Continuation... Nang mahimasmasan si Chua ay galit itong bumaling sa akin, Galit niyang hinampas ang lamesa sabay tayo. Dinuro pa ako nito. Tinitigan ko lang naman siya ng malamig. "Y-you! May ebedensya kaba sa sinasabi mo Mrs.Dela Cerna? Hindi maganda ang nambibintang! Pinapahiya mo ako sa maraming tao! Paano ko magagawang mag-nakaw sa kompanya? Kung ginawa ko 'yon dapat umalis na ako at hindi nagpaalam, nagpakalayo-layo, Hindi ba? Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mong pambibintang sa akin at mapapahiya sa harap ng maraming tao ng walang ebendensya!" Galit na galit na sigaw nito sa akin, Natahimik naman ang lahat. "Shut up old man, don't scold my wife, maybe you forgot she's your Boss? And stop acting because we already know everything. You fcking traitor and thief!" Travis said as cold as ice and his eyes focused on Mr. Chua. Kitang kita ang galit sa mga mata nito, Nang silipin ko ang reaksyon ni Donica ay makikita ang gulat at pangamba sa kanyang mga mata, Si Mayell na
"Ginawa ko lang kung anong dapat Mayell! Hindi na tama ang ginagawa mong pag-hihiganti! Wala kaming kasalanan sa'yo! Gusto mong maging miserable ang buhay namin na hindi naman dapat! 'wag mong igaya ang buhay mo sa amin! Ikaw kase mas pinili mong maging miserable, Ikaw ang nag-lagay ng ganitong sitwasyon sa sarili mo, And now you want us to be like you!" Sigaw ko rin sa kanya, Naramdaman ko naman sa aking tabi si Trish at si Travis. Mas lalong nanlisik ang tingin nito sa amin. "Hindi ko inaasahan na nahulog ako sa mga plano niyo! Pag babayaran niyo ang ginawa niyong 'to, Hindi niyo alam kung paano ako magalit! At sa tingin mo papayag akong bumalik sa bulok na mental na 'yon ha?! Hindi! Sisiguraduhin ko munang magiging miserable ang buhay niyo! Hindi ko kayo hahayaan na maging masaya!" "Shut up you crazy b*tch! Tigilan mo ang paghihiganti mo sa kanila! tanggapin mo ang pagkakamali mo para matigil na rin 'yang kahibangan mo! Nasa mental kana lumabas kapa para manira ng m
Aaliyah Dalawang araw na ang lumipas, simula ng mang-yari ang rebelasyon at makulong sila Donica at Chua. Napatunayan na sila nga ang nag-nakaw sa kompanya at ang nag-utos nga sa kanila ay si Mayell. Matapos umalis ni Hector ng araw na 'yon ay dumeretso kami sa Police Station para ibigay pa ang iba naming ebedensya at makwento lahat ng pang-yayari at doon nga napatunayan na may sala silang tatlo, Dapat kasama si Mayell sa makukulong dahil siya ang mastermind ng lahat pero dahil may sakit nga ito sa pag-iisip ay hindi pupuwede. Kailangan talaga nitong makapasok muli sa Mental dahil sabi ng doctor sa amin mas lumala daw ang kalagayan nito, Napag-alaman pala ng mga doctor na hindi iniinom ni Mayell ang mga gamot niya noon sa dating mental hospital na pinag-stay an nito. Ngayong araw ay ililipat siya sa bagong mental hospital na siguradong mapag-lalaanan siya ng oras at hindi basta basta makakatakas. Noon araw na kinuha siya ng nurse sa kompanya dinala muna ito sa dating
Third person point of view Hindi batid ng mag-kaibigan na ang sinasakyan pala nilang sasakyan at ang kasama nila sa loob ay hindi ang mga tunay na bodyguard na kinuha ng kanyang asawa. Wala ring na kasunod sa mga itong kotse. Dahil ang mga body guard na dapat na mag-babantay sa kanila ay pinatay na ng mga ito. Bago pa mawalan ng malay si Aaliyah ay natawag pa nito ang pangalan ng asawa bago tuluyang hinila ng kadiliman. Nang tuluyan na ngang mawalan ng malay ang mag-kaibigan ay agad na tinabi ng driver ang kotse sa gilid ng kalsada at bahagyang binaba ang bintana ng kotse para makalabas ang amoy ng gamot na inis-spray nila, Bumaba rin ang mga ito at tinanggal ang mask na suot para maka hinga ng maluwag. "T*ngina! hindi mo ako inabisuhan, Muntikan na ako makasinghot! Buti na suot ko agad 'yung mask!" Angal ng lalaking kasama ng driver sabay bato sa hawak na mask. "Pasensya na, nataranta na ako ng makitang nakahalata na sila. Hindi tayo pwede pumalpak dahil malalagot tayo
Sobrang manhid ng mukha at nahihilo ang nararamdaman ni Aaliyah, hindi biro ang sampal na ginawad sa kanya ni Mayell, Malalakas iyon at ramdam mong may galit. Pero hindi niya inalintana iyon. Hindi niya ipapakita kay Mayell na nasasaktan siya, hindi niya ipapakitang mahina at madali siyang susuko. Alam niya sa mga oras na ito papunta na si Travis sa kinaroroonan nila para iligtas sila. Malakas ang pakiramdam niyang nakagawa ito ng paraan, hindi sila pababayaan ng asawa niya. Ok na rin na siya ang pinagbubuntunan ng galit ni Mayell at masaktan kesa madamay ang kaibigan niya. Hindi niya nanaisin na masaktan ulit si Trisha dahil na naman sa kanya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na halos ibuwis ng best friend niya ang buhay nito para sa kaligtasan niya. Pasimpleng sinulyapan ni Aaliyah ang kaibigan na ngayon ay nang-gagalaiti sa galit habang nangingilid ang mga luha. Alam niya ang nararamdaman nito kaso mas maganda na 'wag na itong magsalita o gumawa ng ikakapahamak niya
Pabalyang binitawan ni Mayell ang buhok ni Aaliyah na siyang kinaalog ng ulo nito. Sabay pagpag ng mga kamay habang may ngisi sa labi. Nag-ngitngit naman sa galit si Trish at masama niyang tinignan si Mayell, Kawawa na ang kanyang kaibigan dahil sa baliw na babaeng ito, Gusto niyang alisin ang ngisi nito. Gusto niya itong saktan at ibalik lahat ng ginawa nito kay Aaliyah. "Bakit Mayell? Tama ba 'yung ginawa mo huh? Babalik ka kay Kuya na kasal siya? Saka hindi kana niya mahal! Pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya kaya ka nasaktan! Hindi mo nalang tinanggap ang lahat, Sa kadesperadahan mo gumawa ka pa ng ikakapahamak ng mga taong nasa paligid mo." Ang ngisi sa labi ni Mayell ay nawala, napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha nito. "Manahimik kana! Hindi ko kailangan ang mga pangaral mo o kung ano pa man 'yan! Buo na ang desisyon kong gumanti! Wala kanang magagawa doon, kaya kung ako sa'yo manahimik kana lang! Baka kapag nag-dilim ang paninhin ko ay idamay pa kit
Travis point of view (Before Aaliyah and Trisha kidnapped) Patungo kami ni Jacob sa lugar kung saan katatagpuin namin si Detective Zamora, Maaga kami umalis kasama ang mga bodyguard na nakasunod sa sasakyan namin. Hindi pumayag ang asawa ko na wala kaming bodyguard na kasama, Hindi daw siya mapapanatag. Ayoko naman itong mag-alala kaya hinayaan kona lang. Akala namin magiging maayos na ulit ang lahat at mababalik na ulit sa dati ang buhay namin. Kaso ang kasiyahan na unti-unti palang sumisibol ay biglang nabasag na lang bigla ng malaman namin na nakatakas si Mayell. Sobrang excited pa ako kahapon, Akala ko masisilayan na namin ang mga bata. Miss na miss ko na ang mga anak ko pero dahil kay Mayell naudlot na naman lahat. At ngayon pare-parehas kaming may takot na nararamdaman dahil hindi namin alam ang plano ni Mayell. Naikuyom ko ang kamao, ang babaeng iyon talaga ang laging sumisira ng kasiyahan namin, Once na mahuli siya sisiguraduhin kong hindi na ito makakataka
Napatingin sa akin sila Jacob, Sinenyasan ko sila ng sandali lang, Bumalik naman ang mga ito sa pagkakaupo habang ako ay nanatiling nakatayo tapos kinuha ang cellphone, Nang makita ko kung sino ang caller ay bigla akong nilukob ng kaba, Ang head ng bodyguard nila Aaliyah ang tumatawag! Hindi ito tatawag basta-basta sa akin kung walang nangyari! Sh*t! Dali-dali kong sinagot ang tawag. "Hello, Alfred, Bakit nagpatawag ka? May nang-yari ba?" Kahit nakakaramdam ng kaba ay napanatili ko pa rin makapagsalita ng maayos. Wala naman siguro ng nang-yari sa asawa ko. "S-sir.." Nagulat ako dahil sa tono ng boses ni Alfred. Tila ito nahihirapan. "Alfred! Anong nangyayari? Bakit ganyan ka mag-salita?" Naramdaman ko ang pag-tayo ni Jacob ng marinig ang sinabi ko. "S-sir, K-kinidnap s-sila mam Aaliyah at mam Trish.." Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi ni Alfred. Sh*t! "W-what?! What happened? Bakit wala kayong nagawa para pigilan sila?! Kaya ko