Sobrang manhid ng mukha at nahihilo ang nararamdaman ni Aaliyah, hindi biro ang sampal na ginawad sa kanya ni Mayell, Malalakas iyon at ramdam mong may galit. Pero hindi niya inalintana iyon. Hindi niya ipapakita kay Mayell na nasasaktan siya, hindi niya ipapakitang mahina at madali siyang susuko. Alam niya sa mga oras na ito papunta na si Travis sa kinaroroonan nila para iligtas sila. Malakas ang pakiramdam niyang nakagawa ito ng paraan, hindi sila pababayaan ng asawa niya. Ok na rin na siya ang pinagbubuntunan ng galit ni Mayell at masaktan kesa madamay ang kaibigan niya. Hindi niya nanaisin na masaktan ulit si Trisha dahil na naman sa kanya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon na halos ibuwis ng best friend niya ang buhay nito para sa kaligtasan niya. Pasimpleng sinulyapan ni Aaliyah ang kaibigan na ngayon ay nang-gagalaiti sa galit habang nangingilid ang mga luha. Alam niya ang nararamdaman nito kaso mas maganda na 'wag na itong magsalita o gumawa ng ikakapahamak niya
Pabalyang binitawan ni Mayell ang buhok ni Aaliyah na siyang kinaalog ng ulo nito. Sabay pagpag ng mga kamay habang may ngisi sa labi. Nag-ngitngit naman sa galit si Trish at masama niyang tinignan si Mayell, Kawawa na ang kanyang kaibigan dahil sa baliw na babaeng ito, Gusto niyang alisin ang ngisi nito. Gusto niya itong saktan at ibalik lahat ng ginawa nito kay Aaliyah. "Bakit Mayell? Tama ba 'yung ginawa mo huh? Babalik ka kay Kuya na kasal siya? Saka hindi kana niya mahal! Pero pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya kaya ka nasaktan! Hindi mo nalang tinanggap ang lahat, Sa kadesperadahan mo gumawa ka pa ng ikakapahamak ng mga taong nasa paligid mo." Ang ngisi sa labi ni Mayell ay nawala, napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha nito. "Manahimik kana! Hindi ko kailangan ang mga pangaral mo o kung ano pa man 'yan! Buo na ang desisyon kong gumanti! Wala kanang magagawa doon, kaya kung ako sa'yo manahimik kana lang! Baka kapag nag-dilim ang paninhin ko ay idamay pa kit
Travis point of view (Before Aaliyah and Trisha kidnapped) Patungo kami ni Jacob sa lugar kung saan katatagpuin namin si Detective Zamora, Maaga kami umalis kasama ang mga bodyguard na nakasunod sa sasakyan namin. Hindi pumayag ang asawa ko na wala kaming bodyguard na kasama, Hindi daw siya mapapanatag. Ayoko naman itong mag-alala kaya hinayaan kona lang. Akala namin magiging maayos na ulit ang lahat at mababalik na ulit sa dati ang buhay namin. Kaso ang kasiyahan na unti-unti palang sumisibol ay biglang nabasag na lang bigla ng malaman namin na nakatakas si Mayell. Sobrang excited pa ako kahapon, Akala ko masisilayan na namin ang mga bata. Miss na miss ko na ang mga anak ko pero dahil kay Mayell naudlot na naman lahat. At ngayon pare-parehas kaming may takot na nararamdaman dahil hindi namin alam ang plano ni Mayell. Naikuyom ko ang kamao, ang babaeng iyon talaga ang laging sumisira ng kasiyahan namin, Once na mahuli siya sisiguraduhin kong hindi na ito makakataka
Napatingin sa akin sila Jacob, Sinenyasan ko sila ng sandali lang, Bumalik naman ang mga ito sa pagkakaupo habang ako ay nanatiling nakatayo tapos kinuha ang cellphone, Nang makita ko kung sino ang caller ay bigla akong nilukob ng kaba, Ang head ng bodyguard nila Aaliyah ang tumatawag! Hindi ito tatawag basta-basta sa akin kung walang nangyari! Sh*t! Dali-dali kong sinagot ang tawag. "Hello, Alfred, Bakit nagpatawag ka? May nang-yari ba?" Kahit nakakaramdam ng kaba ay napanatili ko pa rin makapagsalita ng maayos. Wala naman siguro ng nang-yari sa asawa ko. "S-sir.." Nagulat ako dahil sa tono ng boses ni Alfred. Tila ito nahihirapan. "Alfred! Anong nangyayari? Bakit ganyan ka mag-salita?" Naramdaman ko ang pag-tayo ni Jacob ng marinig ang sinabi ko. "S-sir, K-kinidnap s-sila mam Aaliyah at mam Trish.." Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi ni Alfred. Sh*t! "W-what?! What happened? Bakit wala kayong nagawa para pigilan sila?! Kaya ko
Trisha's point of view Nasa kalahating minuto na rin simula ng makalabas sila Mayell at ang kanyang mga tauhan, Mugtong mugto na ang mga mata ko kakaiyak habang nakamasid kay Aaliyah na hanggang ngayon ay walang pa ring malay, Unti-unti na ring namamaga ang mukha nito dahil sa malakas na sampal ni Mayell awang-awa ako sa kaibigan ko dahil wala naman talaga itong kasalanan pero nararanasan niya ang ganitong kalupitan! Mariin akong napapikit, oras lang talaga na makawala ako dito, Humanda sa akin si Mayell, Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Ang sakit para sa akin na nakikitang nahihirapan ang kaibigan ko tapos ako ay walang magawa! Napaka-demonyo ni Mayell, Alam niya kung paano ako pasasakitan, Hindi man niya ako saktan ng physical pero emosyonal ay sobra-sobra! Nasaan na ba kayo kuya? Please, sana dumating na kayo bago may gawin pa na mas malala si Mayell kay Aaliyah, Hindi nagbibiro ang babaeng 'yon, tototohanin nito ang sinabi niya, Papatayin niya si Aaliyah n
Trisha's point of view Bigla akong nag-mulat ng mata ng makarinig ng may bumaksak. Natulala ako ng makitang Nakaluhod na si Aaliyah sa harap ni Mayell, pulang pula ang pisnge nito at puro dugo ang labi. Pero nakakapag taka na parang hindi man lang siya nasaktan, wala akong makitang sakit o kahit anong emosyon sa mga mata niya. Kung kanina ay nahimatay siya sa pag sampal sa kanya pero ngayon hindi, parang balewala nga lang sa kanya ang mga sampal na natamo niya kay Mayell ngayon na kung tutuusin ay mas malalakas kumpara kanina at mas marami. Gosh, saan kumukuha ng lakas ang kaibigan ko? Paano niya nakaya ang sampal na ginawad ni Mayell kung nanghihina na rin siya? Nagulat ako ng bigla siyang dumura sa harap ni Mayell, Habang walang ka-emo-emosyong nag-angat siya ng tingin dito. Hindi namin inaasahan ang kanyang ginawa! Dahan-dahan ko namang tinignan ang reaksyon ni Mayell, namumula ito, nanlilisik din ang mga mata ng nakatingin kay Bes, Sh*t! Mas ginalit niya lalo ang bali
Napamulat ako dahil sa aking narinig, sh*t! kahit nanghihina ay nag-angat ako ng tingin kay Mayell, nakabaling sa kabilang dereksyon ang mukha nito, Hinihintay ang inutos niya sa kanyang tauhan, Nang maiabot sa kanya ang ang hinihingi ay nangislap ang mga mata nitong pinagmasdan 'yon, Sabay baba ng tingin sakin habang ngising-ngisi. "Can you see what I'm holding, Aaliyah? This will break your face." Sabay tawa ng malakas. Nakaramdam naman ako ng kaba, Hindi biro ang hawak ni Mayell, Isang suntok lang niya sa akin gamit ang bagay na 'yon ay siguradong hihimatayin na ako at masisira talaga ang mukha ko. Sa kabilang gilid naman ay narinig ko ang malakas na ungol ni Trisha, Nagpapalag na naman ito sa mga lalaking may hawak sa kanya. Alam ko na natatakot siya para sa akin ngayon, kahit naman ako pero parehas naman kaming walang magagawa sa kalagayan namin ngayon. "Paano kaya kapag nakita ng mga anak mo ang itsura mo kapag namatay kana? Makikilala ka kaya nila? Tsk, poor them
Third person point of view A man with a cold voice and frightening aura stopped Mayell's attempt to punch Aaliyah, Everyone was shocked and turned their attention to the man who suddenly arrived. The man slowly walked with one hand in his pocket and the other hand holding a gun, Patungo ito kung nasaan sila Mayell. Mayell's men became alert, They pointed a gun at the man, The man didn't care about the guns pointed at him, he still continued to walk. The corner of his lip up and turned into a grin when he saw the shock expression of Mayell. Biglang napalayo ang babae kay Aaliyah, nakailang hakbang paatras at napalunok dahil sa kaba. 'Sh*t! What is this man doing here?! How did he find this place? No one else knows this place. Argh, This is not good!' Mayell said nervously in her mind. Habang si Aaliyah naman ay hindi maalis ang tingin sa lalaking palapit sa kanila, Nakakatakot ang awra nito na nagbibigay ng lamig sa kanyang katawan. Diretso lang ang tingi