Share

Kabanata 2

Author: Deeveeon Lien
last update Huling Na-update: 2021-11-19 11:33:14

 “May bisita raw mula sa Maynila na darating ngayong araw,” lahad ni Isay, isa sa mga katrabaho ni Orelia sa hacienda Louisiana.

 “At balita ko ay paparito ito para sa isang business deal, at heto pa, binata raw!” hiyaw niyang muli. 

 Malaki ang ngiti nitong nag pantasya sa mukha ng lalaking bibisita ng hacienda. Umiling-iling si Orelia at nagpatuloy sa pagbanlaw ng mga kurtina.

 “Bilisan na natin, para makita ko ang pagdating ng bisita,” ani nito at bumalik sa paglalaba. 

 Natawa nalang na lamang ang dalaga sa mga salita ni Isay at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi nito maitatangging nagtataka siya sa bisitang paparating ngunit hindi siya sabik na sabik rito at mas pipiliin niya pang mag-aral sa oras ng kaniyang break kaysa maghintay sa pagdating nito para lamang makasulyap.

 Ang pag-aaral ni Orelia ng medisina ay mahirap lalo na’t kailangan niya itong isabay sa pagtatrabaho, kaya sa bawa’t pagkakataong meron siya ay pinapalipas niya ang oras na libro ang nasa mukha.

 “Orelia, tapos na ako dito, tulungan mo nalang akong ipasok ang mga balde.” Tawag niya kay Isay. 

 Sa wakas ay patapos na ang gawain niya ngayong umaga. Mayroon pa siyang lunch break kaya bago mag trabaho muli mamayang hapon ay napag desisyonan niyang sulitin ito upang makapag- aral. Papunta sa likod-bahay dala ang kanyang libro ng makita ni Orelia papasok sa hacienda ang isang mamahaling sasakyan. Tumigil ito sa harap ng mansyon at ng bumukas ang pintuan nito ay iniluwa nito ang isang makisig na nilalang.

 Ang maitim at may katamtamang haba nitong buhok ay halos itago ang kanyang mga mata ngunit hindi nito tuluyang naikubli ang mga matang tila kasing lamig ng yelo. Swerte yata siyang hindi dumantay sa kanya ang matang iyon sapagkat kahit sino yatang susulyapan nito ay lalamigin. Ang tindig ng lalaki ay magara, halatang mula ito sa mayamang pamilya.Nakasuot lamang ito ng simpleng t-shirt at trousers ngunit tila isa itong modelong lalabas sa cover ng isang magazine. 

 Napabalikwas si Orelia ng mapagtanto niyang matagal pala siyang nakatitig sa lalaki. Dali-dali niyang iniwas ang kaniyang tingin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa likod- bahay. Sa kadahilan ng pagkahiya ni Orelia sa kanyang ginawa ay walang tingin-tingin siyang dumiretso sa mansyon at hindi niya namalayan ang nagyeyelong mga matang nakamasid sa kanyang papalayong anyo.

**********

 Tuluyan na akong tumayo matapos makalma ang aking sarili, siguro nga’y tuluyan na akong nakalimutan ng lalaking iyon. Hindi ko mawari kung isa ba itong magandang balita o dapat ba akong mainis ngunit sa ngayon kailangan ko munang ikalma ang aking sarili bago dumating ang mga bata. Mabuti nalang talaga at hindi pa sila dumarating dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag at haharapin ang sitwasyon na iyon.

Eksaktong alas kwatro nang tumunog ang chimes ng tindahan at pumasok ang kambal , patakbong yumakap sa akin ang dalawa na akin namang sinalubong ng mga h***k sa kanilang pisngi.

 “How was school my babies?” tanong ko sa kanila.

 “It was great as ever mommy,” sagot ni Lezzie. Samantalang si Sato naman ay tumango-tango lamang at muling yumakap sa akin.

 “Then, wait for mommy for a little bit pagkatapos ay pupunta na tayo ng mall,okay?” kausap ko kay Lezzie. 

 “Yes mommy!” masiglang sagot ng dalawa.

 Sinimulan ko na ang pag liligpit ng mga gamit nang makita ko ang mga perang papel sa counter. Napabuntong hininga ako tsaka kinuha ang pera at nilagay sa kahera. Nang matapos ang pagliligpit ay lumapit nako sa dalawang bata at sabay sabay kaming lumabas ng shop.

 Pagka lock ng shop ay dumiretso na kami sa mall. Hawak ko ang kamay ng mga bata sa magkabilang kamay habang naghintay ng taxi sa gilid ng kalsada. Sa kalagitnaan ng paghihintay ay may dalawang matandang tumayo sa aming gilid, mukhang naghihintay rin ang mga ito ng masasakyan. Naka suot ang dalawa ng pormal na mga damit na tila mamahalin. Habang nag-uusap ang mga ito ay kita sa kanilang mga ngiti ang kanilang pagmamahalan. Napangiti akong pinagmasdan sila at lalo pang ngumiti nang ibaling ko ang aking atensiyon sa kambal.

 “Magandang araw po!” biglang bati ng kambal sa dalawang matanda at bumaling sa akin ng may mga ngiting nagsasabing ‘we did well right mommy?’ Bahagya akong natawa at nahihiyang ngumiti sa dalawang matanda. Tinapik ko ang ulo ng dalawa at binati sila sa kanilang ginawa.

 “Napaka galang na mga bata, Magandang araw rin sa inyo,” balik na bati ng matandang babae. Ang asawa nito ay ngumiti lamang at masayang tiningnan ang mga bata.

 “What’s your names?” Tanong ng matandang babae. Lumingnn ang dalawang bata sa akin at nanghihingi ng permiso sa pagpapakilala. Tumango ako sa mga ito.

 “I’m Joanice Lezelle Estralla po,” pakilala ni Lezzie sabay yuko bilang pag bati.

 “Joasato Lonelle Estralla is my name po,” pakilala naman ni Sato at gaya ng nakakatandang kapatid ay yumuko rin bilang pagbati. 

 Tumungo ang matandang babae at tinapik ang ulo ng dalawa.

 “How cute, those are lovely names. My name is Janice. Nice to meet you two.” Bati nito.

 “Where are you all going by the way?” tanong ng matanda.

 Nagdalawang isip ako ng aking isasagot ngunit bago ko pa maibuka ang aking bibig ay sumagot na si Lezzie sa tanong.

 “Pupunta kaming mall to buy books!” she said enthusiastically. 

 “Anong mga libro ba ang iyong bibilhin?” 

 “I want to buy math textbooks po,” sagot ni Lezzie.

 Dumaan sa mukha ng matanda ang pagkagulat sa sinabi ng bata. Kalaunan ay ngumiti ito at pinuri si Lezzie. Nanatiling nagmamasid ang asawa ng matandang babae sa pakikipag-usap nito sa bata. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito at lumapit ng kaunti sa akin.

 “You raised good children,” puri nito. Agad akong nagpasalamat at ipinakilala ang sarili bilang Orelia. 

 Bagama’t matanda na ay kita parin sa mukha ng lalaki ang kakisigan nito. Siguradong habulin ito ng mga babae nang kabataan nito. Kita rin na hindi ito pinoy, kung huhulaan ay isa itong Hapon, ang singkit nitong mata ay seryoso at tila hindi bumabagay sa kaniyang praktisadong ngiti. Wala rin akong masasabi sa ganda ng kanyang asawa, maliban sa kaunting wrinkles nito sa mukha ay kitang-kita parin ang rikit nito. 

 Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap ay may tumigil na isang itim na sasakyan sa tapat namin. Agad kong iginaya patungo sa akin ang dalawang bata.

 “Oh, don’t worry, sundo namin iyan.” Ani ng matandang babae matapos makita ang aking pagkabalisa.

 “Nais niyo bang sumabay na sa amin patungo sa mall? Madadaanan naman namin ito patungo sa aming pupuntahan,” alok ng matandang babae.

 “Maraming salamat po, ngunit tatanggi lang po kami. We don’t want to bother you po.” Tanggi ko sa alok niya.

 “It looks like there won’t be any taxis that will pass today iha, and the children’s feet will hurt if they stand here longer,” kumbinsi rin ng matandang lalaki.

 Nang tingnan ko ang kambal ay tahimik lamang silang nakikinig, sinulyapan ko ang kalsada at wala ni isang dumadaang taxi. Bumuntong hininga ako at nagdesisyong tanggapin ang alok ng dalawa.

 “Kung gayon ay maraming salamat po,” pasasalamat ko. 

 Ngumiti ang dalawa at pinapasok kami sa sasakyan. 

 “These two reminds me of my son when he was young, tahimik katulad ni Joasato at mahilig sa pag-aaral kagaya ni Joanice.” Ani ng matandang babae.

 “Ilang taon na po ba ang anak niyo ngayon?” tanong ko.

 “He is 30 years old and still has not given me a grandchild,” frustrated na sabi ng matanda. Natawa ako ng kaunti at tumango-tangong ssumagot sa kanya.

 “Thirty’s still young pa po naman, maybe he’ll give you more grandchildren than you think that’s why he’s taking his time as a bachelor for now,” i jokingly said. 

 Tahimik akong piinagmasdan ng babae bago siya tumawa,

 “You’re right, he’s just too focused on his business right now, how about you iha, if you don’t mind me asking what do you do for a living?” 

 “I work as a florist in Marquez Flowers po,” sagot ko sa kanya. Tumango ulit ito.

 “How about your husband?” biglang tanong ng matandang lalaki. Natigilan ako at saglit na nag-isip ng isasagot.

 “I’m a single parent po, actually.” 

 “Oh, that’s admirable of you, to be able to raise well- mannered children on your own,” sabi ng matandang babae na may ngiti sa kanyang mukha.

 Matapos ang tanong na iyon ay tahimik na ang naging byahe patungo sa mall. Sanay na ako sa mga nagtatanong tungkol sa ama ng mga bata, kadalasan ay iyon lamang ang sinasagot ko. Iniiwasan ko ang ganitong topic sa harap ng mga bata dahil ayaw kong magtanong ang mga ito ng tungkol sa kanilang ama lalo na’t alam kong wala akong maisasagot. Hindi ko man nais na pagkaitan sila ng karapatan na malaman ang tungkol sa kanilang ama ay nanatili parin ang takot sa akin. Alam ko na hindi pa ako handing harapin ang nangyari sa nakaraan.

 Huminto ang sasakyan sa tapat ng mall. Bumaba ang matandang lalaki at pinagbuksan kami ng pintuan. Nag pasalamat ako sa kabutihan ng dalawa at nagpaalam.

 “Maraming salamat po,” sabay na sinabi ni Lezzie at Sato. Ngumiti naman ang dalawa at tinapik ang ulo ng dalawang bata.

 “It was nice meeting you too, let’s see each other again soon.” Paalam ng matandang babae sa mga bata.

 “Maraming salamat po ulit,” muli kong pasaslamat sa kanila sabay yuko.

 “It’s our pleasure to be able to spend time with adorable children, here, if you ever need a little help call me,” sabi nito at inabot sa aking kamay ang isang business card.

 Pumasok na ang dalawa sa kotse habang kumakaway sa mga bata. Maligaya namang kuumaaway pabalik ang kambal pagkatapos ay hawak kamay silang pumasok sa mall. Nakangiti kong sinundan ang dalawa habang kinukuha ang aking wallet upang itago ang business card ng matanda.

Ngunit natigil ako nang m****a ang pangalang nakasulat sa business card. Ano ba ang mayroon sa araw na ito at nagpapakita ang presensiya ng mga taong hindi ko kailanman ninais na makasalamuha?

Hindi ito maari, siguro ay nagkataon lamang ito. Nagkataon lamang na pareho sila ng apelyido ng lalaking sumira sa aking buhay.

“Janice Kirigaya of Kirigaya Group of Companies,” nginig na b**a ko sa pangalang nakasulat sa business card.

Kaugnay na kabanata

  • His Sweet Lies    Kabanata 3

    Pagod na kinuha ni Orelia ang kanyang libro sa mesa. Kakatapos palang niya sa kanyang mga gawain sa araw na iyon. Lunes na bukas at magkakaroon sila ng recital sa araw na ito. Hindi niya pa nababasa ang buong coverage kay puno na siya ng pag-aalala. Patakbo siyang lumakad sa direksiyon ng likod-bahay ng mansyon. Ngayong araw ay sa duyan na ulit siya mag-aaral. Ang tahimik na paligid ay hinahayaan siyang makapag-aral ng matiwasay.Pagkarating niya sa likod-bahay ay laking hiyang niya nang makitang may tao na sa duyan. Bahagya siyang lumapit upang makita kung sino ang nakahiga. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makitang ang nakahiga ay ang bisita ng hacienda.Natigil ang titig ni Orelia sa mukha ng lalaki. Matangos ang ilong nito at mahaba ang pilik mata, mayroon itong dalawang magkasunod na nunal sa ilalim ng kanyang mata. Linilipad ng hangin ang mahaba nitong buhok dahilan upang laong makita ni Orelia ang buo nitong mukha. Lal

    Huling Na-update : 2021-11-19
  • His Sweet Lies    Kabanata 4

    “You did not tell me you were the head secretary here,” usal ko kay Kito na ngayo’y busy sa pag-aayos ng mga papeles sa kaniyang mesa. Pinasadhan niya ako ng tingin at iginaya ako upang ma-upo sa upuang nasa tapat ng kaniyang lamesa at ipinasa sa akin ang isang folder.“Iyan ang program at ang litrato ng venue, you could also go to the site personally to see it clearly, you could ask me for more details. Regarding the flowers please send photographs or bring samples here in the office. Or better yet, I can just make time and go to the shop,” propesyonal na sabi ni Kito.“Hindi na kailangan, pupunta ako dito upang magdala ng mga litrato, hindi naman ako masiyadong busy sa shop dahil mayroon ng part-timer na tumutulong roon.” Bigkas ko bilang sagot sa kaniyang proposisyon.Bumuntong hininga si Kito at sumandal sa kaniyang upuan.“I did not tell you about my status in work simply because I forgot

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • His Sweet Lies    Kabanata 5

    Isang mahiyaing ngiti ang lihim na nagdulot ng kilos sa labi ni Juancho, hindi niya namalayang napangiti narin pala siya ng dalagang masayang nakatitig sa kaniya. Ang banayad na sikat ng araw at ang hanging nagmumula sa mga puno sa paligid ay tila nakikisaya rin sa dalaga. Napakagandang tanawin nito para kay Juancho, sa magulo niyang buhay ang tanawing ito ang nagdadala ng kapayapaan sa kaniya.Hindi si Juancho ang klase ng taong hindi nagpapakita ng emosyon sa kahit nino man sapagkat sa kahit anong oras man hindi niya alam kung sino sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang tauhan ng kaniyang mga kalaban. Ngunit maski ang sarili niya ay hindi niya maintindihan, bakit ganoon nalang ang kapayapaang kaniyang nararamdam kasama ang dalagang hindi niya pa lubos na kilala.Unti-unting idinilat ni Juancho ang kaniyang mga mata, nakapagtatakang kahit na kakagising pa lamang niya ay kay bigat ng kaniyang pakiramdam. Isa na namang panaginip tungkol sa baba

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • His Sweet Lies    Kabanata 6

    “It’s rare for you to come in the bar, here to watch my performance?” sambit ni ma’am Lony ng makitang akong papasok sa bar na pinagtatarabahuhan niya.Actually, hindi naman siya isang empleyado dito kundi isang mang-aawit. This is one of the places that their band have gigs in.“I just passed by ma’am and thought that I should come visit since it’s been a while,” tugon ko sa kaniya.Tiningnan niya ko ng may mga matang nagdududa. Halatang hindi ito naniniwala sa aking palusot. I smiled at here and ordered juice.“Who would come in a bar and order juice, anong drama ba kasi yan Orelia?” patuloy na pang-uusisa ni ma’am Lony. I sighed. She was indeed right.Ano ba naman kasi at ang lalaking hindi ko na gustong makasalamuha pang muli ay parang unti-unti na namang gumagawa ng daan upang makapasok sa aking buhay. Hindi niya pa ako naaalala sa lagay na iyan,

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • His Sweet Lies    Kabanata 7

    “Na close mo na ba ang deal na ipinunta mo dito iho?” tanong ni Don Salvador kay Juancho habang kumakain sila ng almusal sa hapag kainan.Si Don Salvador ay tiyuhin ni Juancho sa ina at ito ang may-ari ng hacienda Louisiana na kasalukuyan niyang pinanatilihan, mas ginusto nitong manatili sa probinsiya kasama ang kaniyang mahal na asawa upang lasapin ang tahimik na buhay dito.“Not yet tito, but I’m nearly done,” sagot ng binatang si Juancho.Pansin ni Orelia ang kalmado at magalang na tono ng boses ni Juancho sa pakikipag-usap nito sa kaniyang tiyuhin, iba ito sa kadalasang malamig na boses nito. Halata na mataas ang respeto nito sa tiyuhin.Unti-unting inilagay ni Orelia ang ulam sa mesa kasama ng iba pang mga katulong sa mansyon.“Won’t you really try and inherit your father’s company?” tanong ni Don Salvador kay Juancho.

    Huling Na-update : 2021-12-04
  • His Sweet Lies    Kabanata 8

    “O, you’re back,” bati ni ma’am Lony pagkapasok ko sa shop. Nang makita niyang kasama ko parin si Juancho ay mas lumaki ang kaniyang ngiti.If only she knew. Kapag nalaman niyang ang lalaking ito ang dahilan ng aking mga problema say siguradong labis siyang magsisi. It seems like she thought this man was some kind of admirer.“By the way sir you’re bouquet is ready,” sambit ni ma’am Lony ng may ngiti parin sa kaniyang mga labi.“Ma’am Lony, this is Juancho Kirigaya, the CEO of White Swan. Mr. CEO, this is Lony Marquez, the owner of the Marquez Flowers,” simula ko sa pagpapakilala sa kanila.Biglang bumilog ang mga mata ni ma’am Lony, dali dali siyang lumabas sa counter at inilahad ang kamay kay Juancho upang makipag kamay.“Good morning Mr. Kirigaya. I’m glad to work with you. Please take care of us,” propesyunal na bati ni ma’am Lony

    Huling Na-update : 2021-12-05
  • His Sweet Lies    Kabanata 9

    “Pinsan nandito ka lang pala,” biglang hiyaw ni Franco pagkakita sa pinsang si Juancho na naka upo sa bench katapat ng duyan sa likod bahay ng mansyon.Ang nakapikit na si Juancho ay unti unting idinilat ang kaniyang mga mata, sumulyap ito sa nagbabasang si Orelia at saka iritang tiningnan ang kaniyang pinsang si Franco.Tumayo si Juancho at kusa ng lumapit dito bago pa madisturbo ang pagbabasa ng dalaga.“Shut up Franco,” aniya kay Franco.“Sino yong nandoon sa duyan?” Nagtatakang tanong ni Franco sabay tagilid upang masilip ang taong nasa natatabunan ng nakatayong si Juancho.“What do you need?” Walang atubiling tanong ni Juancho sa pinsan na may tunong nagpapahiwatig na nais niya itong umalis.“Didn’t I tell you about the party?” sagot na tanong ni Franco na sa wakas ay sumuko ng tingnan kung sino ang kasama ng pinsan.Sa tuwing sumusubok siyang s

    Huling Na-update : 2021-12-06
  • His Sweet Lies    Kabanata 10

    “Where have you been going to these past few days?” tanong ni Janice sa kaniyang anak pagkatapos itong datnan sa opisina matapos magpabalik balik sa kompanya ng ilang araw.“Why are you here mom?” balik na tanong ni Juancho sa ina.Lumapit ito at hinalikan sa pisngi ang kaniyang ina, matapos ay ginaya ito pauopo sa sofa.“Can’t I visit my son?”“You don’t visit me in my office unless it’s business matters mom,” walang duda sa kaniyang hinuhang sagot ni Juancho.Ngumiti si Janice sa pagkabisto sa kaniya ng kaniyang anak. Tama nga si Juancho at pumunta ang ina sa opisina ngayon dahil sa usaping pang opisina, ngunit ito ay bahid rin ng personal na usapin.“So where have you been these past few days?” muling tanong ni Janice sa anak.“You don’t need to know… for now,” walang atubiling sagot ni Juancho.Tumaas a

    Huling Na-update : 2021-12-07

Pinakabagong kabanata

  • His Sweet Lies    Kabanata 64: Ang Wakas

    °Juancho“Just go Makoto, you can visit your uncle while you’re at it,” my father said.“Fine.”They insisted na ako ang pumunta sa probinsiya for a little deal. Fine, matagal ko narin namang hindi nakikita sina tita at tito. That punk Franco should be their too.I was expecting to stay there just for a short while. Tatapusin ko kaagad ang deal at babalik. I can’t leave the company in those crocodile director’s hands. But Hiskien is there so I should not worry much.But then something interesting happened. Ang kaniyang mga ngiti ay nakakasilaw, she was the epitome of fresh youth. Ang gusto ko lang naman ay makita ang masayang mukha niya. But when I saw her together with that baby ’s breath, I know I wanted something more. Orelia Drezelle Estralla has enchanted me with a spell I can never break.“Why do you want to be a doctor?” tanong ko sa kaniya isang pagkakataong natigil siya sa pagbabasa.“Simple lang po, gusto kong magligtas ng buhay.

  • His Sweet Lies    Kabanata 63

    Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko alam kung paano ito nangyari pero kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa direksiyon ni Juancho. Si Michael Lorenzo ay nakasunod sa akin, waving his gun at me. Hindi katulad kanina ay wala na ang malademonyo niyang ngiti, napalitan ito ng galit na ekspresyon. He was getting impatient because he still hasn’t got Juancho. Kaya iniba niya ang kanyang strategy, kaya pala paikot-ikot siya sa buong factory kanina at umiiwas lang sa mga bala nang baril ni Juancho. He was set on finding me, mabuti na lamang at naramdaman ko ang kaniyang intensiyon at bago pa niya ako mahawakan ay agad akong tumakbo papunta kay Juancho.“God, I’m glad you’re okay,” hingang maluwag ni Juancho nang sa wakas ay mahawakan niya ako.Dahil sa kaniyang iritasyon ay bumaril muli si Michael sa bubong. At ang sunod na putok nang kaniyang baril ay naka direkta sa akin. Juancho easily pulled me but I could hear the loud beating of his heart habang nakayakap parin siy

  • His Sweet Lies    Kabanata 62

    “Michael Lorenzo!” sigaw ko nang makita kung sino ang nakasunod sa amin.Akala ko ba ay sususnod siya kay Mr. Deracorazon upang ma secure ang pagtakas nito? Bakit kami ang sinusundan niya? I just can’t figure out Michael Lorenzo. His warnings… ibig bang sabihin ay matagal na itong naka plano?“Orelia, hang on tight. It would be hard to escape their sight, they are damn so persistent, kailangan muna nating luhihis sa orihinal na destinasyon or else they would find you even if I successfully got you there,” paliwanag ni Juancho habang patuloy parin sa pagmumura habang nagdadrive.Ang ibang sasakyan ay binabangga ang aming sinasakyan ang multiple gunshots hit the car.“Crouch down Orelia!”mabilis ang pagcontrol ni Juancho sa steering wheel at binangga rin ang kotseng kanina pang nasa gilid namin.Si Michael Lorenzo ay nasa likod parin at patuloy kaming binabaril. I want to stand and

  • His Sweet Lies    Kabanata 61

    “Good morning gentlemen, and ladies,” bati ni Fushigiro sa mga direktor at sa ibang mga babaeng sekretarya.He was flashing a smile to everyone, iba sa expression ni Mr. Deracorazon na parang na drain lahat nang dugo sa kaniyang mukha. Umupo sina Kito at Fushigiro sa tabi naming ni Juancho.Kito had his usual poker face and Fushigiro was all smiles.Sumandal si Juancho sa kaniyang upuan at tiningnan ang mga direktor na hindi mapakali.“You wanted to move me out of my position, fine then, but first dahil ako parin naman ang CEO, let’s talk about your anomalies.”Ang mga may dapat itago ay natigil. Hindi yata talaga magaling sa pgtatago nang ekspresiyon si Mr. Deracorazon dahil kitang kita na agad sa akniyang mukha kung gaano siya ka iritado sa sinabi ni Juancho.“What do you mean by anomalies Mr. CEO?!”“Since you pried in my medical records for the s

  • His Sweet Lies    Kabanata 60

    “Kumusta po ang mga bata?” tanong ko kay mama sa kabilang linya.“Natutulog sila ngayon iha, napagod yata sa byahe.”Matapos ang family day sa school ng mga bata ay dumiretso na sila papunta sa probinsiya. It was too fast both for me and the children pero wala na kaming choice. The earlier we settle this the better. Isa pa ay hindi kami sigurado kung ano ang maaaring gawin nang kabilang kampo kaya mabuti na ang ganito. I would not want for another kidnap attempt to happen.“Okay po mama, tatawag lang po ako ulit.”“Yes iha, kayo diyan? Ano na ang nagyayari?”Actually, sa ngayon ay nakatayo ako sa labas nang White Swan. Juancho is by my side, at handa na kaming harapin kung ano man ang naghihintay sa amin ngayon sa loob.“Aattend po kami nang meeting of board of directors ngayon ma.”“Are you gonna be okay? Hindi ba at hindi pa nakakabalik si Hiskien?” nag-aalalang tanong niya.“Hmm, wala po po si Kito, but Juancho has his plan magiging ayos po a

  • His Sweet Lies    Kabanata 59

    “It’s time to start talking Orelia,” wika ni Juancho pagkarating na pagkarating naming sa labas.“Hindi man lang ba tayo uupo?”Naglakad ako papunta sa swing at umupo. Idinuyan ko ang sarili ko at tumingin kay Juancho. I guess the time has really come. Kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito. It was so abrupt, but I felt like it was the time to tell him. Iba nga lang talaga ang napili kong timing, hindi ko alam kong galit ba siya o ano.“Upo ka dito Juancho,” wika ko sa kaniya.“Tell me, was that a joke?”Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Itinigil ko ang pagduduyan sa aking sarili.“Nagsinungaling ka na naman sa akin kanina hindi ba? Hindi okay ang lahat, mayroong mga kalaban na nasa loob ng eskwelahan ngayon.”He clenched his fist and looked away.“Hindi ko balak itago sa ‘yo ito ng matagal Orelia. I was even planning to tell you after the family day, when we get home. I just don’t want you to worry so much today. I wan

  • His Sweet Lies    Kabanata 58

    I was stunned. Mama’s voice was angelic yet strong. The melody she was singing can really make you pay attention. Habang masayang dinadamdam ang pagkanta ay buong gilas ring pinamalas ni papa ang kaniyang galing sa pagpapiano. He was effortlessly playing with the keyboard yet the sound he makes is so gallant and made me feel goosebumps. And there were the kids. Their graceful choreography was simple, pero halata ang pagiging upbeat nang kanilang sayaw. Dahil simple ang steps ay napapasabay ang ibang mga bata at ang kanilang mga magulang.I swayed with the beat at napansing nakatingin lamang si Juancho sa stage. Binangga ko ang kaniyang braso at sinenyasan gamit ang aking mata.“Sayaw na Juancho,” aya ko sa kaniya.“No, totally not love, I’m okay with just watching.”“Don’t be killjoy Juancho.”Hindi na ako nahirapan pang pilitin si Juancho na sumayaw dahil bumaba sina Lezzie at sato mula sa stage. Kalahating sumasayaw silang lumapit sa amin. Inabot ni S

  • His Sweet Lies    Kabanata 57

    “Wahh! We look so nice!” masayang sigaw ni Lezzie nang makita ang nakaterno naming mga damit.“Right Sato?” “Yes!” masiglang sagot ni Sato.Kasalukuyan kaming naghahanda sa sala para sa pagpunta namin sa family day ngayong araw. Simpleng putting t-shirt ang suot naming anim na may nakasulat na family day.“My! Ang cute cute nang mga apo ko!” wika ni mama mula sa itaas at patakbong bumaba upang yumakap sa mga bata.“Mama mag-ingat po kayo baka mahulog po kayo sa hagdan,” nag-aalalang paalala ko sa kaniya.Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos nang mga dadalhin naming nang mapansin ko ang titig nila sa akin.“Bakit?” nag tatakang tanong ko sa kanila.“My! My daughter!” Kita ang labis na saya sa mukha ni mama Janice habang lumalapit siya upang yumakap sa akin.Doon ko napagtanto na tinawag ko na dahil pala ito sa pagtawag ko sa kaniya ng mama. Ito ang unang pagkakataon na tinawag ko sia nito nang malakas. Napangiti na lamang ako at ibinalik ang kaniy

  • His Sweet Lies    Kabanata 56

    “Mauuna na si mommy at daddy babies,” paalam ko sa mga bata matapos naming kumain nang agahan.“Manang Rosa, kayo na po ang bahala sa mga bata.”Isa-isa kong hinalikan si Lezzie at Sato na abala sa pag-aayos nang kani-kanilang bag.“Ay iha, hindi ako ang maghahatid sa kanila ngayon,” wika ni Manang Rosa.“Po?”“Handa na ako! Joanice, Joasato let’s go!” masiglang sigaw ni mama, this is still so awkward, mula sa itaas.“Lola, I told you to just call me Lezzie,” reklamo ni Lezzie.“But baby girl I like it, we have the same name.”Hindi yata ako napaalam na sila ang magdadala ngayon sa mga bata. I’m amazed na may panahon sila para sa ganito. Nga naman, mayroon na pala silang ipinalit sa kanilang pwesto pansamantala. Kawawang Franco.“You can go now. You don’t need to worry about the kids

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status