Brenda“Sorry!” ani ko bumalik sa upuan. Marami pa silang pinag-uusapan na mag-a-ama kaya matagal din kami nakalabas.Nahiya pa akong magpaalam sa Tita Marycole ng maiwan sila sa loob ng conference ni chairman. Kasi niyakap pa ako nito kapareho ni Lorelei.“Isuot mo iyong watch may terno iyon na earings. Si Mattheus ang bumili noon. Akin lang ang isang paper bag. Gucci shoulder bag, hija,” bilin pa ni Tita Marycole na kinaawang ng labi ko.Bigla akong nag-angat ng tingin gusto ko kasi magpasalamat kay, Mattheus, pero ano ito nahihiya ba ang boss ko? Gusto kong tumawa kasi nag-iwas ng tingin sa ‘kin ang damuho.Waah...bago itong natuklasan ko sa amo ko ah. Ang masungit noon na Mattheus Martinez sa 'kin. Ngayon ay marunong din pala mahiya ang tukmol.“Bistado ka na tol! Kumanta na si Mommy, kaya amin, amin din,” pang-aasar dito ni Sir Matthias sa kaniya. Eh, magkalapit silang magkambal kaya pabiro nitong sinuntok sa balikat ni Mattheus.“Ang ingay ng bibig mo. Tumingin si Mattheus kay
Brenda Pagka-alis ni Sir Matthias at Lorelei. Hindi na nawala ang ngiti sa ‘king labi. Kung may makakikita sa ‘kin ngayon. Baka paghinalaan pa akong sinapian na dahil mag-isang nakangiti minsan pa mahinang tumatawa. Naisip kong sumilip sa dalang paper bag ni Tita Marycole. Ang isa ay mayroong nakasulat na galing kay Tita Marycole. Ang isa walang nakasulat kung kanino galing. Kaya iyong may nakasulat na ‘Tita Marycole’ iyon ang una kong sinilip. Nanlaki pa ang mata ko sa regalo ni Tita Marycole. Ang ganda ng Gucci bag. Grabe napamulagat ako sa tag price. Two thousand dollars. Nakalulula naman magpasalubong si Tita Marycole. Nakahihinayang tuloy gamitin. Sunod kong sinilip ang isang paper bag na bigay ni Mattheus. Napa ‘wow’ ako ng makita ko ang white gold Gucci, earings and watch. White gold pareho. Hindi ko na kailangan tanungin ang presyo kung magkano. Dahil sa katulad kong sekretarya lang. Isang taon kong sahod ang kailangan para mabili ito pareho. Sobra naman magpasalubon
Brenda Itinawag ko agad kay Angela, tapos na pirmahan ni Mattheus. Natuwa si Angela, dahil hinanap na nga raw sa kaniya ng boss niya. Kaya labis niya akong pinasalamatan. Sa Dami kong trabaho hindi ko namalayan uwian na pala kung hindi pa ako dinaanan ni Mattheus, siguro hanggang ngayon ay nasa harapan pa ako ng computer nakatutok sa files na encode ko. Daming trabaho wala pa akong nag kalahati ng na-encode. Hirap pala kapag matagal na absent dami ko ni review na mg flies mga appointment ni Mattheus. “Ayaw mo pa bang umuwi? Tayo na ihahatid kita sa ospital,” sabi ng naiinip na si Mattheus. “Wala kang lakad?” nilingon ko siya mabilis lang din kasi bumalik ako sa desktop ko upang iyon ay shutting down. “Wala, ikaw lang kasi ang gusto kong kasamang lumakad,” Bumungisngis ako umangat ng tingin sa kaniya. Biniro ko siya. “Baka naman mapagod ka kung sasamahan mo akong maglakad lang. Alam ko sanay kang naka kotse,” tinutukoy ko lakad talaga. Na-aamuse itong tumawa. “I enjoyed your g
Brenda “Salamat,” saad ko pagkalabas ko ng kotse ni Mattheus. Sa halip na isarado ni Mattheus ang pinto. Nanatili lang nakatayo sa harapan ko pagkatapos pinulupot ang isa niyang braso sa baywang ko. Kaya naman magkaharap kami sa bukas pang pinto ng kotse niya. Nagtataka akong tiningala ko ito upang tanungin kung may kailangan siya sa ‘kin bakit hinarang niya ako. Kahit sinong makakikita sa amin sa posisyon naming ‘yon. Iisipin na may relasyon kami ni Mattheus. Dagdagan pa gabi ngayon dahil alas-otso na ang oras. Sabihin pa sa tabi kami ng kalsada naghaharutan. Nakahawak ang isang braso ni Mattheus sa baywang ko habang ang isa naman ay nakapatong sa bubong ng kotse niya nakayuko ito sa ‘kin. Dapat hindi ko siya aantayin ipagbukas ako ng pinto. Hindi lang pumayag bago bumaba binilin antayin ko raw siyang makaikot kasi siya ang magbubukas sa 'kin. Gusto ko rin naman dahil minsan lang mag-feeling maganda. Edi grab nang grab ang Brenda, hangga't sweet at gentleman si Mattheus. “Matthe
Brenda“Hindi ka pa uuwi?” tanong ko kay Mattheus dahil mag-a-alas onse na ng gabi pero nakaupo pa rin siya sa sofa parang temang pinagmamasdan ako Ang dalawa kong Tiyahin, pareho ng naghihilik sa kani-kanilang p'westo, tanda na mahimbing na ang tulog ng dalawa. Kumain lang kami ng hapunan tapos nakatulog na ang dalawa.Hapon pa naman ang kinuhang flight ni Mattheus, para sa ‘min tatlo nila Tiya Agnes at Tiya Alona. Para daw hindi kami maghabol ng oras.After lunch pa kami aalis pa airport. Sakto rin bago dumilim nasa bahay na kami sa Samar. Bale two days lang ako roon iyon ang kinuha ni Mattheus.Okay lang din mabuti nga pinayagan pa ako kahit biglaan lang. Akala ko nga sasama pa. Mabuti hindi na. Dapat lang, kasi marami siyang trabaho. Baka magalit na si chairman kapag nalaman ito.Tumingala si Mattheus. Ngumiti ako sinuklay ko ang buhok niya napapikit ito ngunit sandali lang dumilat din agad, pinasadahan ako ng tingin.“Alam mo siguro na bukas na ang labas nila Tiyang, ano?” kasti
Brenda “Anong oras pupunta si Mattheus?” tinanong ako ni Tiya Agnes kasi alas-diyes y medya na ng umaga hindi pa rin dumarating si Mattheus. Oo nga naman maaga pa gumising ang dalawa kong Tiyahin. Pagdating ng alas-otso nakaaayos na sila. Para daw pagdating ni Mattheus dito sa ospital aalis na lang hindi na kailangan mag-antay ng matagal sa 'min. Ako nga rin naka bihis na rin. Iniisip lang ng Tiya Agnes. Baka maabutan kami ng traffic. Alam naman sa Maynila, traffic ang pangunahing dahilan ng mga biyahero. Tinawagan ko nga kanina hindi sinasagot. Hanggang natapos na lang ang ring ng phone ko walang sagot si Mattheus. Nagpadala rin ako ng text message kay Mattheus. I'm asking lang naman sa kaniya, kung tuloy siya o hindi. I'll understand naman he is busy, kaya aalis na lang kami commute na lang marami naman taxi sa labas. Kaysa mag-aantay sa kaniya anong oras na. Ayaw namin magsayang ng ticket kung hindi kami aabot kahit na barya lang iyan para kay Mattheus. Bukod doon. Nag-aalala
Brenda “Bakit nagpunta iyon unggoy na iyon dito?” tinanong pa ako ni Mattheus, pagkatapos hinapit ako sa baywang ko padikit sa kaniya. Pinatong ko ang magkabila kong kamay sa dibdib nito. Bumigat ang paghinga ni Mattheus, ng ipahinga ko roon ang palad sa dibdib niya. Kahit magaan lang naman ang palad ko. Pero ang bigat ng pagtaas baba ng dibdib niya dahil doon. “May pangalan kaya ang tao unggoy talaga?” pinalambing ko ang boses ko. “Sabi mo hindi ka na makikipagkita roon?” wika nito't pinaalala iyong sinabi ko sa kaniya, ng time galit ito at naging dahilan hindi ako nakasama sa pamanhikan ng mapangasawa ni Ms. Marrianne. Sasagutin ko na kaya lang mabilis niya akong hinalikan sa labi paano ako sasagot. Napunta ako tingin ko sa basa niyang labi. Lalo iyon namula dahil sa katatapos niyang paghalik sa ‘kin. “Sagot!” may pagbabanta sa boss nito. “Nagpaalam lang narinig mo nanam diba?” pangangatwiran ko. Akala ko naka move on na ito nang umalis na si Dean. Iyon pa rin pala ma
Brenda “I will call you when we arrive in Samar, okay?” pangako ko kay Mattheus. Kanina pa kasi malungkot ang damuho. Nadadala ako sa nakikitang lungkot sa kaniyang mga mata. Ngayon nga naibulong pa sa ‘kin gusto na lang daw niyang sumama. Ayaw ko lang panguhan kung ano ang amin ngayon ni Mattheus. But the truth is, I'm getting nervous. I'm the one falling for him. I'm falling too hard for Mattheus. Pero sana kung dumating ang time na hindi niya talaga ako magawang mahalin. Katulad sa pagmamahal ko sa kaniya. Sana lang hindi ako sobrang masaktan. Kasi, iniisip ko pa lang isang araw. Magigising ako na wala na siya sa tabi ko, ngayon pa lang nakakatakot na ako. Naiiyak na ako. “Anong iniisip mo, mmm?” tanong ni Mattheus tila binabasa niya ang nilalakbay ng isip ko. Umiling ako. Ngiti lang ang isinukli ko sa kaniya ngunit sa reaksyon nitong nakataas kilay. Duda akong ayaw n'yang maniwala sa ‘kin. “Hindi ako sasama ‘wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. I know you don't want
Andrea “Maxine naiintindihan kita. Pero wala ka bang balak hiwalayan si Paul? Matagal ka na rin naman nagtitiis sa kaniya. Kapag kusang loob naman ang binigay n'yang tulong. Hindi mo kailangang makonsensya. Basta ‘wag kang mahihiya magsabi sa ‘kin ha? Dahil sa abot ng aking makakaya. Handa kitang tulungan. Lakasan mo ang loob mo. Nasaan ang mataray Maxine mukhang bahag na ang buntot ngayon,” wika ko pa at pareho na kaming kumalas sa isa't isa. “Woi!” natawa ako ng sumibi si Maxine. Kaya naman muli ko siyang niyakap upang pakalmahin. Mas lalong lumakas ang iyak kaya hinayaan ko munang nakayakap siya sa ‘kin. Dumaan ang katahimikan. Parang nahimasmasan na si Maxine. Wala ng tunog ang hikbi nito at dahan-dahan na kumalas sa yakap ko. “Okay ka na?” tanong ko at tumango siya at nakangiti na ngayon. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mata Maxine pilit lang nitong itinatago. “Gusto ko. Gustong-gusto ko makawala na sa kaniya, Andrea. Pero paano? Hindi lang basta lang si Paul. Natatakot
Andrea Nang bumalik si Atlas sa condo unit namin umahon ang tatlo. Sabi ko nahihiya lang sila kay Atlas. Kaya ayaw magsiahon ng tatlo kong kasama. “Kain na tayo,” niyaya ko sila sa dalang meryenda ni Atlas. Pinagsaluhan namin ang dalang pizza ni Atlas. Dalawang malaking box kaya naman hindi namin naubos binigay ko sa duty guard. Si ate Lucy, nagpalipas lang ng kabusugan maya-maya rin bumalik din agad sa pool dahil gusto pa raw n'ya lumangoy. Kaming tatlo ang naiwan nagkwentuhan na lamang kaming tatlo. “Kayong dalawa kasama sa entourage sa kasal namin ni Atlas, ha? Besh, maid of honor ka at Ikaw naman Maxine bridesmaid.' Nanlaki pa ang mata ni Maxine. Para bang hindi niya inaasahan na kukunin ko siya na abay sa aming kasal ni Atlas. “S-salamat A-Andrea. Ang bait mo talaga at ang ganda pa. No wonder maraming nagkakagusto sa ‘yo,” sabi nito biglang naging malungkot ito. “Parang hindi ako naniniwala na maganda ako. Kasi kapag tumabi ka sa ‘kin lalamunin lang ang kagandahan ko
Andrea The next morning, I woke up dizzy and felt like I was going to vomit. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama nagmamadaling tumakbo patungong CR sa takot naabutan ako sa kama. Naulinigan ko pa napamura si Atlas, baka raw ako madulas hindi lang ako sumagot. Narinig kong bumangon din siya at sinundan ako ni Atlas. Dahil bumukas ang pinto ng CR hindi ko lang pinagkakaabalahan lingunin dahil masakit ang sikmura ko dahil sa patuloy kong pagsusuka. Kaya rin hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na sumunod agad siya sa akin. Eh, kung magtatagal pa ako baka sa kama ako abutan. Dahil sakto lang din pagdating ko sa bathroom sink nilabas ko ang kanina pa pinigilan ko umiikot sa tiyan ko. Naiiyak na ako at pinagpapawisan ng malamig. Nanghihina rin ako dahil sa walang katapusan na pagsusuka kahit mapait na laway lang din naman ang sinusuka ko. Kumalma lang ako ng haplusin ni Atlas ang likuran ko nag-aalala ito sa ‘kin panay tanong kung ayos lang ako. Dahil wala akong lakas na
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
Andrea Nang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya. "Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga. "Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael. Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina. "Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko." "Edi wow na lang," Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na k
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”