Share

003

Sometimes it's better to imagine than to face reality. Your rules, your own world. You can manipulate it either way, but the sad thing is that imagination has a period of time. It cannot last any longer. Because every time people fall asleep to their dreams, they end up repeating the same routine in order to keep them happy.

Whether happy or not, sad or angry, eventually all those feelings will fade. But the truth of the matter is, behind those scars is the proof of how strong you are as a person, and that's the proof that you're keeping yourself alive.

And that's enough to tell yourself how brave you are to face those challenges alone, without anybody knowing it.

Keep motivating yourself to move forward, because eventually, the road that you've been taking is the road that will take you to the right destination.

Nagmumuni muni si Raelynn sa magandang tanawin ng biglang may nahagip ang mga mata niya. Her eyes widened in shock mula sa taong nakatayo at malayo sa pagitan ng kinatatayuan niya. Minsan lang siya may maabutan na taong nag lalagi dito, kapag napunta kasi siya mag isa ay wala na siyang taong nadadatnan at gustong gusto niya kapag siya na lang mag isa.

Hindi pa man siya nakakabawi ay bigla na lang itong humarap sakaniya. Her breath hitch, napahinto siya sa at humigpig sa cellphone na hawak.

His eyes. His eyes is so deep and blue. Bumaba ang paningin niya sa ilong nito, it's so straight. Parang gusto niya hawakan ang ilong niya na hindi naman masyadong katangusan pero bumagay naman sa hulma ng mukha niya. His undercut hairstyle and his perfectly fair white skin. Napalunok siya. Para siyang baliw na nakatitig lang sa mukha nito. Ilang taon ba siya namalagi sa bahay lang? at hindi niya naisipan na may taong sobrang perpekto at walang bahid na insekyur sa katawan at mukha nito.

"Do I know you?" Kahit boses nito ay maganda sa pandinig niya. Lihim na kinurot ni Raelynn ang sarili. Ano ba itong iniisip ko?

"A-ah sorry, h-hindi." Tumikhin siya at lumunok. "I mean hindi po, napadpad lang ako dito sa pag m-muni ng lugar. " Sandali siyang tinignan ng lalaki kaya nahihiyang napangiti siya dito. "Sige aalis na ako." Aniya at aalis na sana ng tinawag siya nito.

"Wait. Do you know any atm machine here? Nakalimutan ko kasi magdala ng cash. Balak ko kasing bumili ng pagkain and I can't find anything here." Tumango siya dito. Mukhang malayo layo pa ang mararating nito bago makabalik sa siyudad. Nasa dulo kasi kami ng mt daguldul. At ilang oras pa ang lalakbayin at lalakarin pababa dito. Mukhang matatagalan pa siya.

"Meron naman pero malayo layo ang patutunguhan mo mula rito."

"I see. I just want to stay for a night here, but I haven't brought any food. Stupid of me." Mukha itong problemado. Meron naman tindahan na nagtitinda dito pero hindi naman siya mabubusog sa coconut juice. Napakamot ng kilay si Raelynn.

"Uhm, kung gusto mo may extra naman akong pagkain. Medyo madami iyon at hindi ko naman mauubos. If you want, I can share my food with you." Suhestiyon niya. Kawawa naman kung iiwan ko siya dito, at least mabigyan ko lang siya ng pagkain. Tinignan siya ng binata.

"You're willing to give food to someone you don't barely know? " Tanong nito. Raelynn shrugged.

"Hindi ka naman masamang tao diba?" kumunot ang noo nito.

"Of course not." Sagot nito.

"Then there's nothing to worry about. Besides, I can shout and fight if you do something bad." Natawa naman ang binata. Hindi naman maiwasam mamangha ni Raelynn. Ito nanaman ang damdamin niya na kakaiba ang tibok dahil sa lalaki.

"Don't worry, you're safe with me." you're safe with me. Hindi maiwasang mapangiti ni Raelynn. Hindi niya alam pero ang komportable ng pakiramdam niya sa lalaki, hindi ganito ang nararamdaman niya sa taong hindi niya naman nakakausap at nakikita. Pero siya, kakaiba. Ibang iba.

"Thank you..." Tinignan ni Raelynn ang tinitignan ng binata kanina at kahit siya hindi maiwasang mamangha sa ganda ng mt daguldul. Hindi man ito kasing ganda ng ibang bundok sa batangas pero ang bundok na ito ay mag bibigay sayo ng samut saring pakiramdam. Sobrang tahimik kasi sa lugar na ito at tila sa bawat punta mo dito ay lahat ng problema mo ay nawawala. Sa baba kasi nito ay may isla na puwede naman lakarin pero masyadong delikado sa gabi.

Sobrang sarap pa ng simoy ng hangin. Dito parang malayo ka sa problema. Malayo sa lahat.

"Ang ganda ng mount daguldol noh?" Hindi maiwasang komento ni Raelynn. Tumalikod sakaniya ang binata kaya naman nilapitan niya ito at tinabihan.

Sumabay ang hangin kaya naman nalipad sa gilid ang kaniyang buhok. Huminga siya ng malalim at napapikit. Sa pagdilat ni Raelynn ay mata ng binata ang naabutan niya.

"Matagal ka na bang lumalagi dito?" Tanong nito.

"Oo naman, lagi akong pumupunta dito kapag gusto kong mapag isa."

"So, may problema ka ‘rin pala kaya ka nandito?"

Nginitian niya lang ang binata. Higit pa sa problema ang dala ko. Sa isip isip ni Raelynn.

"Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?" Iniwas ng binata ang tingin.

"Well, I just want to be alone. I didn't know this place, actually. I just came here because I thought this was the best place to stay. Glad that I did, though."

"Mabuti naman kung ganon. I hope this mountain can help you ease your problem."

Madami pa silang pinag usapan ng binata. Tuwang tuwa naman si Raelynn at hindi niya pa rin maiwasan mamangha kapag tumatawa ang binata. Ang ganda kasi ng mga ngiti nito, parang walang problemang dala.

Sana ganito kasaya ang buhay ng tao. Sana wala silang dinadalang problema. Sana hindi sila umiiyak. Sana hindi nila sinisisi ang sarili nila sa mga bagay na hindi naman nila ginawa. Sana hindi madamot ang mundo sakanila. Sana makita sila ng mundo kung gaano din nila gustong sumaya.

Ang daming pumapasok sa isip ni Raelynn pero isa lang ang sagot nito. Kung wala ang lahat ng nadarama ng tao, paano nila matutunan na maging matapang? lumaban? at harapin ang takot na kinakaharap nila sa buhay.

Mahirap naman talaga ang buhay, wala naman madali hindi ba? Pero paano maman ang mga tao na sukong suko na at wala ng makitang paraan upang mag pa tuloy pa.

Mahirap lumaban, mahirap bumangon, mahirap sabihin sa sarili mo na malalampasan mo ito at kaya mo 'to. Pero kung kaya natin maging matatag para sa mga taong mahal natin, kayang kaya rin natin para sa sarili natin.

"I forgot to ask your name." Natawa si Raelynn. Oo nga pala ang tagal na nilang nag uusap pero hindi pa nila alam ang pangalan ng isa't isa.

"I'm Raelynn, and you are?" Pagpapakilala niya sa sarili.

"Henry." Aniya at nakatingin sa mata niya. "My name is Henry." inabot ni Raelynn ang kamay nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status