"Akala ko ba thiry six hours lang ang duty non, bakit wala pa siya?" Napapatingin si Dreams sa orasan na nakasabit sa may dingding sa taas na bahagi kung saan nakalagay ang telebisyon. Nakailang dungaw na siya sa bintana upang silipin kung may sasakyan na hihinto sa tapat. Mag alas-diyes na ng gabi pero wala pa rin ang binata ng inaantay niya. Napanood na niya lahat ng movie na gusto niya pero wala pa rin ito. Nakailang luto na rin siya ng mga pagkain na gusto niya pero wala pa ring Kaiden an dumarating. Hindi namamalayan ni Dreams na nakaidlip siya sa paghihintay kay Kaiden. Naiwan niyang nakabukas ang telebisyon at hindi nailigpit ang mga pinagkainan niya sa mesa. Dala ng kabusugan ay tinamad na siya kaya nahiga na lang ito hanggang sa dalawin ng antok. Nagising si Dreams nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa may pintuan. Napabalikwas siya ng bangon dahil bawat pagkatok ay lumalakas na animo'y galit na galit ang kamao na dumadampi roon. Sinilip niya sa may bintana kung si
"As of now, wala naman akong nakita na ikakabahala mo, Dreams. Healthy naman si baby pero hindi ibig-sabihin non na magpapabaya ka na. Kailangan mo pa rin ng extra careful at iwasang ma-stress katulad ng palagi kong pinapaalala sa'yo." Usal ni Dra. Mia kay Dreams matapos niya itong suriin.Bumangon si Dreams sa pagkakahiga sa kama at inayos ang sarili. Tinulungan siya ni Kaiden na bumangon pero dinedma niya ito. Sa buong pangchecheck-up ni Dra. Mia sa kanya, tahimik lamang si Kaiden sa gilid, nakaupo at hinihintay na matapos sila. Saka lang siya naglakad palapit upang makisosyo sa usapang nang matapos suriin siya ng doktora. Sinenyasan ni Dra. Mia si Dreams na maupo sa tapat nito upang bigyan ng mga paalala na kinakailangan niyang gawin. Nagpauna siyang naglakad habang nakasunod naman si Kaiden sa kanya na walang nagawa sa pandededma nito sa kanya kundi ang mapakamot na lang sa ulo't minabuting manahimik na lang. "Kaya ko," singhal ni Dreams rito nang akma na naman siyang tutulungan
"Here's your order, Maam/ Sir." Isa-isang nilapag ng waiter sa lamesa nila lahat ng pagkain na kanilang order. Sa dami non ay tinulungan nila ang waiter na bahagyang nahiya pa sa kanilang ginawa na pagtulong rito. "Enjoy your meal po." Magalang na tugon ng waiter pagkatapos mailapag na lahat sa mesa ang mga pagkain. Nagpasalamat sina Kaiden at nagsimula na silang kumain. Habang abala si Kaiden sa paglalagay ng table napkin sa kanyang hita, sinimulan na kaagad ni Dreams ang pag-kain ng mga pagkain na kanilang inorder. Hindi niya ginamit ang mga utensils na naroon sa tabi ng kanyang plato. Kinamay niya ang fried chicken at sa kabilang kamay niya ay hawak nito ang isang burger. Napakahilot si Kaiden sa kanyang sentido nang makita na nakataas ang isang paa ni Dreams sa kinauupuan nito. May ilang tao na nakatingin sa pwesto nila kaya kaagad niyang sinita ang babaeng kasama. "Hey! Put your foot down, Dreams," Kaiden irritatedly disobeyed him in a whisper and simply signaled. "We're at a
"Baby, huwag mo na ulit bati si Daddy Doc, ha? Inaway na naman niya 'ko e." Pagsusumbong ni Dreams sa bata na nasa kanyang sinapupuna na animo'y naririnig siya nito. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan saka bahagyang hinahaplos. "Alam mo bang hindi pala bukal sa loob niyang samahan tayo sa check-up kanina? At hindi lang 'yon, sinumbat niya pa 'yong panlilibre niya sa'yo. Psh." Patuloy na pagpaparinig ni Dreams sa binata. Napapikit sa inis si Kaiden at bahagyang hinilot ang kanyang sentido. Saglit niyang sinulyapan si Dreams saka napunta sa tiyan ng babae ang kanyang tingin bago niya itinuon sa pagmamaneho ang kanyang atensyon. "Tigilan mo nga 'yang paninirang puri mo sa'kin diyan sa bata." Salubong na kilay na singhal ni Kaiden rito at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. "Anong pinagsasabi mo na inaaway kita? Ikaw nga 'tong putak ng putak diyan e, ayaw mo magpatalo. Ako na nga 'tong nagpapakahumble, ako na nga 'tong bumabawu, ikaw pa 'tong lakas makaarte."Padabog na hinarap
"Bes, free ka ba today?" Pakikipag-usap ni Dreams kay April na nasa kabilang linya ng tawag. Nakaipit ang selpon nito sa pagitan ng balikat at teinga nito. Sa mga oras na 'yon kasi ay abala siyang nagluluto ng kanyang umagahan. May mahalaga siyang sasabihin kay April at kinakailangan niya itong makausap ng personal. "Oo, bakit anong kailangan mo? Don't tell me lalamutakin mo na naman 'yong mga lansones namin dito ah."Natawa si Dreams sa pinuna ni April sa kanya. Alam ng kanyang kaibigan na naglilihi siya ng sobra sa lansones. Sakto naman na may tanim na lansones sa harapan ng bahay nina April kaya kinukulit niyang bigyan siya nito. Hindi lang isang beses na humingi na ito sa kanila. Walang magawa si April kundi ang pagbigyan ang gusto ng maligalig na buntis at baka ito ay magtampo. "Basta, saka ko na sasabihin sa'yo. Pupunta ako diyan ah. Bye." Hindi niya hinintay na sumagot si April at kanyang pinatau na ang tawag sala inilapag sa mesa ang selpon nito. Ibinalik niya sa pagluluto a
"Aalis nga pala ako," walang ganang tugon ni Dreams habang abala na inaayos ang dadalhin niyang bag na nakapatong sa lamesa. "Pupunta ako kina April ngayon, 'di naman ako gagabihin dahil uuwi naman ako agad."Naroon si Kaiden sa dining table kaharap ang kanyang laptop at kasing bilis pa ng kabayo kung magtipa ang mga daliri niya sa keyboard nito. Tutok na tutok ang kanyang mata roon kaya hindi niya tinapunan ng kahit isang sulyap si Dreams nang magpaalam ito na aalis. Nasa left side niya ang isang can ng san mig at sa right side naman nito ay may slice ng apple. "K," tipid na tugon ng lalaki rito habang abala pa rin sa pagtitipa sa kanyang laptop. "Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung ano ang gagawin ko don?" Pag-iinarte ni Dreams dahil nakaramdam siya ng kaunting inis dahil hindi manlang nagkaroon ng kaunting pag-aalala si Kaiden sa kanya nang magpaalam ito na aalis papunta kina April. Sinulyapan siya ni Kaiden at wala pa ring kare-reaksyon ang mga titig na itinapon nito sa kan
"Magandang simula na 'yan, bes, ituloy-tuloy mo 'yan. Papayag akong gamitin mo 'tong jowa ko basta siguraduhin mong mapapaamo mo 'yan ah?" Umagang-umaga ay ibinalita na kaagad ni Dreams ang nangyari sa pagitan nila kagabi ni Kaiden lalo sa pag-iisip nito na nobyo niya si Pablo. Hindi niya naipakilala kay Kaiden na boyfriend iyon ng bestfriend niyang si April. Para kay Dreams, maganda rin na hindi niya ito naipakilala para may magamit siya da kanyang plano. "Oo na. Jusko! Tama lang na sundin ko 'yong suggestion niyo e. Taba talaga ng utak niyo." Tugon niya at saktong rinig niya na na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kaiden. "Bes, babye na, gising na siya. Babalitaan na lang kita mamaya." Hindi na niya hinintay ang sagot ni April at ibinaba na niya ang tawag saka dali-daling inayos ang kanyang sarili. "Goodmorning Daddy Doc." Pagbati niya rito sa bagong gising na lalaki. Magulo ang buhok nito at naniningkit pa ang mga mata nito pero nandon pa rin ang taglay nitong kagwapuhan. Plina
"Hindi ka ba talaga mapagsabihan, ha? Bakit ka sumugod don tapos tinatawag-tawag mo pa akong Daddy Doc? Hindi mo ba naisip na maraming tao ang nakakarinig sa'yo?"Kaagad na bungad ni Kaiden sa kasama niyang babae sa kanyang unit pagkapasok niya mula sa may pintuan. Para siyang tigreng galit na galit na umatake sa babaeng walang imik na nasa sofa. Nakuha kaagad niya ang atensyon ni Dreams na abalang nanonood ng cartoon sa telebisyon habang may hawak-hawak itong bowl ng popcorn. Pinagkunutan siya nito ng noo kaya naglakad palapit si Kaiden sa kanya't huminto ito sa kanyang harapan. "'Yon lang galit na galit ka na? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka lang kasi pinagluto kita ng makakain mo?" Angil ni Dreams saka nakanguso pagkatapos. "Ikaw na nga 'tong pinag-effort-tan e, magthank you ka nalang kaysa magreklamo."Nasapo ni Kaiden ang kanyang noo't bahagya niya pa itong hinilot. "Anong 'yon lang? Pinagmukha mo akong katawa-tawa don.""Alin don? 'Yong pagdala ko ng makakain tapos tinanggap m
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya