TRISHA Habang tinatahak namin ang papunta sa kabilang kwarto ay pa simple kong tinignan si Tracy, Nakangiti siya habang kinakausap si Chantal. Kung titignan mo siya ngayon aakalain mong walang iniindang sakit sa katawan. Bilib din ako sa batang ito, Nakakaya ang ganitong pag-trato sa kanya. Napakatapang niya. Pag pasok sa loob ay naabutan namin ang photographer na nag-aayos na ng gamit, Pati ang mga kasama nito. Sa kabilang dako naman ay nandoon sila Bes at Kuya. Napataas ako ng isang kilay ng mapansin ang kausap nila, Lalo na si Kuya. He is talking to Donica na ngayon ay kapansin pansin ang ginagawang pag-papacute sa kapatid ko. Hindi ba napapansin ni Bes ang ginagawa ng babaeng ito? Tsk. Tinignan ko ang kaibigan ko, kaya naman pala may ginagawa rin ito sa kanyang phone. Pasulyap sulyap lang siya. Kaya hindi napapansin ang ginagawa ni Donica. Confirm. Malandi ang babaeng ito at balak pang landiin si Kuya. Para siyang version 2.0 ni Mayell. Nawala lang ang atensyon
"Donica, can I ask you something?” Malumanay na tanong ni Bes, Nang balingan ko ng tingin si Donica ay namutla ito. Gusto kong matawa. shet halata ang g*ga na may lihim na pag nanasa kapatid ko. Akala niya siguro about kay kuya ang Itatanong nito. Takot din naman pala. "S-sure po, ano po ba iyon Miss Aaliyah?" Ang galing! Kaya naman pala nasabi ni Bes na ok si Donica, ang galang kausap ng loka! “About Tracy.” Bigla ng sumeryoso ang boses ni Bes, Si Donica naman ay biglang nangunot ang noo. “What about my niece? may problema po ba? Hindi po ba ok ang ginawa niya kanina sa photoshoot?” Naguguluhang tanong niya. Umiling naman si Bes. “No, no, That's not what I want to ask. Tracy showed earlier in the photoshoot is good no problem about that. What I want to ask is about the bruises on her body, Do you know about that?” Seryoso si Bes at titig na titig kay Donica, Pinag-masdan ko naman si Donica, Naguguluhan ang pinapakita nitong reaksyon sa amin. “What bruise a
“Kamusta ang meeting?” Malambing kong tanong. “Ok lang naman, napasarap ang pag uusap namin ni Mr. Montenegro. Uumpisahan na nila ang factory at barracks na ipapatayo sa Taguig.” Ngumiti naman ako sa magandang balitang sinabi niya. “Wow, ang bilis ah.” “Madaling kausap ang mga Montenegro at Herrera. Kaya hindi ako nahirapan.” Mukhang close na sila at mag kaibigan ni Alexander Montenegro. Nag-bunga na ang pinag-hirapan niya. Masaya ako sa mga achievement ni Travis. Ang galing na niya humawak ng negosyo at makipag usap sa mga kliente at Investors. “Guys, let's go na. Para makapag practice na tayo at makauwi din kayo agad! Pila na kids!” Sigaw ni Trisha. Nabaling sa kanya ang atensyon namin, kaya naglakad na rin kami papalapit sa kanila para tumulong at katulad nung sabado sa mga bata kami sumabay. Manonood ulit ng practice si Travis. Masyadong supportive sa anak. Sinabi ko nga na umayos siya at baka may masabi ang ibang tao na may favoritism, Lagi pa naman na siya m
Tumigil ako at hinarap agad siya. Mataray na rin ang itsura nito. "Ano ba ang gusto mong sabihin Miss Trisha?" Ngumiti naman ako bago siya tinignan mula ulo hanggang paa. "You know girl, maganda ka sana 'e, kaso malandi ka." Prangka kong sabi, walang paligoy-ligoy. Wala ng pa segwey segwey, Doon din naman ang punta ng usaping ito saka hindi ako 'yong tipo ng tao na marami pa munang sasabihin bago deretsuhin ang gusto sabihin. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Excuse me??" Nanliliit ang mga matang sambit nito. Mas nginisian ko siya. "Alam ko kung anong ginagawa mo Ms. Donica Alcaraz. Kung ang kaibigan ko nadadaan mo sa maamo mong mukha ako ibahin mo." Mariin kong sambit. "What are you saying? Hindi kita maintindihan Miss Trisha." Maang maangan nito. Ang galing nga talaga. Nailing na lang ako bago siya nginitian at nagsalita. "Wag ako Donica sa dami ng dumaan na babae na nagtangka na landiin ang kuya ko alam na alam ko na agad ang karakas ng mga katulad mo. Akala
Aaliyah Natapos ang meeting na mainit ang ulo ni Travis. Pinauna ko na siya sa Opisina niya dahil kakausapin ko pa si Trisha. Kanina sa meeting ay pasulyap sulyap ako sa kanya. Hindi naman ito makatingin sa akin ng deretso. Nakaka gulat lang na ngayon lang siya na late sa ganitong klaseng meeting. Hindi niya ugali 'yong malate. Mas nauuna pa nga siya sa amin ni Travis na pumunta dito sa meeting room. Siguro nga may mabigat na dahilan kaya siya late. Lahat ay naka labas na at kaming dalawa na lang ni Trisha ang natira. Magkatapatan kaming dalawa hindi na ako nag-abalang tumayo pa. Bumuntong hininga ito at pagod na sumandal sa kanyang kina-uupuan. "I'm so sorry Bes, Hindi ko ginusto na malate, Importante ang ginawa ko kanina. May nangyari ba kanina at ganon na lang ang galit sa akin ni Kuya? Mukhang sakin nabuntong ang galit 'e." Sumandal din naman ako sa swivel chair na kina-uupuan ko at napabuga ng hangin. Kilala niya talaga ang kuya niya. "Actually, nag-kasag
Aaliyah Naka sandal ako sa akin swivel chair habang nakapikit, Inaantok at masakit ang aking ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Binabagabag ako ng taong nakita ko sa tapat ng bahay kagabi. Hindi maalis sa isip ko iyon. Sobrang nakakatakot na may nagmamasid pala sa amin, Pero kataka taka dahil hindi naman nagpapasok sa subdivision ng basta basta mahigpit ang management dahil mga kilalang tao ang nakatira doon. Mga bigating tao. Naka jacket at sumblero ang taong naka tayo sa tapat ng bahay kaya hindi ko malaman kung lalaki ba o babae. Saka ang tanong anong ginagawa niya ng dis oras ng gabi sa tapat ng bahay tapos ganon pa ang suot niya? Hindi ko man nakita ang kanyang mukha sigurado akong nakatingin siya sa akin, sa kwarto namin ni Travis. Dahil sa nangyari hindi ako nakatulog at ngayon ay nasakit ang ulo ko kung kailan ang dami kong gagawin. Maaga ako pumasok ngayon dahil aayusin ko pa ang mga damit na susuotin ng mga models bukas, Ihahanda na namin. Apat na palit si
Pinag-patuloy na namin ni Trish ang pag-aayos ng mga dress. Ibababa na rin namin ito sa first floor kung saan ang magiging dressing room ng models. Buti na lang nakisama ang sakit ng ulo ko at nawala din bago mag-tanghalian kanina. Ngayon ay nakamasid ako sa mga nag-aayos ng Auditorium, Inaayos na nila ang table and chairs na gagamitin pati ang mga lights. Nasa ganoon akong ayos ng maramdaman ko may gumapang na mga kamay sa aking baywang. Napangiti na lang ako dahil sa amoy palang nito ay kilala kona kung sino, saka wala naman ibang mag-ba back hug sa akin kung hindi ang asawa ko. "How are you feeling Wife? Nakasalubong ko si Trisha, she told me that you had a headache earlier. Are you ok now?" Malambing pero may bahid na pag-aalalang tanong nito. Napanguso ako dahil sa sinabi niya, minsan din talaga madaldal si Trish. Sinabi pa talaga sa kuya niya. Pero sa ganoon lang naman s'ya madaldal. Kapag mga seryosong bagay na ay maasahan ko ang kaibigan kong iyon. "Okay
Aaliyah Event Day Tanghali palang ay nasa kompanya na kami nila Trish dahil ichecheck nila ang auditorium kung ayos na ba at walang nakaligtaan. Si Trish ang naka-assigned sa checking, pati sa cater. Siya ang pinagkakatiwalaan doon ni Travis para sigurado. Habang ako naman ay abala sa mga gagamitin na dress ng mga models, Maaga ring dumating ang mga make up artist at inayos ang kanilang gamit. Sinet-up na nila ang kani-kanilang make up sa bawat vanity mirror na naka-helera sa dressing room. Alas tres ay aayusan ang lahat ng models. Maaga namin sila sinabihan at 'wag na wag malalate. Lahat ay abala sa kani-kanilang nakatokang trabaho. Tinatapos ko lang ang mga gagawin ko para kapag inayusan ako mamaya ay naka settle na ang lahat at wala ng problema. 2pm ng unti-unting nag-datingan ang ibang models, kasama na doon ang aking anak na super excited. “Sweetie, ang aga mo nasaan ang friends mo? Hindi mo ba kasabay?” Malambing kong tanong ng lumayo ito sa pagkakayaka