Share

His Unexpected Son
His Unexpected Son
Author: Yassieebells

Pasilip

Author: Yassieebells
last update Huling Na-update: 2023-05-22 17:08:02

"Tell me the fucking truth, Dreams! Huwag mo 'kong gawin tanga."

Maririnig sa kuwadradong silid ng apartment ang pagsigaw ng doktor na si Kayden habang pinipilang magwala sa harapan ni Dreams. Kagagaling lamang nila sa probinsiya dahil dumalo sila sa fiesta'ng pambarangay doon. Habang masyaa silang nanonood ng parada ay may pumukaw ng atensyon ni Dreams dahilan para masira ang magandang trato ng doktor sa kanyang.

Sa kalagitnaan ng byahe pabalik ng syudad ay halos nabingi si Dreams sa katahimikan na namutawi sa pagitan nila ng doktor. Gustong-gusto niyang magsalita upang magpaliwanag pero tinakasan siya ng lakas ng loob dahilan para matahimik na lang. Tanging pag-agos ng luha sa kanyang pisngi ang kanyang nagawa.

Pasulyap-sulyap siya sa doktor na kasama ngunit galit at inis ang nabasa niya sa itsura ng lalaki. May pagsisisi siya na hindi ipinaalam ang bagay na iyon sa lalaki. Kung alam niya lang na 'yon ang sisira sa magandang pagsasama nila ni Kayden, dapat noon pa lamang ay inamin na niya ito upang ganoon ay hindi na kailangang humantong pa sa mapusok na sagutan ang pagitan nima ni Kayden.

"Kayden, maniwala ka naman sa'kin, anak mo 'to. Sa'yo ang batang 'to." Depensa ng babae habang nakahawak sa tyan niya na mapapansin na ang kalakihan nito dahil nasa ika-anim na buwan na niya itong pinagbubuntis.

"Paano mo nalaman, dahil sinabi mo? Ha?"  Galit na galit na usal ng lalaki. May pagtataas na sa tono ng kanyang boses dahilan para manginig sa takot si Dreams.

"Dahil sigurado ako!" Nagsimula nang bumuhos ang luha ni Dreams na kanina pa niya pinipigilan. "Malakas ang kutob ko na anak mo 'to at hindi sa kanya."

"Tangina naman!" Umiling-iling si Kayden saka napahilot sa kanyang batok bago itinapon ang tingin sa babaeng takot na takot na sa gilid. "Nawalan na ako ng tiwala sa'yo, Dreams. At alam mo ba, dumating na 'yong araw na kinakatakot ko sa lahat. 'Yon ay 'yong malaman ko na wala tayong kasiguraduhan kung ako ba talaga ang tatay ng batang 'yan."

Nalaglag na sa pisngi ni Kayden ang kanyang mga luha. Diretso ang titig niya kay Dreams at nais niyang iparating dito na malaking heartbreak ang mararanasan niya kung mapalabas na hindi siya ang tunay na ama ng bata. Hindi alam ni Kayden kung kakayanin niya bang harapin ang katotohan kung sakali na magnegative ang resulta ng paternity test na binabalak niyang gawin kay Dreams.

Naglakad palapit si Dreams kay Kayden kahit natatakot siya. Nanginginig ang kamay nito na humawak sa braso ng binata pero mabilis na inalis ni Kayden ang pagkakahawak nito sa kanya. Napaatras si Dreams nang akmang susuntukin siya ni Kayden sa mukha.

Ang inaasahan ni Dreams ay may kamao na tatama sa kanyang mukha pero wala siyang naramdaman. Kaya naman dahan-dahan siyang dumilat at doon niya nakita si Kayden na nakayuko't nakayukom ang nga kamao sa baba. Nasaktan si Dreams sa naging kahihinatnan ni Kayden kaya napapikit siya't naiyak na lang. Ramdam na ramdam niya 'yong sakit na nararamdaman ni Kayden at sobra niyang sinisisi ang sarili.

"Minahal ko ang batang 'yan kahit hindi ko pa siya nakikilala. naging tatay ako at nangarap ng marami para sa kanya. Isinuko ko lahat ng pangarap ko, kahit 'yong pagiging doktor ko, pinabayaan ko para lamang mabigyan siya ng oras. Tapos darating yong araw na malalaman ko na may chance na hindi ako ang tunay niyang ama." Mararamdaman sa tinig ng doktor ang sakit na kanyang nararamdaman. Sobrang sama ng loob niya kay Dreams. "Masakit sa akin na kung kailan napamahal na ako sa kanya, doon ko malalaman na may chance na hindi siya akin. Dreams, masakit sa akin na kung kailan nagseryoso na ako sa bagay na kailanman hindi ko pinangarap, doon mo naman ako sinaktan. Minahal ko na siya ng higit pa sa sarili ko. At ang masakit pa roon, minahal na rin kita."

Mas lalong nasaktan si Dreams sa kanyang narinig mula kay Kayden. Nakita naman niya lahat kung paano naging responsableng tao si Kayden sa kanya kahit noong una ay dinaig pa ang diablo sa pagiging salbahe. Akala niya nga noon ay hindi sila kailanman magkakasundo. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan masaya na ang kanilang pagsasama, doon dumating ang problemang hindi nila inaasahan.

Nag-ipon ng lakas ng loob si Dreams bago sinubukang hawakan ang mukha ni Kayden. Nakita  niya kung paano umagos ang mga luha ng binata at doon niya nalaman kung paano ito nasaktan ng sobra. Hinawi ni Dreams ang ilang butil ng luha sa pisngi ng lalaki gamit ang kanyang daliri. Lalo siyang nasaktan nong hindi manlang siya tinitigan ni Kayden sa mata.

"Kailanman hindi ko maiisipang magtago ng sikreto sa'yo, Kayden."

Napatingin ang lalaki sa kanya at itinapon nito ang galit na galit na awra. Kung ilalarawan ni Dreams, ganoon ang itsura ni Kayden noong pinagmamalupitan pa siya nito. At kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang bumalik ang dating trato ni Kayden sa kanya. Nagiging panatag siya sa bagong ugali ng lalaki.

Tinapik ni Kayden ang kanyang mga kamay na nakahawak sa kanyang mukha. "You did it already, Dreams." Malamig na prangka ni Kayden habang masama siyang nakatitig rito. "At kung maibabalik ko lang ang gabing 'yon na may nangyari sa'tin, sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita pinag-interesan para hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon."

Naiyak lalo si Dreams sa kanyang mga narinig. "Kayden..."

Nag-iigting ang panga ni Kayden sa galit na tumingin sa babae. "You gave me the worst nightmare, Dreams. At bukas na bukas din, ayoko ng makita ang pagmumukha mo rito. Umalis ka na kasama 'yang anak mo."

Pinanood na lang ni Dreams ang bulto ni Kayden na pumasok sa kwarto nito. Pabagsak na isinarado ng binata ang pintuan ng kanyang kwarto, sa paraan na 'yon ay naramdaman ni Dreams ang galit ni Kayden. Wala siyang nagawa kundi ang mapaupo at yakapin ang sarili. Tanging hikbi niya ang maririnig sa sala ng apartment ni Kayden. At wala siyang ibang nais kundi ang ipaliwanag kay Kayden na hindi siya nagkakamali ng kutob.

Parusahan man ako ng Diyos, alam kong ikaw ang ama ng anak ko, Kayden....

Kaugnay na kabanata

  • His Unexpected Son   Chapter 1: Party

    "Ikaw na talaga, Doc. Kaiden." Pumalakpak si Nyssa sa kanyang kaibigan na si Kaiden dahil katatapos lang inannounce na siya 'yong nangunguna sa katatapos nilang training. "Kahit na sino hindi ka kayang ibagsak. Talagang napapabilib mo'ko ng sobra, Doc." Namamanghang pagpapatuloy ng babae.Natawa ang lalaki saka inalis ang puting coat sa kanyang katawan. Kaka-off lamang nila sa duty doon sa kilalang ospital. Parehas silang nagtratraining na tinatawag na internship para mahasa ang kanilang kakayahan sa larangan ng medisina. Stressful man ang araw na 'yon kay Kaiden ay napalitan naman ng magandang balita dahil nanguna siya sa katatapos nilang training. Malaking advantage iyon para mas makilala ang kanyang pangalan sa larangan ng medisina. "Pasasaan pa't naging Garcia ako." Sumilay ang ngisi sa labi ni Kaiden saka sila sabay na natawa ni Nyssa. "Kahit sa larangan ng medisina lang ako magaling, okay na 'yon sa akin.""Bakit nga ba masyado mong ginagalingan gayung wala ka namang girlfriend

    Huling Na-update : 2023-05-22
  • His Unexpected Son   Chapter 2: Mystery Box

    "Kindly prepaire for your upcoming activities next week, class." Anunsyo ng head doktor na nakaassign na mag-assist sa klase nina Kaiden. Katatapos lang ng discussion nila sa mga steps sa pag-oopera. Kanilang iprepresent sa klase ang kanilang pinag-aralan sa susunod na linggo. Umingay ang silid na kinaroroonan nila dahil sa naging anunsyo ng head doktor. Ang ilan sa kanila ay hindi handa sa gaganapin na activities dahil marami silang ginawa sa linggo na iyon. Nararamdaman ni Kaiden ang pressure kahit pa man napag-aralan na niya ito. Mahilig siyang mag-advance reading para sa ganun ay hindi siya mahirapan na intindihin ang lesson nila. "Panigurado mangunguna na naman si Kaiden." Segunda ni Oheb nang palabas sila ng silid, sinang-ayunan naman ito ng mga kasama niyang sina Edward, at Marco. Bahagyang nahiya si Kaiden sa sinabi ni Oheb, idagdag na rin doon 'yong pangkakatyaw ng mga ito sa kanya. Hindi niya kinokonsider ang sarili na magaling. Para sa kanya, marunong lang siya dahil mah

    Huling Na-update : 2023-05-22
  • His Unexpected Son   Chapter 3: Mystery Girl

    "Paano na pagiging doktor mo kung magiging tatay ka na?" Tanong ni Edward kay Kaiden. Naroon sila sa condo ni Kaiden upang gawin 'yong ipinangako nitong libreng tutor. Halos magdadalawang-oras na sila doon pero hindi pa sila nagsisimula dahil sa msytery box na natanggap ni Kaiden. "Edward, hindi ako magiging tatay! Nantritrip lang siguro 'yong nagpadala nyan sa'kin." Depensa ni Kaiden, nakaturo siya sa pregnancy test na pinagpapasapasahan ng tatlo. Pinakialaman nila ito kahit ayaw sanang ipakita ni Kaiden o ipaalam sa kanila. Pero dahil hindi biro iyon at kinakailangan niya ng advice, napilitan siyang ishare ito sa kanyang mga kaibigan. "Paanong nangtritrip lang e positive 'tong pregnancy test." Segunda ni Marco, itinaas niya pa ng bahagya 'yong hawak na PT. "At sino naman ang makakapag-isip na pagtripan ka?""Exactly! Iyon din ang tanong ko." Tugon ni Kaiden at natapik niya pa ang mesa dahilan para magdulot iyon ng ingay. "Alam niyo kung gaano ako o tayo kabusy sa internship kaya m

    Huling Na-update : 2023-05-23
  • His Unexpected Son   Chapter 4: The Truth

    "Miss, nababaliw ka na ba? Paanong mabubuntis kita e 'di naman kita kilala." Kompronta ni Kaiden sa babaeng nakasunod sa kanya papuntang parking lot. Nakabuntot ang babae na parang aso at ipinagpipilitan na panagutan siya ni Kaiden dahil nabuntis siya nito.Ayaw niyang may ibang makaalam sa panggugulo ng babae sa kanya kaya pinili niyang lumayo sa hindi mataong lugar upang komprontahin ito. Umiikot sa kanyang isip ang sinabi ng babae na siya ang ama ng kanyang anak gayung hindi naman niya ito kilala. Gusto niyang kaladkarin ang babae para tumigil ito sa panggugulo sa kanya. Wala siyang makitang sapat na dahilan para pumayag sa gusto nito."Syempre may ginawa tayo kaya nabuntis mo'ko." Segunda ng babae na nakanguso pa na animo'y bata. Napahinto siya sa paglalakad at napasubsob sa likod ni Kaiden. Napahilot siya sa kanyang noo na tumama sa likod ng lalaki dahil nakaramdam siya ng konting kirot.Tinapunan siya ni Kaiden ng masamang tingin at halos isumpa na niya ito sa mga titig niya.

    Huling Na-update : 2023-05-23
  • His Unexpected Son   Chapter 5: Hurtful Feelings

    "Wala ka ng kawalan ngayon, Kaiden. Hmp." Mapaklang tumawa si Dreams habang nakatitig ng diretso sa lalaki na nasa kanyang harapan. Sinadya niyang tumawa para mahiya sana ang lalaki pero mukhang hindi umepekto iyon. "Wala kang choice kundi 'yong panagutan ako."Napamura si Kaiden ng malutong saka napailing. "Wala pa rin tayong kasiguraduhan na akin 'yan." Depensa ni Kaiden sa maawtoridad na tinig. Hindi pa rin sapat na ebidensiya na naalala niyang si Dreams ang nakatalik niya noon sa bar. "Malay ko bang nakikipag-ano ka sa ibang lalaki maliban sa'kin."Napahinto sa pagsimsim si Dreams sa kanyang iced tea at malagkit na tinapunan ng tingin si Kaiden. "Hindi ako ganong klase ng babae na makikipagsex kung kanikanino. Matino po akong babae, sadyang naging tanga lang dahil nakipagsex ako sa'yo gayung 'di naman kita kilala." Inirapan niya pa ang lalaki. Natawa si Kaiden sa pang-iirap na ginawa ni Dreams sa kanya. "At kasalanan ko pa ngayon kung bakit pumayag ka? Sa ating dalawa, ikaw dapat

    Huling Na-update : 2023-05-23
  • His Unexpected Son   Chapter 6:Plan

    "Bes, sige naman na oh, pagamit ng jowa mo." Pagmamakaawa ni Dreams sa kanyang kaibigan na si April na ipahiram ang boyfriend nito upang ipalabas na ama ng kanyang anak. Hindi niya kayang itago ng matagal sa kanyang pamilya ang totoo niyang kalagayan lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung tutulungan siya ni Kaiden. Halos lumuhod na siya sa harapan ni April, pinuntahan niya ito sa dorm kung saan kasalukuyang nakatira si April. Saktuhan rin na naroon ang nobyo nito na si Pablo. Close naman silang dalawa ni Pablo, minsan na rin siyang humingi ng tulong dito kaya akala niya pagbibigyan siya ulit nito. Noong malaman iyon ni April, kaagad siyang umangal dahil hindi siya sang-ayon sa gusto ni Dreams. "Kung pera ang hihiramin mo kaya kong ibigay pero kung usapang jowa naman, bes, magtigil ka naman." Segunda ni April, halos yakapin na niya si Pablo palayo kay Dreams. "Hindi biro 'yang gusto mong mangyari na gagamitin mo 'tong jowa ko para ipakilala kina Tita na ama siya ng anak mo. Paano ka

    Huling Na-update : 2023-05-24
  • His Unexpected Son   Chapter 7: Daddy Doc.

    "Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya. "Shocks!"Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito. Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya si Dreams na naroon sa isang sulok, nakaupo at mukhang siya nga ang sinadya nito. Nakaramdam si Kaiden ng inis lalo na't nakita niya na sumilay sa labi ni Dreams

    Huling Na-update : 2023-05-25
  • His Unexpected Son   Chapter 8: Banner

    "I hate that woman! She makes my life miserable. All this time, she's trying to destroy my reputation. Fuck that." Nanggigigil na usal ni Kaiden at padabog na inilapag sa mesa 'yong inalis niyang lab gown sa mesa. Katatapos lamang ng meeting niya kasama ang ilang pinakamagagaling na doktor sa ospital na iyon. "Kumalma ka, Kaiden. Hindi 'yan makakatulong sa problema mo, okay? Everything will be miserable when you act out your anger." Tinapik ni Oheb ang balikat nito at iginaya paupo para pakalmahin ito. Nakatingin silang tatlo sa kaibigan nilang problemado. Napansin nila ang pagiging badmood nito ng ilang araw. Umupo na rin sina Oheb, Edward at Marco sa tapat nito at nagpalita-lipat sila ng tingin sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin para tulungan si Kaiden. Kailanman ay hindi pa humingi ng tulong si Kaiden sa kanila. Sa lahat ng oras, sila ang humihingi ng tulong. Hindi rin kasi palakwento si Kaiden sa kanila. Kung may problema man ito, hindi siya nag-oopen up, sinosolo laman

    Huling Na-update : 2023-05-26

Pinakabagong kabanata

  • His Unexpected Son   Epilogue

    A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan

  • His Unexpected Son   CHAPTER 7O: TEARS AND SORROW

    “He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k

  • His Unexpected Son   Chapter 69: Realization

    "Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z

  • His Unexpected Son   Chapter 68: Bukingan ng Sikreto

    "Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p

  • His Unexpected Son   Chapter 67: Guilty

    "Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka

  • His Unexpected Son   Chapter 66: Maling Akala

    “Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa

  • His Unexpected Son   Chapter 65: Caller

    "Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi

  • His Unexpected Son   Chapter 64: What if?

    "Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy

  • His Unexpected Son   Chapter 63: Problem with His Son

    "No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya

DMCA.com Protection Status