"Kindly prepaire for your upcoming activities next week, class." Anunsyo ng head doktor na nakaassign na mag-assist sa klase nina Kaiden. Katatapos lang ng discussion nila sa mga steps sa pag-oopera. Kanilang iprepresent sa klase ang kanilang pinag-aralan sa susunod na linggo.
Umingay ang silid na kinaroroonan nila dahil sa naging anunsyo ng head doktor. Ang ilan sa kanila ay hindi handa sa gaganapin na activities dahil marami silang ginawa sa linggo na iyon. Nararamdaman ni Kaiden ang pressure kahit pa man napag-aralan na niya ito. Mahilig siyang mag-advance reading para sa ganun ay hindi siya mahirapan na intindihin ang lesson nila."Panigurado mangunguna na naman si Kaiden." Segunda ni Oheb nang palabas sila ng silid, sinang-ayunan naman ito ng mga kasama niyang sina Edward, at Marco.Bahagyang nahiya si Kaiden sa sinabi ni Oheb, idagdag na rin doon 'yong pangkakatyaw ng mga ito sa kanya. Hindi niya kinokonsider ang sarili na magaling. Para sa kanya, marunong lang siya dahil mahal niya ng sobra ang kanyang ginagawa. Hindi naman bago na purihin siya ng mga kasamahan niya. Kilala siya sa batch nila dahil sa angkin nitong husay sa larangan ng medisina. Maski mga lisensyadong doktor ay namamangha sa kanyang galing.Napakunot siya ng noo na tumingin sa tatlo. "Bakit ako lang? Hindi lang naman ako ang estudyante kaya dapat kayo din." Usal ni Kaiden sa mapanermon na tinig."Paanong kami? Hindi naman kami kasing galing mo e." Depensa ni Oheb at bahagyang napakamot sa kanyang ulo."Kaya nga, ikaw lang nakakagawa ng mga 'yon ng hindi nahihirapan dahil magaling ka." Segunda ni Marco.Nakisabat na rin si Edward sa usapan nila. "Sa ating apat, mukhang si Kaiden lang 'yong magiging doktor sa atin. Mukhang tayong tatlo ay didiretso ng mental hospital pagkatapos natin dito sa Medical School."Sa birong 'yon ni Edward ay umingay ang kanilang tawanan sa hallway. Napatingin ang ilang tao sa kanila na naglalakad. Sinita ni Kaiden ang mga ito na hinaan ang kanilang boses dahil nakakahiya. Kahit papaano ay napapawi ang pagod nila sa simpleng tawanan nila. Kalog ang tatlo kaya natutuwa si Kaiden na makisama sa mga ito.Para mamotivate ang mga kasamahan niya sa darating na activity nila ay nag-offer siya ng blow out. Halos mapatalon ang mga ito sa tuwa sa sinabi ni Kaiden kaya nangako sila sa kanya na gagawin nila lahat para makapasa sa activity na iyon. At para pare-parehas silang pumasa, nag-offer rin si Kaiden ng libreng tutor, sinang-ayunan naman nila ito. Inamin nila na nahirapan sila ng intindihin 'yong discussion kanina dahil ang head teacher ay terror at tanging si Kaiden lang ang kinakawawaan nito. Ipinaalala rin ni Kaiden sa mga kaibigan ang mga dapat at hindi dapat gawin para hindi sila kabahan o makaramdam ng pressure."Doc. Garcia."Napahinto silang magkakaibigan sa paglalakad nang may tumawag kay Kaiden sa harapan nila. Paliko na dapat sila sa harapan ng Emergency room nang makasalubong nila ang isa sa mga nirerespetong doktor sa ospital na iyon.Napako ang tingin ni Kaiden sa babae at nawalan siya ng lakas ng loob para makapagsalita. Hindi niya inaasahan na makakaharap niya ang doktor na iyon dahil una sa lahat, iniiwasan niya ito. Ayaw na ayaw niyang makasalamuha ang ginang na doktor dahil sa hindi maipaliwanag nitong galit.Nagpalipat-lipat ng tingin sina Oheb sa kanilang dalawa. Alam na alam nila kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Kaiden nang makita ang doktora. Lalo pa silang nawirduhan dahil tinawag ng doktora ang pangalan ng kanilang kaibigan. Gustong-gustong hatakin nina Oheb si Kaiden para iiwas sa sitwasyon na iyon hangga't maaari. Alam nila na hindi komportable si Kaiden."Yes, Dra.......Garcia." Nauutal na wika ni Kaiden, napaiwas pa ito ng tingin at itinapon sa malayo ang mata. Sinubukan niyang maging formal para walang masabi ang head doktor.Hindi siya makatingin ng diretso sa kanyang kausap pero kahit na ganoon ay nilabanan niya ito. Umakto siyang normal sa harapan ni Dra. Garcia na animo'y wala siyang tinatagong sama ng loob dito. Sa lahat ng tao sa ospital na iyon, ito ang iniiwasan niyang makausap o makasama sa isang training. Hindi siya komportable kapag nararamdaman niya 'yong presensya ng doktora."I heard about your performance last tuesday." Panimula ng doktora. "Keep up the good work, Kaiden."Natigilan si Kaiden. Gustuhin man niyang matuwa pero hindi kaya ng kanyang konsensya. Mas nanaig 'yong kanyang galit at inis kaysa ang matuwa. Iyon ang unang pagkakataon na marinig niya iyon mula sa doktora kahit pa man naririnig niya sa kanyang mga kaklase na pinupuri siya nito. Wala rin naman siyang pakialam sa pamumuri ng doktora sa kanya dahil una sa lahat, kinamumuhian niya ito ng sobra."Thanks, Doc." Malamig na tugon ni Kaiden at pilit na ngumiti.Alam niyang napansin ng doktora ang malamig na pakikitungo ni Kaiden sa kanya. Maski sina Oheb ay napansin rin iyon pero pinili nilang manahimik nalang dahil nirerespeto nila ang nararamdaman ni Kaiden. Hindi biro kay Kaiden ang usapin na iyon kaya hangga't kaya nilang bigyan ito ng space ay ibibigay nila. Panahon at oras ang kaya nilang ibigay kay Kaiden para makapag-isip ng mabuti sa bagay na matagal ng kumukulong sa kanya.Binigyan ni Dra. Garcia ang mga ito ng konting paalala para mamotivate sila sa kanilang internship pero nabingi na si Kaiden dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Habang nagsasalita ang doktora ay nakatitig lamang siya rito. Umikot ang kanyang mundo sa mukha ng doktora. At isa lang ang hinihiling ni Kaiden, sana sa pamumuring ginawa ng doktora sa kanya ay makakaya nitong pawiin lahat ng sama ng loob na kanyang nararamdaman rito."Hindi pa rin kayo bati?" Tanong ni Edward nang palabas sila ng ospital. Sina Edward pa ang nagpaalam kay Dra. Garcia kanina dahil pinili ni Kaiden na tumahimik na lang dahil hindi siya komportable.Siniko ni Oheb si Edward dahil sa pagiging madaldal nito. Nakuha ni Edward ang paninikong ginawa ni Oheb sa kanya dahil napansin nila ang pananahimik ni Kaiden sa tabi na animo'y malalim ang kanyang iniisip."Ay sorry." Nagpeace sign pa si Edward at napakamot sa kanyang ulo.Nagpaalam na ang tatlo kay Kaiden dahil may pupuntahan pa sila. Inaya nila si Kaiden pero pinili niyang umuwi na lang para makapagpahinga. Hindi naman siya pinilit ng mga ito na sumama."Sir, may nagpapabigay po nito sa inyo." Tugon ng security guard nang lapitan siya nito nang mapansin na papalabas si Kaiden sa may exit. Iniabot nito ang isang maliit na itim na box.Nagtaka si Kaiden kung kanino galing 'yon dahil una sa lahat wala naman siyang inaasahan na magbibigay nun sa kanya. Bukod kina Oheb, wala na siyang kaclose na iba. Wala rin naman siyang girlfriend o kakilala na magkakainteres na bigyan siya ng regalo. At una sa lahat, matagal pa iyong birthday niya kaya tinubuan siya ng kuryosidad kung kanino galing iyon.Kinuha niya ang box, inalog-alog niya ito dahilan para magdulot ng konting ingay. Hindi nakapagtataka na may laman iyon na bagay. At kung ano man iyon ay kanyang aalamin pero bago iyon, aalamin muna niya kung kanino ito galing."Manong, kanino galing 'to?" Tanong ni Kaiden habang nakaturo sa box na hawak.Sumagot ang guard. "Hindi po pinasabi 'yong pangalan e basta ibigay ko lang daw sa inyo.""Sure kayong para sa akin 'to? Baka naman namali lang kayo, Manong." Tugon niya sa guwardiya. Nagbabakasakali siyang nagkamali lang ito ng taong inabutan nong box.Umiling ang guwardiya. "Kay Doc. Kaiden daw po ibibigay e at ikaw po 'yon 'di ba?"Tumango na lang sa kawalan si Kaiden pagkatapos ay nagpasalamat siya sa guard kahit dismayado siya kung kanino galing 'yon. Pinacheck niya pa ng mabuti sa guard kung Kaiden ba ang narinig niyang pangalan ng pagbibigyan nong box at sa mukha ng guard ay sigurado ito. Wala na siyang nagawa kundi kunin 'yong box.Naglakad siya papunta sa may parking lot. Pumasok siya sa kanyang kotse at doon naisip na buksan 'yong box. Napapaisip tuloy siya kung death treats ba iyon kaya natatakot siyang buksan ito. Pero dala ng kuryosidad, binuksan niya 'yong box at bumungad sa kanya ang isang........ Pregnancy test. May kasama iyon na papel, nakasulat doon ang kanyang buong pangalan."Congratulations! Magiging Daddy ka na, Kaiden." Pagbabasa niya sa nakasulat sa likod nong papel. Salubong ang mga kilay nito't iniisip kung sino ang taong posibleng nagpadala noon sa kanya. Pakiramdam ni Kaiden, bumagsak ang langit at lupa sa kanya dahil una sa lahat, wala siyang balak magkaroon ng anak o pamilya. Kaya malaking palaisipan sa kanya kung sino ang taong magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo.Sino ang posibleng tao na nagpadala non kay Kaiden? Ano ang relationship nito sa doktor?"Paano na pagiging doktor mo kung magiging tatay ka na?" Tanong ni Edward kay Kaiden. Naroon sila sa condo ni Kaiden upang gawin 'yong ipinangako nitong libreng tutor. Halos magdadalawang-oras na sila doon pero hindi pa sila nagsisimula dahil sa msytery box na natanggap ni Kaiden. "Edward, hindi ako magiging tatay! Nantritrip lang siguro 'yong nagpadala nyan sa'kin." Depensa ni Kaiden, nakaturo siya sa pregnancy test na pinagpapasapasahan ng tatlo. Pinakialaman nila ito kahit ayaw sanang ipakita ni Kaiden o ipaalam sa kanila. Pero dahil hindi biro iyon at kinakailangan niya ng advice, napilitan siyang ishare ito sa kanyang mga kaibigan. "Paanong nangtritrip lang e positive 'tong pregnancy test." Segunda ni Marco, itinaas niya pa ng bahagya 'yong hawak na PT. "At sino naman ang makakapag-isip na pagtripan ka?""Exactly! Iyon din ang tanong ko." Tugon ni Kaiden at natapik niya pa ang mesa dahilan para magdulot iyon ng ingay. "Alam niyo kung gaano ako o tayo kabusy sa internship kaya m
"Miss, nababaliw ka na ba? Paanong mabubuntis kita e 'di naman kita kilala." Kompronta ni Kaiden sa babaeng nakasunod sa kanya papuntang parking lot. Nakabuntot ang babae na parang aso at ipinagpipilitan na panagutan siya ni Kaiden dahil nabuntis siya nito.Ayaw niyang may ibang makaalam sa panggugulo ng babae sa kanya kaya pinili niyang lumayo sa hindi mataong lugar upang komprontahin ito. Umiikot sa kanyang isip ang sinabi ng babae na siya ang ama ng kanyang anak gayung hindi naman niya ito kilala. Gusto niyang kaladkarin ang babae para tumigil ito sa panggugulo sa kanya. Wala siyang makitang sapat na dahilan para pumayag sa gusto nito."Syempre may ginawa tayo kaya nabuntis mo'ko." Segunda ng babae na nakanguso pa na animo'y bata. Napahinto siya sa paglalakad at napasubsob sa likod ni Kaiden. Napahilot siya sa kanyang noo na tumama sa likod ng lalaki dahil nakaramdam siya ng konting kirot.Tinapunan siya ni Kaiden ng masamang tingin at halos isumpa na niya ito sa mga titig niya.
"Wala ka ng kawalan ngayon, Kaiden. Hmp." Mapaklang tumawa si Dreams habang nakatitig ng diretso sa lalaki na nasa kanyang harapan. Sinadya niyang tumawa para mahiya sana ang lalaki pero mukhang hindi umepekto iyon. "Wala kang choice kundi 'yong panagutan ako."Napamura si Kaiden ng malutong saka napailing. "Wala pa rin tayong kasiguraduhan na akin 'yan." Depensa ni Kaiden sa maawtoridad na tinig. Hindi pa rin sapat na ebidensiya na naalala niyang si Dreams ang nakatalik niya noon sa bar. "Malay ko bang nakikipag-ano ka sa ibang lalaki maliban sa'kin."Napahinto sa pagsimsim si Dreams sa kanyang iced tea at malagkit na tinapunan ng tingin si Kaiden. "Hindi ako ganong klase ng babae na makikipagsex kung kanikanino. Matino po akong babae, sadyang naging tanga lang dahil nakipagsex ako sa'yo gayung 'di naman kita kilala." Inirapan niya pa ang lalaki. Natawa si Kaiden sa pang-iirap na ginawa ni Dreams sa kanya. "At kasalanan ko pa ngayon kung bakit pumayag ka? Sa ating dalawa, ikaw dapat
"Bes, sige naman na oh, pagamit ng jowa mo." Pagmamakaawa ni Dreams sa kanyang kaibigan na si April na ipahiram ang boyfriend nito upang ipalabas na ama ng kanyang anak. Hindi niya kayang itago ng matagal sa kanyang pamilya ang totoo niyang kalagayan lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung tutulungan siya ni Kaiden. Halos lumuhod na siya sa harapan ni April, pinuntahan niya ito sa dorm kung saan kasalukuyang nakatira si April. Saktuhan rin na naroon ang nobyo nito na si Pablo. Close naman silang dalawa ni Pablo, minsan na rin siyang humingi ng tulong dito kaya akala niya pagbibigyan siya ulit nito. Noong malaman iyon ni April, kaagad siyang umangal dahil hindi siya sang-ayon sa gusto ni Dreams. "Kung pera ang hihiramin mo kaya kong ibigay pero kung usapang jowa naman, bes, magtigil ka naman." Segunda ni April, halos yakapin na niya si Pablo palayo kay Dreams. "Hindi biro 'yang gusto mong mangyari na gagamitin mo 'tong jowa ko para ipakilala kina Tita na ama siya ng anak mo. Paano ka
"Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya. "Shocks!"Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito. Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya si Dreams na naroon sa isang sulok, nakaupo at mukhang siya nga ang sinadya nito. Nakaramdam si Kaiden ng inis lalo na't nakita niya na sumilay sa labi ni Dreams
"I hate that woman! She makes my life miserable. All this time, she's trying to destroy my reputation. Fuck that." Nanggigigil na usal ni Kaiden at padabog na inilapag sa mesa 'yong inalis niyang lab gown sa mesa. Katatapos lamang ng meeting niya kasama ang ilang pinakamagagaling na doktor sa ospital na iyon. "Kumalma ka, Kaiden. Hindi 'yan makakatulong sa problema mo, okay? Everything will be miserable when you act out your anger." Tinapik ni Oheb ang balikat nito at iginaya paupo para pakalmahin ito. Nakatingin silang tatlo sa kaibigan nilang problemado. Napansin nila ang pagiging badmood nito ng ilang araw. Umupo na rin sina Oheb, Edward at Marco sa tapat nito at nagpalita-lipat sila ng tingin sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin para tulungan si Kaiden. Kailanman ay hindi pa humingi ng tulong si Kaiden sa kanila. Sa lahat ng oras, sila ang humihingi ng tulong. Hindi rin kasi palakwento si Kaiden sa kanila. Kung may problema man ito, hindi siya nag-oopen up, sinosolo laman
"Can you stop making fun with me? Hindi na ako natutuwa sa'yo." Iritableng singhal ni Kaiden kay Dreams nang tuluyan na silang makarating sa parking lot. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa braso ni Dreams at napahilot ito sa kanyang sentido. "Hindi naman ako nakikipagbiruan ah." Tugon ni Dreams sa agresibong tinig. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa lagay kong 'to? Nagmumukha na nga akong aso kakahabol sa'yo e. Puro ka naman dedma palagi, e kung tulungan mo na lang kaya ako? Hindi naman mahirap sumagot ng oo e."Napahilot siya sa kanyang braso na bahagyang kumirot at namula sa pagkakahigpit ng yakap ni Kaiden sa kanya. Kung ilalarawan niya, kinaladkad siya ng lalaki kanina. Pinagkakaguluhan na kasi sila ng tao kanina sa loob ng ospital. Nakita niya kung paano nagulat si Kaiden sa pagdating niya kanina na may dalang banner. "Malaki ka na, kaya mo na 'yang solusyonan ng mag-isa." Tugon ni Kaiden saka pinagdilatan niya ang dalaga. Napansin niya na nanonood ang kanyang mga kaibig
"Seriously? Ginawa niyang ebidensya 'yong video niyo na gumawa ng bata? Hahaha! Ang tapang niya." Natatawang tugon ni Oheb nang ikwento sa kanila ni Kaiden ang ginawa ni Dreams sa tapat ng ospital kaninang umaga. Naging usap-usapan iyon sa loob ng ospital. Putok na putok ang balitang nakabuntis si Kaiden. Sumang-ayon si Edward sa sinabi ni Oheb at nag-apir silang dalawa. Halos maiyak na sila kakatawa sa sinapit ng kanilang kaibigan. While Kaiden can't even think right what he is going to do to stop Dreams. Napapamura na lang siya ng malutong at gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkapahiya niya kanina."Sinabi mo pa, Heb. Imagine, nakaloud speaker pa daw kanina nong plinay niya 'yong video tapos saktong rinig na rinig 'yong pag-ungol ni Kaiden. Hahaha! The war between them is so amazing." Mangiyak-ngiyak na tawa ni Edward hawak-hawak ang kanyang tyan. Inirapan ni Kaiden ang kanyang mga kaibigan. Inambangan niya na ihahagis sa kanila 'yong hawak na bottled water kaya mabilis silang
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya