Third Person POV
Mabilis ang pagtakbo ni Satana sa kapaligiran ng bahay habang dinadama ang mararahas na hampas ng sariwang hangin sa kaniyang mukha.Sa paligid pa lang ng mansion ay hihingalin ka na sa pagtakbo, magandang exercise tuwing umaga para kay Satana. Ito na ang pangatlong araw ni Satana sa bahay ng lalaking pinakasalan niya sa papel at ni minsan ay hindi niya pa nakikita.Sa loob ng tatlong araw ay napupuno na ang isipan ni Satana ng mga tanong katulad nalang ng kung ano ang itsura ng lalaki at hindi pa ito magpakita sa kaniya? Wala din kasing kahit na anong larawan ang makikita sa Mansion.Base rin sa nakalap niyang impormasyon ay nasa edad na apat na pu't tatlo na ang lalaki ngunit hindi manlang nagkaroon ng asawa o anak kahit na nangunguna ang kaniyang kumpanya rito sa Pilipinas.'Kahit ata gold digger ay ayaw sa kaniya.' ani ni Satana sa isipan.Nang matapos magpapawis ay bumalik si Satana sa loob ng mansion. Agad naman itong sinalubong ni Yollie ng tuwalya at maiinom. Si Yollie ang ibinigay kay Satana bilang personal na katulong dahil iniisip ng mayordoma na maaaring ma-entertain si Satana sa kadaldalan ni Yollie."Young Mistress, nandito na po si Senyor Zacharias," bulong ni Yollie kay Satana pagka-abot ng tuwalya upang pamunas.Kumunot ang noo ni Satana, inaalala kung sino ang tinutukoy ni Yollie. Nang kaniyang maalala ay agad na sumilay ang pilyong ngisi sa kaniyang mga labi.'Paanong nakalimutan ko ang aking asawa' saad nito sa sarili.Nagdire-diretso papasok si Satana sa mansion. Excited na makita ang asawa ngunit ang namataan lang nito ay ang matipunong lalaki na nasa ibaba ng hagdan at nakaupo sa isang wheelchair. Naningkit ang mga mata ni Satana iniisip ang posibilidad kung sino ang taong iyon.Masyado kasing bata ang nakita nito malayo sa inaasahan."Sino siya?" tanong ni Satana kay Yollie."Si Senyor po.""Sigurado ka?" gulat na paniniguro nito."Opo, hindi man ho kapanipaniwala ngunit sa edad na apat-napu't tatlo ay batang-bata pa siyang tignan. Kahit na pilay siya ay tila hindi nabawasan ang kaniyang karisma. Kahit ang mga kilalang personalidad ay hinahabol ang Senyor hindi alintana sa kanila na may kapansanan ito."'Kung gaanon bakit niya pa ako pinilit na ipakasal sa kaniya?! O sadyang hindi nito natiis ang aking pamilya.' Halos magdugo ang mga palad ni Satana sa higpit nang pagkakakuyom nito rito dahil sa huling naisip.Pilit na pinakalma ni Satana ang sarili at nagbigay nang masayang ngiti upang batiin ang lalaki na ngayon ay kausap ni Maverick."Hi Zacharias!" masayang bati nito ngunit isang tango lang ang ibinigay ni Zacharias dito at saka siya tinignan mula ulo hanggang paa."Maligo ka na muna at saka tayo mag-usap sasamahan mo rin akong kumain," saad nito at saka sinenyasan si Maverick upang itulak ang wheelchair nito papaalis."Tara na po," ani Yollie."Ganoon ba talaga ang amo niyo?" tanong ni Satana kay Yollie habang umaakyat sila patungo sa kwartong ibinigay sa kaniya."Pasensya na hindi ko masasagot ang tanong na iyan dahil bago lang ho ako rito. Ito palang ho ang pangalawang beses ko siyang nakita. Ang ibang impormasyon na nakuha ko ay galing lang din sa mga katulad kong katulong," ani Yollie."Naiintindihan ko," saad nito at pumasok na sa kwarto.Matapos maligo at mag-ayos ay bumaba na rin ito agad patungo sa hapag kainan upang mag breakfast. Nang makarating doon ay agad na nakita niya ang asawa sa kabisera ng Twelve-seater dining table.Lalapit na sana si Satana rito nang makita nitong walang nakahandang pinggan sa kabilaan ni Zacharias. Kaya naman tumingin siya sa kabilang kabisera at doon nakita ang plato na sigurado ay para sa kaniya."May nais akong sabihin sayo at sa tingin ko ay mahihirapan tayong mag-usap ng ganitong kalayo," saad ni Satana habang kinukuha ang mga plato upang makalipat sa tabi ni Zacharias."Ayoko ng masyadong malapit sa akin kaya manatili ka diyan," ani nito dahilan ng pagkatigil ni Satana sa paglalakad patungo kay Zacharias dala ang pinggan at utensils."Bakit?""Dahil ayoko," sagot nito at sa pagkakataong ito ay diretso na itong nakatingin sa mga mata ni Satana.Bumuntong hininga siya at bumalik sa kabilang kabisera. Iniisip na kaya siguro ayaw nitong makatabi siya ay dahil maselan ang lalaki at natatakot na may maipasa siyang bacteria dito lalo na at may disability ito."Alam mo naligo naman na ako wala kang dapat ipag-alala na madumi ako," saad ni Satana pagkainom ng juice na kakasalin lang ng katulong."Sigurado kang hindi ka madumi?" sarkastikong saad ni Zacharias ngunit hindi ito agad nakuha ni Satana, "ilang lalaki na ang nasipingan mo?" Napaawang ang labi ni Satana sa narinig. Tuluyan nang naintindihan ang nais iparating ng lalaki."Anong sinabi mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Satana."Rule number one have some table manners, rule number two ask for my permission if you need to go out of my house, and last don't open the green door," dire-diretsong saad ni Zacharias hindi pinapansin ang naghihimutok na si Satana.Para bang hindi ito nagbukas ng sensitibong topic ngayon-ngayon lang."Hindi yan ang tinatanong ko!" ani ni Satana."Bakit mo tinatanong ang bagay na paniguradong alam na alam mo naman na?""Kung alam mo ang bagay na iyon bakit hindi ka humindi sa kasunduan?"Ito naman talaga ang gusto ni Satana na ipamukha kay Zacharias noon pa. Na siya maduming babae at hindi karapat-dapat dito. Ngunit kahit na ganoon ay nagpatuloy pa rin ang kasunduan ang akala niya noon ay walang ideya si Zacharias at tinatago lang dito lahat ng kalokohan niya. Pero ngayong sigurado na siyang alam nito ang mga pinaggagawa niya bakit pinagpatuloy nito ang kasunduan."At ano? Patuloy kong susuportahan ang iyong pamilya? Hindi ganiyan ang nais ko," saad ni Zacharias at sumenyas kay Maverick, agad namang lumapit ang huli at itinulak paalis ang wheelchair ng kaniyang amo."Hindi ako ganoong klaseng babae," bulong ni Satana sa kaniyang sarili pagkaalis nito.Dahil sa naging usapan ay nawalan na si Satana ng ganang ipagpatuloy ang pagkain kaya naman napagpasyahan nitong maglibot nalang muna sa mansion."Young Mistress!" tawag ni Yollie sa amo habang tumatakbo papalapit dito. Liningon naman ito ni Satana at nanlaki ang mga mata nang makitang mabilis ang pagtakbo nito papalapit."Slow down! Baka madapa ka!" ani ni Satana.Agad namang sinunod ni Yollie ang utos ni Satana at inalalayan ang kaniyang pagtakbo. Nang makarating sa katamtaman na layo para makapag-usap ang isa't isa ay ngumiti ito."May problema ka po ba?" tanong nito naghahabol pa ng hininga habang nagsasalita."Huh?""Narinig ko po ang pinag-usapan niyo at naisip ko na maaaring may problema kayo kaya naman naisipan ko kayong samahan." Ngumiti si Satana rito at tumalikod upang ipagpatuloy ang paglalakad."Kahit na may problema ako, sa akin na lang iyon, ako na ang bahalang mag-isip.""Kaya ka nalulugmok sa problema, ayaw mong magsabi. Alam niyo po, pangarap kong maging mayaman na mayaman. Pero sa dami kong napasukang tahanan ay karamihan ng mayayaman ay nahihirapan sa simpleng problema. Meron akong mga kakilala na naging gold digger and stripper may mapakain lang sa pamilya niya. Samantalang ang sainyo naman ay pagpapakasal lang.""Iba-iba ang kwento ng tao kagaya ng pagkakaiba-iba ng opinion at pananaw ng bawat isa. Pero alam mo ba ang pagkakapare-pareho nila?""Ano po?""Ang pag-abot ng kani-kanilang kaligayahan." Umupo si Satana sa bench na nasa tapat ng garden habang si Yollie ay nanatiling nakatayo sa kaniyang gilid."Huh?""Nais ng mga mahihirap yumaman, iniisip na nasa pera ang kasiyahan. Hinihiling ng iba na makapaghigante, iniisip na iyon ang magpapalaya at magpapasaya ng kanilang damdamin. At ako, hinihiling kong maging malaya at magkaroon ng sariling pasya upang sumaya."May sari-sariling dahilan ngunit iisa ang pakay kaya ang pagkumpara sa sitwasyon ng iba ay maling gawain," ani nito at tumingala upang tignan ang araw ngunit agad din siyang nasilaw kaya nagbaba siya ng tingin. Si Yollie namn ay hindi makatingin kay Satana dahilan ng mas paglawak ng aking ngiti.Tuwing nakikita ni Satana si Yollie au lagi nitong naaalala si Zayleen. Simple kung mag-isip at punong-puno ng positibong bagay ang pag iisip."Pasensya na ho." Nakangusong saad nito.Napailing si Satana at napatawa sa itsura nito."Wala kang dapat ika hingi ng tawad, katulad ng sabi ko may sari-sarili tayong opinion. Ingatan mo na lang sa susunod ang pagsasalita dahil ang bawat salita ay maaaring makapagpabago ng tao at sitwasyon."Katulad nalang ng sitwasyon niya ngayon. Hindi niya inakalang maapektuhan pala siya ng mga maling balita na siya rin ang may gawa.Ziantynna's POV “Can I cook?” ani ko pagkapasok sa kusina agad namang lumingon sa akin si Yollie bakas ang pagkagulat at kaba sa mga mata nakita ko rin ang agad nitong pagtago ng cellphone sa kaniyang bulsa dahilan ng pagkunot ng aking noo. Kausap niya ba ang pamilya niya? “Nakaka-istorbo ba ako?” ani ko muli. “Ah hindi po pasensya na nagulat lang ako,” ani Yollie at kumamot sa ulo at lumingon sa likod niya kung nasaan ang mga kasangkapan panluto, “magluluto po kayo? Pero may mga chef po tayo na nakalaan para doon.” “Nais ko lang malibang. Wala masyadong gawain dito, nababagot na ako.” “Tanungin ko po muna ang Mayordoma,” ani nito at agad tumakbo palabas ng kusina pagkatango ko. Pagkaalis nito ay nawala ang aking mga ngiti. Kausap niya lang ba talaga ang pamilya niya? Bakit malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling siya. Pinuntahan ko ang kinatatayuan niya kanina at nakita roon ang magazine na hawak niya kanina. Naro
Third Person POV “From now on…You are no longer permitted to eat with us,” ani Zacharias ng makarating sila ni Maverick sa kaniyang kwarto. “Yes Sir,” sagot ni Maverick nagtataka man ay hindi na nagtanong pa. Natatakot na bawiin pa ni Zacharias ang sinabi dahil para sa kaniya ay hindi na niya kakayaning tikman pa ang pagkaing iyon. Kaya nga lubos ang kaniyang pagkamangha nang magawa ni Zacharias na ubusin ang putahe. “Nakahanap ka na nang mapagtataguan?” tanong ni Zacharias kay Maverick pagkainom nito ng tubig na nasa kaniyang bed side table. “Hindi pa. Itong bahay na ito kung nasaan tayo ang pinakamagandang pagtaguan dahil doble ang seguridad dito at mababantayan natin pareho,” sagot ni Maverick, hindi iyon sagot dahil tamad siyang maghanap sadyang iyon ang mainam na solusyon. “Makakaalis ka na,” ani Zacharias habang isa-isang tinatanggal ang butones ng kaniyang polo. Yumuko si Maverick at tahimik na lumabas sa kwarto ni Zacharias.
Ziantynna's POV“Maayos na po ang paliguan niyo,” ani Yollie pagkalabas ng aking banyo.“Sige, ako ng bahala maari ka ng magpahinga,” ani ko rito.“Po? Pero diba magtitimpla pa ako ng gatas para sa inyo at saka lilinisin ko pa ang bathtub pagkatapos niyo pong gamitin.”“Ako ng bahala doon baka matagalan ako.” Itinaas ko ang librong hawak, “magbabasa ako habang nakababad sa tubig paniguradong matatagalan ako kaya ako ng bahala.”“Ah sige po ilalagay ko nalang po iyong gatas sa bedside table niyo,” ani nito at yumuko at saka umalis.Nang makaalis ito ay inihagis ko ang libro sa aking kama at saka pumasok sa banyo at nag hubad upang pumailalim sa maligamgam na tubig mula sa shower, hindi pinapansin ang tubig na nakatimpla sa bathtub. Masyado akong matatagalan kung doon pa ako maliligo.Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng black silky shor
Ziantynna's POV Agad akong napahawak sa aking ulo ng maramdaman ang bigat nito. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Naumpog ba ako? Nang dapat ay tatayo na ako ay sunod-sunod na eksena ang pumasok sa aking isipan. Napaawang ang aking labi at agad na iginala ang paningin sa silid. I felt relieve ng masigurong nasa kwarto ko ako. Kilala ko si Jerico sa mga kwento nila Zayleen at Zailee noon dahil ito daw ang problema sa pamilya nila. Ilang kaso na rin ang nalusutan nito dahil sa impluwensya ng pamilya. Sinusubukan man nila Tito Emilio, daddy ni Zayleen. Na ito ay ikulong na ng tuluyan ngunit mabilis umaksyon ang mga magulang ni Jerico. Kaya naman hindi nila ito maikulong. Sa pagkakatanda ko Apat ang kapatid ni Tito Emilio, tatlong lalaki at isang babae. Si Tito Emilio ang panganay at si Tita Imelda ang bunso na siyang Ina ni Jerico. Kung gaano makatwiran at tuwid ang panganay ganoon naman kasutil ang bunso. Dahil sa pagiging bunso at nag-iis
Ziantynna’s POV Nagising ako sa isang kalansing ng bakal sa sahig at lamig ng kwartong aking kinalalagyan. Mabigat man ang aking mga talukap ay pinilit ko pa rin itong buksan. Isang sementadong kisame na tila ba ay bagong gawa dahil sa kinis nito at walang bakas ng kahit na anong pintura ang bumungad sa akin. “Nasaan ako,” ani ko gamit ang aking nanghihinang boses na halos walang naging tunog dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan. Tumingin ako sa gilid at nakitang may baso ng tubig roon maingat akong umupo mula sa pagkakahiga kinuha ito at saka ininom. Kada galaw ko ay nakakarinig ako ng kalansing ng bakal kaya naman sinundan ko ang tunog nito at nanlalaki ang aking mga mata nang makita na ang paa ko ang dahilan ng pagalaw ng bakal na iyon. Nakakulong ang aking isang paa sa isang bakal, para akong aso na kinadena
Ziantynna’s POV “Miss Satana,” ani Yollie habang kumakatok sa aking pinto. Kanina pa ako gising pero tinatamad akong tumayo, ang bigat ng pakiramdam ko. Napasobra ata ako sa paliligo kagabi o dahil sa lamig ng basement? Waaahhh! Kahit pag iisip hindi ko magawa. Sasabihin ko na sana kay Yollie na ayoko pang bumangon nang maalala ko ang napagkasunduan namin ni Zacharias. Kaya naman bigla akong napabangon at dahil sa pagkabigla ay pati ata ang mga dugo ko ay nagulat. Hindi ko akalaing magugulatin pala ang dugo ko. Hawak ko ang ulo ko habang mahilo–hilo pa nang maglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto upang pagbuksan si Yollie. Sa susunod nga bibigyan ko na siya ng susi sa aking kwarto. “Miss Satana, okay lang po ba kayo?” ani nito ng halos matumba ako sa simpleng pagbu
Zacharias POV After Ziantynna passed out earlier in the garden, I carefully placed her back in her bed. I look at Yollie, who has a worried expression on her face regarding to her Miss. She hissed as she glanced at me. “Kasalanan mo ito, you locked her in that cold basement!” she said. “Get out,” ani ko. Aangal pa sana ito ng mariin ko na itong tinitigan. Kaya naman umirap na lang ito at umalis na. I know she doesn’t like me I don’t like her either. Sadyang malaki lang ang maitutulong niya para kay Satana at alam kong hinding-hindi niya ipapahamak si Satana kahit gaano niya man ako gustong patayin. I turned to face Satana, who was soundly asleep with a pale face. I never expected such a sweet young kid to be both terrify
Ziantynna’s POV Habang inaalalayan ko ang mga katulong na mag-ayos ng kakatapos lang na party ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. I opened my clutch and get my phone. Isang text message galing kay Cleo hudyat para gawin na ang surprise na hinanda nito para kay Zayleen. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ng aking paningin si Zayleen. Nang hindi ito mahanap sa loob ng bahay ay nagtungo ako sa labas at nakita ko ito sa entrance ng kanilang malaking pintuan. Nakaupo sa hagdan at mukhang may hinihintay. “Malamig na, bakit nandito ka pa rin?” tanong ko rito. Lumingon ito sa akin habang nakanguso at basa ang mga pisngi marahil dahil sa pag-iyak. “Wala pa rin siya, Satana.” Naiiyak na sabi nito dahilan ng aking pagtawa at inilahad ang aking ka
Ziantynna's POVTumingin ako sa mga painting materials na nakalatag sa kwarto na gawa sa salamin upang malayang makita ang tanawin sa likod bahay kung saan makikita ang mahinahong hampas ng dagat sa dalampasigan."Nagustuhan niyo po?" tanong ni Cecelia na siyang nagdala sa akin dito matapos naming kumain ni Zacharias ng breakfast.Linggo ngayon kaya naman pareho kami ni Zacharias na nasa bahay at walang ginagawa... ako lang pala dahil ang isang iyon ay nagkulong na naman sa opisina niya para sa mga naiwang trabaho."Kelan pa ito nagawa?" tanong ko dahil noong unang nilibot ko itong bahay wala pa ito."Simula pa noong pumasok na kayo sa kumpanya. Ginagawa po ito kada wala kayo sa bahay," nakangiting saad ni Cecelia.Dahilan ng pagtaas ng aking kilay. He made this sanctuary for me but let others surprise me. What a thoughtful man.Ngumiti ako kay Cecelia at inutusan itong ikuha ako ng kape upang may mainom habang sinusubukan itong mga materyales na halatang bagong bili dahil sa amoy.Ku
Third Person POVBehind Rebecca's stern face is her trembling body. After searching for some information Rebecca knows there is something wrong in here. So she asked Ziantynna to have a little talk to be sure."Do you want to drink?" tanong ni Rebecca kay Satana pero umiling lang ito.Bumuntong hininga si Rebecca at nagsimula nang magtanong. Pinili niya ang pinaka sulok nang Cafeteria para walang makarinig sa pag uusapan nila knowing the possibility that Ziantynna wants to keep everything in secret."I know you are Ziantynna Quinzel - Lamprouge," panimula ni Rebecca dahilan para makuha nito ang buong atensyon ni Satana."Well based on your position in this company I think you want to hide this information, right?" saad ni Rebecca."Yes, what do you want?" diretsong tanong ni Satana.Satana knows Rebecca based on the folder that Zacharias gave her before.Rebecca has a strong background. She studied abroad and earned a degree, then worked for a well-known company before relocating to t
Ziantynna's POVHabang nagsusuklay ako ng aking buhok sa harap ng salamin ay napatigil ako at tinitigan ang aking sarili na hanggang ngayon ay bakas ang pamumutla."Tama ba ang hiniling ko?" wala sa sariling tanong ko."Po?" tanong ni Cecelia.Nagising ako sa aking tinuran at tumingin kay Cecelia na may kuryosong tingin sa akin. Ngumiti ako rito at umiling."Wala iyon. Sige na at maari na kayong umalis ako ng bahala," saad ko sa mga ito.Agad namang tumango si Cecelia at Vivian atsaka umalis.Ibinaba ko ang aking suklay na hawak at napabuntong hininga.Hindi ko dapat hiniling iyon. Sasabihin ko na lamang na kaya ko na at maayos na ang pakiramdam ko. Marahas akong tumayo upang pumunta kay Zacharias para sabihin ang naisip ko ng aking nasagi ang suklay at bumagsak ito na siyang naglikha ng tunog.Dahil sa tunog na iyon ay bigla akong natigilan at paulit ulit na parang sirang plaka ang imahe ni Z
Third Person's POVAfter Ziantynna's peaceful lunch she comes back to Zacharias office without looking at the man.Sa loob ng opisina ni Zacharias ay pagtatrabaho lang ang ginawa ng dalawa. Nag uusap lang ang mga ito kung may kailangang ipagawa si Zacharias o hindi naman ay mga tanong mula kay Satana.Ngunit walang naging usapan na hindi tungkol sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang takipsilim.Zacharias close the last folder he scanned and signed. Atsaka tumingin kay Ziantynna na ngayon ay busy na lang sa pagbabasa ng libro."Let's go home," saad ni Zacharias.Lumingon si Satana rito at matapos ay sa orasan.7:35 pmHindi nito namalayan ang oras. Matapos kasi nitong matapos lahat ng trabaho ay nagbasa na lang ito ng libro.Sinara ni Satana ang libro at tumayo upang ayusin ang mga gamit. Matapos noon ay lumapit si Satana kay Zacharias at tinulungan itong itulak ang wheelchair nito.Wala namang hi
Habang nangyayari ang meeting ay hindi mawalawala ang paningin ni Satana kay Daphne hanggang sa hindi nito namalayang natapos na ang meeting at kanina pa siya tinatawag ni Zacharias."Satana," Pangatlong ulit ni Zacharias sa pangalan ng asawa. Sa inip ni Zacharias ay hinila na nito ang braso ng asawa papalapit sa kaniya."Wife," bulong nito kay Satana sinisiguro na silang dalawa lang ang nakakarinig.Dahil sa ginawa ni Zacharias ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Satana."Hey," ani ni Satana nang mapansin ang lapit nila ni Zacharias at saka ibinalik ang tingin sa board na nakatingin sa kanilang dalawa ni Zacharias.Puno ng kuryosidad ang mga matang nakamasid sa dalawa dahilan upang matamaan ng hiya si Satana.
Third Person’s POV "You have two beautiful secretaries," saad ni Satana pagpasok nila ng opisina ni Zacharias dahilan nang pagkunot noo ni Zacharias at kapagkuwan ay pag ngisi na hindi nakikita ni Satana dahil ito ay nasa likod ni Zacharias na siyang nagtutulak ng wheelchair. "Yes, I enjoy seeing beautiful people, especially ladies," dagdag niya. "Oh, maybe that's the reason why you chose me as your wife?" sarkastikong saad ni Satana at tumalikod upang magtungo sa office table nito. "At least now you have a clue," pahabol ni Zacharias. Nang makarating si Satana sa pansamantala niyang table ay padabog na ibinagsak nito ang mga gamit na dala at binuksan ang Ipad upang tignan ang schedule ni Za
Third Person's POV "Ready?" tanong ni Maverick kay Satana na ngayon ay naghahanda para sa pagpasok sa kumpaniya upang pumalit panandalian kay Maverick. Ngumiti siya rito ng pilit at tumango. 'Kung hindi lang ito para kay Zayleen. Hinding-hindi kita bibigyan ng vacation leave' ani ni Satana sa kaniyang isip habang mariing nakatingin kay Maverick na may masayang mukha. "Kung ganoon po ay tara na," saad nito at pinauna si Satana sa paglalakad. Nang pababa sa hagdan ay nahagip ng kaniya
Third Person’s POV Pagod na ibinagsak ni Satana ang dumbbell na hawak. Ang kaniyang tumutulong pawis mula sa noo pababa sa kaniyang leeg ay pinunasan niya gamit lang ang kaniyang kamay. At saka matatalim ang mga matang sinulyapan si Zacharias na prenteng nakaupo sa wheelchair. "Kilig na kilig pa ako kahapon maghihirap pala ako ngayon," bulong ni Satana sa sarili at saka umirap. Nakita ito ni Zacharias dahilan ng pagkunot ng noo nito. "Is there a problem?" tanong ni Zacharias ngunit hindi ito tinutugunan ni Satana at sinimulan ang sumunod na exercise na Alternating rope whips na pinapagawa sa k
Ziantynna’s POV While unpacking my things ay isang katok sa aking kwarto ang aking narinig. "Come in," saad ko habang patuloy na inaayos ang aking mga gamit sa pag-aakalang sila Cecelia at Vivian na iyong kumatok dahil nagpaalam ang mga ito sa kaniya kanina na babalik upang tulungan siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. "It's dinner time." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Zacharias. Agad akong lumingon dito habang ang aking kamay ay nasa dibdib. "Bakit ka ba nanggug