Event Day
"Bes, ito na 'yung maskara mo. Sulitin mo na ang pagsusuot dahili ito na ang huling gamit mo dito. Hahaha," Sabay abot nito ng maskara sa kaibigan.
"Sira! Itatago ko 'to bilang remembrance."
"Pwede! Para sa tuwing nakikita mo ang maskarang iyan, maaalala mong naging si Alice Mendez ka."
Parehas na natawa ang dalawa. Nasa dressing room sila. Nag-iisa lang si Aaliyah doon dahil 'yun ang gusto ng asawa niya. At si Trisha lang daw dapat ang nasa loob pati yung make up artist nito na lumabas saglit.
"Alam mo bes, narinig ko kanina ang mga empleyado naming mga tsismosa. Alam mo bang ikaw ang pinag-uusapan? Bakit daw nakahiwalay ka sa dressing room ng ibang models, bakit VIP ka raw, siguro jowa mo na daw si kuya. Gosh, kung alam lang nila, tsk. Pero sabagay mamaya naman ipapalandakan na ni kuya na asawa ka niya hi
Habang naglalakad ang mag-ama, ang mga taong nasa paligid nila ay nagtataka. Lalo na nang makita nila ang CEO ng kompanya sa stage at may katabing bata. Ang mga magulang naman nila ay naiiyak sa saya. Mukhang alam na ng mga ito ang gagawin ni Travis. Habang si Trisha na nasa likod ng stage ay napanganga na lang. Hindi niya din alam na ngayon na lalabas ang kuya niya at si Trishana. Ngayon na pala ito ipapakilala! Ang alam din nito ay mamaya pa ito magsasalita kapag natapos ang fashion show. Kaso mukhang nainip ang kapatid niya kaya umakyat na ito ng stage at may papatay effect pa na ilaw. Napailing na lang si Trisha habang pinagmamasdan ang kapatid niya. Nang makalapit na ang mag-ama kay Aaliyah, nakangiting inabot ni Travis ang bulaklak sa asawa niya. "For my beautiful wife." Dahil naka-open pa rin ang mic ni Aaliyah, narinig ng lahat ang sinabi nito. Muli ay nagulat ang lahat dahi
"Huh! Anong kailangan ko? Ikaw! Ikaw na babae ka! Sana nagpakalayo layo ka na lang! Kasama ng anak mo! Sana hindi ka na bumalik! Dahil sayo binalewala na ako ni Travis! Dahil sayo hindi na niya ako mahal! Dahil sayo iba na ang tingin niya sakin! Para sa kanya isa na lang akong estranghero! Hindi na niya ako magawang tingnan ng matagal katulad ng ginagawa niya noon, dahil lahat 'yon sayo! Sayo na umiikot ang mundo niya! Mang-aagaw ka!" Sigaw nito. Napatingin sa paligid si Aaliyah, walang tao. Bakit walang tao dito? Kanina lang may mga dumadaan at mga tambay dito. Bakit ngayon tila sila na lang? Bigla siyang kinabahan, hindi maganda ito. "Hoy babaeng manloloko! Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo sa kuya ko!? Ikaw 'tong naghanap ng iba dahil nasasakal ka na sa relasyon niyo! Tsaka ano pa bang pinuputok ng buchi mo? Hindi mo pa rin ba matanggap?" Singit ni Trish. Kumukulo talaga ang dugo nito kay Mayell. "Dahil ako dapat ang mah
"Mamatay kayo!" Kakalabitin na sana ni Mayell ang gatilyo ng baril nang may dumating. "Mayell stop!" Napamulat sila Trish at sabay na napalingon kung sino ang sumigaw. "T-Travis.." Gulat na tawag ni Mayell sa lalaki. Nag-unahan naman ang mga luha nila Trish at Aaliyah. Akala nila may masasaktan. Akala nila may mangyayari sa sa kanila. "Mayell.. put your gun down." Mahinahong sabi ni Travis. "Travis.. hon.." "Ssshh, calm down Mayell." Dahan dahan naglakad si Travis patungo kay Mayell. Umatras si Mayell habang umiiling. "No.. H'wag kang lumapit!" Sabay tutok ng baril kila Trish. Napayuko ang dalawa dahil sa takot. Tumigil sa paghakbang si Travis, kinalma ang sarili. "Mayell, why are you doing this? You are not like this.." Mahinahong pagkausap
Mabilis na rin naglakad si Travis para makarating sa kotse niya at madala sa hospital ang asawa. Nang makarating sa kotse niya, agad niya itong binuksan sa likod para isakay ang asawa. Nang malagay ng maayos, umikot na ito sa driver seat at mabilis na pinaandar ang kotse. "Wife please kumapit ka lang, h'wag mo kaming iiwan." Nang maiwan si Trish, galit nitong dinambahan si Mayell na kanina pa tawa ng tawa. "H*yop ka! Dahil sa kadesperadahan mo, kaya mo nang pumatay!" Gigil na gigil na pinagsasampal ni Trish si Mayell. Hindi na niya inalintana ang balikat na nagdurugo pa rin. "Hahahaha mamatay na ang kaibigan mo! Mamatay na si Aaliyah!" Lalong nag-init ang ulo ni Trish dahil sa sinabi nito. "At ako naman ang papatay sayo na baliw ka!" Sinuntok, sinabunutan at kung a
Makalipas ang isang oras.. Muling lumabas ang doctor. Nag-tayuan ulit sila at lumapit dito. "Okay na po, stable na ang pasyente. Ililipat na lang po siya sa room niya. Pati po ang donor, kailangan ng pahinga dahil maraming dugo ang nakuha sa kanya." Nakahinga ng maluwag ang lahat. "Thanks God." "Thank you doc." Tumango lang ito sa kanila bago bumalik sa loob. Inasikaso na ni Travis ang kwarto ng asawa. Pinili nito ang isang malaking private room na pandalawahan, para sa asawa at mommy niya. Nilipat din nila ng kwarto si Trish. Bale magkatabi na ang kwarto ng magbestfriend. Lahat ay nasa kwarto na ni Aaliyah at ni Kim. Hinihintay ng mga itong magising
"At mukhang sa sinabi mo Trish, planado rin ang kaguluhan sa event." Seryosong sabi ni Jacob. Napakunot noo naman ito. "Gulo? Nagkagulo sa event?" Tumango ito bago umayos ng tayo at namulsa. "Yes. Matapos ang speech nila Travis, nagpatuloy ang show. Nang nasa kalagitnaan na may biglang sumigaw na may bomba daw. Nagkagulo ang lahat. Buti na lang malapit lang ako kila Trishana kaya agad ko silang naalalayan at nailabas. Pero bago yon, nakarinig ako ng putok ng baril. Binilin ko sa driver niyo na ihatid sa mansion ang mga magulang niyo at si Trishana tapos hinanap ko na nga kayo. At doon ko nakita si Travis na hawak hawak si Aaliyah. At sa mga sinabi mo Trish, napagtugma tugma ko lahat. Sinadya ang nangyari, ginulo ang show para hindi makapagfocus sa inyo ang tao, para hindi mahalata ang ginawa ni Mayell. At yung putok ng baril, naging sanhi pa lalo ng pagkakagulo. Ang mga guard at ibang security na nandoon hindi
Dahil sa ginawa ni Aaliyah na pag patong ng kamay sa dibdib ni Travis, inangat niya ang isang kamay at hinawak sa kamay ni Aaliyah na nasa dibdib niya. "Magpahinga na tayo baby.." "Hmmm." Mahimbing na nakatulog ang mag-asawa na magkatabi. **** Lumipas ang mga araw na todo pa rin sa pag-aalaga sa asawa si Travis. Hindi na muna ito napasok sa trabaho at pinapaasikaso na lang niya lahat ng gagawin sa secretary niya. Hindi na rin ito umuuwi, nagpadala na lang ito ng damit sa mga magulang nila. Ayaw nitong iwan ang asawa. Nalaman na rin ni Aaliyah na ang nag bigay sa kanya ng dugo ay ang mommy ni Travis. Hindi naman mapigilan ni Aaliyah na magpasalamat ng paulit-ulit. Utang niya ang buhay niya sa biyenan. Ngayon ay nandito sila Trish s
TRAVIS Napakasarap pagmasdan pag nakikita mong masaya ang mga mahal mo sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam pag napunta ka sa tamang tao, makukuntento ka na at wala ka nang hihiling pang iba. Kung iisipin, wala talaga akong nararamdaman noon kay Aaliyah. Wala sa isip ko na magkakagusto ako sa kanya dahil ang turing ko lang sa kanya noon ay kapatid. Pero naging mapaglaro ang tadhana, pinagkasundo kami ng mga magulang namin. Sa una, hindi ko talaga tanggap dahil may mahal akong iba. Pero kalaunan, habang nakikita ko ang ginagawa niya para sakin, ang pag-aasikaso niya kahit lagi ko siyang sinisigawan noon ay nag-iba. Unti unti kong naaapreciate lahat ng ginawa niya, hindi ko nga lang pinapahalata. Lagi kong pinapakita sa kanya na galit ako. Hindi ko alam na sobra ko na pala talaga siyang nasasaktan dahil mahal niya