"Miss, nababaliw ka na ba? Paanong mabubuntis kita e 'di naman kita kilala." Kompronta ni Kaiden sa babaeng nakasunod sa kanya papuntang parking lot. Nakabuntot ang babae na parang aso at ipinagpipilitan na panagutan siya ni Kaiden dahil nabuntis siya nito.
Ayaw niyang may ibang makaalam sa panggugulo ng babae sa kanya kaya pinili niyang lumayo sa hindi mataong lugar upang komprontahin ito. Umiikot sa kanyang isip ang sinabi ng babae na siya ang ama ng kanyang anak gayung hindi naman niya ito kilala. Gusto niyang kaladkarin ang babae para tumigil ito sa panggugulo sa kanya. Wala siyang makitang sapat na dahilan para pumayag sa gusto nito."Syempre may ginawa tayo kaya nabuntis mo'ko." Segunda ng babae na nakanguso pa na animo'y bata. Napahinto siya sa paglalakad at napasubsob sa likod ni Kaiden. Napahilot siya sa kanyang noo na tumama sa likod ng lalaki dahil nakaramdam siya ng konting kirot.Tinapunan siya ni Kaiden ng masamang tingin at halos isumpa na niya ito sa mga titig niya. "Paano nga, Miss? Sige nga sabihin mo nga sa'kin kung paano kita nabuntis. Una sa lahat, hindi naman kita kilala e. Hindi ka pamilyar sa'kin at lalong wala tayong koneksyon sa isa't isa." Prangka niya sa maawtoridad na tinig.Patingin-tingin sa paligid si Kaiden dahil baka may makakita sa kanila ng babae. Malaking issue kapag may makakita sa kanila lalo na't kilala siya sa ospital na iyon. Kung maaari niya lang pakiusapan ang babae na bigyan na lang niya ito ng pera para huwag na siya nitong guluhin. Ngunit, sa awra ng babae ay mukhang mahihirapan siya na animo'y ayaw magpatalo.Napabuntong-hininga si Dreams ng malalim para may lakas siyang ipaliwanag lahat kay Kaiden. "Nakalasap ka lang ng sarap nakalimutan mo na lahat." Prangka nito habang salubong ang mga kilay na tumitig sa lalaki. Sa tono ng boses nito ay halatang nagpapakonsensya siya.Naningkit ang mga mata ni Kaiden sa sinabi ng babae. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib nito at diretsong tumitig sa kausap. "What do you mean?""Sa bar tayo nagkakilala last month at hindi ako pwedeng magkamali."Mapaklang natawa si Kaiden. "Oo, pumunta ako last month sa bar pero hindi lang naman ikaw 'yong babaeng nakasalamuha ko don. At hindi rin lang naman ako ang lalaki don na naroon. Baka namali ka lang ng ginulo, Miss.""Ikaw nga, hindi ako nagkakamali." Pagpupumilit nito. "Ikaw 'yong nakatalik ko sa banyo non, diba? Amoy gamot ka pa nga nong ginagawa natin 'yon, halatang galing ka sa ospital." Depensa ni Dreams sa agresibong tinig.Bahagyang napahinto si Kaiden at pilit inaalala lahat ang naganap sa huling punta niya ng bar. Kapag nalalasing siya, hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Hindi niya kayang kontrolin ang kanyang sarili kahit gusto niya. Halos pigain niya ang kanyang utak para maalala ang babae pero wala talaga. Aaminin niyang naguguluhan siya ng sobra sa mga pinagsasabi nito dahil wala siyang maalala na lumabas o nakipagflirt siya sa babae. Ultimo pangalan nito ay hindi niya alam kaya mahirap niyang paniwalaan ang mga pinagsasabi nito sa kanya."Maraming med student na pumupunta don maliban sa'kin." Depensa niya dahilan para mapamura ang babae. "Miss, marami akong ginawa maghapon kaya pagod ako. Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo 'kong idamay. Wala akong panahon para sa sabayan 'yang mga kalokohan mo kaya tumigil ka na." Seryosong tugon ni Kaiden. At bago niya iniwan ang babae, winarningan niya itong tumigil na dahil wala siyang panahon. Walang pasabing umalis na si Kaiden at hindi nag-abalang lumingon pa para tignan ang babae.Sa kabilang banda, napapadyak sa inis si Dreams. Napamura siya ng malutong sa pandededma ni Kaiden sa kanya. Hinintay niya ang araw na iyon para makaharap ang lalaki at hindi niya lubos akalain na ganoon ang magiging pag-uusap nila. Akala pa naman niya ay maaayos ang kinakaharap niyang problema."Kung hindi mo'ko pananagutan, ipagsisigawan ko mismo sa harap ng ospital na 'yan 'yong ginawa mo sa'kin, Doc. Kaiden para sa ganon,mabahiran na 'yong pangalang kinaiingatan mo." Pangbablackmail niya.Sa sinabing iyon ni Dreams, napalingon si Kaiden at nakaramdam ng takot at baka totohanin nito ang kanyang sinabi. Naglakad siya palapit sa babae at hinarap na ng buong tapang kahit pa man naiinis na siya ng sobra. Pangalan at reputasyon na niya ang nakataya sa kalokohan ng babae at ayaw niyang masira iyon ng ganon kabilis. Sa dami ng pinaghirapan niya, ayaw niyang mabahiran ng baho ang kanyang pangalan dahil lang sa kalokohan ng babae."Ano naniniwala ka na?" Tanong ni Dreams sa kanya, dinala siya ni Kaiden sa malapit na kainan upang doon mag-usap ng maayos. Nakalapag sa mesa ang sampung pregnancy test at lahat iyon ay positive. At talagang pinaghandaan ni Dreams ang araw na makakaharap niya si Kaiden kaya gumamit siya ng napakaraming pregnancy test para huwag siya nitong pagdudahan.Nakatitig si Kaiden sa mga pregnancy test na nakalapag sa mesa habang nakahalukipkip ang mga braso nito. Pagkatapos noon ay itinapon niya Dreams ang tingin na puno ng pagdududa. Hindi siya kumbinsido sa mga pinagsasasabi nito sa kanya kaya kinakailangan niyang alamin lahat nang sa ganoon makakaya niyang paniwalaan ito."What makes you think na sa'kin talaga 'yan?" Pagtutukoy ni Kaiden sa ipinagbubuntis ni Dreams. Itinuro niya pa ng bahagya ang tyan ng babae. "As far as I know, maraming med student ang pumupunta sa bar na 'yon kapag weekend."Napahawak si Dreams sa kanyang tyan bago nagsalita. "Dahil sigurado akong ikaw. Malakas ang kutob ko na ikaw ang ama nito.""Saka lang kita papaniwalaan kapag nabigyan mo'ko ng magandang dahilan, Miss. Hindi biro 'tong responsibilidad na gusto mong ipabuhat sa'kin, naiintindihan mo? As soon as possible, gusto kong maayos 'to dahil alam natin pareho kung anong propesyon ko. At para sabihin kosa'yo, wala akong balak magkaroon ng anak o pamilya.""Anong gusto mo, buksan natin 'tong tyan ko saka tignan natin kung semilya mo ba 'yon o hindi 'yong nakabonding ng itlog ko, ganon ba?" Suhestiyon ni Dreams."Exactly, nakuha mo rin sa wakas 'yong point na gusto kong maintindihan mo." Tugon ni Kaiden. "Hindi sapat na ebidensya 'tong mga pregnancy test na dala mo para paniwalaan kita. Wala ka ring sapat na ebidensya na ako 'yong nakatalik mo non sa bar. Hindi ako basta-basta nakikipagtalik sa babaeng hindi pasok sa standards ko.""Paniwalaan mo man ako o hindi, nagsasabi ako ng totoo." Panatag na tugon ni Dreams habang nakikipaglaban ng titig kay Kaiden. "At paanong hindi ikaw e nakita ko mismo 'yong name plate na nakasabit sa damit mo. Hanggang ngayon nga iniinda ko 'yong sakit ng likod ko dahil sa pangtutulak mo sa'kin sa CR non."Napaawang ang labi ni Kaiden nang sumagi sa isip niya na may naalala siyang may tinulak siyang babae noon sa CR. Sa labis na init ng kanyang katawan, para siyang mabangis na hayop na gigil na gigil makatikim ng bagong putahe. At unti-unting bumalik sa alaala ni Kaiden lahat nong pumunta siya ng bar kasama sina Oheb para magcelebrate ng pangunguna niya sa kanilang training."Ikaw 'yon?" Hindi makapaniwalang tugon ni Kaiden at mabilis na tumango si Dreams na mukhang nasisiyahan dahil naalala na siya sa wakas ni Kaiden. "Wait, kung ikaw man 'yon, imposibleng may mabuo tayo, isang beses lang may nangyari sa atin at palagi akong nag-iingat. Oo, nakikipagtalik ako pero nagsusuot ako palagi ng proteksyon." Kampanteng tugon niya pa."Oo nagsuot ka nga pero nalaglag naman." Tugon ni Dreams saka sumimsin sa iced tea na inorder ni Kaiden para sa kanya.Nanlaki ang mga mata ni Kaiden sa sinabi ni Dreams. "What?"Halos gumuho ang mundo niya nang ikwento ni Dreams lahat ng nangyari sa kanila sa loob ng comfort room ng bar. Ultimo 'yong p********k nila ay detalyado niyang isiniwalat. Dahil sa mapusok na ang kanilang ginagawang p********k ng gabing iyon, hindi namalayan ni Kaiden na nalaglag ang condom na kanyang suot-suot.Sa paghaharap nilang dalawa, matutunan kayang tanggapin ni Kaiden ang kanyang kapalaran? Papanagutan niya kaya si Dreams matapos isiwalat ang buong katotohan?"Wala ka ng kawalan ngayon, Kaiden. Hmp." Mapaklang tumawa si Dreams habang nakatitig ng diretso sa lalaki na nasa kanyang harapan. Sinadya niyang tumawa para mahiya sana ang lalaki pero mukhang hindi umepekto iyon. "Wala kang choice kundi 'yong panagutan ako."Napamura si Kaiden ng malutong saka napailing. "Wala pa rin tayong kasiguraduhan na akin 'yan." Depensa ni Kaiden sa maawtoridad na tinig. Hindi pa rin sapat na ebidensiya na naalala niyang si Dreams ang nakatalik niya noon sa bar. "Malay ko bang nakikipag-ano ka sa ibang lalaki maliban sa'kin."Napahinto sa pagsimsim si Dreams sa kanyang iced tea at malagkit na tinapunan ng tingin si Kaiden. "Hindi ako ganong klase ng babae na makikipagsex kung kanikanino. Matino po akong babae, sadyang naging tanga lang dahil nakipagsex ako sa'yo gayung 'di naman kita kilala." Inirapan niya pa ang lalaki. Natawa si Kaiden sa pang-iirap na ginawa ni Dreams sa kanya. "At kasalanan ko pa ngayon kung bakit pumayag ka? Sa ating dalawa, ikaw dapat
"Bes, sige naman na oh, pagamit ng jowa mo." Pagmamakaawa ni Dreams sa kanyang kaibigan na si April na ipahiram ang boyfriend nito upang ipalabas na ama ng kanyang anak. Hindi niya kayang itago ng matagal sa kanyang pamilya ang totoo niyang kalagayan lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung tutulungan siya ni Kaiden. Halos lumuhod na siya sa harapan ni April, pinuntahan niya ito sa dorm kung saan kasalukuyang nakatira si April. Saktuhan rin na naroon ang nobyo nito na si Pablo. Close naman silang dalawa ni Pablo, minsan na rin siyang humingi ng tulong dito kaya akala niya pagbibigyan siya ulit nito. Noong malaman iyon ni April, kaagad siyang umangal dahil hindi siya sang-ayon sa gusto ni Dreams. "Kung pera ang hihiramin mo kaya kong ibigay pero kung usapang jowa naman, bes, magtigil ka naman." Segunda ni April, halos yakapin na niya si Pablo palayo kay Dreams. "Hindi biro 'yang gusto mong mangyari na gagamitin mo 'tong jowa ko para ipakilala kina Tita na ama siya ng anak mo. Paano ka
"Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya. "Shocks!"Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito. Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya si Dreams na naroon sa isang sulok, nakaupo at mukhang siya nga ang sinadya nito. Nakaramdam si Kaiden ng inis lalo na't nakita niya na sumilay sa labi ni Dreams
"I hate that woman! She makes my life miserable. All this time, she's trying to destroy my reputation. Fuck that." Nanggigigil na usal ni Kaiden at padabog na inilapag sa mesa 'yong inalis niyang lab gown sa mesa. Katatapos lamang ng meeting niya kasama ang ilang pinakamagagaling na doktor sa ospital na iyon. "Kumalma ka, Kaiden. Hindi 'yan makakatulong sa problema mo, okay? Everything will be miserable when you act out your anger." Tinapik ni Oheb ang balikat nito at iginaya paupo para pakalmahin ito. Nakatingin silang tatlo sa kaibigan nilang problemado. Napansin nila ang pagiging badmood nito ng ilang araw. Umupo na rin sina Oheb, Edward at Marco sa tapat nito at nagpalita-lipat sila ng tingin sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin para tulungan si Kaiden. Kailanman ay hindi pa humingi ng tulong si Kaiden sa kanila. Sa lahat ng oras, sila ang humihingi ng tulong. Hindi rin kasi palakwento si Kaiden sa kanila. Kung may problema man ito, hindi siya nag-oopen up, sinosolo laman
"Can you stop making fun with me? Hindi na ako natutuwa sa'yo." Iritableng singhal ni Kaiden kay Dreams nang tuluyan na silang makarating sa parking lot. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa braso ni Dreams at napahilot ito sa kanyang sentido. "Hindi naman ako nakikipagbiruan ah." Tugon ni Dreams sa agresibong tinig. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa lagay kong 'to? Nagmumukha na nga akong aso kakahabol sa'yo e. Puro ka naman dedma palagi, e kung tulungan mo na lang kaya ako? Hindi naman mahirap sumagot ng oo e."Napahilot siya sa kanyang braso na bahagyang kumirot at namula sa pagkakahigpit ng yakap ni Kaiden sa kanya. Kung ilalarawan niya, kinaladkad siya ng lalaki kanina. Pinagkakaguluhan na kasi sila ng tao kanina sa loob ng ospital. Nakita niya kung paano nagulat si Kaiden sa pagdating niya kanina na may dalang banner. "Malaki ka na, kaya mo na 'yang solusyonan ng mag-isa." Tugon ni Kaiden saka pinagdilatan niya ang dalaga. Napansin niya na nanonood ang kanyang mga kaibig
"Seriously? Ginawa niyang ebidensya 'yong video niyo na gumawa ng bata? Hahaha! Ang tapang niya." Natatawang tugon ni Oheb nang ikwento sa kanila ni Kaiden ang ginawa ni Dreams sa tapat ng ospital kaninang umaga. Naging usap-usapan iyon sa loob ng ospital. Putok na putok ang balitang nakabuntis si Kaiden. Sumang-ayon si Edward sa sinabi ni Oheb at nag-apir silang dalawa. Halos maiyak na sila kakatawa sa sinapit ng kanilang kaibigan. While Kaiden can't even think right what he is going to do to stop Dreams. Napapamura na lang siya ng malutong at gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkapahiya niya kanina."Sinabi mo pa, Heb. Imagine, nakaloud speaker pa daw kanina nong plinay niya 'yong video tapos saktong rinig na rinig 'yong pag-ungol ni Kaiden. Hahaha! The war between them is so amazing." Mangiyak-ngiyak na tawa ni Edward hawak-hawak ang kanyang tyan. Inirapan ni Kaiden ang kanyang mga kaibigan. Inambangan niya na ihahagis sa kanila 'yong hawak na bottled water kaya mabilis silang
"Doc, ayaw talaga niyang magpaawat kahit pinagtabuyan ko ng maraming beses. Talagang matigas po ang ulo niya't nagpupumilit pumasok. Nong napagod na siguro ay ayan nakatulog na kakahintay sa inyo." Napapakamot sa ulo na usal ng guwardiya nang komprontahin ni Kaiden kung bakit naroon na naman si Dreams. "Sino po ba talaga siya? Totoo po ba 'yong chismis na misis niyo siya't buntis siya?" Hindi nag-antubiling sumagot si Kaiden bagkus nilapitan niya si Dreams at sinuri ang maamong mukha ng babae na natutulog. Bakas sa mukha ni Dreams ang pagod pero kahit na ganoon, nakitaan ni Kaiden ang angking ganda nito. Hindi niya naiwasang titigan ang babae't suriin ang mukha nito sa malayang paraan. Napunta ang tingin ni Kaiden sa mapupungay na mata ni Dreams, namangha siya sa ganda ng pilikmata nito't mga kilay na tunay. Bumaba ang mata niya sa ilong nito na medyo may katangusan. Napalunok si Kaiden nang mapunta ang tingin niya sa labi ni Dreams. Napahito siya't hindi inaasahan na babalik sa ala
"Aware ka naman sigurong buntis ka, Miss, kaya naman magdoble ingat ka kung ayaw mong lumangoy palabas 'yang baby mo." Paalala ng doktora kay Dreams matapos siya nitong suriin. "The baby is okay pero mag-iingat ka pa rin. Kailangan mong umiwas sa stress kung gusto mong maging healthy si Baby." Pagpapatuloy ng doktora na paalala kay Dreams. Naroon sa gilid si Kaiden, naghihintay sa kung ano ang ibabalita ng kapwa doktor. Kakilala niya ito kaya hindi siya nag-antubili na doon dalhin si Dreams. Samantala, bumangon si Dreams sa pagkakahiga't inayos ang sarili. Nagkatinginan sila ni Kaiden pero hindi niya nagawang ngumiti manlang. Nakaramdam siya ng konting inis dahil sa ginawa nitong pangtutulak sa kanya. Akma sana siyang aalalayan ni Kaiden pero dinedma niya lang ito. Bumasa siya ng mag-isa roon sa kama. Parang hangin niya na nilagpasan si Kaiden na nakahabang sa kanya upang sana alalayan siya. Napabuntong-hininga ng malalim si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ramdam na ramdam n
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya