"Wala ka ng kawalan ngayon, Kaiden. Hmp." Mapaklang tumawa si Dreams habang nakatitig ng diretso sa lalaki na nasa kanyang harapan. Sinadya niyang tumawa para mahiya sana ang lalaki pero mukhang hindi umepekto iyon. "Wala kang choice kundi 'yong panagutan ako."
Napamura si Kaiden ng malutong saka napailing. "Wala pa rin tayong kasiguraduhan na akin 'yan." Depensa ni Kaiden sa maawtoridad na tinig. Hindi pa rin sapat na ebidensiya na naalala niyang si Dreams ang nakatalik niya noon sa bar. "Malay ko bang nakikipag-ano ka sa ibang lalaki maliban sa'kin."Napahinto sa pagsimsim si Dreams sa kanyang iced tea at malagkit na tinapunan ng tingin si Kaiden. "Hindi ako ganong klase ng babae na makikipagsex kung kanikanino. Matino po akong babae, sadyang naging tanga lang dahil nakipagsex ako sa'yo gayung 'di naman kita kilala." Inirapan niya pa ang lalaki.Natawa si Kaiden sa pang-iirap na ginawa ni Dreams sa kanya. "At kasalanan ko pa ngayon kung bakit pumayag ka? Sa ating dalawa, ikaw dapat ang nag-isip ng matino. Ikaw ang mabubuntis, ikaw ang mahihirapan hindi ako. Ikaw lang din ang gumawa ng problema mo e. So, siguro naman ngayon malinaw na sa'yo lahat at nagkakaintindihan na tayo." Pinagpinataasan niya ito ng kilay pagkatapos ay tumayo na si Kaiden sa kanyang kinauupuan. "Mauna na 'ko, may pasok pa 'ko bukas."Akmang aalis si Kaiden nang mabilis na hinawakan ni Dreams ang kaliwang braso nito upang pahintuin. Hindi pa malinaw sa kanya lahat lalo na't wala siyang matakbuhan na ibang tao na makakatulong sa kanya bukod kay Kaiden. Ayaw niyang ipagtapat ang totoong kalagayan niya sa kanyang pamilya dahil masasaktan sila. Siya ang inaasahan nilang makakapagpaahon sa kanila sa kahirapan kaya ginawa nila lahat para makapag-aral ito sa kursong BS in Nursing. Malaking pagsisisi niya na sumama siya sa kanyang mga kaibigan nong gabi na iyon. Sa isang gabi lang iyon ay nasira na lahat ng pangarap niya."Teka lang, hindi pa tayo tapos mag-usap." Segunda ni Dreams at halos malukot na ang suot na damit ni Kaiden sa ginagawa niyang panghihila rito. Tinignan siya ng masama ni Kaiden pero hindi siya nagpatinag. "Hindi ko rin naman kasalanan na tumayo 'yang alaga mo't naglabas ng semilya ah, kaya may responsibilidad ka dito sa batang dinadala ko."Padabog na inalis ni Kaiden ang kamay ni Dreams na nakahawak sa kanyang damit. Naiinis na siya sa babae at naririndi na rin siya ng sobra. Nauubos na ang kanyang pasensya at bago pa siya may magawang pagsisisihan niya ay iiwas na siya. "Hangga't hindi mo napapatunayan na akin 'yan, hindi ko pananagutan. At kahit na sinong lalaki na guguluhin ng isang babaeng kagaya mo, mapupuno rin ng pagdududa dahil hindi nakapagtataka sa itsura mong bayaran kang babae.""Pak!"Nakatanggap ng malakas na sampal sa kaliwang pisngi si Kaiden dahil sa mga sinabi nito. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang pisngi kaya napahaplos siya rito. Napatingin siya sa babae na noon ay nag-iba na ang kanyang itsura. Kung kanina parang anghel na nagmamakaawa, ngayon ay para na itong diablo na sasabog sa galit. Nakita ni Kaiden kung paano sunod-sunod nq tumulo ang luha ni Dreams sa pisngi nito."Tarantado ka!" Pagmumura ni Dreams sa madiin na tinig. "Makakaya kong tanggapin 'yong pang-iinsulto mo at pagdududa mo laban dito sa batang nasa sinapupunan ko pero 'yong pagsalitaan mo'ko ng ganyan, 'yon ang hindi ko matatanggap. Wala sa bokabularyo ko ang humingi ng tulong kapag kaya kong solusyunan pero ngayon lang ako humingi ng tulong sa ibang tao, sa'yo. Sa tingin mo ba gusto ko rin 'tong ginagawa ko? Kaiden, hindi pero nilunok ko ang pride ko para sa anak ko kahit nakakasakit ka na. Kung hindi mo'to kayang tanggapin, sige, okay lang pero huwag na huwag mo 'kong pagsasalitaan ng ganyan. Walang silbi 'yang pagiging doktor mo kung kaya mo namang pumatay ng tao gamit 'yang dila mo."Pinanood ni Kaiden ang bulto ng babae na lumabas sa kainan na iyon. Tatawagin sana niya ito upang humingi ng sorry pero huli na nang matanaw niyang sumakay ito sa humintong taxi. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon sa babae. Nadala lang siya sa galit dahil sa mga oras na iyon ay naguguluhan na siya ng sobra kung ano ang dapat niyang paniwalaan.Napaupo si Kaiden at napunta ang tingin niya sa mga pregnancy test na nakalapag sa mesa. Matagal niyang tinitigan ang mga iyon at bumalik sa alaala niya ang mukha ni Dreams na umiiyak. Kahit naiinis siya sa babae, nakaramdam siya ng guilt sa kanyang mga sinabi. Doon niya naalala na sensitive ang mga babae kapag buntis. Napahilot siya sa kanyang sentido at hindi na alam kung ano ang dapat niyang gawin. Nagdadalawang isip siya kung papayag ba siya sa gusto ni Dreams o hindi."Ang tanga-tanga mo naman kasi, Dreams." Umiiyak na pakikipag-usap niya sa kanyang sarili. Naroon na siya sa tarangkahan ng kanilang bahay at nagdadalawang isip siyang pumasok dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang pamilya."Kumusta ang board exam, nak?" Bungad sa kanya ng ina nang tuluyan na siyang makapasok sa kanilang bahay. Sinalubong siya ng tatlo niyang kapatid na lalaki kasama roon ang kanilang ama. Mababasa sa kanilang mga mukha ang excitement na malaman ang resulta ng pagtake niya ng board exam.Hindi kaagad nakasagot si Dreams, tinitigan niya isa-isa ang mga miyembro ng kanilang pamilya lalong-lalo na ang kanyang nanay at tatay na nagagalak malaman ang resulta. Lahat ay nakaabang sa ibabalita niya at dahil ayaw niyang saktan ang mga ito, naisip niyang magsinungaling na lang. Ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya lahat para maayos ang kanyang problema."Uhm... Opo...." Nauutal niyang sagot saka sapilitan siyang ngumiti. Nakita niya ang gulat sa mukha ng kanyang pamilya."Positive?" Tanong ng kanyang ama, iba ang naisip niyang positive kaya hindi niya napigilan ang mapaiyak. Ayaw naman talaga niyang magsinungaling pero pinangunahan siya ng takot na baka may gawin ang ama nito sa kanya. Malaki pa naman ang expectation nito sa kanya na siya ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.Tumango si Dreams at tuluyan ng nilamon ng emosyon. Nagsitalunan ang kanyang pamilya, may humiyaw, may sumigaw, at may pumaroon sa altar upang magpasalamat. Nayakap si Dreams ng kanyang ina at sabay silang naiyak. Pinaulanan siya ng lahat ng pagbati. Masisiyahan na dapat siya pero naalala niya ang pinakatago-tago niyang sikreto sa mga ito."Mga kapitbahay, nurse na ang ate Dreams namin. Woahhh!" Pagmamayabang ng kanyang ama na dumungaw pa ito sa may bintana nila dahilan para mapahinto ang mga kapitbahay nila na naroon pa sa labas."Talagang swerte ka sa mga anak mo, Densio." Hiyaw nong kumare niya. "Hindi tulad nitong anak ko na nagpabuntis lang, jusko."Para bang nanalo sa lotto ang kanyang ama kung magsaya ito, nagyaya pa itong magpapainom ng gabing iyon. Iyong nanay naman niya ay nagprisintang magpapameryenda kinabukasan kaya nagagalak ang kanilang mga kapitbahay. Grabe kung ipagmalaki siya ng kanyang pamilya kaya mas lalong bumibigat ang kanyang damdamin. Gustong-gusto niyang umamin pero inisip niya ang mararamdaman ng kanyang pamilya."Proud na proud kami sa'yo, anak. Sa wakas, hindi na tayo pagtatawanan ng mga kamag-anak natin." Pambabasag ng kanyang ama sa katahimikan nang nasa hapag-kainan na sila.Masasarap ang mga nakahain sa mesa pero hindi niya magawang matakam. Simula nong nalaman niyang buntis siya, namoblema na siya ng sobra dahilan para hindi siya makakain ng maayos at makatulog ng sapat. Iniisip niya kung kanino siya hihingi ng tulong. Nagawa nga niyang lumapit kay Kaiden pero hindi niya inaasahan na ipagtatabuyan siya nito na parang aso."Sa wakas, may kapalit na 'yong mga pagod namin sa bukid ng tatay mo't mga kapatid mo, nak." Usal ng kanyang ina, hinawakan siya nito sa kanyang kaliwang kamay at bahagya iyon na hinimas. Sumilay rin ang hindi maiguhit na ngiti sa labi ng kanyang ina. "Salamat at tinupad mo ang pangarap namin ng tatay mo, Dreams."Gustong maiyak ni Dreams sa bigat na nararamdaman pero pinigilan niya. Hindi siya handa na aminin sa kanyang pamilya ang kanyang pagbubuntis. Saka niya lang aaminin sa mga ito kapag naayos na niya ang tungkol sa kanila ni Kaiden. Si Kaiden ang bukod tanging lalaki na alam niyang makakatulong sa kanya pero mukhang mahihirapan siya."Ah, Ma, Pa, magtratraining po 'ko sa Manila ah." Usal niya, napatingin ang lahat sa kanya na puno ng pagtataka."Mga ilang buwan ba, anak?" Tanong ng kanyang ina.Bumuntong-hininga muna ng malalim si Dreams upang humugot ng lakas ng loob bago muling nagsalita. "Nine months po."Mapapapayag niya kaya ni Dreams si Kaiden sa pananatili nito sa Manila?"Bes, sige naman na oh, pagamit ng jowa mo." Pagmamakaawa ni Dreams sa kanyang kaibigan na si April na ipahiram ang boyfriend nito upang ipalabas na ama ng kanyang anak. Hindi niya kayang itago ng matagal sa kanyang pamilya ang totoo niyang kalagayan lalo na't wala siyang kasiguraduhan kung tutulungan siya ni Kaiden. Halos lumuhod na siya sa harapan ni April, pinuntahan niya ito sa dorm kung saan kasalukuyang nakatira si April. Saktuhan rin na naroon ang nobyo nito na si Pablo. Close naman silang dalawa ni Pablo, minsan na rin siyang humingi ng tulong dito kaya akala niya pagbibigyan siya ulit nito. Noong malaman iyon ni April, kaagad siyang umangal dahil hindi siya sang-ayon sa gusto ni Dreams. "Kung pera ang hihiramin mo kaya kong ibigay pero kung usapang jowa naman, bes, magtigil ka naman." Segunda ni April, halos yakapin na niya si Pablo palayo kay Dreams. "Hindi biro 'yang gusto mong mangyari na gagamitin mo 'tong jowa ko para ipakilala kina Tita na ama siya ng anak mo. Paano ka
"Doc. Kaiden, may naghihintay po sa inyo sa labas. Misis niyo raw po." Pagbabalita ng isang nurse na sumilip sa kinaroroonan nilang silid. Nadisturbo tuloy ang seryosong pagsasawa nila ng activity sa inusal ng nurse na 'yon. Umingay ang silid at pinaulanan siya ng tukso ng mga kasama. Lahat ay gulat na gulat dahil ang pagkakaalam ng kanyang mga kasamahan ay wala siyang nobya. "Shocks!"Dali-daling lumabas ng silid si Kaiden upang puntahan ang taong naghihintay sa kanya at muntik pa siyang madulas sa sahig sa pagmamadali. May ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng nurse na misis raw nito. Wala naman siyang ibang inaasahan na mangungulit sa kanya kundi si Dreams lang. Hindi niya inaasahan na sasadyahin siya ng babae sa ospital at ang malala pa roon ay nagpakilala bilang misis nito. Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya si Dreams na naroon sa isang sulok, nakaupo at mukhang siya nga ang sinadya nito. Nakaramdam si Kaiden ng inis lalo na't nakita niya na sumilay sa labi ni Dreams
"I hate that woman! She makes my life miserable. All this time, she's trying to destroy my reputation. Fuck that." Nanggigigil na usal ni Kaiden at padabog na inilapag sa mesa 'yong inalis niyang lab gown sa mesa. Katatapos lamang ng meeting niya kasama ang ilang pinakamagagaling na doktor sa ospital na iyon. "Kumalma ka, Kaiden. Hindi 'yan makakatulong sa problema mo, okay? Everything will be miserable when you act out your anger." Tinapik ni Oheb ang balikat nito at iginaya paupo para pakalmahin ito. Nakatingin silang tatlo sa kaibigan nilang problemado. Napansin nila ang pagiging badmood nito ng ilang araw. Umupo na rin sina Oheb, Edward at Marco sa tapat nito at nagpalita-lipat sila ng tingin sa isa't isa. Hindi nila alam ang gagawin para tulungan si Kaiden. Kailanman ay hindi pa humingi ng tulong si Kaiden sa kanila. Sa lahat ng oras, sila ang humihingi ng tulong. Hindi rin kasi palakwento si Kaiden sa kanila. Kung may problema man ito, hindi siya nag-oopen up, sinosolo laman
"Can you stop making fun with me? Hindi na ako natutuwa sa'yo." Iritableng singhal ni Kaiden kay Dreams nang tuluyan na silang makarating sa parking lot. Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa braso ni Dreams at napahilot ito sa kanyang sentido. "Hindi naman ako nakikipagbiruan ah." Tugon ni Dreams sa agresibong tinig. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa lagay kong 'to? Nagmumukha na nga akong aso kakahabol sa'yo e. Puro ka naman dedma palagi, e kung tulungan mo na lang kaya ako? Hindi naman mahirap sumagot ng oo e."Napahilot siya sa kanyang braso na bahagyang kumirot at namula sa pagkakahigpit ng yakap ni Kaiden sa kanya. Kung ilalarawan niya, kinaladkad siya ng lalaki kanina. Pinagkakaguluhan na kasi sila ng tao kanina sa loob ng ospital. Nakita niya kung paano nagulat si Kaiden sa pagdating niya kanina na may dalang banner. "Malaki ka na, kaya mo na 'yang solusyonan ng mag-isa." Tugon ni Kaiden saka pinagdilatan niya ang dalaga. Napansin niya na nanonood ang kanyang mga kaibig
"Seriously? Ginawa niyang ebidensya 'yong video niyo na gumawa ng bata? Hahaha! Ang tapang niya." Natatawang tugon ni Oheb nang ikwento sa kanila ni Kaiden ang ginawa ni Dreams sa tapat ng ospital kaninang umaga. Naging usap-usapan iyon sa loob ng ospital. Putok na putok ang balitang nakabuntis si Kaiden. Sumang-ayon si Edward sa sinabi ni Oheb at nag-apir silang dalawa. Halos maiyak na sila kakatawa sa sinapit ng kanilang kaibigan. While Kaiden can't even think right what he is going to do to stop Dreams. Napapamura na lang siya ng malutong at gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkapahiya niya kanina."Sinabi mo pa, Heb. Imagine, nakaloud speaker pa daw kanina nong plinay niya 'yong video tapos saktong rinig na rinig 'yong pag-ungol ni Kaiden. Hahaha! The war between them is so amazing." Mangiyak-ngiyak na tawa ni Edward hawak-hawak ang kanyang tyan. Inirapan ni Kaiden ang kanyang mga kaibigan. Inambangan niya na ihahagis sa kanila 'yong hawak na bottled water kaya mabilis silang
"Doc, ayaw talaga niyang magpaawat kahit pinagtabuyan ko ng maraming beses. Talagang matigas po ang ulo niya't nagpupumilit pumasok. Nong napagod na siguro ay ayan nakatulog na kakahintay sa inyo." Napapakamot sa ulo na usal ng guwardiya nang komprontahin ni Kaiden kung bakit naroon na naman si Dreams. "Sino po ba talaga siya? Totoo po ba 'yong chismis na misis niyo siya't buntis siya?" Hindi nag-antubiling sumagot si Kaiden bagkus nilapitan niya si Dreams at sinuri ang maamong mukha ng babae na natutulog. Bakas sa mukha ni Dreams ang pagod pero kahit na ganoon, nakitaan ni Kaiden ang angking ganda nito. Hindi niya naiwasang titigan ang babae't suriin ang mukha nito sa malayang paraan. Napunta ang tingin ni Kaiden sa mapupungay na mata ni Dreams, namangha siya sa ganda ng pilikmata nito't mga kilay na tunay. Bumaba ang mata niya sa ilong nito na medyo may katangusan. Napalunok si Kaiden nang mapunta ang tingin niya sa labi ni Dreams. Napahito siya't hindi inaasahan na babalik sa ala
"Aware ka naman sigurong buntis ka, Miss, kaya naman magdoble ingat ka kung ayaw mong lumangoy palabas 'yang baby mo." Paalala ng doktora kay Dreams matapos siya nitong suriin. "The baby is okay pero mag-iingat ka pa rin. Kailangan mong umiwas sa stress kung gusto mong maging healthy si Baby." Pagpapatuloy ng doktora na paalala kay Dreams. Naroon sa gilid si Kaiden, naghihintay sa kung ano ang ibabalita ng kapwa doktor. Kakilala niya ito kaya hindi siya nag-antubili na doon dalhin si Dreams. Samantala, bumangon si Dreams sa pagkakahiga't inayos ang sarili. Nagkatinginan sila ni Kaiden pero hindi niya nagawang ngumiti manlang. Nakaramdam siya ng konting inis dahil sa ginawa nitong pangtutulak sa kanya. Akma sana siyang aalalayan ni Kaiden pero dinedma niya lang ito. Bumasa siya ng mag-isa roon sa kama. Parang hangin niya na nilagpasan si Kaiden na nakahabang sa kanya upang sana alalayan siya. Napabuntong-hininga ng malalim si Kaiden at napahilot sa kanyang sentido. Ramdam na ramdam n
"Pasensya ka na, Kaiden, wala na talagang bakante sa taas. Ang late mo naman kasi nagsabi e ayun tuloy binigay ko na don sa bagong salta kahapon." Usal ng tenant kay Kaiden na nagpupumilit kumuha ng isang kwarto para doon temporaryong mamalagi si Dreams habang inaantay nila ang resulta ng paternity test. "Sige na, kahit isa lang, kahit masikip, okay na 'yon baka kasya lang 'tong babaeng 'to." Tinuro niya ng bahagya si Dreams na nasa likod nito na abalang sinusuri ang paligid. Napunta ang tingin ng tenant kay Dreams. Sa tagal na nangungupahan si Kaiden sa kanya, ngayon lamang siya nag-uwi ng babae. Sinuri ng tenant si Dreams mula ulo hanggang paa. Napansin iyon ng dalaga kaya sinuri niya rin ang katawan kung losyang ba siyang tignan. Gabi na kasi kaya nakasuot na ito ng pantulog saka nakajacket na rin dahil 'yon ang utos ng matandang kapitbahay nila. Kahit naiinitan siya sa kanyang suot ay wala siyang magawa. Kapakanan ng baby ang iniisip niya at malaking pasalamat niya at tutulungan
A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila." Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kan
“He’s going to be okay, Kai.” Napaangat ng tingin si Kaiden nang marinig niya ang tinig na iyon mula sa kanyang harapan. Matapos niyang makatanggap ng sampal mula kay Dreams, para siyang naupos na kandila na napaupo sa gilid ng hallway malapit sa operating room na kinaroroonan ni Kaizer. Nawala sa kanyang paningin sa Dreams matapos ang paghaharap nila. Hindi na halos tumigil ang luha ni Kaiden sa guilt na kanyang nararamdaman. Gamit ang kanyang nakayukom na mga kamao, walang kahirap-hirap niyang pinukpok ang kanyang ulo. Minumura niya pa ang sarili ng malulutong. “Ma..” Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Kaiden nang pumantay ang kanyang ina sa harapan nito. Naramdaman niya ang marahan nitong paghaplos sa kanyang mukha. “He’s going to survive, anak mo ‘yon e.” Nakangiting usal ni Katlyn, puno naman ng pagtataka si Kaiden kung paano ito nalaman ng kanyang ina. “This is all my fucking fault! Sana pinaniwalaan k
"Anong anak? Pre, nahihibang ka na ba? Tsaka, paano ka nakapasok dito sa bahay namin?"Napalingon kaagad si Zander sa may pintuan nang marinig niya ang tinig ng taong matagal na niyang gustong kausapin. Samantala, napatakbo si Zach palapit kay Kaiden at mukha itong natatakot."Daddy, that stranger said his my dad. I'm a very scared, Daddy." Paiyak na usal ni Zach na noon ay nakayakap sa tuhod ni Kaiden sa takot."Zander nga pala, pre." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili. Inilahad pa nito ang kanyang kamay para formal na magpakilala."Sino ka ba talaga? Anong pakay mo sa anak ko? At bakit nagpapakilala ka bilang tatay niya?" Sunod-sunod na tanong ni Kaiden dahil naguguluhan siya ng sobra.Maangas na naupo si Zander sa dulo ng kama ni Zach, todo kapit naman ng mahigpit si Kaiden sa bata dahil wala siyang tiwala sa taong kaharap nila."Hindi mo pa pala alam? So, mukhang effective pa rin 'yong pang-uuto ni Mia sa'yo." Umalingawngaw sa kwadradong silid ang nakakaasar na paghalakhak ni Z
"Wala kang anak sa'kin, Zander, anak namin ni Kaiden 'yon kaya pwede ba, lubayan mo na 'ko."Pilit nagpupumiglas si Mia sa yakap na iginagawad ni Zander sa kanya. Ayaw niyang napapalapit siya rito o kahit na maramdaman ang presensya nito. Nandidiri siya. Naiirita siya ng sobra sa lalaki. "Hanggang kailan mo ba uutuin ang doktor na 'yon? Hanggang ngayon ba, paniwalang-paniwala pa rin siya sa pagsisinungaling mo?"Pinagdilatan siya ni Mia. "Hindi ko siya inuuto, anak namin si Zach at hindi sa'yo. Itigil mo 'yang kahibangan mo bago pa 'ko may gawin na hindi mo magugustuhan." Pagbabanta ni Mia pero pinagtawanan lamang siya ng lalaki."Pwes, patunayan mo sa'kin na hindi ko siya anak." "Zander, pinakita ko na noon ang paternity test result, ano ba ang hindi malinaw sa'yo?" Nag-iimpit sa inis na singhal ni Mia."Gago ako pero hindi ako bobo, Mia. Alam ko na peke 'yon. Alam ko rin na dinaya mo rin 'yong paternity test na binigay mo kay Kaiden. Alam ko lahat ng kasinungalingan mo kaya bago p
"Why did you do that? Hindi mo ba nakita, may kasama siyang bata, Mia."Padabog na isinarado ni Kaiden ang pintuan ng kwartong pinasukan nila matapos nilang panoorin na kinaladkad palabas ng security guard ang mag-ina. Kumukulo ang kanyang dugo sa ginawa ni Mia, hindi iyon makatao para sa kanya. Gusto man niyang habulin ang mga security guard upang pigilan ang mga ito pero mas inuna niyang komprontahin si Mia sa mali nitong ginawa."Wow! At ipinagtatanggol mo pa talaga ang babaeng 'yon ngayon! Bakit, nabilog na naman ba niya ang ulo mo at nagpapauto ka na naman? Limot mo na ba lahat ng ginawa niya sa'yo non, Kaiden?" Depensa ni Mia sa agresibong tinig."You don't understand it, Mia! "Paanong hindi, Kaiden? Nilapag mo na mismo sa harapan ko 'yong kasagutan. Kailan pa kayo nagkikita? Kaya ka ba hindi nakapunta non sa school program ni Zach dahil sa kanila? Sila ba ang dahilan kung bakit palagi kang nagmamadaling pumasok? Para ano? Para hayaan siyang landiin ka? Kaya ka rin nagdududa ka
“Ano ba kasing problema at ayaw mo na saluhin ni Doc. Mia ‘yong case ni Kaizer? Ikaw na mismo ang may sabi na gusto niyang tulungan ‘yong bata. Wala naman sigurong masama kung siya nga ang hahandle non since busy ka naman.”Konti na lang ay umapoy na ang ilong ni Kaiden sa inis dahil nagpupumilit si Mia na siya na lamang ang umako sa case ni Kaizer. Nainis pa siya lalo noong sabihin ni Doc. Wade na payag siya nang sa ganon ay kaagad ng magawa ang operasyon sa bata. Hindi siya makakapayag na magkita sina Kaizer at Mia.“Hell! No way, Wade. Mapapatay talaga kita kapag pumayag ka diyan sa gusto ni Mia.”Narinig niya ang pagtawa ng kapwa doktor sa kabilang linya. Dahil sa naging usapan nila ni Mia ukol kay Kaizer, nawala ‘yong excitement na naramdaman niya sa pamamasyal nilang magpapamilya kanina. Lalo pa at todo pagpupumilit ni Mia sa kanya na sabihin kay Wade na siya nalang ang tatanggap sa case ni Kaizer. Hindi niya namalayan ang oras at natauhan na lamang siya nong tawagan siya ni Wa
"Mia, kanina pa may tumatawag sa,yo, ba't 'di mo sagutin?"Nawala sa pokus si Kaiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng selpon ni Mia na nakalapag sa side table malapit sa kanilang kama. Nakailang ulit iyon na nag-ring pero hindi nag-abala ni isang beses si Mia upang sagutin ito. Dinedma niya lamang ito at nagpopokus sa paglalaay ng kolorete sa kaniyang mukha. "Don't mind it, magsasawa rin 'yan." "Sagutin mo na kaya baka emergency 'yan galing sa mga nurses mo." Patutsada nito dahil naiirita si Kiaden sa tunog ng selpon ni Mia na paulit-ulit na nagriring.Hindi siya pinakinggan ni Mia dahil busy pa rin ito sa paglalagay ng mascara sa kaniyang pilik-mata. Napakamot siya sa kanyang ulo. Pasimple niyang naglakad palapit sa side table at sinilip kung sino ang tumatawag. Unknown naman ang nakalagay, hindi nakaphone book kay Mia. Hindi niya ugali na pakialaman ang gamit ni Mia. Mula noong naging magkatuwang na sila sa buhay, ni isang beses ay hindi
"Hello po, ako po si Kaizer Real, mama ko po si Dreams Real."Napunta ang tingin ni Kaiden sa batang lalaki na masiglang bumati sa kaniya, kinawayan pa siya nito. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso pagkakita sa mukha ng bata. Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya maintindihan. Mas lalong lumalim 'yong galit niya kay Dreams. Naalala niya kung paano siya niloko nito at pinaniwala na anak nila 'yong pinagbubuntis niya noon."Magandang umaga po, D-dok Kaiden." Nauutal na tugon ni Dreams, napayuko ito at pinagpapawisan ang kaniyang kamay na nakahawak kay Kaizer. Hindi siya makatingin ng diretso sa doktor. Inaasahan niyang si Kaiden ang magiging doktor ng kaniyang anak pero hindi siya nakapaghanda kung paano ito harapin.Napaiwas ng tingin si Kaiden nang magtama ang kanilang tingin ni Kaizer. May kakaibang enerhiya ang humihigop sa kaniyang upang titigan ng matagal ang bata pero umiwas siya. Ayaw niyang magpadala sa mga titig nito lalo na't may kasalanan ang ina nito sa kaniya. Ayaw niy
"No way! Hindi ko sasaluhin 'yong case ng batang 'yon. Umuwi ka ng hayup ka at asikasuhin mo 'yong pasyente mo. Huwag mo 'kong abalahin."Gigil na gigil si Kaiden na nakikipag-usap kay Doktor Wade pero tanging pagtawa lamang ng kapwa nito doktor ang naririnig mula sa kabilang linya. Kahit hindi pa siya sigurado sa kaniyang hinala ukol sa batang pasyente na pinapasalo ni Doktor Wade sa kaniya, ayaw niya pa rin tanggapin ito. Pamilyar ang apelido ng bata ayon sa kaniyang nabasa na pangalan nito. At kung tama man ang kaniyang hinala, hangga't maaga ay siya na mismo ang iiwas. Ayaw niyang magkrus ulit ang landas nilang dalawa ng babaeng kinalimutan na niya."What's the matter, Doc? Galit na galit ka yata sa pasyente ko? Anong alam mo sa batang 'yon?""Nothing! Busy lang ako at marami akong pasyente na kinakailangang operahan. Hindi ko na kayang isingit pa 'yong batang 'yon. Pwede bang ibang doktor na lang ang abalahin mo at huwag ako?"Padabog siyang lumagok sa bottled water na hawak niya