"Magandang simula na 'yan, bes, ituloy-tuloy mo 'yan. Papayag akong gamitin mo 'tong jowa ko basta siguraduhin mong mapapaamo mo 'yan ah?" Umagang-umaga ay ibinalita na kaagad ni Dreams ang nangyari sa pagitan nila kagabi ni Kaiden lalo sa pag-iisip nito na nobyo niya si Pablo. Hindi niya naipakilala kay Kaiden na boyfriend iyon ng bestfriend niyang si April. Para kay Dreams, maganda rin na hindi niya ito naipakilala para may magamit siya da kanyang plano. "Oo na. Jusko! Tama lang na sundin ko 'yong suggestion niyo e. Taba talaga ng utak niyo." Tugon niya at saktong rinig niya na na bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kaiden. "Bes, babye na, gising na siya. Babalitaan na lang kita mamaya." Hindi na niya hinintay ang sagot ni April at ibinaba na niya ang tawag saka dali-daling inayos ang kanyang sarili. "Goodmorning Daddy Doc." Pagbati niya rito sa bagong gising na lalaki. Magulo ang buhok nito at naniningkit pa ang mga mata nito pero nandon pa rin ang taglay nitong kagwapuhan. Plina
"Hindi ka ba talaga mapagsabihan, ha? Bakit ka sumugod don tapos tinatawag-tawag mo pa akong Daddy Doc? Hindi mo ba naisip na maraming tao ang nakakarinig sa'yo?"Kaagad na bungad ni Kaiden sa kasama niyang babae sa kanyang unit pagkapasok niya mula sa may pintuan. Para siyang tigreng galit na galit na umatake sa babaeng walang imik na nasa sofa. Nakuha kaagad niya ang atensyon ni Dreams na abalang nanonood ng cartoon sa telebisyon habang may hawak-hawak itong bowl ng popcorn. Pinagkunutan siya nito ng noo kaya naglakad palapit si Kaiden sa kanya't huminto ito sa kanyang harapan. "'Yon lang galit na galit ka na? Hindi ba pwedeng magpasalamat ka lang kasi pinagluto kita ng makakain mo?" Angil ni Dreams saka nakanguso pagkatapos. "Ikaw na nga 'tong pinag-effort-tan e, magthank you ka nalang kaysa magreklamo."Nasapo ni Kaiden ang kanyang noo't bahagya niya pa itong hinilot. "Anong 'yon lang? Pinagmukha mo akong katawa-tawa don.""Alin don? 'Yong pagdala ko ng makakain tapos tinanggap m
"Mga wala kayong kwentang kaibigan," garalral na tinig ang pinakawalan ni Kaiden nang prangkahin niya ang kanyang mga kaibigan sa ginawa ng mga ito na hindi sumipot sa kanilang usapan. "Talagang wala kayong sinayang na oras para ipagpalit na lang ako ng ganon sa ulam, hmm?"Nagsitawanan sina Oheb, Marco at Edward sa panenermon iyon ni Kaiden sa kanila. Sakto na sabay-sabay silang nagsidatingan sa parking lot ng ospital. Pagkapark ni Kaiden sa kanyang kotse ay mabilis siyang bumaba at nilapitan ang mga ito. Nagsikamot sila ng ulo dahil alam nila kaagad ang dahilan kung bakit salubong ang mga kilay ni Kaiden sa kanila. "Doc, kalma! Dapat nga magpasalamat ka pa sa'min kasi pumayag kami sa gusto niya e." Ani Oheb at ngumiti. "Oo nga," sang-ayon naman ni Edward, abala siyang kinukuha ang puting coat nito sa back seat ng kanyang sasakyan. "Hindi mo kaagad sinabi sa amin na magdadate kayo, edi sana nireschedule namin kaagad 'yong lakad natin.""Tsk! Alam niyong never akong mag-aask sa girl
"Sino 'yong girl? Kilala ko ba? Nandon ba siya sa ospital? Nag-uusap pa rin ba kayo hanggang ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni Dreams matapos ipagtapat ni Kaiden na may isang babae ang nanakit sa kanya noon. Malaking pagsisisi ni Kaiden na ipinagtapat niya iyon sa babae dahil hanggang sa byahe nila pauwi ay kinukulit siya ito upang paaminin kung sino iyon. Ginawa lahat ni Kaiden para makaiwas dahil ayaw niyang sabihin kung sino ang babaeng tinutukoy niya. Hindi pa siya handa na sabihin o ipaalam manlang ang pagkakakilanlan ng babae. Bukod kina Oheb, wala ng ibang tao ang nakakaalam tungkol sa bagay na 'yon. "Uy! Magshare ka naman kahit konting detalye manlang." Sinundok pa ni Dreams ng bahagya ang tagiliran ni Kaiden kaya sininghalan niya ito. "Stop it, Dreams, nagdridrive ako." Suway nito. "Sabihin mo na kasi kung sino 'yon para hindi na kita kukulitin."Kahit na anong pangungulit ni Dreams ay hindi niya napapayag si Kaiden na sabihin ang totoo. Bukambibig niyang tanong iyon han
"Sobrang sarap talaga ng luto mo, Dreams. Hindi nakakasawang kainin," Pamumuri ni Oheb habang punong-puno ang bunganga niya ng pagkain. Muntik pang tumalsik sa laway ni Edward na kaharap nito ang ilang kanin sa mukha niya. Walang magawa si Dreams sa unit dahil nabuhuryo siyang manood ng tv kaya naisipan niyang dalhan ng makakain si Kaiden sa ospital. Magandang pagkakataon rin iyon para matanong kina Oheb kung kilala ba nila 'yong babaeng tinutukoy ni Kaiden. Nagdala siya ng chicken currh na specialty niya para may pang-uto siya sa tatlo. Sakto rin na nahuling nagtimeout si Kaiden dahil may inuperahan siya ng bandang tanghalian. "Tutal naman nasarapan kayo sa luto ko ay sobrang natutuwa ako, maniningil ako." Sa sinabing 'yon ni Dreams at sabay ba nabulunan sina Oheb at Edward sa gulat. "Oh, kalma, hindi naman pera ang hinihingi ko e. Gusto ko lang sagutin niyo ng maayos 'tong itatanong ko. Pare-parehas ang mga ito na nakahinga ng maluwag. "Nakakatakot ka naman. Ano bang itatanong mo
"Daddy Doc, sino ang nanay mo?"Napatigil si Kaiden sa kanyang ginagawang pagluluto sa tanong na 'yon ni Dreams. Nakapwesto si Dreams malapit sa dining table, nakasandal ang siko nito sa upuan habang nakatingin niya diretso sa picture frame na naroon. Bumalikwas ng takbo si Kaiden upang kunin iyon dahil ayaw niyang mapakialama iyon ni Dreams. Hindi niya alam pero labag iyon sa kanyang kalooban. "Don't you dare touch this one." Singhal ni Kaiden at tinutukoy nito ang pictura frame na noon ay hawak na niya sa magkabila nitong kamay saka ipinagpatuloy ang pagtutuloy. "Luh? Hindi ko naman hahawakan e, nagtatanong lang ako." Sagot nito at humarap sa gawi ng doktor kung saan abala ito sa pagluluto ng kanyang hapunan. "Siya 'yong nanay mo, di ba? Nasan na siya ngayon? Bakit hindi mo siya kasama dito sa unit mo?"Walang natanggap na kahit na anong sagot si Dreams mula kay Kaiden. Para itong bingi na hindi narinig ang mga sinabi nito. Napabuntong-hininga ng malalim si Dreams at lumapit sa ga
"Daddy Doc, kailan naman 'yong birthday mo para mabilhan naman kita ng magandang regalo?" Pagtatanong ni Dreams habang nakasunod siya kay Kaiden na abalang nagmamasid ng damit na ipangreregalo nito kay Oheb. Napangiti si Dreams nang batiin sila ng saleslady na nakabantay roon sa shirt section. Siya na ang nag-abalang bumati pabalik dahil hindi nag-abalang magsalita ang kasama niyang lalaki na noon ay nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa bulsa niya. Inalalayan kami ng bumati sa aming saleslady. Tahimik pa rin si Kaiden kaya muling humirit si Dreams. "Uy! Magsalita ka naman. Sige ka, mamamaho 'yang laway mo kapag 'di ka nagsalita dyan." Pananakot nito pero hindi pa rin nagsalita si Kaiden at sinimulan na niyang pumili ng damit. "Nakakaawa naman 'yong nanay mo, nagkaroon siya ng anak na sobrang sungit. Siguro, pinaglihi ka sa sama ng loob, 'no? Paano ka magiging pediatrician nyan?" Pagdadaldala nito. Sinulyapan siya ni Kaiden at sininghalan. "Akala ko ba hindi ka mangungulit dahil p
"Sinisipag ka yatang magdala ng makakain dito sa ospital? Ganon mo na ba kamiss si Doc?" Pang-aasar ni Doc Edward kay Dreams na abalang inilalabas ang mga dalang tupperware ng pagkain sa loob ng bag. Ngiting aso pa niya itong nginitian kaya kinantyawan siya nina Oheb at Marco na nakatingin na rin kay Dreams. "Ano ba kayo! Pinapaamo ko lang naman siya, masyado kasing mailap e." Sagot nito pagkatapos ay naupo na siya sa tabi ni Marco. "Ano bang pinagdaanan non sa buhay at ganon 'yon kasungit? Ni hindi ko siya nakitang ngumiti ng matamis. Maski pagtawa niya hindi ko pa narinig."Pinunasan ni Oheb ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue saka sinagot ang tanong ni Dreams. "Naku! Malala ang nangyari don, sa sobrang lala, ayon natrauma na yata. Dinaig niya pa 'yong mga napapanood na teleserye sa TV e."Sinang-ayunan non nina Edward at Marco. Natahimik si Dreams sa nalaman niyang 'yon. Hindi niya alam na sa likod ng napakasungit at tahimik na mukha ni Kaiden, may madilim na nakaraan pala
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya