Hold me Tight my Lamia

Hold me Tight my Lamia

last updateLast Updated : 2022-05-15
By:   CarbonAira  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
28Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Si Ziantynna Quinzel ay kilala bilang spoiled brat ng pamilyang Quinzel. Ang ganoong katangian ni Ziantynna ay nagsimula ng aksidente niyang marinig sa kaniyang ama ang kasunduan na ipapakasal siya sa isang lalaki na ni minsan ay hindi pa niya nakikita. Dahil doon ay ginawa niya ang lahat upang mabahiran ng pangit na imahe ang kaniyang magandang reputasyon ngunit ganoon pa man nangyari pa rin ang kagustuhan ng kaniyang ama. Kaya naman sa kaniyang ika–dalawampu't tatlong kaarawan ay dinala siya sa isang bahay na mala palasyo ang laki na ang nagmamay-ari ay si Zacharias Lamprouge. Ang negosyanteng lalaki na may tagong katauhan. Dahil sa kawalang kakayahan tinanggap na niya ang katotohanang makukulong siya sa piling ng lalaki. Ngunit magagawa rin kaya niyang tanggapin ang katotohanan sa kaniyang pagkatao kung malaman niya ang nakaraan at kung sino talaga siya?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

Third Person POVSa isang madilim na kagubatan tanging huni ng Ibon, galaw ng mga tuyo't na halaman at iyak ng isang bata ang maririnig. Patuloy itong umiiyak habang tinatawag ang kaniyang Ina, lingid sa kaalaman na may mababangis na hayop ang nagmamasid sa kanya. Isang presensya ng hindi kilalang nilalang na may madilim na aura ang nagpatigil at nagpatakbo sa mga mababangis na hayop. Ang nilalang ay unti-unting lumapit sa batang tumigil na sa pag-iyak at napuno ng kuryosidad ang mga mata, habang sinusundan ng tingin ang nilalang. Nang ito ay makalapit ay lumuhod ito upang mag pantay sila ng tingin ng maliit na bata, sila'y nagkatitigan at dumaloy ang kuryente na galing sa pulang mga mata ng lalaki patungo sa berdeng mala-ahas na mata ng bata. Ang batang may inosenteng mukha ay biglang naglaho at napalitan ito ng matatalim na mga mata. Ang pang-ibabang katawan nito ay nagkatawang-ahas at agad na mahigpit na lumingkis sa tuhod ng lalaki. Pahigpit ito nang pahig...

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
lemonadeee
On going pa siyaaaa, mas nakakaexcitee kung ano pang mangyayariii .........
2021-08-26 23:33:13
1
28 Chapters
CHAPTER 1
Third Person POVSa isang madilim na kagubatan tanging huni ng Ibon, galaw ng mga tuyo't na halaman at iyak ng isang bata ang maririnig. Patuloy itong umiiyak habang tinatawag ang kaniyang Ina, lingid sa kaalaman na may mababangis na hayop ang nagmamasid sa kanya. Isang presensya ng hindi kilalang nilalang na may madilim na aura ang nagpatigil at nagpatakbo sa mga mababangis na hayop. Ang nilalang ay unti-unting lumapit sa batang tumigil na sa pag-iyak at napuno ng kuryosidad ang mga mata, habang sinusundan ng tingin ang nilalang. Nang ito ay makalapit ay lumuhod ito upang mag pantay sila ng tingin ng maliit na bata, sila'y nagkatitigan at dumaloy ang kuryente na galing sa pulang mga mata ng lalaki patungo sa berdeng mala-ahas na mata ng bata. Ang batang may inosenteng mukha ay biglang naglaho at napalitan ito ng matatalim na mga mata. Ang pang-ibabang katawan nito ay nagkatawang-ahas at agad na mahigpit na lumingkis sa tuhod ng lalaki. Pahigpit ito nang pahig
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more
CHAPTER 2
Third Person POVKinabukasan ay isang katok galing sa mga katulong ang nagpagising kay Satana upang masimulan ng mga ito ang kanilang paghahakot sa kaniyang mga kagamitan. Gustuhin mang magalit ni Satana at pigilan ang mga ito ay hinayaan niya nalang at pilit na pinakalma ang sarili. Sa loob ng Eleven years walang ginawa si Satana kundi baguhin ang isip ng kaniyang Ama. Sinubukan na niyang mas maging mabait, pasaway at kung ano pang-ugali ang maaari, ngunit sa kabila ng lahat, kailangan niya pa ring gawin ang napagkasunduan. Mapait na napangiti si Satana sa kaniyang naisip. "Anak." Tinig ng babae ang nagpagising sa malalim na pag-iisip ni Satana. Hindi niya ito nilingon tanging repleksyon lang nito sa salamin ng vanity table ang kaniyang tinignan. Ang babaeng kinahahangaan niya ng sobra noon. Ang makinis at maputi nitong balat noon ay nagkakaroon na ng bakas ng katandaan, ang mga mata nitong napupuno ng saya noon ay napalitan na ng kalungkutan at a
last updateLast Updated : 2021-08-23
Read more
CHAPTER 3
Third Person POVMabilis ang pagtakbo ni Satana sa kapaligiran ng bahay habang dinadama ang mararahas na hampas ng sariwang hangin sa kaniyang mukha. Sa paligid pa lang ng mansion ay hihingalin ka na sa pagtakbo, magandang exercise tuwing umaga para kay Satana. Ito na ang pangatlong araw ni Satana sa bahay ng lalaking pinakasalan niya sa papel at ni minsan ay hindi niya pa nakikita.Sa loob ng tatlong araw ay napupuno na ang isipan ni Satana ng mga tanong katulad nalang ng kung ano ang itsura ng lalaki at hindi pa ito magpakita sa kaniya? Wala din kasing kahit na anong larawan ang makikita sa Mansion. Base rin sa nakalap niyang impormasyon ay nasa edad na apat na pu't tatlo na ang lalaki ngunit hindi manlang nagkaroon ng asawa o anak kahit na nangunguna ang kaniyang kumpanya rito sa Pilipinas.'Kahit ata gold digger ay ayaw sa kaniya.' ani ni Satana sa isipan.Nang matapos magpapawis ay bumalik si Satana sa loob ng mansion. Agad naman itong sinalubong ni Yoll
last updateLast Updated : 2021-08-24
Read more
CHAPTER 4
Ziantynna's POV “Can I cook?” ani ko pagkapasok sa kusina agad namang lumingon sa akin si Yollie bakas ang pagkagulat at kaba sa mga mata nakita ko rin ang agad nitong pagtago ng cellphone sa kaniyang bulsa dahilan ng pagkunot ng aking noo. Kausap niya ba ang pamilya niya? “Nakaka-istorbo ba ako?” ani ko muli. “Ah hindi po pasensya na nagulat lang ako,” ani Yollie at kumamot sa ulo at lumingon sa likod niya kung nasaan ang mga kasangkapan panluto, “magluluto po kayo? Pero may mga chef po tayo na nakalaan para doon.” “Nais ko lang malibang. Wala masyadong gawain dito, nababagot na ako.” “Tanungin ko po muna ang Mayordoma,” ani nito at agad tumakbo palabas ng kusina pagkatango ko. Pagkaalis nito ay nawala ang aking mga ngiti. Kausap niya lang ba talaga ang pamilya niya? Bakit malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling siya. Pinuntahan ko ang kinatatayuan niya kanina at nakita roon ang magazine na hawak niya kanina. Naro
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more
CHAPTER 5
Third Person POV “From now on…You are no longer permitted to eat with us,” ani Zacharias ng makarating sila ni Maverick sa kaniyang kwarto. “Yes Sir,” sagot ni Maverick nagtataka man ay hindi na nagtanong pa. Natatakot na bawiin pa ni Zacharias ang sinabi dahil para sa kaniya ay hindi na niya kakayaning tikman pa ang pagkaing iyon. Kaya nga lubos ang kaniyang pagkamangha nang magawa ni Zacharias na ubusin ang putahe. “Nakahanap ka na nang mapagtataguan?” tanong ni Zacharias kay Maverick pagkainom nito ng tubig na nasa kaniyang bed side table. “Hindi pa. Itong bahay na ito kung nasaan tayo ang pinakamagandang pagtaguan dahil doble ang seguridad dito at mababantayan natin pareho,” sagot ni Maverick, hindi iyon sagot dahil tamad siyang maghanap sadyang iyon ang mainam na solusyon. “Makakaalis ka na,” ani Zacharias habang isa-isang tinatanggal ang butones ng kaniyang polo. Yumuko si Maverick at tahimik na lumabas sa kwarto ni Zacharias.
last updateLast Updated : 2021-09-03
Read more
CHAPTER 6
 Ziantynna's POV “Maayos na po ang paliguan niyo,” ani Yollie pagkalabas ng aking banyo.“Sige, ako ng bahala maari ka ng magpahinga,” ani ko rito.“Po? Pero diba magtitimpla pa ako ng gatas para sa inyo at saka lilinisin ko pa ang bathtub pagkatapos niyo pong gamitin.”“Ako ng bahala doon baka matagalan ako.” Itinaas ko ang librong hawak, “magbabasa ako habang nakababad sa tubig paniguradong matatagalan ako kaya ako ng bahala.”“Ah sige po ilalagay ko nalang po iyong gatas sa bedside table niyo,” ani nito at yumuko at saka umalis.Nang makaalis ito ay inihagis ko ang libro sa aking kama at saka pumasok sa banyo at nag hubad upang pumailalim sa maligamgam na tubig mula sa shower, hindi pinapansin ang tubig na nakatimpla sa bathtub. Masyado akong matatagalan kung doon pa ako maliligo.Matapos maligo ay nagsuot lang ako ng black silky shor
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more
CHAPTER 7
Ziantynna's POV   Agad akong napahawak sa aking ulo ng maramdaman ang bigat nito. Bakit ganito kasakit ang ulo ko? Naumpog ba ako? Nang dapat ay tatayo na ako ay sunod-sunod na eksena ang pumasok sa aking isipan. Napaawang ang aking labi at agad na iginala ang paningin sa silid. I felt relieve ng masigurong nasa kwarto ko ako. Kilala ko si Jerico sa mga kwento nila Zayleen at Zailee noon dahil ito daw ang problema sa pamilya nila. Ilang kaso na rin ang nalusutan nito dahil sa impluwensya ng pamilya. Sinusubukan man nila Tito Emilio, daddy ni Zayleen. Na ito ay ikulong na ng tuluyan ngunit mabilis umaksyon ang mga magulang ni Jerico. Kaya naman hindi nila ito maikulong. Sa pagkakatanda ko Apat ang kapatid ni Tito Emilio, tatlong lalaki at isang babae. Si Tito Emilio ang panganay at si Tita Imelda ang bunso na siyang Ina ni Jerico. Kung gaano makatwiran at tuwid ang panganay ganoon naman kasutil ang bunso. Dahil sa pagiging bunso at nag-iis
last updateLast Updated : 2021-09-13
Read more
CHAPTER 8
Ziantynna’s POV Nagising ako sa isang kalansing ng bakal sa sahig at lamig ng kwartong aking kinalalagyan. Mabigat man ang aking mga talukap ay pinilit ko pa rin itong buksan. Isang sementadong kisame na tila ba ay bagong gawa dahil sa kinis nito at walang bakas ng kahit na anong pintura ang bumungad sa akin. “Nasaan ako,” ani ko gamit ang aking nanghihinang boses na halos walang naging tunog dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan. Tumingin ako sa gilid at nakitang may baso ng tubig roon maingat akong umupo mula sa pagkakahiga kinuha ito at saka ininom. Kada galaw ko ay nakakarinig ako ng kalansing ng bakal kaya naman sinundan ko ang tunog nito at nanlalaki ang aking mga mata nang makita na ang paa ko ang dahilan ng pagalaw ng bakal na iyon. Nakakulong ang aking isang paa sa isang bakal, para akong aso na kinadena
last updateLast Updated : 2021-09-15
Read more
CHAPTER 9
Ziantynna’s POV “Miss Satana,” ani Yollie habang kumakatok sa aking pinto. Kanina pa ako gising pero tinatamad akong tumayo, ang bigat ng pakiramdam ko. Napasobra ata ako sa paliligo kagabi o dahil sa lamig ng basement? Waaahhh! Kahit pag iisip hindi ko magawa. Sasabihin ko na sana kay Yollie na ayoko pang bumangon nang maalala ko ang napagkasunduan namin ni Zacharias. Kaya naman bigla akong napabangon at dahil sa pagkabigla ay pati ata ang mga dugo ko ay nagulat. Hindi ko akalaing magugulatin pala ang dugo ko. Hawak ko ang ulo ko habang mahilo–hilo pa nang maglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto upang pagbuksan si Yollie. Sa susunod nga bibigyan ko na siya ng susi sa aking kwarto. “Miss Satana, okay lang po ba kayo?” ani nito ng halos matumba ako sa simpleng pagbu
last updateLast Updated : 2021-09-17
Read more
CHAPTER 10
Zacharias POV After Ziantynna passed out earlier in the garden, I carefully placed her back in her bed. I look at Yollie, who has a worried expression on her face regarding to her Miss. She hissed as she glanced at me. “Kasalanan mo ito, you locked her in that cold basement!” she said. “Get out,” ani ko. Aangal pa sana ito ng mariin ko na itong tinitigan. Kaya naman umirap na lang ito at umalis na. I know she doesn’t like me I don’t like her either. Sadyang malaki lang ang maitutulong niya para kay Satana at alam kong hinding-hindi niya ipapahamak si Satana kahit gaano niya man ako gustong patayin. I turned to face Satana, who was soundly asleep with a pale face. I never expected such a sweet young kid to be both terrify
last updateLast Updated : 2021-10-01
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status