Share

Hold me Tight my Lamia
Hold me Tight my Lamia
Author: CarbonAira

CHAPTER 1

Author: CarbonAira
last update Last Updated: 2021-08-23 02:34:38

Third Person POV

Sa isang madilim na kagubatan tanging huni ng Ibon, galaw ng mga tuyo't na halaman at iyak ng isang bata ang maririnig.

Patuloy itong umiiyak habang tinatawag ang kaniyang Ina, lingid sa kaalaman na may mababangis na hayop ang nagmamasid sa kanya.

Isang presensya ng hindi kilalang nilalang na may madilim na aura ang nagpatigil at nagpatakbo sa mga mababangis na hayop. Ang nilalang ay unti-unting lumapit sa batang tumigil na sa pag-iyak at napuno ng kuryosidad ang mga mata, habang sinusundan ng tingin ang nilalang.

Nang ito ay makalapit ay lumuhod ito upang mag pantay sila ng tingin ng maliit na bata, sila'y nagkatitigan at dumaloy ang kuryente na galing sa pulang mga mata ng lalaki patungo sa berdeng mala-ahas na mata ng bata.

Ang batang may inosenteng mukha ay biglang naglaho at napalitan ito ng matatalim na mga mata. Ang pang-ibabang katawan nito ay nagkatawang-ahas at agad na mahigpit na lumingkis sa tuhod ng lalaki. Pahigpit ito nang pahigpit hanggang sa isang kagat ng matatalim na pangil ng nilalang ang nagpatigil sa bata dahilan upang mawalan ito ng malay at bumagsak sa mga tuyong dahon.

Humahangos na nagising si Satana mula sa paulit-ulit na panaginip na iyon. Mula nang magkaisip ito ay palaging ganoon ang napanaginipan nito. Pero kahit paulit-ulit ay may kakaiba pa ring epekto sa kaniya ang panaginip. Minsan na niya itong nasabi sa kaniyang Ina ngunit ang sabi lang nito ay marahil dahil iyon sa pagkahilig niya sa mga Ahas.

Lumingon si Satana sa orasan na nasa kaniyang bed side table dahilan ng pagtama ng sikat ng araw sa kaniyang makinis at matabang pisnge. Nang makita niyang sakto ang oras ng kaniyang gising upang pumasok sa paaralan ay tumayo na ito upang maligo at magbihis.

Habang nagbibihis ay nasagi nito ang suot na kwintas. Ito ay bilog at sa loob ng bilog na iyon ay isang maliit na imahe ng ahas na mayroong pula at berdeng likido na patuloy na umiikot rito, ngunit hindi naghahalo. Ang natatanging bilin sa kaniya ng kaniyang Ina ay hindi niya maaring tanggalin ito, minsan na rin niyang nasubukang tanggalin ang kwintas ngunit matapos noon ay wala na siyang maalala sa nangyari.

Ipinasok niya ito sa loob ng suot na uniporme upang matakpan at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili.

Matapos mag-ayos ay lumabas na ito mula sa kaniyang kwarto at pumunta sa breakfast nook, na matatagpuan malapit sa pool ng kanilang bahay.

"Good morning Mom, Dad, and Angel!" masayang bati ni Satana sa kaniyang pamilya na nasuklian naman ng mga ngiti.

"Good morning din, ate," ani Aien Jiel, Angel for short. Nakababatang kapatid ni Satana.

"Hindi ka papasok sa eskwela ngayon?" tanong ni Satana sa kaniyang kapatid nang mapansin na hindi ito naka-uniform.

"First day of school pa lang naman puro pakilala ang gagawin nila," bagot na sagot nito.

"Ang sabihin mo tinatamad ka lang," ani ng kanilang Ina na si Amelia kaya naman agad na malambing na ngumiti si Angel rito.

"Mommy sobrang talino naman na ni Ate para dumagdag pa ako. Dapat balanse ang buhay at saka iisa lang naman ang pupwedeng magmana ng kumpanya at kaya na ni Ate iyon, hindi ba Ate?"

"At ano naman balak mong gawin sa future mo?" tanong ni Satana.

"Gusto kong maging artista!" Napailing ang pamilya sa naging sagot nito.

Maganda, magiliw at talented si Angel, pwedeng-pwede ito na maging artista, ang kaso ay ayaw iyon ng kanilang Ama na si Julio. Kahit anong pupwedeng makadikit sa publicity ay iniiwasan nito.

Kaya nga tutol rin ito sa pagkakaibigan ng kaniyang anak na si Satana at Zayleen dahil sa pagkakaroon nito ng ama na isang kilalang senator. Sadyang wala nalang itong nagawa nang makitang tanging si Zayleen lang ang kinagaanan ng loob ng kaniyang anak.

Bagamat hindi alam ni Satana ang dahilan ng kaniyang Ama tungkol dito ay hinayaan niya nalang dahil mas gusto niya rin namang malayo sa publicity nang makita ang buhay ng kaibigan.

Mabilis na kumain si Satana nang maalala na kailangan pa nga pala niyang dumaan sa kuhaan ng PE Uniform.

"Slow down, Satana. Baka mabilaukan ka niyan." Natatawang saad ni Amelia sa kaniyang anak.

Agad na nilunok ni Satana ang nasa kaniyang bibig bago magsalita.

"Dadaanan ko pa po pala 'yong uniform ko kaya kailangan kong bilisan baka mahuli ako sa klase."

"Ate, 7 o'clock pa lang naman po 8am pa ang klase mo at 10 minutes lang ang arrival papunta sa school mo."

"Baka kasi may pila sa pagkuha ng Uniform," sagot ni Satana pagkalunok ng pagkaing nasa kaniyang bibig at saka uminom ng juice at nagpaalam na upang makaalis patungo sa eskwelahan.

Nang makalabas sa bahay ay nakaabang ang driver na para kay Satana na siyang maghahatid sa eskwelahan nito.

Pagkarating sa eskwela ay sakto na nahagip ng kaniyang mga mata ang kaibigan na si Zayleen na siyang umiinom ng Pineapple Zesto.

"Zayleen!" tawag ni Satana sa kaibigan pagkababa nito ng sasakyan. Napailing na lang ang driver nito sa ginawa ni Satana dahil tuwing nakikita ang kaibigan ay ganoon lagi ang inaakto nito.

"Zayleen Gabriel!" Sa pangalawang pagkakataong tawag ni Satana ng hindi siya lingonin ng kaibigan.

Parang nag-slow mo ang paglingon ni Zayleen na siyang pinagtinginan ng mga kapwa estudyante. Kung iisipin para itong bidang karakter sa isang storya sa sobrang ganda at bait nito.

"Satana!" Nakangiting tawag ni Zayleen kay Satana nang makita ang kaibigan. Tumakbo ito palapit kay Satana at saka umakla sa braso nito.

"Sabay na tayong pumunta sa kuhaan ng PE uniform?"

"Oo ba," masayang sagot ni Satana at saka sila nagtungo sa pagkukuhaan nila ng kanilang PE Uniform.

Nang makarating sa office ay wala namang nakapila kaya agad din nilang nakuha ang PE Uniform at saka dumiretso sa kanilang classroom.

The class went smoothly, katulad ng nakasanayan kapag first day ay purong pakikilala lang. Marami rin ang nakakilala kay Zayleen at Satana dahil sa pagiging Valedictorian at Salutatorian ng dalawa, bukod pa doon ay dahil sa latest release na magazine kung saan kasama ni Zayleen ang kaniyang Ama.

"Bye Satana!"

"Bye Zayleen bukas ulit!" masayang paalam ni Satana dito at pumasok na sa kotse.

"Kuya, nasa bahay na po sila Mommy and Daddy?" tanong nito sa driver.

"Opo ma'am."

Tumango si Satana dito at saka tumingin sa labas, pinagmamasdan ang nadadaanang tanawin. Naglalakihang bahay, punong kay taas, at tahimik na kalsada.

Satana's life is really good compared to other people. She have a loving family, doesn't have any financial problem, she don't have any health problem, she have a good sister and a bestfriend. Maganda rin ito at matalino, everything is perfect not until she heard what her father said that night.

Nang nakabalik ito sa kanilang bahay ay dali-dali itong pumunta sa opisina ni Julio upang bumati ngunit natigilan ito sa pagpasok nang makita nito ang kaniyang mga magulang na kasalukuyang nasa pormal na pag-uusap.

Aalis na sana ito upang bigyang respeto ang pag-uusap ng kaniyang mga magulang nang narinig nitong banggitin ang kaniyang pangalan. Bagamat alam ni Satana na mali ang makinig sa usapan ng matatanda ay ang inosenteng batang puno ng kuryosidad ay hindi pa rin maitatanggi sa kaniya.

"Julio, tingin mo ba kailangan pa nating tuparin ang kasunduan? Pupwede naman na tayong tumakas at ilayo si Satana mula sa taong iyon," ani Amelia habang nakaupo sa harap ng desk ni Julio at nakatingin dito.

"Ang kasunduan ay kasunduan, Amy," sagot ni Julio habang patuloy itong nagbabasa ng mga papeles na marahil ay para sa trabaho.

"Kasunduan pa rin ba kung anak mo na ang pinag-uusapan?"

'Kasunduan tungkol sa akin?' Tanong ni Satana sa kaniyang sarili

"Nangako tayo, Amy. Kaya mayroon tayong ganitong karangyang buhay at kung bakit nandiyan pa ang anak natin ay dahil iyon lahat kay Mr. Lamprouge, kaya ang kasunduan ay dapat na tuparin." Itinabi nito ang ang binabasa at tumingin sa Asawa.

"At paano ang anak natin? Hindi mo man lang ba naisip na masasaktan siya pag nalaman niya na sa murang edad ipinagkasundo natin siya sa lalaking doble o triple ang edad sa kaniya?!" Sumbat ni Amelia sa asawa.

Habang si Satana ay mas lalong naguluhan sa sinabi ng Ina.

"Bakit ikaw? Hindi mo man lang ba naisip ang maaaring mangyari sa iyong anak nang iniwan mo siyang mag-isa sa gubat noon?!" sigaw na pabalik ni Julio kay Amelia.

Iniwan?

Sa gubat?

Mga salitang umikot sa kaniyang isipan kasabay ng mga pamilyar na imahe mula sa kaniyang panaginip. Ngunit imposible!

Kalahating tao at kalahating ahas ang nasa panaginip niya!

"Iba ang noon sa ngayon, Julio!" Habang naglalakad papalapit sa asawa.

"Walang pinagkaiba, babalik at babalik siya sa ganoong katangian sa ika-dalawampu't tatlo ng kaniyang kaarawan kapag hindi natin siya ibibigay kay Zacharias!"

Dahil sa pagkatakot, galit, lungkot, at kaguluhan sa mga narinig mula sa kaniyang mga magulang ay ni nais ni Satana na tumakbo. Ngunit aksidente nitong nabangga ang vase na nasa gilid ng pintuan dahilan upang magdulot ng ingay at maagaw nito ang atensyon ng kaniyang mga magulang.

"Satana." Bakas ang gulat at takot sa mga matang tawag ni Amelia sa anak.

Gustohin man niyang walang maintindihan at maalala sa mga narinig ay nagdulot na ito ng matinding lamat.

11 years later

"Ziantynna!" galit na sigaw ni Julio habang marahas na katok ang ibinibigay sa pintuan ni Satana.

Pagod na iminulat ni Satana ang kaniyang mga mata nang marinig ang katok na iyon. It's been Eleven years since that day but still, she can remember everything clearly.

Bagot na bagot na tumayo at naglakad si Satana patungo sa pintuan ng kaniyang kwarto at pinagbuksan ito dahil pilitin niya mang makatulog ay hindi na siya makakatulog pa sa uri ng pagkatok nito.

Hindi maitago ni Satana ang kaniyang ngisi nang makita ang galit na galit na itsura ng kaniyang Ama na halos pumutok na ang ugat sa mukha sa sobrang galit. Habang si Amelia at Angel naman ay patuloy itong pinipigilan.

"Ano itong nabalitaan kong ginawa mo sa libing ng ama ni Madilynn Vidal? Ha?!" Lumapit ito at itinuro kay Satana ang hintuturo niya.

"Ibinuhos ko sa kaniya ang wine," diretsang sagot ni Satana rito dahilan upang diretsang sampal din ang iginawad nito sa anak.

Gulat ang lumukob sa buong pamilya dahil ito ang unang beses na pinagbuhatan ni Julio ng kamay ang Anak. Sa dami ng kalokohang ginawa nito mula nang marinig ang bagay na iyon.

"Julio, Tama na!" awat ni Amelia nang makita na sasampaling muli ni Julio ang anak.

"Kung para man sa namayapa mong kaibigan o para sa pagrerebelde mo sa amin ang ginawa mo. Mananatili pa rin ang kasunduan na ipapakasal ka! Bukas, sa ika-dalawampu't tatlong kaarawan mo ay dadalhin ka namin kay Mr. Lamprouge sa ayaw at sa gusto mo!" Gigil itong umalis kasama si Amelia na nais sanang aluin ang anak ngunit alam na hindi tatanggapin ng anak iyon.

"Ate," ani Angel at umiiyak na yumakap sa kapatid.

"Tutulungan kitang tumakas, Ate." Inilayo ni Satana ang katawan at ngumiti rito.

"Ako na ang bahala wag ka nang makielam. Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-aral, malapit na ang finals niyo hindi ba?"

Kung gagawa man nang kalokohan si Satana ay sinisiguro pa rin nitong hindi madadawit ang kapatid sa gulong tinatahak niya. Dahil para rito si Angel na lang ang naging totoo sa kaniya.

Matapos rin ang araw nang matuklasan ni Satana ang bagay na iyon ay si Angel na ang pumalit sa dapat ay obligasyon ni Satana bilang panganay. Kaya naman alam niyang hirap na hirap na ito dahil marami sa pangarap nito ang naglaho kasama na ang maging artista.

"Paano ka?"

"Tingin mo ba mahina si ate?"

"Hindi, ikaw na ang pinakamalakas na babaeng nakilala ko." Pinunasan ni Angel ang sariling luha at ngumiti sa kapatid.

"Then trust me."

Tumango si Angel dito bilang pagsang-ayon at saka iniangat ang kamay para sana haplusin ang sampal ng kanilang Ama sa pisnge ng kaniyang ate ngunit iniiwas ni Satana ang kaniyang mukha at pinabalik na ang kapatid sa kwarto nito.

Ayaw pa sana ni Angel ngunit nang makita ang pagod sa mga mata ng kapatid ay nagpatianod na lang siya.

Pagkaalis ni Angel ay sinarado ni Satana ang pinto ng kaniyang kwarto at saka doon tumulo ang mga pinipigilan niyang luha.

Simula nang malaman niya ang kasunduan na iyon ay ginawa na niya ang lahat upang hindi siya magustuhan ng taong ipapakasal nila sa kaniya.

Bumaba ang grades, nag-cutting, uminom ng alak, natutong manigarilyo at iba pa. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay tama ang kaniyang Ama.

Ang kasunduan ay kasunduan.

At pagod na siyang umiwas pa sa problemang ito. Si Zayleen na siyang nag-iisa niyang kaibigan ay wala na rin sa tabi niya. Ang natatanging kaibigan na mapagkakatiwalaan at maiiyakan niya ay iniwan na siya sa madilim na mundong ito.

Related chapters

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 2

    Third Person POVKinabukasan ay isang katok galing sa mga katulong ang nagpagising kay Satana upang masimulan ng mga ito ang kanilang paghahakot sa kaniyang mga kagamitan. Gustuhin mang magalit ni Satana at pigilan ang mga ito ay hinayaan niya nalang at pilit na pinakalma ang sarili. Sa loob ng Eleven years walang ginawa si Satana kundi baguhin ang isip ng kaniyang Ama. Sinubukan na niyang mas maging mabait, pasaway at kung ano pang-ugali ang maaari, ngunit sa kabila ng lahat, kailangan niya pa ring gawin ang napagkasunduan. Mapait na napangiti si Satana sa kaniyang naisip. "Anak." Tinig ng babae ang nagpagising sa malalim na pag-iisip ni Satana. Hindi niya ito nilingon tanging repleksyon lang nito sa salamin ng vanity table ang kaniyang tinignan. Ang babaeng kinahahangaan niya ng sobra noon. Ang makinis at maputi nitong balat noon ay nagkakaroon na ng bakas ng katandaan, ang mga mata nitong napupuno ng saya noon ay napalitan na ng kalungkutan at a

    Last Updated : 2021-08-23
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 3

    Third Person POVMabilis ang pagtakbo ni Satana sa kapaligiran ng bahay habang dinadama ang mararahas na hampas ng sariwang hangin sa kaniyang mukha. Sa paligid pa lang ng mansion ay hihingalin ka na sa pagtakbo, magandang exercise tuwing umaga para kay Satana. Ito na ang pangatlong araw ni Satana sa bahay ng lalaking pinakasalan niya sa papel at ni minsan ay hindi niya pa nakikita.Sa loob ng tatlong araw ay napupuno na ang isipan ni Satana ng mga tanong katulad nalang ng kung ano ang itsura ng lalaki at hindi pa ito magpakita sa kaniya? Wala din kasing kahit na anong larawan ang makikita sa Mansion. Base rin sa nakalap niyang impormasyon ay nasa edad na apat na pu't tatlo na ang lalaki ngunit hindi manlang nagkaroon ng asawa o anak kahit na nangunguna ang kaniyang kumpanya rito sa Pilipinas.'Kahit ata gold digger ay ayaw sa kaniya.' ani ni Satana sa isipan.Nang matapos magpapawis ay bumalik si Satana sa loob ng mansion. Agad naman itong sinalubong ni Yoll

    Last Updated : 2021-08-24
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 4

    Ziantynna's POV “Can I cook?” ani ko pagkapasok sa kusina agad namang lumingon sa akin si Yollie bakas ang pagkagulat at kaba sa mga mata nakita ko rin ang agad nitong pagtago ng cellphone sa kaniyang bulsa dahilan ng pagkunot ng aking noo. Kausap niya ba ang pamilya niya? “Nakaka-istorbo ba ako?” ani ko muli. “Ah hindi po pasensya na nagulat lang ako,” ani Yollie at kumamot sa ulo at lumingon sa likod niya kung nasaan ang mga kasangkapan panluto, “magluluto po kayo? Pero may mga chef po tayo na nakalaan para doon.” “Nais ko lang malibang. Wala masyadong gawain dito, nababagot na ako.” “Tanungin ko po muna ang Mayordoma,” ani nito at agad tumakbo palabas ng kusina pagkatango ko. Pagkaalis nito ay nawala ang aking mga ngiti. Kausap niya lang ba talaga ang pamilya niya? Bakit malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling siya. Pinuntahan ko ang kinatatayuan niya kanina at nakita roon ang magazine na hawak niya kanina. Naro

    Last Updated : 2021-08-25
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 5

    Third Person POV “From now on…You are no longer permitted to eat with us,” ani Zacharias ng makarating sila ni Maverick sa kaniyang kwarto. “Yes Sir,” sagot ni Maverick nagtataka man ay hindi na nagtanong pa. Natatakot na bawiin pa ni Zacharias ang sinabi dahil para sa kaniya ay hindi na niya kakayaning tikman pa ang pagkaing iyon. Kaya nga lubos ang kaniyang pagkamangha nang magawa ni Zacharias na ubusin ang putahe. “Nakahanap ka na nang mapagtataguan?” tanong ni Zacharias kay Maverick pagkainom nito ng tubig na nasa kaniyang bed side table. “Hindi pa. Itong bahay na ito kung nasaan tayo ang pinakamagandang pagtaguan dahil doble ang seguridad dito at mababantayan natin pareho,” sagot ni Maverick, hindi iyon sagot dahil tamad siyang maghanap sadyang iyon ang mainam na solusyon. “Makakaalis ka na,” ani Zacharias habang isa-isang tinatanggal ang butones ng kaniyang polo. Yumuko si Maverick at tahimik na lumabas sa kwarto ni Zacharias.

    Last Updated : 2021-09-03
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 6

    Ziantynna's POV“Maayos na po ang paliguan niyo,” ani Yollie pagkalabas ng aking banyo.“Sige, ako ng bahala maari ka ng magpahinga,” ani ko rito.“Po? Pero diba magtitimpla pa ako ng gatas para sa inyo at saka lilinisin ko pa ang bathtub pagkatapos niyo pong gamitin.”“Ako ng bahala doon baka matagalan ako.” Itinaas ko ang librong hawak, “magbabasa ako habang nakababad sa tubig paniguradong matatagalan ako kaya ako ng bahala.”“Ah sige po ilalagay ko nalang po iyong gatas sa bedside table niyo,” ani nito at yumuko at saka umalis.Nang makaalis ito ay inihagis ko ang libro sa aking kama at saka pumasok sa banyo at nag hubad upang pumailalim sa maligamgam na tubig mula sa shower, hindi pinapansin ang tubig na nakatimpla sa bathtub. Masyado akong matatagalan kung doon pa ako maliligo.Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng black silky shor

    Last Updated : 2021-09-04
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 7

    Ziantynna's POV Agad akong napahawak sa aking ulo ng maramdaman ang bigat nito. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Naumpog ba ako? Nang dapat ay tatayo na ako ay sunod-sunod na eksena ang pumasok sa aking isipan. Napaawang ang aking labi at agad na iginala ang paningin sa silid. I felt relieve ng masigurong nasa kwarto ko ako. Kilala ko si Jerico sa mga kwento nila Zayleen at Zailee noon dahil ito daw ang problema sa pamilya nila. Ilang kaso na rin ang nalusutan nito dahil sa impluwensya ng pamilya. Sinusubukan man nila Tito Emilio, daddy ni Zayleen. Na ito ay ikulong na ng tuluyan ngunit mabilis umaksyon ang mga magulang ni Jerico. Kaya naman hindi nila ito maikulong. Sa pagkakatanda ko Apat ang kapatid ni Tito Emilio, tatlong lalaki at isang babae. Si Tito Emilio ang panganay at si Tita Imelda ang bunso na siyang Ina ni Jerico. Kung gaano makatwiran at tuwid ang panganay ganoon naman kasutil ang bunso. Dahil sa pagiging bunso at nag-iis

    Last Updated : 2021-09-13
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 8

    Ziantynna’s POV Nagising ako sa isang kalansing ng bakal sa sahig at lamig ng kwartong aking kinalalagyan. Mabigat man ang aking mga talukap ay pinilit ko pa rin itong buksan. Isang sementadong kisame na tila ba ay bagong gawa dahil sa kinis nito at walang bakas ng kahit na anong pintura ang bumungad sa akin. “Nasaan ako,” ani ko gamit ang aking nanghihinang boses na halos walang naging tunog dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan. Tumingin ako sa gilid at nakitang may baso ng tubig roon maingat akong umupo mula sa pagkakahiga kinuha ito at saka ininom. Kada galaw ko ay nakakarinig ako ng kalansing ng bakal kaya naman sinundan ko ang tunog nito at nanlalaki ang aking mga mata nang makita na ang paa ko ang dahilan ng pagalaw ng bakal na iyon. Nakakulong ang aking isang paa sa isang bakal, para akong aso na kinadena

    Last Updated : 2021-09-15
  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 9

    Ziantynna’s POV “Miss Satana,” ani Yollie habang kumakatok sa aking pinto. Kanina pa ako gising pero tinatamad akong tumayo, ang bigat ng pakiramdam ko. Napasobra ata ako sa paliligo kagabi o dahil sa lamig ng basement? Waaahhh! Kahit pag iisip hindi ko magawa. Sasabihin ko na sana kay Yollie na ayoko pang bumangon nang maalala ko ang napagkasunduan namin ni Zacharias. Kaya naman bigla akong napabangon at dahil sa pagkabigla ay pati ata ang mga dugo ko ay nagulat. Hindi ko akalaing magugulatin pala ang dugo ko. Hawak ko ang ulo ko habang mahilo–hilo pa nang maglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto upang pagbuksan si Yollie. Sa susunod nga bibigyan ko na siya ng susi sa aking kwarto. “Miss Satana, okay lang po ba kayo?” ani nito ng halos matumba ako sa simpleng pagbu

    Last Updated : 2021-09-17

Latest chapter

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 28

    Ziantynna's POVTumingin ako sa mga painting materials na nakalatag sa kwarto na gawa sa salamin upang malayang makita ang tanawin sa likod bahay kung saan makikita ang mahinahong hampas ng dagat sa dalampasigan."Nagustuhan niyo po?" tanong ni Cecelia na siyang nagdala sa akin dito matapos naming kumain ni Zacharias ng breakfast.Linggo ngayon kaya naman pareho kami ni Zacharias na nasa bahay at walang ginagawa... ako lang pala dahil ang isang iyon ay nagkulong na naman sa opisina niya para sa mga naiwang trabaho."Kelan pa ito nagawa?" tanong ko dahil noong unang nilibot ko itong bahay wala pa ito."Simula pa noong pumasok na kayo sa kumpanya. Ginagawa po ito kada wala kayo sa bahay," nakangiting saad ni Cecelia.Dahilan ng pagtaas ng aking kilay. He made this sanctuary for me but let others surprise me. What a thoughtful man.Ngumiti ako kay Cecelia at inutusan itong ikuha ako ng kape upang may mainom habang sinusubukan itong mga materyales na halatang bagong bili dahil sa amoy.Ku

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 27

    Third Person POVBehind Rebecca's stern face is her trembling body. After searching for some information Rebecca knows there is something wrong in here. So she asked Ziantynna to have a little talk to be sure."Do you want to drink?" tanong ni Rebecca kay Satana pero umiling lang ito.Bumuntong hininga si Rebecca at nagsimula nang magtanong. Pinili niya ang pinaka sulok nang Cafeteria para walang makarinig sa pag uusapan nila knowing the possibility that Ziantynna wants to keep everything in secret."I know you are Ziantynna Quinzel - Lamprouge," panimula ni Rebecca dahilan para makuha nito ang buong atensyon ni Satana."Well based on your position in this company I think you want to hide this information, right?" saad ni Rebecca."Yes, what do you want?" diretsong tanong ni Satana.Satana knows Rebecca based on the folder that Zacharias gave her before.Rebecca has a strong background. She studied abroad and earned a degree, then worked for a well-known company before relocating to t

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 26

    Ziantynna's POVHabang nagsusuklay ako ng aking buhok sa harap ng salamin ay napatigil ako at tinitigan ang aking sarili na hanggang ngayon ay bakas ang pamumutla."Tama ba ang hiniling ko?" wala sa sariling tanong ko."Po?" tanong ni Cecelia.Nagising ako sa aking tinuran at tumingin kay Cecelia na may kuryosong tingin sa akin. Ngumiti ako rito at umiling."Wala iyon. Sige na at maari na kayong umalis ako ng bahala," saad ko sa mga ito.Agad namang tumango si Cecelia at Vivian atsaka umalis.Ibinaba ko ang aking suklay na hawak at napabuntong hininga.Hindi ko dapat hiniling iyon. Sasabihin ko na lamang na kaya ko na at maayos na ang pakiramdam ko. Marahas akong tumayo upang pumunta kay Zacharias para sabihin ang naisip ko ng aking nasagi ang suklay at bumagsak ito na siyang naglikha ng tunog.Dahil sa tunog na iyon ay bigla akong natigilan at paulit ulit na parang sirang plaka ang imahe ni Z

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 25

    Third Person's POVAfter Ziantynna's peaceful lunch she comes back to Zacharias office without looking at the man.Sa loob ng opisina ni Zacharias ay pagtatrabaho lang ang ginawa ng dalawa. Nag uusap lang ang mga ito kung may kailangang ipagawa si Zacharias o hindi naman ay mga tanong mula kay Satana.Ngunit walang naging usapan na hindi tungkol sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang takipsilim.Zacharias close the last folder he scanned and signed. Atsaka tumingin kay Ziantynna na ngayon ay busy na lang sa pagbabasa ng libro."Let's go home," saad ni Zacharias.Lumingon si Satana rito at matapos ay sa orasan.7:35 pmHindi nito namalayan ang oras. Matapos kasi nitong matapos lahat ng trabaho ay nagbasa na lang ito ng libro.Sinara ni Satana ang libro at tumayo upang ayusin ang mga gamit. Matapos noon ay lumapit si Satana kay Zacharias at tinulungan itong itulak ang wheelchair nito.Wala namang hi

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 24

    Habang nangyayari ang meeting ay hindi mawalawala ang paningin ni Satana kay Daphne hanggang sa hindi nito namalayang natapos na ang meeting at kanina pa siya tinatawag ni Zacharias."Satana," Pangatlong ulit ni Zacharias sa pangalan ng asawa. Sa inip ni Zacharias ay hinila na nito ang braso ng asawa papalapit sa kaniya."Wife," bulong nito kay Satana sinisiguro na silang dalawa lang ang nakakarinig.Dahil sa ginawa ni Zacharias ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Satana."Hey," ani ni Satana nang mapansin ang lapit nila ni Zacharias at saka ibinalik ang tingin sa board na nakatingin sa kanilang dalawa ni Zacharias.Puno ng kuryosidad ang mga matang nakamasid sa dalawa dahilan upang matamaan ng hiya si Satana.

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 23

    Third Person’s POV "You have two beautiful secretaries," saad ni Satana pagpasok nila ng opisina ni Zacharias dahilan nang pagkunot noo ni Zacharias at kapagkuwan ay pag ngisi na hindi nakikita ni Satana dahil ito ay nasa likod ni Zacharias na siyang nagtutulak ng wheelchair. "Yes, I enjoy seeing beautiful people, especially ladies," dagdag niya. "Oh, maybe that's the reason why you chose me as your wife?" sarkastikong saad ni Satana at tumalikod upang magtungo sa office table nito. "At least now you have a clue," pahabol ni Zacharias. Nang makarating si Satana sa pansamantala niyang table ay padabog na ibinagsak nito ang mga gamit na dala at binuksan ang Ipad upang tignan ang schedule ni Za

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 22

    Third Person's POV "Ready?" tanong ni Maverick kay Satana na ngayon ay naghahanda para sa pagpasok sa kumpaniya upang pumalit panandalian kay Maverick. Ngumiti siya rito ng pilit at tumango. 'Kung hindi lang ito para kay Zayleen. Hinding-hindi kita bibigyan ng vacation leave' ani ni Satana sa kaniyang isip habang mariing nakatingin kay Maverick na may masayang mukha. "Kung ganoon po ay tara na," saad nito at pinauna si Satana sa paglalakad. Nang pababa sa hagdan ay nahagip ng kaniya

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 21

    Third Person’s POV Pagod na ibinagsak ni Satana ang dumbbell na hawak. Ang kaniyang tumutulong pawis mula sa noo pababa sa kaniyang leeg ay pinunasan niya gamit lang ang kaniyang kamay. At saka matatalim ang mga matang sinulyapan si Zacharias na prenteng nakaupo sa wheelchair. "Kilig na kilig pa ako kahapon maghihirap pala ako ngayon," bulong ni Satana sa sarili at saka umirap. Nakita ito ni Zacharias dahilan ng pagkunot ng noo nito. "Is there a problem?" tanong ni Zacharias ngunit hindi ito tinutugunan ni Satana at sinimulan ang sumunod na exercise na Alternating rope whips na pinapagawa sa k

  • Hold me Tight my Lamia   CHAPTER 20

    Ziantynna’s POV While unpacking my things ay isang katok sa aking kwarto ang aking narinig. "Come in," saad ko habang patuloy na inaayos ang aking mga gamit sa pag-aakalang sila Cecelia at Vivian na iyong kumatok dahil nagpaalam ang mga ito sa kaniya kanina na babalik upang tulungan siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. "It's dinner time." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Zacharias. Agad akong lumingon dito habang ang aking kamay ay nasa dibdib. "Bakit ka ba nanggug

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status