Third person point of view A man with a cold voice and frightening aura stopped Mayell's attempt to punch Aaliyah, Everyone was shocked and turned their attention to the man who suddenly arrived. The man slowly walked with one hand in his pocket and the other hand holding a gun, Patungo ito kung nasaan sila Mayell. Mayell's men became alert, They pointed a gun at the man, The man didn't care about the guns pointed at him, he still continued to walk. The corner of his lip up and turned into a grin when he saw the shock expression of Mayell. Biglang napalayo ang babae kay Aaliyah, nakailang hakbang paatras at napalunok dahil sa kaba. 'Sh*t! What is this man doing here?! How did he find this place? No one else knows this place. Argh, This is not good!' Mayell said nervously in her mind. Habang si Aaliyah naman ay hindi maalis ang tingin sa lalaking palapit sa kanila, Nakakatakot ang awra nito na nagbibigay ng lamig sa kanyang katawan. Diretso lang ang tingi
Hanggang sa nangyari na nga ang isang bagay at iyon ang pinag-tangkaan niya ang buhay ni Aaliyah noon, sa pagiging desperada niya gusto na niya itong patayin, Pero nabigo siya at dinala sa Mental Hospital bilang kabayaran sa ginawa niya at nalaman din ng mga ito na may sakit siya, Naging masilamuot ang buhay niya sa loob ng mental, Sobra ang galit sa kanyang puso dahil sa mga nangyari sa buhay niya. At sinisisi niya sila Travis kung bakit naging ganoon ang buhay niya. Tumatak na sa puso't isip niya na si Aaliyah ang naging puno't dulo ng lahat. Kaya pinangako niya sa sarili na gaganti siya at lalabas sa mental para pag-bayarin ang mga ito at gagawin ang lahat para maging miserable ang kanilang buhay. Humigpit ang hawak ni Mayell sa four finger na hawak ng maalala ang lahat. Mas tumindi ang galit na nararamdaman nito. Samantalang ngumisi lamang si Trace sa sinabi ni Mayell, Hindi ito natatakot sa mga sinabi ng babae dahil marami siyang tauhan na nasa labas at ngayon ay n
Continuation.. "Wag mong sisihin si Trace, Hindi niya sinabi sa akin ang lugar na ito, Sadyang nagkataon lang na nandito siya at ako. Masyado mo nga akong minaliit, Mayell akala mo hindi ko malalaman ang lugar na ito? Si Aaliyah at Trisha ang pinag-uusapan dito. Akala mo ba hindi ako gagawa ng paraan para mahanap sila? No, gagawin ko ang lahat para mahanap sila kahit sa ang lupalop pa ng mundo mo sila dalhin. Ganoon sila kahalaga sa akin." May kung anong humaplos sa puso ni Aaliyah ng marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Dahan-dahan na rin lumapit si Travis patungo kay Aaliyah. habang ang mga tingin ay na kay Mayell pa rin nakatuon. Nang makalapit ito sa kanyang asawa ay maingat na pinulupot nito ang isang kamay sa bewang ni Aaliyah, Gusto nitong masigurado na hindi malalapitan ng kung sino ang kanyang asawa. Magaan rin ang kamay nito dahil ayaw niyang masaktan ang babae dahil alam niyang maraming sugat ito sa likod. At hindi niya iyon nagustuhan. Naramdaman nam
Mabuti na lang ay naging alerto si Travis kaya mabilis niyang nahila si Aaliyah para maiwasan ang mga balang patungo sa kanila. Tumakbo sila sa gilid kung saan may devider na pader, Iyon lang ang nakikita nilang pwede pag-taguan, Buti na lang meron noon doon. Isa iyong pader na may mga nakasabit na halaman at mga bulaklak. Nagulat sila ng nanlilisik at galit na galit na tinutukan sila ng baril ni Mayell sabay pinaputukan ang gawi nila. Kung hindi niya nahatak ang asawa ay ito ang matatamaan. Nag-aalalang hinawakan ni Travis sa balikat ang asawa at chineck ang buong katawan nito. Habang si Aaliyah naman ay hindi pa rin makapaniwala na binaril talaga sila ni Mayell. Kung hindi agad siya nahila ni Travis ay siguradong matatamaan siya. Nanginginig ang mga kamay niya, Muli na naman niyang naalala ang nang-yari noon. Binaril din siya ni Mayell ang kinaibahan lang ay dalawa lang sila ni Trisha non at hindi nila nagawang maka-ilag. Ngayon ay nandito ang asawa niya at niligtas siya.
Kumilos na ang mga pulis at pinag-dadakip ang mga tauhan ni Mayell. Pumasok na rin ang mga staff ng ambulansya para kunin ang katawan ng babae at ang mga tauhan nitong injured para dalhin sa hospital. Habang binubuhat ang katawan ni Mayell ay nakamasid lang si Aaliyah, Nakahinga ito ng maayos, Akala niya napatay na ng pulis ang babae. Hindi naman niya gusto mang-yari iyon, Oo, may kasalanan si Mayell at malaki ang nagawa nito sa kanilang lahat, lalo na sa kanya. Pero hindi kabayaran ang pagpatay. May anak ito at paniguradong masasaktan si Tracy kapag nalaman nito na namatay ang ina niya. Hindi niya gustong dagdagan ang mabigat na nararamdaman ng bata. Marami na nga itong pinag-daanan na sobrang hirap tapos ay madadagdagan pa. Sobra sobra na ang trauma ng bata. Kaya hanggang maaari ay 'wag na madagdagan. Ilang taon palang si Tracy pero grabe na ang paghihirap nito. Imbes na ine-enjoy lang nito ang pagiging bata, naglalaro at may mga kaibigan ay hindi nagawa dahil sa kany
Tumingin si Travis sa kanyang pinsan bago nagsalita. “Noong nasa batangas ang mga bata ay alam mo na talaga dahil pinapasubaybayan mo kami? May inutusan kang magmanman kay Mayell at nalaman mo ang balak niya? Kaya inunahan mona siya, Tama ba?” Tanong nito na siyang kinatango ni Trace. “Paano mo pala nakumbinsi ang mga bata na sumama sayo? Hindi agad sumasama kung kani-kanino si Trishana. Mukhang panatag na panatag na sila na kasama ka, base sa mga litrato na pinasa mo sa amin. Anong ginawa mo o sinabi sa kanya?” Muling tanong ni Travis. “Well, may isa pa akong sasabihin sa inyo, sorry kung ginawa ko ito. I need to do this for the safety of the kids at para mas lalong mapadali ko silang makukuha incase nga na may gawin si Mayell sa kanila. Si Elsa na yaya ni Trevor ay... Girlfriend ko.” “W-what?!” Sabay na turan nila Aaliyah, Trisha at Travis. Habang hindi makapaniwalang tumingin kay Trace na ngayon ay tipid na nakangiti. “Ano mo nga ulit si Elsa, Trace? Paki-ulit ng
Aaliyah Habang nasa biyahe kami ay hindi na ako mapakali, Excited na akong makita ang mga bata. Ngayon lang kasi sila nawalay sa amin ng ganito katagal. Kaya miss na miss kona sila. Hindi naman naging matagal ang biyahe namin dahil hindi kami naabutan ng Traffic, Isa pa maraming alam na shortcut si Trace, Iniwasan nito na madaanan namin, ang daan kung saan heavy Traffic, mukhang alam na nito ang mga pasikot-sikot dito. Isang sasakyan nalang ang ginamit namin dahil sa kagustuhan ni Trace, ang kotse ni Travis ay dinala na ng mga tauhan ng pinsan niya sa bahay nito. Well, Mas ok na rin ang isang kotse lang, Masaya kaya kapag marami kayo sa sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa isang expensive subdivision, Yeah. Expensive dahil sa Forbes Park Makati pala nakatira si Trace. "Wow, hindi ko akalain na ganito kana kayaman ngayon, kuya Trace! Sa Isang Exclusive Subdivision ka nakatira! Shems, Forbes Park, expensive!" Namamanghang sambit ni Trisha sa pinsan habang nakamasi
Aaliyah Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa itsura ngayon ni Trace. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa titig na ginagawad sa kanya ni Elsa. “Why didn't you tell me, you already told them?” Masungit na tanong ni Elsa, napakamot naman sa kanyang ulo si Trace. Oo, nga bakit hindi niya kase sinabi? “Sorry, gusto ko kase sabihin sa'yo ng personal kaso naunahan ako ni Aaliyah. Well, iyon lang naman ang hindi ko nasabi sa'yo. Sorry, Baby.” Paliwanag naman nito, inismidan naman siya ni Elsa. “Tss, lagi naman tayo magkatext hindi mo man lang ako inabisuhan. Nakakahiya tuloy na tinawag ko pang Maam, si Aaliyah. Baka naman sinadya mong 'wag sabihin, para maasar mo ako? Tama ba ako Trace Victor?” Napangiwi ito ng sabihin ng girlfriend niya ang buong pangalan niya. Lahat tuloy kami sa kanila na nakabaling ang atensyon, Si Travis, Trisha at Jacob na kanina busy sa pakikipag harutan kay Trevor ay ngayon nakatingin na kay Trace na parang batang pinapagalitan ng ka