko. Napangiwi ako ng salatin ko ang aking mata halata iyon namumugto ang takikap ko. Woah! Napabuga ako ng hangin sa bibig. ‘Okay Andeng! Kumalma ka. Nag-usap na kayong mag-ama at may sagot na siya. Malinaw naman na ang bagong asawa ng Daddy mo ang pinili. Kaya tanggapin mo na lang at ayusin ang pag-aaral mo. Tama. Pero hindi ibig sabihin na sumuko na ako. Hindi ibig sabihin na kalilimutan ko na si Daddy. Mag-aantay pa rin ako hanggang sa bumalik ang dating mapagmahal kong ama. Dumaan muna ako sa dining area bago ko ipasyang bumalik sa living room. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pagk
Andrea “Atlas,” pigil ko sa kaniya dahil namumula sa galit si Daddy. Ngunit hindi talaga ito magpapaawat sa halip kasi ay tumayo na ito inilahad ang kamay nito sa akin senyales na aalis na kami. “Let's go,” he said. Umiling ako kaya napabuntong hininga ito. "Baby?" aniya nagpipigil ewan kanino ito galit dahil malambing naman ang titig nito sa 'kin. “Gusto ko pang makausap ng masinsinan si Daddy,” wika ko kay Atlas. Humugot ito ng hangin pagkatapos tumango. “I'll wait for you here,” tugon nito binitiwan ang kamay ko. “Thank you. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Daddy. “Daddy please naman po. Mag-usap muna tayo ng masinsinan. Mahalaga po itong sasabihin ko kailangan mo itong nalaman,” wika ko ngunit naningkit anga mata ni Daddy hindi ako nagpatinag. “Tungkol saan nanaman ba ito ha, Andrea?” tanong nito at galit. “Sa office mo po dad. Pagkatapos ko itong masabi sa iyo. Nasa iyo po ang desisyon kung maniniwala ka sa ‘kin. Basta totoo po ang sasabih
Andrea “Daddy,” nakangiti ko pa sabi sa kaniya subalit hindi ako pinansin sa halip pumasok ito sa loob kaya nahiya ako kay Atlas hindi tuloy ako makatingin dito. Napayuko ako pinalooob ko ang buong labi ko upang hindi ako maiyak. Naramdaman ko humalik si Atlas sa buhok ko natigilan ako hindi ko lamang ‘yon pinahalata sa kaniya. “Ahm…pasensya na nakita mo pa ang kasungitan ni Dad,” ani ko wala naman akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Bakit niya ako hinahanap kay Vianca kung ganito pala siya malamig ang pakikitungo sa ‘kin. “It's okay. Kasama mo ako,” paalala pa nito. Tumango ako. “Salamat. Tara na pasok na tayo,” umangat ako ng tingin kay Atlas ng maayos na ako. Tahimik lang ito sumunod sa akin. Kasi bakit sumama pa ito ngayon ‘yan tuloy malalaman nito hindi kami okay ng ama ko. “Hey, okay lang ‘wag kang mag-alala,” narinig ko pa bulong nito. “Halika upo tayo,” nakangiti kong alok sa pangusong itinuro ang sala namin. Naroon na si Daddy nakaupo roon nakatalikod sa a
Andrea “Iyan na ang bahay namin,” turo ko kay Atlas ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Wala kaming guard kasi ang Nanay Fidelisa ang taga bukas kay Daddy at Mommy noon kapag papasok at uuwi galing trabaho. Kasi sila lang ni Daddy, ang mayroon kotse. Pero may susi ako sa maliit naming gate wala lang dito ngayon sa ‘kin kasi naroon sa backpack kong ginagamit pagpasok ng school. Alanganin akong ngumiti ng magbusina si Atlas. Wala kasi magbubukas ng gate. Seryoso lang ito nag-antay pa kami sa labas. Ewan ko kung nasa bahay si Daddy. Kung tawagan ko kaya. Pero baka nasa trabaho ito sayang naman ang punta namin ni Atlas, kung walang mangyari sa lakad ko. Inuna pa naman nito dito pumunta sa bahay kahit inaantay na ito ng Mommy nito. “Baka walang magbukas sa ‘tin,” naging tabingi ang ngiti ko kasi sampung minuto na kami sa labas ng gate. “W-wala yata ang Dad ko umalis na lang tayo," dugtong ko pa. “Antayin na lang natin ayos lang kahit mag-antay tayo," tugon ni Atlas pinas
Andrea Paglabas ng gate sa bahay ni judge Stewart. Kumaripas ng patakbo sa kotse niya si Macarius. Na welcome naman niya ako sa family nila pagkatapos umalis na may meeting daw ito sa trabaho sabi ni Atlas. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Senyales na mayroong bagong pumasok na text. Tumingin si Atlas sa ‘kin wala naman sinabi ng kunin ko sa bag ang cellphone ko. Bigay rin ni Atlas itong dala kong shoulder bag. Bago kami umalis sa condo unit nito inabot niya sa ‘kin. Kaya pala hindi ko napansin sa loob ng k'warto kasi nasa sofa kanina. Ibinigay niya sa ‘kin ng palabas na kami ng condo. Vianca: Andeng? Nag-reply agad ako upang alamin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Ako: Besh? Yeah, pupunta ako mamaya. Sa bahay n'yo. May sagot agad ito sa ‘kin pagkasend ko ng reply sa kaniya. Pero ng mabasa ko ang text ni Vianca, kinalaki ng aking mata. Vianca: Galit na galit ang Daddy mo. Hinanap ka sa ‘kin. Ako: Oo, uuwi ako mamaya sa bahay bakit naman niya ako hahanapi
Andrea Pagbusina ni Atlas sa hinintuan naming matayog na gate. Agad iyon bumukas. Inaasahan na yata ang aming pagdating dahil wala ng tanong, tanong. Kung sino ang nasa labas. Mayroon agad sa loob nagbukas. Usually dapat kapag ganitong mayaman. Alam ko inaalam muna ng duty guwardiya kung sino ang dumating na bisita. Dito kay Atlas. Hindi naman niyon ginawa sumaludo pa nga kay Atlas, animo kilala siya ng dalawang g’wardiya ng pumasok ang sasakyan niya sa malawak na bakuran ng bahay ni judge. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Salubong na ang kilay ng pinsan ni Atlas, naiinip nakaupo sala may kasamang may-edad na lalaki. Naisip ko ito na yata ang judge na tinutukoy ni Atlas, na siyang magkakasal daw sa ‘min. Parang kasing edad ni Daddy o mas matanda hindi lang gaanong malaki base lang naman sa nakikita kong itsura nito. Ang tinutukoy ni Atlas na pinsan. Ang lalaki pala roon na kasama niya roon sa Okada. Tinitigan ko magkamukha pala sila ni Atlas kahit magpinsan lang. Hindi k