"You know I always understand you. kase alam ko kung gaano ka busy sa business natin, pero kahit gano'n nagagawa mo pa ring makapag-update sa akin, nag-tetext ka sa'kin kapag late kang makakauwi, kung saan ang meeting mo o kung hindi tayo sabay na uuwi. Pinapaalam mo sa'kin para hindi ako naghihintay sa'yo at para hindi ako nag-aalala. Ganon ka 'e, kase iniisip mo ako. pero bakit nitong mga nakalipas na araw feeling ko nag-bago ka? Wait..Baka isipin mo ang babaw ko, Hindi sa pagiging mababaw, Asawa mo ako kaya mag-alala ako sa'yo at karapatan ko naman siguro iyon hindi ba?" Halatang halata sa boses ko ang pagdaramdam at hinanakit. Sa dalawang taong mahigit na pagsasama namin ngayon niya lang 'to ginawa. Muli niyang hinuli ang kamay ko tapos ay hinila para yakapin. Hindi naman ako gumanti dahil masama pa rin ang loob ko. "I'm so sorry, I'm too busy sunod sunod ang meeting at hindi ako magkandaugaga. Lowbat na rin ang cellphone ko kaya hindi na ako nakapag text na pauwi na a
Aaliyah Dumaan muna ako sa isang Cafe para bumili ng paboritong kape ni Travis, Bumili rin ako ng para sa akin dahil hindi ako nakapag-almusal ngayon dahil sa sobrang excited kong makita ang asawa ko. saka panigurado ng maghahanap iyon ng kape, sana lang hindi pa siya nadalhan ng kanyang secretary. Habang nasa elevator hindi ako mapakali, excited akong makita si Travis. Miss na miss kona siya kahit dalawang araw lang iyon. Pag-bukas ng elevator ay mabilis akong naglakad palabas, Napatingin naman sa akin si Santos tumango ito habang may kausap sa telepono. Ngumiti naman ako bilang sagot tapos derederetso sa pinto ng opisina ng asawa ko. Nakangiti kong pinihit ang doorknob tapos maliit na binuksan iyon para sumilip. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makitang busy ito sa kanyang laptop. Oh my gosh! My husband is finally here! Nilakihan kona ang bukas ng pinto at pumasok na sa loob. “Welcome back Hubby!” Masaya kong turan habang lumalapit sa table niya. Hindi naman
Trisha pov Pag-labas na paglabas ko ng Opisina ni Aaliyah nawala ang ngiting nakapaskil sa aking labi. Sa kinuwento sa akin ni Bes ngayon mas napatunayan ko na may hindi tamang nang-yayari kay Kuya. Nanahimik lang ako pero nagmamasid at nakikiramdam ako. Kilalang kilala kona sila kaya alam ko kung may kakaiba ba. Lalo na sa kapatid ko.. Hindi ganito si Kuya, Hindi niya dededmahin ang asawa niya. Kahit gaano pa siya ka-busy na tao may oras pa rin siya sa pamilya niya. Ngayon nakakapag taka ang ginagawa niya, Bakit ganito siya makitungo ngayon kay Bes? Mas priority nga niya ang pamilya niya kesa sa trabaho. May hindi talaga tama 'e. Hindi ko kaya makita na ganon kalungkot ang kaibigan ko kaya nag-salita na lang ako kahit pa paano na ikakagaan ng loob niya at tumigil to sa pag-iisip ng kung ano ano. Kailangan ko malaman kung ano ba talaga ang nangyayari kay Kuya, I smell something fishy, kahit sa asawa kong si Jacob may kakaiba akong nararamdaman, Palagi na rin itong late nauwi,
Aaliyah Nanginginig ang aking kamay habang nakatingin pa rin sa mensahe ni Donica, Kailan pa sila nagkaka-text na dalawa? At bakit nag-sinungaling sa akin si Travis? Bakit sinabi niyang meeting ang pupuntahan niya ganong hindi naman talaga, Sinamahan niya pa sa isang party si Donica, Why? Gano'n na ba kahalaga sa kanya ang babae para pumayag at samahan ito? Samantalang akong asawa niya hindi niya magawang Itext at kamustahin? Napapitlag ako ng muling tumunog ang cellphone ni Travis, Si Donica ulit ang tumatawag. Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa nararamdaman sakit.. Paano kung totoo itong mga iniisip ko? Paano kung ang dahilan ng pag-Iwas at panlalamig sa akin ni Travis ay ito? May babae siya? Mariin akong napapikit. Binura ko ang text ni Donica ng matapos ang tawag nito tapos binalik ko ang cellphone sa table, baka bumalik na si Travis at mahuli akong pinakealaman ko ang phone niya, Baka magalit pa ito. Hindi niya dapat malaman na nabasa ko ang text ni Donica. M
"Sh*t, How did you find out they were together at the party?" Muli niyang tanong. Inabutan din niya ako ng tissue na tinanggal ko naman, Pinunasan ko ang mukha ko at umayos ng upo. "Hindi sinasadya na mabasa ko ang text ni Donica kay Travis." Mahina kong sagot. "What?! nag-tetext si Donica kay kuya? Paano nagkaroon ng number ang babaeng iyon kay Kuya?! Kailan pa sila nag-kakatext na dalawa? That b*tch! Sabi na 'e. Kaya pala may napapansin ako sa babaeng 'yun! Hindi ko pala nababantayan ng maayos. Geez! Kahit anong bantay ko pala gagawa at gagawa ng paraan ang babaeng iyon!" Gigil na sambit nito. "I don’t know how Donica got Travis ’number. I also don't know when they texted each other. Basta nagulat na lang ako kagabi, Hindi lang siya nag-text tumatawag din siya kay Travis." "Wow! ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon!, Sh*t! hindi talaga ako nagkamali. By the way nasaan si Kuya kagabi at nagawa mong mahawakan ang cellphone niya?" "He came out to our room, Tapos nag ri
Aaliyah Nagising ako kinabukasan na wala na namang katabi, katulad kahapon maaga na namang umalis si Travis. Mapait akong napangiti. Hanggang kailan balak ni Travis na maging ganito kami? Mag-iisang linggo na. Binigyan ko siya ng oras, inintindi at inunawa ko siya pero sobra naman na. Tao din ako may pakiramdam at napapagod.. Kailangan kona kumilos. Hindi kona kaya ang ganitong set up. Mas maganda pa nga ata na mag-away nalang kami dahil iyon alam ko ang rason kaya hindi kami nagpapansinan, hindi 'yung ganito na para lang akong hangin sa kanya, Hindi niya ako kinakausap. Parang hindi niya ako asawa. Tumayo na ako para makapag asikaso pumasok. May mga trabaho pa akong dapat tapusin. Pag dating sa opisina ay inabala ko ang sarili sa pag dedesign ng tux ni Mr. Jimenez. Tatapusin kona ito para wala na akong iisipin. Para mapadala kona din kay Mr. Jimenez at maumpisahan na gawin ng Team ko. Saktong mag-tatanghalian ng matapos ko ang last Tuxedo. Napangiti ako, ipapadala ko
Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Tumingin siya sa mga mata ko nag-susumamo, ngayon ganito siya? Samantalang ilang araw niya akong binalewala! Akma niya akong kakabigin para yakapin pero agad ko iyong tinabig at humakbang pa-atras. Nandidiri ako sa kanya! “Akala ko tuluyan kanang nag-bago, I gave you a chance to prove yourself to me but you fooled me Travis. You made me believe that you changed, Nagkamali akong pag-katiwalaan ka at bigyan ng pag-kakataon, I’m sorry but I can’t be with you anymore, Travis.” Matapos kong sabihin ang mga katagang ‘yon ay tumalikod na ako, at sa pag-talikod ko sunod sunod nag-baksakan ang mga luha ko.. Ang sakit sakit lang, ang akala kong isang masaya at buong pamilya ay magtatagal iyon pala panadalian lang. Isang patikim lang, pinaranas lang sa akin kung paano ba magkaroon ng masayang pamilya sa sandaling panahon. Hindi kona kaya makisama sa kanya! Nandidiri ako. Hindi ko alam kung ano ng kababuyan ang ginawa nila ni Donica! Mara
Travis Nang malaman kong umuwi si Aaliyah ay nag-pasya akong sundan ito, Bigla akong natakot na baka umalis siya at iwan ako. Baka wala na akong maabutan sa bahay. Kahit tambak ang trabaho at may usapan kami ni Donica ngayon ay si nang walang bahala kona. Tutal sinira na nila kami ni Aaliyah. Bahala na siya sa buhay niya. Importante sa aking ngayon ang asawa ko. Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba, hindi kona pinansin kung maayos ba ang pagkakaparada ko ng kotse, Ang mahalaga sa'kin ngayon ang makita si Aaliyah. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Trish sa sala nainom ng kape. Napatayo ito ng makita ako at galit itong humarap sa akin. "What are you doing here?" Malamig nitong tanong, Alam kong galit siya sa akin. Akala talaga niya niloloko ko si Aaliyah. Kung alam lang niya ang tunay na dahilan baka maintindihan niya ako at baka ganon din ang gawin niya. "Where is my wife? I need to see her." Natawa naman ito ng pagak, tapos ay namaywang sa harap ko. "