Aaliyah Nang makarating sa kompanya naisipan kong puntahan si Trisha sa department nila para yayain ito na mag-almusal. Gutom na talaga ako, nakakatakam man ang mga niluto ni Travis na almusal sa bahay pero hindi ko magawang sabayan siya o kainin ang mga niluto niya. Hindi ko alam nawalan na ako ng gana siguro ganito talaga kapag nasasaktan. Pag dating ko sa floor ng department nila Trish naglakad agad ako, kaso napatigil ng makarinig ng ingay, parang nag-tatalo malapit sa fire exit. Hindi ko ugali na makinig o Maki tsismis pero parang may humihila sa akin na pakinggan iyon, lalo't pa pamilyar sa akin ang boses kaya dahan dahan akong naglakad sa pinto ng fire exit na naka bukas ng bahagya. Nang sumilip ako nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Trisha 'yon, Anong ginagawa ng kaibigan kong ito dito kay aga-aga nakikipag talo? Kaya pala pamilyar ang boses dahil siya iyong naririnig ko, nang tignan ko naman ang kausap niya biglang sumeryoso ang mukha ko, biglang nabuhay ang
TRAVIS Maaga ako gumising para mag-asikaso ng almusal namin ni Aaliyah, Gusto ko bumawi kahit alam kong galit siya sa akin. Kaso ng makita ko ang malamig niyang mga mata na nakatingin sa akin para na naman tinusok ng karayom paulit ulit ang aking dibdib. Ang sakit lang makitang ganito na niya ako ituring ngayon. Malungkot akong naupo at binalingan ang mga niluto kong almusal. Wala na rin akong gana kumain. Paano pa ako gaganahan sa nangyari? Nag angat ako ng tingin ng may mag-lapag ng tasa ng kape sa aking harapan. "Manang.." Mahina kong usal, tipid naman itong ngumiti bago tinapik-tapik ang balikat ko. "Mag-kape ka muna, wala pa ring laman iyang sikmura mo. Sakto pa gising na rin si Trishana ang mga bata na lang ang kakain ng mga niluto mo." Malungkot akong tumango bago humigop ng kape. "Hindi ko alam kung bakit kayo nag-kakaganito mag-asawa. Pero sana mag-usap kayo at mag kaayos na. Baka malaman ng panganay niyo na hindi kayo ok ay malulungkot 'yon." Muling sambit ni
Travis "So, How's my acting? kombinsido ba? Hindi naman ako nahalata?" Nag-angat ako ng tingin kay Jacob ng magsalita ito. Nakangising ang loko. Proud na proud sa ginawa niya. “Not bad, Hindi naman nakahalata si Donica.” Walang gana kong sagot, sabay silip sa laptop. Baka biglang bumalik si Donica, Iba pa naman ang takbo ng utak ng babaeng iyon. Hindi niya pwedeng malaman na katuwang ko si Jacob at may alam ito tungkol sa mga nangyayari. "Not bad? Binigay ko 'yung best ko sa pag-arte kanina? Tsk, KJ mo talaga minsan. Nagulat kaya ako ng makita siya dito. Buti na lang hindi ako nagsalita kanina, tsk! Ano ba kaseng ginagawa ng babaeng ‘yon dito? Kinukulit kana naman ba? gusto kana naman isama sa labas? Lakas talaga ng tama non sa’yo. Umiling iling ito sabay sandal sa kanyang kinauupuan. Umayos naman ako ng pagkakaupo at seryoso siyang tinignan. "Iba ngayon, sinugod niya ako dito at kung ano ano ang sinabi, Galit na galit dahil nalaman niya na pinagluto ko si Aaliyah ng almusa
Travis Tama si Jacob kung totoo man itong hinala ko malaking problema na naman ito. Mas lalong hindi ako titigilan ni Mayell. Tapos baka mas lalong lumayo ang loob sakin ng asawa ko. Masasaktan ko na naman si Aaliyah.. Pero isang malaking palaisipan din, bakit hindi sinabi sa akin ni Mayell noon? Pwedeng pwede niya sabihin sakin, Pero bakit hindi niya ginawa? Lalo na noong nang-gugulo siya sa amin ni Aaliyah. Anak ko nga ba si Tracy o mali ako at masyado lang nag-iisip ng kung ano. “My advice to you, dude, is to find out right away if Tracy is your daughter. If you want, I'll call Detective Zamora too and tell him to find out who is the father of Tracy.— O, mas maganda na ipa DNA mo nalang siya? Doon sigurado tayo sa magiging resulta. What do you think?” Sambit ni Jacob. Sumandal naman ako sakin upuan at pumikit. Kinalma ko muna saglit ang sarili para makapag isip ng maayos. Kung ipapa DNA ko si Tracy, wala ang bata ngayon sa kompanya. Hindi sila uma-attend ng practice da
Travis “First of all sorry for what happened. I know you are all worried now because of the news that the company has lost a large amount of money. But don't worry, I won't let the company I worked so hard fall down like that. To make things clearer, the lost money will be returned. Do not worry. I'm fixing everything.” Malamig at seryoso kong sambit. Nabaling ang tingin ko ng mag taas ng kamay ang isang boardmembers. “Yes, Mr. Carson?” “How can we make sure you fix it right away if so much money is lost to Dela Cerna Corp?” Nagtanguan naman ang lahat dahil sa tanong nito. Halatang nangangamba sila na baka hindi ko ito magawan ng paraan. Akma kong sasagutin ang tanong nito ng muling may mag taas ng kamay. “Yes, Mr. Suarez?” “Mr.Carson is right, hindi biro ang nawala sa kompanya. Kaya paano mo masisigurado na mababawi mo ito? Paano kami makakasigurado na hindi babaksak ang Dela Cerna Corp? Hindi pa nga natin alam kung ano talaga ang nangyari at kung saan napunta
Mali pala ako sa aking inisip kanina. Hindi pala isinantabi ng kapatid ko ang galit niya sa akin. Siguro sobra talaga ang sama ng loob niya kaya ganito. Umayos ako ng upo bago hinarap ang kapatid ko na mainit pa rin ang ulo. Pati asawa niya ay dinadamay. Si Jacob mambabae? Sobra nga ang takot niyan sa kapatid ko. Saka mahal na mahal ni Jacob si Trisha. Iba lang ang takbo ng isip ng kapatid ko, saka selosa din talaga. Tumikhim ako bago seryosong nagsalita. "Can you please stop Trisha? Your husband does not have a woman! for pete's sake, He's just scared of you. Parang hindi mo naman alam 'yon? All he wants is for you to listen to me. I have something to tell you; that's why I'm asking you about Donica. kaso kung ano ano na ang sinasabi mo sa amin. Paano tayo magkakaintindihan kung ganito? “..Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang ang tanong ko? Alam kong galit ka sakin dahil hindi kami ok ni Aaliyah, at pinag-hihinalaan niyo akong pumatol kay Donica. D*mn, na hindi naman tot
“How did it happen? Isn't Mayell in a mental hospital? The doctor told us that his recovery would be long since malala na nga ang sakit niya. Is she ok now? Dalawang taon palang ang lumilipas, magaling na ba siya kaya nakalabas na siya ng mental?" Katulad ni Trisha naguguluhan din nag-tanong ang asawa ko. Kitang kita sa kanilang mga mata ang pangamba. Hindi namin sila masisisi kung ganito ang reaksyon nila dahil si Mayell ang dahilan kung bakit sila parehas nadala sa hospital noon. May takot ng nakakubli sa kanila. Bumaling ako sa aking asawa. Gusto ko siyang lapitan para hagkan kaso hindi ko magawa. Natatakot akong baka mas lalo siyang magalit sa'kin. Gusto ko siyang yakapin at iparamdam sa kanya na magiging ok din ang lahat, Na nandito lang ako para protektahan sila. Hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari noon. At gagawin ko ang lahat para sa kaligtasan nilang pamilya ko. Alam kong natatakot siya sa kaalaman na bumalik na si Mayell at ito ang may pakana ng lahat ng nan
Aaliyah Paglabas ko ng conference room ay dumeretso agad ako sa aking opisina. Ang sikip ng aking dibdib dahil sa mga nalaman. Binati ako ni Jam pero hindi ko siya nagawang batiin pabalik dahil nagmamadali na akong pumasok sa loob ng opisina. Nang maisarado ko ang pinto ay doon nag unahan nag-tuluan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Oh, God what did I do!? Ang t*nga t*nga ko, hindi ko alam na ganoon na pala ang pinag-dadaanan ni Travis. All this time grabe na pala ang problemang kinakaharap niya. Tapos ako iba pa ang iniisip, kung ano-anong masasakit na salita at malamig na pakikitungo pa ang ginawa ko, pero hindi din naman kase ako masisisi ni Travis dahil sa nakita kong picture. Masakit din para sa akin na makitang may humalik na iba sa asawa ko. Saka hindi lang doon sa mga pinakita at pinaramdam niya sakin sa mga nagdaang araw, Iba na rin talaga ang iisipin ko. Kung sinabi lang niya sa amin ang lahat maiintindihan ko naman, Kaya naman namin magpanggap at pangatawa