Ziantynna's POV
Agad akong napahawak sa aking ulo ng maramdaman ang bigat nito. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Naumpog ba ako? Nang dapat ay tatayo na ako ay sunod-sunod na eksena ang pumasok sa aking isipan.
Napaawang ang aking labi at agad na iginala ang paningin sa silid. I felt relieve ng masigurong nasa kwarto ko ako.
Kilala ko si Jerico sa mga kwento nila Zayleen at Zailee noon dahil ito daw ang problema sa pamilya nila. Ilang kaso na rin ang nalusutan nito dahil sa impluwensya ng pamilya. Sinusubukan man nila Tito Emilio, daddy ni Zayleen. Na ito ay ikulong na ng tuluyan ngunit mabilis umaksyon ang mga magulang ni Jerico. Kaya naman hindi nila ito maikulong.
Sa pagkakatanda ko Apat ang kapatid ni Tito Emilio, tatlong lalaki at isang babae. Si Tito Emilio ang panganay at si Tita Imelda ang bunso na siyang Ina ni Jerico. Kung gaano makatwiran at tuwid ang panganay ganoon naman kasutil ang bunso. Dahil sa pagiging bunso at nag-iisang babae ay nagdalawang-isip ang kaniyang mga kapatid tungkol sa pagpapakulong sa nag-iisa nitong anak na si Jerico. Pero nang magtagal ay hindi na kinaya ng mga ito ang kahihiyan at pagkatakot sa maaaring gawin ni Jerico.
Kaya naman si Tito Emilio na ang nag presinta na ikulong ito ngunit ng dahil doon ay lumayo ang loob ni Tita Imelda sa pamilya at ginawa ang lahat upang iligtas ang nag-iisang anak. Ito ang dahilan kung bakit kagabi ko lang nakaharap si Jerico at sana hindi na rin nangyari.
Bumuntong hininga ako at umalis sa kama, dapat kong pasalamatan si Zacharias. Nang patungo na sana ako sa aking banyo ay malalakas na pagkatok ang nagmula sa aking pintuan. Tumaas ang aking kilay sa gawi ng pagkatok nito. Simula nang makaalis ako sa bahay ng aking mga magulang, ni minsan ay walang nangahas na magpakita sa akin ng hindi pag respeto.
Imbes na mag-isip ay binuksan ko na lang ang pinto, pagkabukas ko nito ay isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisnge dahilan ng pagbaling ko patagilid. Rinig ko rin ang pag singhap ni Yollie na nasa gilid ng pinto habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa taong sumampal sa akin.
How funny that this scene is very familiar with me.
My face facing the side slowly looking at the person who slap me and like what I imagine it’s him, my dad.
“May asawa ka na pero nasa Lynx club ka?! A club that’s known for having illegal drugs and drinks! Gaano pa kababa ang kaya mong gawin para makalayo sa asawa mo? You are a lady then act like a lady!” he said and walk out. Sinundan ko ito ng tingin at natatawa itong pinagmasdan.
Pumunta siya rito para lang sampalin ako. Hindi man lang naisipang tanungin ako kung maayos lang ang aking kalagayan. Isang pagak na tawa ang lumabas sa aking mga labi.
“Miss Satana,” ani ni Yollie. Bakas ang pag-aalala nito habang nakatingin sa aking pisnge.
“Okay lang ako. Nasaan si Zacharias?” Hindi ako takot sa aking ama ngunit labis kong kinaiinisan ang mga taong sumbungero.
“Nasa office niya po.” Tumango ako rito at sinarado ang aking pinto at saka pumasok sa aking pansariling toilet and bath. I look at the mirror and saw the red part of my face where my father slapped me. A tear rolled down my cheek that I quickly swipe away.
Kilala ang Lynx Club na magandang bentahan ng illegal drugs and drinks. Kaya malakas ang tiwala ko rito na kahit anong gawin ko ay hindi lalabas sa club na iyon.
Dalawa lang ang maaring dahilan upang lumabas ang impormasyon. Una ay nalaman na ng batas ang tungkol sa club o pangalawa ay may nagsumbong direkta sa aking ama. At sigurado akong ang panghuli ang dahilan.
I storm out of my room after I fix myself and go directly to his office. Nang makarating at bubuksan ko na sana ang pinto ay narinig ko ang usapan nila ng Daddy.
“Pasensya na ulit sa nangyari,” ani ng aking ama.
“Walang problema roon ngunit sa ngayon ay nasa pamamahay ko na siya. Asawa ko na rin siya kaya umaasa ako na sa susunod ay hindi ka na muling mangingielam,” ani Zacharias habang may kung anong pinipirmahan sa kaniyang lamesa.
“Makakaasa ka, nagulat lang ako sa nangyari. Hindi ko akalain na nandoon siya at ang masama pa ay idinawit ka niya sa kahihiyan. Umaasa ako na hindi mawawala ang suporta mo sa amin.” Napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang huli nitong sinabi. Hanggang sa huli ay sarili lang nito ang iniisip.
“Uulitin ko asawa ko na siya, Julio. Ano man ang mangyari sa kaniya ay damay ako kaya hindi ko siya pababayaan. Ganoon din ang pamilya niya,” ani Zacharias at ibinigay ang papel na natapos na niyang pirmahan sa aking ama, “saan mo nga pala nakuha ang impormasyon mula kagabi?”
Napataas ang aking kilay sa itinanong nito. Kung ganoon ay hindi siya ang nagsabi?
“Kay Zailee, takot na takot siya ng pumunta sa bahay natatakot marahil sa maaaring mangyari sa pinsan.” Maingat kong isinara ang pintuan sa narinig.
Bakit ba hindi ko naisip na si Zailee ang maaring magsabi. Paniguradong hindi siya natatakot para sa pinsan. Imposibleng para kay Jerico ang takot nito. Nagmamadali akong bumalik patungo sa aking kwarto upang tawagan ito nang madaanan ko ang kulay berdeng pintuan.
“Rule number one have some table manners, rule number three ask for permission if you need to go out of my house, and last don’t open the green door." Pag-aalala ko sa kaniyang sinabi ng araw na iyon.
Nagawa ko na ang dalawang pinagbabawal nito at wala naman akong natanggap na parusa o mayroon? Ngunit hinihintay lang akong magising?
Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa pintuan. Tinulungan niya ako ngunit sa kabila noon ay nagawa ko pa siyang pagbintangan tungkol sa pagsumbong sa aking Ama. Masyado naman na siguro akong masama kung dadagdagan ko pa ang sakit sa ulo niya.
Pumikit ako nang mariin at tumingin muli sa pintuan ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako makagalaw. Katulad nang nangyari nung huli ay ganitong-ganito iyon. Para bang tinatawag ako nito upang manatili, inaakit upang damayan, at pinapasok ang aking puso pinaparamdam ang pamilyar na pakiramdam na kay tagal na naitago.
Unti-unti ay palapit ako sa pintuan hanggang sa mahawakan ko ang pihitan at binuksan ito. Isang berdeng ilaw ang lumamon sa aking paningin at matinding panghihina ang aking nadama dahilan upang bumagsak ang aking katawan sa sahig at tuluyan nang bumigay sa kadiliman ang aking paningin.
Ziantynna’s POV Nagising ako sa isang kalansing ng bakal sa sahig at lamig ng kwartong aking kinalalagyan. Mabigat man ang aking mga talukap ay pinilit ko pa rin itong buksan. Isang sementadong kisame na tila ba ay bagong gawa dahil sa kinis nito at walang bakas ng kahit na anong pintura ang bumungad sa akin. “Nasaan ako,” ani ko gamit ang aking nanghihinang boses na halos walang naging tunog dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan. Tumingin ako sa gilid at nakitang may baso ng tubig roon maingat akong umupo mula sa pagkakahiga kinuha ito at saka ininom. Kada galaw ko ay nakakarinig ako ng kalansing ng bakal kaya naman sinundan ko ang tunog nito at nanlalaki ang aking mga mata nang makita na ang paa ko ang dahilan ng pagalaw ng bakal na iyon. Nakakulong ang aking isang paa sa isang bakal, para akong aso na kinadena
Ziantynna’s POV “Miss Satana,” ani Yollie habang kumakatok sa aking pinto. Kanina pa ako gising pero tinatamad akong tumayo, ang bigat ng pakiramdam ko. Napasobra ata ako sa paliligo kagabi o dahil sa lamig ng basement? Waaahhh! Kahit pag iisip hindi ko magawa. Sasabihin ko na sana kay Yollie na ayoko pang bumangon nang maalala ko ang napagkasunduan namin ni Zacharias. Kaya naman bigla akong napabangon at dahil sa pagkabigla ay pati ata ang mga dugo ko ay nagulat. Hindi ko akalaing magugulatin pala ang dugo ko. Hawak ko ang ulo ko habang mahilo–hilo pa nang maglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto upang pagbuksan si Yollie. Sa susunod nga bibigyan ko na siya ng susi sa aking kwarto. “Miss Satana, okay lang po ba kayo?” ani nito ng halos matumba ako sa simpleng pagbu
Zacharias POV After Ziantynna passed out earlier in the garden, I carefully placed her back in her bed. I look at Yollie, who has a worried expression on her face regarding to her Miss. She hissed as she glanced at me. “Kasalanan mo ito, you locked her in that cold basement!” she said. “Get out,” ani ko. Aangal pa sana ito ng mariin ko na itong tinitigan. Kaya naman umirap na lang ito at umalis na. I know she doesn’t like me I don’t like her either. Sadyang malaki lang ang maitutulong niya para kay Satana at alam kong hinding-hindi niya ipapahamak si Satana kahit gaano niya man ako gustong patayin. I turned to face Satana, who was soundly asleep with a pale face. I never expected such a sweet young kid to be both terrify
Ziantynna’s POV Habang inaalalayan ko ang mga katulong na mag-ayos ng kakatapos lang na party ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. I opened my clutch and get my phone. Isang text message galing kay Cleo hudyat para gawin na ang surprise na hinanda nito para kay Zayleen. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ng aking paningin si Zayleen. Nang hindi ito mahanap sa loob ng bahay ay nagtungo ako sa labas at nakita ko ito sa entrance ng kanilang malaking pintuan. Nakaupo sa hagdan at mukhang may hinihintay. “Malamig na, bakit nandito ka pa rin?” tanong ko rito. Lumingon ito sa akin habang nakanguso at basa ang mga pisngi marahil dahil sa pag-iyak. “Wala pa rin siya, Satana.” Naiiyak na sabi nito dahilan ng aking pagtawa at inilahad ang aking ka
Ziantynna’s POV “Here,” ani Zacharias habang tinatambakan ako ng mga papeles. Nandito kami ngayon sa opisina niya dahil matapos ang tatlong araw na pagkaratay sa kama ay nakumbinsi ko na rin ito na hayaan akong kumilos. Dahil pakiramdam ko ay mas magkakasakit ako sa ginagawa nitong pagkulong sa aking kwarto. Pero wala akong sinabi na gusto kong magbasa. Sinamaan ko ito ng tingin habang ito ay seryosong tinatambakan ng mga papeles ang table niya na siyang gagamitin ko. Lumingon ito sa akin at nagkunot ng noo nang makita ang matatalim kong mga mata. “Ayaw mo ba? Pupwede kang bumalik sa kwarto mo at magpahinga na muna.” Umiling ako at ngumiti dito pilit na tinatago ang k
Ziantynna’s POV Nang makapasok ako sa aking kwarto ay agad ko itong sinarado at nanghihinang napaupo sa aking kama. Mahigpit na nakakuyom ang aking palad sa tapat ng aking dibdib dinidiin doon umaasang sa pamamagitan nito ay mawawala ang kakaibang emosyon. Imposible! Imposible itong nararamdaman ko. Marahil kaya ako nagkakaganito dahil hindi ko lang matanggap na mayroon siyang ibang babae samantalang ako wala! Dapat ay patas, hahanap din ako! Oh my God! Ano ba itong naiisip ko. Hindi ko namalayan ang oras na nakatulala lang ako sa kawalan habang nakikipag-usap sa sarili ng may kumatok sa aking silid. “Miss Satana, o
Ziantynna’s POV “Satana!” ani Zayleen paglingon nito sa akin. Ang magiliw at puno ng kasiyahan nitong mukha habang papalapit sa akin ang nagpapaalala kung gaano ako nangulila sa matalik kong kaibigan. Nang makalapit ito sa akin ay agad ako nitong yinakap na siya namang tinugunan ko. “Buhay ka,” ani ko. “Thanks to your husband.” Kinalas ko ang pagkakayakap nito at umatras upang tingnan ang mukha nito at magtanong tungkol sa sinabi nito nang mag salita si Zacharias sa likod niya. “Mas mabuti pa mag-usap na muna kayo ng kayong dalawa lang.” Lumapit si Maverick kay Zacharias at tinulak ang wheelchair nito. Kami naman ni Zayleen ay tumabi upang makadaan ito
Ziantynna’s POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng makaramdam ako ng magagaang haplos sa aking noo at bumungad sa akin ang mukha ni Zayleen na may bakas ng labis na pag-aalala.Agaran akong napabangon nang maalala ang nangyari, ito naman ay napausog sa mabilis kong pagkilos.“Satana, Mag-iingat ka! Baka mawalan ka na naman ng malay.” Kumunot ang aking noo sa sinabi nito at kinapa ko ang aking leeg kung saan nakaramdam ako ng malamig at matulis na bagay bago mawalan ng malay.“Teka asaan na yun,” ani ko ng hindi ko mahanap ang sugat sa aking leeg. Sigurado akong matulis na bagay iyon kaya imposibleng walang markang matitira.“Alin iyon?” Dahil sa tanong nito ay napatigil ako at ibinigay sa kaniya ang buo kong atensyon.“Anong nangyari kanina?” Lumungkot ang mukha nito at napayuko.“Sorry, na-stress siguro kita kaya nawalan ka ng malay bag
Ziantynna's POVTumingin ako sa mga painting materials na nakalatag sa kwarto na gawa sa salamin upang malayang makita ang tanawin sa likod bahay kung saan makikita ang mahinahong hampas ng dagat sa dalampasigan."Nagustuhan niyo po?" tanong ni Cecelia na siyang nagdala sa akin dito matapos naming kumain ni Zacharias ng breakfast.Linggo ngayon kaya naman pareho kami ni Zacharias na nasa bahay at walang ginagawa... ako lang pala dahil ang isang iyon ay nagkulong na naman sa opisina niya para sa mga naiwang trabaho."Kelan pa ito nagawa?" tanong ko dahil noong unang nilibot ko itong bahay wala pa ito."Simula pa noong pumasok na kayo sa kumpanya. Ginagawa po ito kada wala kayo sa bahay," nakangiting saad ni Cecelia.Dahilan ng pagtaas ng aking kilay. He made this sanctuary for me but let others surprise me. What a thoughtful man.Ngumiti ako kay Cecelia at inutusan itong ikuha ako ng kape upang may mainom habang sinusubukan itong mga materyales na halatang bagong bili dahil sa amoy.Ku
Third Person POVBehind Rebecca's stern face is her trembling body. After searching for some information Rebecca knows there is something wrong in here. So she asked Ziantynna to have a little talk to be sure."Do you want to drink?" tanong ni Rebecca kay Satana pero umiling lang ito.Bumuntong hininga si Rebecca at nagsimula nang magtanong. Pinili niya ang pinaka sulok nang Cafeteria para walang makarinig sa pag uusapan nila knowing the possibility that Ziantynna wants to keep everything in secret."I know you are Ziantynna Quinzel - Lamprouge," panimula ni Rebecca dahilan para makuha nito ang buong atensyon ni Satana."Well based on your position in this company I think you want to hide this information, right?" saad ni Rebecca."Yes, what do you want?" diretsong tanong ni Satana.Satana knows Rebecca based on the folder that Zacharias gave her before.Rebecca has a strong background. She studied abroad and earned a degree, then worked for a well-known company before relocating to t
Ziantynna's POVHabang nagsusuklay ako ng aking buhok sa harap ng salamin ay napatigil ako at tinitigan ang aking sarili na hanggang ngayon ay bakas ang pamumutla."Tama ba ang hiniling ko?" wala sa sariling tanong ko."Po?" tanong ni Cecelia.Nagising ako sa aking tinuran at tumingin kay Cecelia na may kuryosong tingin sa akin. Ngumiti ako rito at umiling."Wala iyon. Sige na at maari na kayong umalis ako ng bahala," saad ko sa mga ito.Agad namang tumango si Cecelia at Vivian atsaka umalis.Ibinaba ko ang aking suklay na hawak at napabuntong hininga.Hindi ko dapat hiniling iyon. Sasabihin ko na lamang na kaya ko na at maayos na ang pakiramdam ko. Marahas akong tumayo upang pumunta kay Zacharias para sabihin ang naisip ko ng aking nasagi ang suklay at bumagsak ito na siyang naglikha ng tunog.Dahil sa tunog na iyon ay bigla akong natigilan at paulit ulit na parang sirang plaka ang imahe ni Z
Third Person's POVAfter Ziantynna's peaceful lunch she comes back to Zacharias office without looking at the man.Sa loob ng opisina ni Zacharias ay pagtatrabaho lang ang ginawa ng dalawa. Nag uusap lang ang mga ito kung may kailangang ipagawa si Zacharias o hindi naman ay mga tanong mula kay Satana.Ngunit walang naging usapan na hindi tungkol sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang takipsilim.Zacharias close the last folder he scanned and signed. Atsaka tumingin kay Ziantynna na ngayon ay busy na lang sa pagbabasa ng libro."Let's go home," saad ni Zacharias.Lumingon si Satana rito at matapos ay sa orasan.7:35 pmHindi nito namalayan ang oras. Matapos kasi nitong matapos lahat ng trabaho ay nagbasa na lang ito ng libro.Sinara ni Satana ang libro at tumayo upang ayusin ang mga gamit. Matapos noon ay lumapit si Satana kay Zacharias at tinulungan itong itulak ang wheelchair nito.Wala namang hi
Habang nangyayari ang meeting ay hindi mawalawala ang paningin ni Satana kay Daphne hanggang sa hindi nito namalayang natapos na ang meeting at kanina pa siya tinatawag ni Zacharias."Satana," Pangatlong ulit ni Zacharias sa pangalan ng asawa. Sa inip ni Zacharias ay hinila na nito ang braso ng asawa papalapit sa kaniya."Wife," bulong nito kay Satana sinisiguro na silang dalawa lang ang nakakarinig.Dahil sa ginawa ni Zacharias ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Satana."Hey," ani ni Satana nang mapansin ang lapit nila ni Zacharias at saka ibinalik ang tingin sa board na nakatingin sa kanilang dalawa ni Zacharias.Puno ng kuryosidad ang mga matang nakamasid sa dalawa dahilan upang matamaan ng hiya si Satana.
Third Person’s POV "You have two beautiful secretaries," saad ni Satana pagpasok nila ng opisina ni Zacharias dahilan nang pagkunot noo ni Zacharias at kapagkuwan ay pag ngisi na hindi nakikita ni Satana dahil ito ay nasa likod ni Zacharias na siyang nagtutulak ng wheelchair. "Yes, I enjoy seeing beautiful people, especially ladies," dagdag niya. "Oh, maybe that's the reason why you chose me as your wife?" sarkastikong saad ni Satana at tumalikod upang magtungo sa office table nito. "At least now you have a clue," pahabol ni Zacharias. Nang makarating si Satana sa pansamantala niyang table ay padabog na ibinagsak nito ang mga gamit na dala at binuksan ang Ipad upang tignan ang schedule ni Za
Third Person's POV "Ready?" tanong ni Maverick kay Satana na ngayon ay naghahanda para sa pagpasok sa kumpaniya upang pumalit panandalian kay Maverick. Ngumiti siya rito ng pilit at tumango. 'Kung hindi lang ito para kay Zayleen. Hinding-hindi kita bibigyan ng vacation leave' ani ni Satana sa kaniyang isip habang mariing nakatingin kay Maverick na may masayang mukha. "Kung ganoon po ay tara na," saad nito at pinauna si Satana sa paglalakad. Nang pababa sa hagdan ay nahagip ng kaniya
Third Person’s POV Pagod na ibinagsak ni Satana ang dumbbell na hawak. Ang kaniyang tumutulong pawis mula sa noo pababa sa kaniyang leeg ay pinunasan niya gamit lang ang kaniyang kamay. At saka matatalim ang mga matang sinulyapan si Zacharias na prenteng nakaupo sa wheelchair. "Kilig na kilig pa ako kahapon maghihirap pala ako ngayon," bulong ni Satana sa sarili at saka umirap. Nakita ito ni Zacharias dahilan ng pagkunot ng noo nito. "Is there a problem?" tanong ni Zacharias ngunit hindi ito tinutugunan ni Satana at sinimulan ang sumunod na exercise na Alternating rope whips na pinapagawa sa k
Ziantynna’s POV While unpacking my things ay isang katok sa aking kwarto ang aking narinig. "Come in," saad ko habang patuloy na inaayos ang aking mga gamit sa pag-aakalang sila Cecelia at Vivian na iyong kumatok dahil nagpaalam ang mga ito sa kaniya kanina na babalik upang tulungan siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. "It's dinner time." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Zacharias. Agad akong lumingon dito habang ang aking kamay ay nasa dibdib. "Bakit ka ba nanggug