Share

Kabanata 3

Author: Deeveeon Lien
last update Huling Na-update: 2021-11-19 11:38:24

 Pagod na kinuha ni Orelia ang kanyang libro sa mesa. Kakatapos palang niya sa kanyang mga gawain sa araw na iyon. Lunes na bukas at magkakaroon sila ng recital sa araw na ito. Hindi niya pa nababasa ang buong coverage kay puno na siya ng pag-aalala. Patakbo siyang lumakad sa direksiyon ng likod-bahay ng mansyon. Ngayong araw ay sa duyan na ulit siya mag-aaral. Ang tahimik na paligid ay hinahayaan siyang makapag-aral ng matiwasay.

 Pagkarating niya sa likod-bahay ay laking hiyang niya nang makitang may tao na sa duyan. Bahagya siyang lumapit upang makita kung sino ang nakahiga. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makitang ang nakahiga ay ang bisita ng hacienda. 

 Natigil ang titig ni Orelia sa mukha ng lalaki. Matangos ang ilong nito at mahaba ang pilik mata, mayroon itong dalawang magkasunod na nunal sa ilalim ng kanyang mata. Linilipad ng hangin ang mahaba nitong buhok dahilan upang laong makita ni Orelia ang buo nitong mukha. Lalo pa yatang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at tila nawaglit lahat ng kanyang iniisip. Ang mga mapupulang labi ng lalaki ang pinakasenswal sa lahat ng parte ng mukha nito. Sa isip ni Orelia ay isa itong tukso na nais niyang hawakan. 

 Sa lalim ng konsentrasyon ni Orelia sa mukha ng lalaki ay hindi niya namalayan ang pag gising nito. Labis na lamang ang kanyang gulat nang natgpuan niya ang kaniyang sarili na nakikipag palitan na ng titig sa binata. Mabilis siyang napa- atras at akmang aalis ng biglang nagsalita ang binate.

 “Stay” ani nito.

 Nagdalawang isip si Orelia kung muli ba siyang haharap sa bisita. Tila lalabas na ang kaniyang puso sa bilis ng tibok nito. Ang dahilan? Nasa pagitan lamang ito ng kaba at pag hanga. Ramdam parin ni Orelia ang mga mata ng lalaki sa kaniyang likuran kay nag desisyon siyang tumalima sa utos ng lalaki at ibuhos na lamang ang kanyang atensiyon sa pag- aaral.

Sa muling pag harap ni Orelia ay nakita niyang naka-upo na ang lalaki sa tapat na bench. Naka de-kwatro ito at naka krus ang mga braso sa d****b. Nang makitang pabalik na si Orelia ay muli nitong ipinikit ang mga mata.

 Maingat na umupo si Orelia sa duyan at binuksan ang kaniyang libro. Sa una ay hindi niya naintindihan halos lahat ng kaniyang binabasa ngunit kalaunan nang mapansing walang imik at tulog ang lalaki ay lumuwag ang kaniyang pakiramdam at unti-unting nabalik ang kaniyang konsentrasyon.

 Lumipas ang isang oras at sa wakas ay natapos niya ang kaniyang binabasa. Alam niyang handa na siya sa recitation bukas, isinarado niya ang kaniyang libro at nag-unat ng kaniyang mga kamay. Doon niya palang naalala na naka upo nga pala ang lalaki sa bench sa kaniyang harapan. Ngunit ng sulyapan niya ang upuan ay wala na ang bisita rito at ang tanging nasa bench ay isang tray na naglalaman ng gatas at cookies.

**********

 Dala-dala ang brochure na naglalaman ng mga flower arrangement ng Marquez flowers ay pumasok ako sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Kito. ‘White Swan,’ ito ang pangalan ng clothing at cosmetics company na aking susunod na magiging katrabaho. 

 Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa opisina ng head secretary upang pag usapan ang plano para sa launching ng event. Ang balita ko ay opening ng isang branch ng kompanya ang mangyayari. Habang naglalakad ay napansin ko ang pagmamadali at pagkabalisa ng mga empleyado. 

 “Hindi nagustuhan ng boss ang set A ng summer clothes, mukhang may makikita na naman tayong luhaan ngayong araw,” bulong-bulungan ng mga empleyado.

 Mukhang terror ang boss ng mga ito. Bigla akong kinabahan, bahagya kong inayos ang aking blouse at pilit na kinalma ang aking sarili. Ang aking ka meeting ay ang head secretary, siguro nama’y hindi ito nangangain.

 “Excuse me po, saan po dito ang secretaries office?” tanong ko sa isang lalaking empleyadong hindi kasing balisa ng iba.

 “May I know who you are?” magalang na tanong ng empleyadong lalaki.

 “I’m the florist from Marquez flowers,” sagot ko dito.

 “Ah, for the launching event,” agad niya akong hinatid sa harap ng secretaries office.

Matapos kong makagpasalamat ay umalis na ito. Akmang kakatok na ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nito ang isang maliit na babae. Nagulat ito ng makita ako at napahawak pa ito sa kaniyang d****b.

 “Oh my god!” hiyaw nito. 

 “Magandang umaga, I am Orelia Estralla from Marquez Flowers. I’m sorry for startling you,” I greeted apologetically. 

 Nang makabawi ang babae ay ngumiti ito at nagpakilala.

 “I’m Mitchie Gonza, one of the secretaries. I’m sorry for my reaction too. You’re from Marquez Flowers you say? Let me call the head secretary first.” magalang na sabi nito.

 Bago siya umalis upang tawagin ang head secretary ay pina upo niya muna ako sa loob ng opisina at binigyan ng kape. Binati rin ako ng tatlo pang sekretarya sa loob ng opisina pagkatapos ay bumalik na ang mga ito sa kaniya-kaniyang trabaho.

 Napakalaki ng kompanyang ito at tunay na prebelihiyo ang makatrabaho sila. Laking pasasalamat ko kay Kito at inirekomenda niya ang Marquez Flowers para sa event na ito. Hindi na rin ako nagtataka na tinanggap nila ang shop namin sapagkat matagal narin namang may mabuting reputasyon ang Marquez Flowers. Noong si Ma’am Lony pa ang namamahala sa shop ay tanyag ang panagalan nito sa industriya. Nagtataka nga ako kung bakit iba na ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Sa maraming branch ng shop, pawang mga manager lamang ang namamahala at buwan buwan lamang itong chinecheck ni Ma’am Lony.

 Muntik akong mapatalon sa aking kinauupuan ng maingay na bumukas ang pintuan ng opisina.

 “Where the fuck is Hiskien?” sigaw ng lalaking agresibong pumasok. 

Nang lumapat ang aking mga mata sa lalaking nasa pintuan ay nagulong muli ang aking isipan. Why is he here? Why is that man here? Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang mga katanungang ito. Don’t tell me…

“Head Secretary Balyurin is currently not here Mr. CEO.” Sagot ng lalaking naka suot ng reading glasses na tila hindi man lang natinag sa sigaw ng lalaki.

Kinumpirma rin ng kaniyang sinabi ang aking kinatatakutan. So he was indeed the owner of this company. Damn fate. Sa lahat pa naman ng kompanya bakit sa White Swan pa. Pilit kong itinago ang aking presensiya upang hindi ako mapansin ng lalaki pero hindi ako nagtagumpay dahil nang inilibot niya ang kaniyang tingin sa opisina ay dumaan ang kaniyang mga mata sa akin. Kumunot ang kaniyang noo, at hinilot niya ang kaniyang sintido.

“When he comes back tell him to report to my office immediately.” Utos nito. 

Agad na sumang- ayon ang mga sekretarya at muling bumalik sa kanilang mga ginagawa ng tumalikod na paalis ang kanilang CEO. Makakahinga na sana ako ng maluwag nang muli na naman itong bumalik. This time naglakad ito patungo sa akin. Lumingon ako sa mga sekretarya ngunit ang mga mata ng mga ito ay nakatutok na sa kani-kanilang computer matapos makitang ako ang pakay ng kanilang boss. Pilit kong iniwas ang aking tingin ng maalalang ang lalaking ito nga pala ang boss ng kompanyang ito. I can’t afford to lose this big deal. Hinugot ko ang lahat ng aking lakas at tumayo ng tuwid. Hinarap ko ang lalaki at winaglit ang lahat ng emosyon sa aking katawan.

“Who are you? You are oddly familiar.” Tanong nito. 

Ang kaniyang boses ay nagpatayo sa aking mga balahibo. Ng baritono at mababa niyang boses ay nagpaalala sa akin ng mga hindi kanais-nais na mga memorya. Ngunit hindi ko hinayaang matinag ang aking sarili. Gamit ang aking praktisadong ngiti sinagot ko ang kaniyang tanong.

“It’s a pleasure meeting you Mr. CEO, I am Orelia Estralla from Marquez Flowers. Maybe we have encountered in the flower shop once that may be the reason why I am familiar,” propesyunal kong bati sa kaniya. Lalo pang kumunot ang noo ng lalaki at tila iniisip ng mabuti kung saan niya ako nakita. Tama nga naman na nakita niya ako sa flower shop, ngunit tama rin bang isipin na pamilyar ako sa kaniya dahil sa mga pangyayari sa nakaraan? Unti-unting namuoo ang galit at pagkairita sa aking d****b. Pinilit kong panatilihin ang ngiti sa aking mga labi at inilahad ang aking kanang kamay para sa isang handshake.

Saglit niyang tinitigan ang aking kamay bago niya ito tanggapin. Nawala na ang kunot ng kaniyang noo at napalitan ito ng nagmamasid na mga mata.

“Orelia?” tanong nito. I flinched when my name came out from his mouth.

“I am Juancho Kirigaya, the CEO of White Swan. I take it that you’re the florist for the event? I thought Lony will personally come knowing we are a big company,” usal nito. 

Nahimigan ko ang halong panunuya sa kaniyang boses. Is he belittling my skills? 

“Ma’am Lony is currently not available and I am the manager of the main branch of Marquez Flowers so you can rest assured that I am a well—versed florist,” I said. 

Ipinagdiinan ko ang mga huling salitang aking binitawan. He raised his eyebrow and scoffed. Patuloy akong ngumiti as I bit the insides of my mouth. Konti nalang ay bibigay na ang emosyon sa aking mukha. An annoying smirk was plastered on his face.

“Well then miss florist let’s see that skill of yours,” banggit niya bago tuluyan ng tumalikod. 

Sa wakas ay nakahinga na ako ng maayos. Tinapik ko ang aking mga balikat at pinuri ang sarili sa matagumpay na pag harap sa lalaki. Muntik ng pumatak ang aking mga luha dahil sa mga umaapaw na emosyong bumabalot sa aking katawaan. Inubos ko ang kape na ibinigay sa akin ng sekretarya at pilit na ikinalma aang sarili. That Juancho really did not recognize me. Hindi nito naaalala ang gabing iyon. Nagagalit ako sa kadahilanang wala akong magawa kundi manahimik at panatilihin ang matiwasay kong buhay ngayon. Alam kong kung paiiralin ko ang galit ko kay Juancho hindi ko maitatago ang identidad ng kambal. At hindi ako sang-ayon na makilala nila ang makasalanang ama nila. 

Karapatan ng mga batang malaman kung sino ang kanilang ama at alam ko ring may karapatan si Juancho na makilala ang mga bata pero hindi ko ito kakayanin. Lalo na’t walang kasiguraduhang tatanggapin niya ang mga bata. Ang pinaka nakakataakot na parte siguro kapag nabunyag ang lahat ay ang itanggi niya ang lahat at mawasak ang puso ng mga bata o di kaya ay magdesisyon siyang kunin sa akin ang kambal. Tiyak na hindi ko ito kakayanin.

“The head secretary is here ma’am.”

Hindi ko namalayan ang pagdating ng babaeng sekretarya. Agad akong tumayo at inayos ang aking pencil skirt at white blouse upang batiin ang head secretary. Sandaling umalis ang sekretarya upang kumuha ng mga dokumento at inihabiling mag hintay ako ng ilang sandal dahil paparating na ang head secretary.

Nakatingin lamang ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang isang pamilyar na mukha. Tumayo ako at lumapit sa lalaki.

“Kito! You’re here, dito rin ba ang department mo?” bati ko kay Kito. Kita ang gulat sa kaniyang mukha ngunit agad rin itong napalitan ng ngiti.

“I did not know na ikaw pala ang personal na pupunta dito,” sabi niya. Saglit akong nagtaka bago ko naintindihan ang kaniyang ibig sabihin.

“Ah, busy kasi si Ma’am Lony kaya ako ang nandito,” paliwanag ko sa kaniya. 

Tumango si Kito at nagsimulang maglakad. Nag dadalawang isip akong sinulyapan ang aking upuan sa paghihintay sa head secretary at sa naglalakad na si Kito pero ang pag aalinlangan ay mabilis na nasulosyunan ng magsalita ang lalaking inutusan ni Juancho kanina.

“Head Secretary Balyurin, the CEO requests your presence in his office immediately,” ang sabi nito kay Kito.

Kaugnay na kabanata

  • His Sweet Lies    Kabanata 4

    “You did not tell me you were the head secretary here,” usal ko kay Kito na ngayo’y busy sa pag-aayos ng mga papeles sa kaniyang mesa. Pinasadhan niya ako ng tingin at iginaya ako upang ma-upo sa upuang nasa tapat ng kaniyang lamesa at ipinasa sa akin ang isang folder.“Iyan ang program at ang litrato ng venue, you could also go to the site personally to see it clearly, you could ask me for more details. Regarding the flowers please send photographs or bring samples here in the office. Or better yet, I can just make time and go to the shop,” propesyonal na sabi ni Kito.“Hindi na kailangan, pupunta ako dito upang magdala ng mga litrato, hindi naman ako masiyadong busy sa shop dahil mayroon ng part-timer na tumutulong roon.” Bigkas ko bilang sagot sa kaniyang proposisyon.Bumuntong hininga si Kito at sumandal sa kaniyang upuan.“I did not tell you about my status in work simply because I forgot

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • His Sweet Lies    Kabanata 5

    Isang mahiyaing ngiti ang lihim na nagdulot ng kilos sa labi ni Juancho, hindi niya namalayang napangiti narin pala siya ng dalagang masayang nakatitig sa kaniya. Ang banayad na sikat ng araw at ang hanging nagmumula sa mga puno sa paligid ay tila nakikisaya rin sa dalaga. Napakagandang tanawin nito para kay Juancho, sa magulo niyang buhay ang tanawing ito ang nagdadala ng kapayapaan sa kaniya.Hindi si Juancho ang klase ng taong hindi nagpapakita ng emosyon sa kahit nino man sapagkat sa kahit anong oras man hindi niya alam kung sino sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang tauhan ng kaniyang mga kalaban. Ngunit maski ang sarili niya ay hindi niya maintindihan, bakit ganoon nalang ang kapayapaang kaniyang nararamdam kasama ang dalagang hindi niya pa lubos na kilala.Unti-unting idinilat ni Juancho ang kaniyang mga mata, nakapagtatakang kahit na kakagising pa lamang niya ay kay bigat ng kaniyang pakiramdam. Isa na namang panaginip tungkol sa baba

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • His Sweet Lies    Kabanata 6

    “It’s rare for you to come in the bar, here to watch my performance?” sambit ni ma’am Lony ng makitang akong papasok sa bar na pinagtatarabahuhan niya.Actually, hindi naman siya isang empleyado dito kundi isang mang-aawit. This is one of the places that their band have gigs in.“I just passed by ma’am and thought that I should come visit since it’s been a while,” tugon ko sa kaniya.Tiningnan niya ko ng may mga matang nagdududa. Halatang hindi ito naniniwala sa aking palusot. I smiled at here and ordered juice.“Who would come in a bar and order juice, anong drama ba kasi yan Orelia?” patuloy na pang-uusisa ni ma’am Lony. I sighed. She was indeed right.Ano ba naman kasi at ang lalaking hindi ko na gustong makasalamuha pang muli ay parang unti-unti na namang gumagawa ng daan upang makapasok sa aking buhay. Hindi niya pa ako naaalala sa lagay na iyan,

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • His Sweet Lies    Kabanata 7

    “Na close mo na ba ang deal na ipinunta mo dito iho?” tanong ni Don Salvador kay Juancho habang kumakain sila ng almusal sa hapag kainan.Si Don Salvador ay tiyuhin ni Juancho sa ina at ito ang may-ari ng hacienda Louisiana na kasalukuyan niyang pinanatilihan, mas ginusto nitong manatili sa probinsiya kasama ang kaniyang mahal na asawa upang lasapin ang tahimik na buhay dito.“Not yet tito, but I’m nearly done,” sagot ng binatang si Juancho.Pansin ni Orelia ang kalmado at magalang na tono ng boses ni Juancho sa pakikipag-usap nito sa kaniyang tiyuhin, iba ito sa kadalasang malamig na boses nito. Halata na mataas ang respeto nito sa tiyuhin.Unti-unting inilagay ni Orelia ang ulam sa mesa kasama ng iba pang mga katulong sa mansyon.“Won’t you really try and inherit your father’s company?” tanong ni Don Salvador kay Juancho.

    Huling Na-update : 2021-12-04
  • His Sweet Lies    Kabanata 8

    “O, you’re back,” bati ni ma’am Lony pagkapasok ko sa shop. Nang makita niyang kasama ko parin si Juancho ay mas lumaki ang kaniyang ngiti.If only she knew. Kapag nalaman niyang ang lalaking ito ang dahilan ng aking mga problema say siguradong labis siyang magsisi. It seems like she thought this man was some kind of admirer.“By the way sir you’re bouquet is ready,” sambit ni ma’am Lony ng may ngiti parin sa kaniyang mga labi.“Ma’am Lony, this is Juancho Kirigaya, the CEO of White Swan. Mr. CEO, this is Lony Marquez, the owner of the Marquez Flowers,” simula ko sa pagpapakilala sa kanila.Biglang bumilog ang mga mata ni ma’am Lony, dali dali siyang lumabas sa counter at inilahad ang kamay kay Juancho upang makipag kamay.“Good morning Mr. Kirigaya. I’m glad to work with you. Please take care of us,” propesyunal na bati ni ma’am Lony

    Huling Na-update : 2021-12-05
  • His Sweet Lies    Kabanata 9

    “Pinsan nandito ka lang pala,” biglang hiyaw ni Franco pagkakita sa pinsang si Juancho na naka upo sa bench katapat ng duyan sa likod bahay ng mansyon.Ang nakapikit na si Juancho ay unti unting idinilat ang kaniyang mga mata, sumulyap ito sa nagbabasang si Orelia at saka iritang tiningnan ang kaniyang pinsang si Franco.Tumayo si Juancho at kusa ng lumapit dito bago pa madisturbo ang pagbabasa ng dalaga.“Shut up Franco,” aniya kay Franco.“Sino yong nandoon sa duyan?” Nagtatakang tanong ni Franco sabay tagilid upang masilip ang taong nasa natatabunan ng nakatayong si Juancho.“What do you need?” Walang atubiling tanong ni Juancho sa pinsan na may tunong nagpapahiwatig na nais niya itong umalis.“Didn’t I tell you about the party?” sagot na tanong ni Franco na sa wakas ay sumuko ng tingnan kung sino ang kasama ng pinsan.Sa tuwing sumusubok siyang s

    Huling Na-update : 2021-12-06
  • His Sweet Lies    Kabanata 10

    “Where have you been going to these past few days?” tanong ni Janice sa kaniyang anak pagkatapos itong datnan sa opisina matapos magpabalik balik sa kompanya ng ilang araw.“Why are you here mom?” balik na tanong ni Juancho sa ina.Lumapit ito at hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina, matapos ay ginaya ito pauopo sa sofa.“Can’t I visit my son?”“You don’t visit me in my office unless it’s business matters mom,” walang duda sa kaniyang hinuhang sagot ni Juancho.Ngumiti si Janice sa pagkabisto sa kaniya ng kaniyang anak. Tama nga si Juancho at pumunta ang ina sa opisina ngayon dahil sa usaping pang opisina, ngunit ito ay bahid rin ng personal na usapin.“So where have you been these past few days?” muling tanong ni Janice sa anak.“You don’t need to know… for now,” walang atubiling sagot ni Juancho.Tumaas a

    Huling Na-update : 2021-12-07
  • His Sweet Lies    Kabanata 11

    Habang tinitingnan ang mga bulaklak ay sinimulan kong kumpirmahin ang aking hinala kay Kito, “You knew, didn’t you?”Nagtataka akong tiningnan ng lalaki matapos ay muli niyang binaling ang kaniyang atensiyon sa mga bulaklak. Isa isa niya itong inenspeksiyon ang mga klase ng bulaklak.“These are all the colors?” balewala niya sa aking naunang tanong.“Yes, just white and red, the CEO told me he doesn’t like the colorful flowers, and it does fit the theme for party right? Iyong makukulay na bulaklak ay talagang hindi naman talaga bagay sa tema, it was good that he told me to change it,”“Indeed, these flowers are great. Won’t you have a hard time getting a large order of these in time for the party?”“No we won’t. Our supplier was already informed so next week a day before the party ay nandito na ang mga bulaklak.” Sagot ko sa kaniya.Tinitigan ko s

    Huling Na-update : 2021-12-08

Pinakabagong kabanata

  • His Sweet Lies    Kabanata 64: Ang Wakas

    °Juancho“Just go Makoto, you can visit your uncle while you’re at it,” my father said.“Fine.”They insisted na ako ang pumunta sa probinsiya for a little deal. Fine, matagal ko narin namang hindi nakikita sina tita at tito. That punk Franco should be their too.I was expecting to stay there just for a short while. Tatapusin ko kaagad ang deal at babalik. I can’t leave the company in those crocodile director’s hands. But Hiskien is there so I should not worry much.But then something interesting happened. Ang kaniyang mga ngiti ay nakakasilaw, she was the epitome of fresh youth. Ang gusto ko lang naman ay makita ang masayang mukha niya. But when I saw her together with that baby ’s breath, I know I wanted something more. Orelia Drezelle Estralla has enchanted me with a spell I can never break.“Why do you want to be a doctor?” tanong ko sa kaniya isang pagkakataong natigil siya sa pagbabasa.“Simple lang po, gusto kong magligtas ng buhay.

  • His Sweet Lies    Kabanata 63

    Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko alam kung paano ito nangyari pero kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa direksiyon ni Juancho. Si Michael Lorenzo ay nakasunod sa akin, waving his gun at me. Hindi katulad kanina ay wala na ang malademonyo niyang ngiti, napalitan ito ng galit na ekspresyon. He was getting impatient because he still hasn’t got Juancho. Kaya iniba niya ang kanyang strategy, kaya pala paikot-ikot siya sa buong factory kanina at umiiwas lang sa mga bala nang baril ni Juancho. He was set on finding me, mabuti na lamang at naramdaman ko ang kaniyang intensiyon at bago pa niya ako mahawakan ay agad akong tumakbo papunta kay Juancho.“God, I’m glad you’re okay,” hingang maluwag ni Juancho nang sa wakas ay mahawakan niya ako.Dahil sa kaniyang iritasyon ay bumaril muli si Michael sa bubong. At ang sunod na putok nang kaniyang baril ay naka direkta sa akin. Juancho easily pulled me but I could hear the loud beating of his heart habang nakayakap parin siy

  • His Sweet Lies    Kabanata 62

    “Michael Lorenzo!” sigaw ko nang makita kung sino ang nakasunod sa amin.Akala ko ba ay sususnod siya kay Mr. Deracorazon upang ma secure ang pagtakas nito? Bakit kami ang sinusundan niya? I just can’t figure out Michael Lorenzo. His warnings… ibig bang sabihin ay matagal na itong naka plano?“Orelia, hang on tight. It would be hard to escape their sight, they are damn so persistent, kailangan muna nating luhihis sa orihinal na destinasyon or else they would find you even if I successfully got you there,” paliwanag ni Juancho habang patuloy parin sa pagmumura habang nagdadrive.Ang ibang sasakyan ay binabangga ang aming sinasakyan ang multiple gunshots hit the car.“Crouch down Orelia!”mabilis ang pagcontrol ni Juancho sa steering wheel at binangga rin ang kotseng kanina pang nasa gilid namin.Si Michael Lorenzo ay nasa likod parin at patuloy kaming binabaril. I want to stand and

  • His Sweet Lies    Kabanata 61

    “Good morning gentlemen, and ladies,” bati ni Fushigiro sa mga direktor at sa ibang mga babaeng sekretarya.He was flashing a smile to everyone, iba sa expression ni Mr. Deracorazon na parang na drain lahat nang dugo sa kaniyang mukha. Umupo sina Kito at Fushigiro sa tabi naming ni Juancho.Kito had his usual poker face and Fushigiro was all smiles.Sumandal si Juancho sa kaniyang upuan at tiningnan ang mga direktor na hindi mapakali.“You wanted to move me out of my position, fine then, but first dahil ako parin naman ang CEO, let’s talk about your anomalies.”Ang mga may dapat itago ay natigil. Hindi yata talaga magaling sa pgtatago nang ekspresiyon si Mr. Deracorazon dahil kitang kita na agad sa akniyang mukha kung gaano siya ka iritado sa sinabi ni Juancho.“What do you mean by anomalies Mr. CEO?!”“Since you pried in my medical records for the s

  • His Sweet Lies    Kabanata 60

    “Kumusta po ang mga bata?” tanong ko kay mama sa kabilang linya.“Natutulog sila ngayon iha, napagod yata sa byahe.”Matapos ang family day sa school ng mga bata ay dumiretso na sila papunta sa probinsiya. It was too fast both for me and the children pero wala na kaming choice. The earlier we settle this the better. Isa pa ay hindi kami sigurado kung ano ang maaaring gawin nang kabilang kampo kaya mabuti na ang ganito. I would not want for another kidnap attempt to happen.“Okay po mama, tatawag lang po ako ulit.”“Yes iha, kayo diyan? Ano na ang nagyayari?”Actually, sa ngayon ay nakatayo ako sa labas nang White Swan. Juancho is by my side, at handa na kaming harapin kung ano man ang naghihintay sa amin ngayon sa loob.“Aattend po kami nang meeting of board of directors ngayon ma.”“Are you gonna be okay? Hindi ba at hindi pa nakakabalik si Hiskien?” nag-aalalang tanong niya.“Hmm, wala po po si Kito, but Juancho has his plan magiging ayos po a

  • His Sweet Lies    Kabanata 59

    “It’s time to start talking Orelia,” wika ni Juancho pagkarating na pagkarating naming sa labas.“Hindi man lang ba tayo uupo?”Naglakad ako papunta sa swing at umupo. Idinuyan ko ang sarili ko at tumingin kay Juancho. I guess the time has really come. Kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito. It was so abrupt, but I felt like it was the time to tell him. Iba nga lang talaga ang napili kong timing, hindi ko alam kong galit ba siya o ano.“Upo ka dito Juancho,” wika ko sa kaniya.“Tell me, was that a joke?”Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Itinigil ko ang pagduduyan sa aking sarili.“Nagsinungaling ka na naman sa akin kanina hindi ba? Hindi okay ang lahat, mayroong mga kalaban na nasa loob ng eskwelahan ngayon.”He clenched his fist and looked away.“Hindi ko balak itago sa ‘yo ito ng matagal Orelia. I was even planning to tell you after the family day, when we get home. I just don’t want you to worry so much today. I wan

  • His Sweet Lies    Kabanata 58

    I was stunned. Mama’s voice was angelic yet strong. The melody she was singing can really make you pay attention. Habang masayang dinadamdam ang pagkanta ay buong gilas ring pinamalas ni papa ang kaniyang galing sa pagpapiano. He was effortlessly playing with the keyboard yet the sound he makes is so gallant and made me feel goosebumps. And there were the kids. Their graceful choreography was simple, pero halata ang pagiging upbeat nang kanilang sayaw. Dahil simple ang steps ay napapasabay ang ibang mga bata at ang kanilang mga magulang.I swayed with the beat at napansing nakatingin lamang si Juancho sa stage. Binangga ko ang kaniyang braso at sinenyasan gamit ang aking mata.“Sayaw na Juancho,” aya ko sa kaniya.“No, totally not love, I’m okay with just watching.”“Don’t be killjoy Juancho.”Hindi na ako nahirapan pang pilitin si Juancho na sumayaw dahil bumaba sina Lezzie at sato mula sa stage. Kalahating sumasayaw silang lumapit sa amin. Inabot ni S

  • His Sweet Lies    Kabanata 57

    “Wahh! We look so nice!” masayang sigaw ni Lezzie nang makita ang nakaterno naming mga damit.“Right Sato?” “Yes!” masiglang sagot ni Sato.Kasalukuyan kaming naghahanda sa sala para sa pagpunta namin sa family day ngayong araw. Simpleng putting t-shirt ang suot naming anim na may nakasulat na family day.“My! Ang cute cute nang mga apo ko!” wika ni mama mula sa itaas at patakbong bumaba upang yumakap sa mga bata.“Mama mag-ingat po kayo baka mahulog po kayo sa hagdan,” nag-aalalang paalala ko sa kaniya.Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos nang mga dadalhin naming nang mapansin ko ang titig nila sa akin.“Bakit?” nag tatakang tanong ko sa kanila.“My! My daughter!” Kita ang labis na saya sa mukha ni mama Janice habang lumalapit siya upang yumakap sa akin.Doon ko napagtanto na tinawag ko na dahil pala ito sa pagtawag ko sa kaniya ng mama. Ito ang unang pagkakataon na tinawag ko sia nito nang malakas. Napangiti na lamang ako at ibinalik ang kaniy

  • His Sweet Lies    Kabanata 56

    “Mauuna na si mommy at daddy babies,” paalam ko sa mga bata matapos naming kumain nang agahan.“Manang Rosa, kayo na po ang bahala sa mga bata.”Isa-isa kong hinalikan si Lezzie at Sato na abala sa pag-aayos nang kani-kanilang bag.“Ay iha, hindi ako ang maghahatid sa kanila ngayon,” wika ni Manang Rosa.“Po?”“Handa na ako! Joanice, Joasato let’s go!” masiglang sigaw ni mama, this is still so awkward, mula sa itaas.“Lola, I told you to just call me Lezzie,” reklamo ni Lezzie.“But baby girl I like it, we have the same name.”Hindi yata ako napaalam na sila ang magdadala ngayon sa mga bata. I’m amazed na may panahon sila para sa ganito. Nga naman, mayroon na pala silang ipinalit sa kanilang pwesto pansamantala. Kawawang Franco.“You can go now. You don’t need to worry about the kids

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status