"Pasensya ka na, Kaiden, wala na talagang bakante sa taas. Ang late mo naman kasi nagsabi e ayun tuloy binigay ko na don sa bagong salta kahapon." Usal ng tenant kay Kaiden na nagpupumilit kumuha ng isang kwarto para doon temporaryong mamalagi si Dreams habang inaantay nila ang resulta ng paternity test. "Sige na, kahit isa lang, kahit masikip, okay na 'yon baka kasya lang 'tong babaeng 'to." Tinuro niya ng bahagya si Dreams na nasa likod nito na abalang sinusuri ang paligid. Napunta ang tingin ng tenant kay Dreams. Sa tagal na nangungupahan si Kaiden sa kanya, ngayon lamang siya nag-uwi ng babae. Sinuri ng tenant si Dreams mula ulo hanggang paa. Napansin iyon ng dalaga kaya sinuri niya rin ang katawan kung losyang ba siyang tignan. Gabi na kasi kaya nakasuot na ito ng pantulog saka nakajacket na rin dahil 'yon ang utos ng matandang kapitbahay nila. Kahit naiinitan siya sa kanyang suot ay wala siyang magawa. Kapakanan ng baby ang iniisip niya at malaking pasalamat niya at tutulungan
"Goodmorning, Daddy Dok." Masiglang bati ni Dreams sa lalaking bagong ligo na lumabas sa kwarto nito. Nakasuot ito ng pormal na damit at nakasabit sa braso nito ang puting coat. Hindi siya binati pabalik ni Kaiden kaya hinayaan niya lamang ito. Nagtungo si Kaiden sa kusina upang maghanda ng breakfast niya. Habang abala sa pagtitimpla ng kanyang kape ay napansin niya si Dreams na naroon sa likod ng pintuan, nakatitig sa kalendaryo na may nakasulat na mga task niyang dapat na gawin. "Hey! Don't forget the rule." Paalala nito sa babae. "Tinitignan ko lang, hindi ko naman hinahawakan." Sagot nito't itinaas ang kaliwang kamay. Inilapag ni Kaiden ang tasa ng kape niya sa mesa saka nagtungo sa refrigerator para kunin 'yong apple na breakfast niya. Pagbukas niya ay wala siyang nakitang apple roon. Nakailang check na rin siya pero wala talaga siyang makita. "Hanggang anong oras ka, Daddy Dok?"Pag-angat ni Kaiden ng tingin ay nakita niyang na kay Dreams 'yong apple na hinahanap niya. Pina
"Uy! Tara kain, Daddy Dok." Anyaya ni Dreams sa bagong dating na si Kaiden na may dala-dalang dalawang paperbag ng grocery item sa magkabila niyang mga kamay. Naroon si Dreams sa sofa na nakaupo at nakalapag sa mesa na kaharap niya 'yong panghapunan niyang binili niya sa labas. Akma niyang tutulungan si Kaiden nang mabilis na pinigilan siya nito kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo at panoorin na lang ang doktor na pumunta sa kusina."Dont' tell me ginamit mo 'yong lutuan ko?" Masungit na usal ni Kaiden nang maupo siya sa may dining table, nakatingin siya kay Dreams na ganadong-ganado na kumain.Mabilis na sumagot si Dreams sa agresibong tinig kahit puno pa ng pagkain sa kanyang bunganga."Uy! Hindi kaya, binili ko 'to sa labas." Tumayo ito at nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. "Bumili ako ng lutuan ko saka mga kubyertos ko't spices na gagamitin sa pagluluto. Binili ko rin 'yong mga cravings ko para matahimik si baby sa tyan ko. Syempre, 'yong ilang vitamins rin na kailangan
"Anak ng tokwa." Aligagang nagsign of the cross si Kaiden nang makuha ang ibig sabihin ng sinabi ni Dreams sa kanya. Nagising ang diwa nito nang mapansin na pasulyap-sulyap si Dreams sa ibaba ng kanyang puson. Mabilis na nahimasmasan si Dreams at namilog ang kanuang mga mata. Napatakip ito sa kanyang bibig saka naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napalunok rin ito ng ilang beses habang nakaiwas ng tingin sa binata na noon ay yakap-yakap na ang sarili. "Daddy Dok, mali ka ng iniisip." Tugon ni Dreams. "Ops! Huwag kang lalapit, hanggang dyan ka lang." Agresibong ani nito at ipinakita ang kamao nito kay Dreams na handang-handang sumuntok. "Kababae mong tao nangmamanyak ka? Jusmiyo!" "Hoy! Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Mabilis na depensa ni Dreams. "Ikaw kasi e, alam mo na ngang may kasama kang babae rito sa unit mo, ganyan ka manamit." Umiwas ng tingin si Dreams para hindi mag-isip ng masama si Kaiden laban sa kanya. Mapaklang natawa si Kaiden. "Wow! Ako na nga
"Sino ba talaga kayo? Bakit ayaw kayong ipakilala ni Daddy Dok sa akin?" Umagang tapat na pakikipag-usap ni Dreams sa litrato na naroon sa dining table. Abala siya sa pag-inom ng kape dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya dinalaw-dalaw ng antok. Pag-uwi ng unit kaninang madaling araw ay hindi na siya pinatahimik ng sandamakmak na katanungan sa kanyang utak. Gustong-gusto niyang malaman kung sino ang dalawang tao na naroon sa frame. Pakiramdam niya kasi ay may malaking sikreto na nakatago patungkol doon. "Hey! Kasali sa rule natin na huwag na huwag mong hahawakan 'yan." Napaangat siya ng tingin nang marinig ang mababang boses ni Kaiden na bagong labas sa kanyang kwarto. Nakasuot ito ng disenteng damit na hawak-hawak ang puting coat sa kamay. "Hindi ko naman hinahawakan e, tinitignan ko lang." Depensa ni Dreams. "Tigilan mo na 'yang pagiging curious mo dyan. Kahit anong gawin mo, hindi ko sasabihin sa'yo ang totoo." Pagmamatigas na wika ni Kaiden at kinagat ang haw
"Umakto ka na lang na parang 'di mo siya kilala. Mas mahihirapan ka kapag 'yang galit mo ang pinairal mo sa harapan niya." Makahulugang paalala ni Oheb sa kaibigan niyang si Kaiden na hindi mapakali na nagpabalik-balik na naglalakad sa harapan nilang tatlo nina Edward. Napahinto si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ang mukha nito ay hindi maipinta at kahit anong oras ay sasabog siya sa galit pero pinipigilan niya ito dahil baka makarating sa head doctor. Matik na mapapahamak siya kapag gumawa siya ng gulo laban sa head doctor na kinamumuhian niya. "Heb, paano ako kakalma? Seriously? Papakalmahin mo lang ako after kong malaman na makakasama ko ang taong 'yon sa isang operasyon? Nahihibang ka na ba?" Hindi maitago ang inis sa boses ni Kaiden na sumagot sa kanyang kaibigan. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Oheb, napatayp siya sa monoblock na kinauupuan at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang lab coat. "O sige, anong gagawin mo? Paprangkahin mo siya? Sasabi
"Kaiden, kumalma ka nga, baka mamaya mas malala pa dyan ang abutin mo e." Matinding pagpupumigil ni Edward sa kanyang kaibigan na si Kaiden na nag-aapoy sa galit matapos makuha ang evaluation mula kay Dra. Katlyn. Ang inaasahan ni Kaiden ay maganda ang resulta ng evaluation na matatanggap niya sa doktora dahil aminado naman siyang tama lahat ng ginawa niya sa operasyon nila kanina. Kamalas-malasan lamang na natrigger siya kaya pumalya ng konti sa dulo. Naging maayos naman para sa kanya 'yong operasyon, hindi siya nagkamali kaya malaking pagtataka niya kung bakit ganoon ang binigay na resulta ng evaluation nito. Napatayo si Kaiden sa pagkakaupo, padabog niyang inalis ang kamay ni Oheb sa balikat nito dahil sinusubukan siya nitong pakalmahin. Maski sina Oheb ay hindi inaasahan na ganoon ang makikita nila sa evaluation nito. "Tangina! Ako, kakalma? Pocha, pre, binagsak ako sa evaluation ko oh. Dapat ba akong kumalma sa ganito?" Galit na galit na tugon ni Kaiden habang hawak-hawak 'yon
"Akala ko ba thiry six hours lang ang duty non, bakit wala pa siya?" Napapatingin si Dreams sa orasan na nakasabit sa may dingding sa taas na bahagi kung saan nakalagay ang telebisyon. Nakailang dungaw na siya sa bintana upang silipin kung may sasakyan na hihinto sa tapat. Mag alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang binata ng inaantay niya. Napanood na niya lahat ng movie na gusto niya pero wala pa rin ito. Nakailang luto na rin siya ng mga pagkain na gusto niya pero wala pa ring Kaiden an dumarating. Hindi namamalayan ni Dreams na nakaidlip siya sa paghihintay kay Kaiden. Naiwan niyang nakabukas ang telebisyon at hindi nailigpit ang mga pinagkainan niya sa mesa. Dala ng kabusugan ay tinamad na siya kaya nahiga na lang ito hanggang sa dalawin ng antok. Nagising si Dreams nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa may pintuan. Napabalikwas siya ng bangon dahil bawat pagkatok ay lumalakas na animo'y galit na galit ang kamao na dumadampi roon. Sinilip niya sa may bintana kung si
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya