Share

His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]
His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]
Author: DoughNutEatMe

His Psychotic Obsession

Author: DoughNutEatMe
last update Huling Na-update: 2021-08-30 18:36:06

PROLOGUE

"Didn't I tell you that I don't want to see you hanging around with another man?" Napasiksik ako sa dulo ng kwarto niya at nagmamaka-awa siyang tiningnan.

"Third, we're just f-friends"

"HE F*CKING HOLD YOUR HAND!" Napapitlag ako sa sobrang gulat. Lalo ko pang siniksik ang aking sarili sa dulo ng kwarto niya dahil mukhang papatay na siya sa hitsura niya.

"N-Normal lang naman 'yun sa m-magkaibigan"

"For you it's normal, but for me, it's not! Didn't you see how he looks at you?! He's freaking obvious and you didn't notice that?! He will steal you away from me Rilley, he will steal you!" Mabilis siyang lumayo sa akin at kinuha ang nakatago niyang baril.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at takot. Baka kung anong gawin niya kay Louise! Dali dali akong tumayo kahit nangangatog na ang mga tuhod ko at agad siyang niyakap mula sa likuran. Napatigil naman siya sa paglalagay ng bala.

"I love you Third, I love you. Even if he plans to steal me, I... I won't go with him. Dito lang si Rilley sa tabi ni Third. Mahal na mahal ni Rilley si Third. Hindi kita iiwan" Dahan dahan siyang humarap sa akin.

Para siyang bata sa sobrang amo ng kaniyang mata ngayon. Hindi katulad kanina na parang kahit anomang oras ay papatay na.

"Really?" Tumango tango ako kahit naiiyak na ako sa takot.

"Yes. Just please put your gun down and let's sleep" Para siyang batang tumango tango at nginitian pa ako ng matamis. Binaba niya ang baril niya at hinila ako pahiga sa king size bed niya.

Nang makahiga na ay agad niyang siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw na akong pakawalan. Nanginginig naman ang kamay kong niyakap ko siya pabalik at hinimas himas ang kaniyang likod.

"Love ni Third si Rilley" Malambing na bulong ni Third sa akin at dinampian ng magagaang halik ang aking leeg. Napatakip naman ako ng aking bibig at tahimik na umiyak.

Hindi naman kami ganito no'n e. No'ng una, private nurse niya lang ako. Nasa rest house kami ng dalawang buwan ni Third na pagmamay-ari nila kasama ang iba pang Alpha Team.

Third's parent decided to isolate him because of his condition—Behavioral Disorder. Lumalala na daw kasi ang pagkamainitin nito ng ulo at nagkakaroon na ng problema sa ugali nito. Ayos pa naman ang pakikitungo niya sa akin, hindi pa naman siya ganito.

Pero no'ng matapos ang two months isolation niya at naka-uwi na ulit sa mansion nila ay bigla na lang itong nagwala dahil napakinggan nitong gusto akong pormahan ng kaniyang pinsan. Binugbog niya ang pinsan niya at halos maghingalo na ito.

After that incident, Third became so possessive when it comes to me. Pinilit niya pa ang parent niyang maging private nurse niya ulit ako at sa lahat ng lakad niya'y lagi niya akong kasama at hindi hinahayaan mawala sa paningin niya. Dinaig ko pa ang secretary niya dahil 24 hours niya akong kasama.

No'ng una ay pinapabayaan ko lang ito dahil baka may gusto lang sa akin ito. Pero nagsimula na niya akong ikulong. Hindi pinalabas at takot na takot na maagaw ng iba. And an idea pops on my mind.

Lumala ang sakit niya.

Pinadaan ko siya sa kung ano-anong test para malaman kung anong sakit niya at bakit lumala ito. Until I discover a new disorder.

He has this Psychotic Obsession in which he is obsessed with one thing or person. He will do anything just to have that thing or person. Anyone who touches it will die. He has this urge to kill when his obsession is being touched.

"Akin ka lang Rilley, akin" He said, sniffing my neck. Lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak sa bibig ko at pinigilan ang paghagulhol.

I am Rilley Villafuerte, 25 years old and I am nursing the psychopath—Alastair Wilson III, the guy who has the Psychotic Obsession. 

And his obsession is... 

... me

Kaugnay na kabanata

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession One

    Chapter One: New CaseRilley"ANONG ARAL ANG natutunan mo base sa pinanood natin?" Nakangiti kong tanong kay Weyn. He's only 14 years old na may behavioral disorder. Nasa loob kami ngayon isang restaurant. Dito ko napiling gawin ang maliit naming session pagkatapos naming manood ng sine.Para lang kaming magbarkadang nabo-bonding. Usually kasi sa mga bata na may behavioral disorder na hindi tanggap na meron silang ganitong karamdaman ay iniisip na baliw na sila kaya lalong lumalala ang kanilang karamdaman.Ayaw ko naman nila iyong isipin kaya kapag may bago akong pasyente na teen-agers ay ganito ang ginagawa ko. Hindi ko pinaparamdam na may sakit sila o nababaliw na sila para hindi sila magpanic o kung ano-anong maiisip.Parang siblings-talk lang.Inismiran ako ni Weyn.Hindi nawala ang n

    Huling Na-update : 2021-08-30
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Two

    Chapter Two: The PatientRilley"WE ALL KNOW that Behavioral disorders, also known as disruptive behavioral disorders, are the most common reasons that parents are told to take their kids for mental health assessments and treatment. Behavioral disorders are also common in adults. If left untreated in childhood, these disorders can negatively affect a person's ability to hold a job and maintain relationships." Tahimik ang buong PR (Presentation Room) at maiging nakikinig kay Dr. Sivillan kahit alam na namin ang mga sinasabi niya about sa Behavioral Disorders. Parang review na rin ito sa amin."I know that you all know this but let me discuss it to you, para naman hindi kalawangin ang utak ninyo" Mahina kaming napatawa."Attention-Deficit/hyperactivity disorder (ADHD), Emotional Behavioral Disorder, Oppositional Defiant Disorder(ODD), Anxiety, Obsessiv

    Huling Na-update : 2021-08-30
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Three

    Chapter Three: His TraumaRilleySOBRANG LAKAS NG tibok ng puso ko nang marinig na pinapapunta ako ni Mr. Alastair sa kwarto niya. Parang paulit-ulit itong sinisipa ng kabayo,kinakabahan ako.Malala ang ADHD ni Mr. Alastair, malay ko bang nagalit siya dahil ang clumsy ko kaya papupuntahin niya ako sa kwarto niya para pagalitan.Tahimik na dito sa living room at parang may dumaang isang libong anghel sa sobrang tahimik. Hindi sila nagsasalita at nakatitig lang sa akin, nag-aabang ng aking gagawin. Wala na si Mr. Alastair, tuluyan na siyang umalis matapos niya iyong sabihin.Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Baka kasi pagpasok ko sa kwarto niya'y sumalubong sa akin ang isang itak. Pero siyempre, joke lang iyon."I think you better go hija, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay si

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Four

    Chapter Four: Rain Rilley IT'S 4 AM in the morning and it is my first day working with Alpha Team here in Wilson's private beach. This is also my first day being Third's personal assistant slash personal nurse. Sa ngayon, hula ko'y tulog pa silang lahat lalo na ang Alpha Team dahil napagod kami kahapon sa pag-iikot dito. Ang dami dami kasing pasikot sikot, halos hindi ko na nga rin matandaan ang iba e. Na-orient na din kami kahapon ni Ma'am Alisha. Nagbigay siya

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Five

    Chapter Five: Stress DanceRilleyDAHAN DAHAN KONG ibinalot ang gasa sa aking binti at nang matapos ay mabilis ko itong ibinuhol. Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Third. Nginitian ko ito pero inismiran lang ako nito.Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Kinuha ko ang first aid kit at ang swivel chair sa study area niya saka hinila papunta sa harap niya at doon umupo."Turn mo na, talikod ka" Sumenyas pa akong tumalikod

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Six

    Chapter Six: Bulol Rilley "GO GET ME food Villafuerte" Malamig na utos ni Third. Busy ito sa kaniyang pagla-laptop. Tinatapos na niya ang trabaho na iniuwi niya dahil sinabi ko kay Ma'am Alisha na bawal ang trabaho sa kaniya ng two months. He should be taking a break. Hindi rin siya makakapag-focus at mauuwi lang sa wala ang mga efforts namin kung lagi siyang tutok at stress sa trabaho niya. Buti na lamang at pumayag siya kay Ma'am Alisha, dinig na dini

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Seven

    Chapter Seven: Eloise Rilley "RISE AND SHINE Thir—ay sorry po!" Mabilis kong nilagay ang mga palad ko sa mukha ko para hindi makita si Third na naka-boxer lang habang proud na proud na nakahiga na parang hari sa kaniyang king size bed. Bahagya akong namula nang mahagip ng mata ko ang umbok. Parang tumatak sa isipan ko 'yung pwesto ni Third sa kaniyang kama kahit nakatalikod na ako sa kaniya. He seems like he's having a beautiful dream d

    Huling Na-update : 2021-09-29
  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Eight

    Chapter Eight: Third Rilley Year 2014, 3rd year college 10:30 A.M. "MS. VILLAFUERTE PUT these folders on my desk in my office please" Napakamot ako sa noo ko. Doc bakit kailangang ako? Pwede naman si Klaire total bida bida naman 'yun. "Villafuerte daw. Rilley kilos kilos naman aba! Tatam

    Huling Na-update : 2021-09-29

Pinakabagong kabanata

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Seventeen

    Chapter Seventeen: Iniirog (PART ONE) Rilley AS HOUR PASSED by, Third is getting weirder for me, though Alpha Team doesn’t seem to notice it because they we’re blinded by his sudden change of mood. Or I was overthinking again? Nope, I wasn’t because from the very beginning, weird na talaga siya para sa akin. He is moody, yes, pero napasobra naman ata ngayon. Sa hitsura niya kasi ay masayang masaya siya. Ngayon lang namin siyang nakitang ganito. Hindi man siya ngumingiti’y kitang kita naman iyon sa kislap ng mata niya. Binati niya pa lahat ng Alpha Team, si Eloi at Ivan. Kahit mali mali ang nasabi niyang pangalan ay hindi na sila nagreklamo dahil ngayon lang ito bumati sa kanila. “Germany ka na pala ngayon Paris!” Tumawa ng tumawa si Leonel. Inaasar ni

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Sixteen

    Chapter Sixteen: MeaningRilleyTHIRD IS BEING unreasonable again.Kasi no'ng sinundan ko siya sa parking lot at natapos na ang pag-uusap nila ni Eloi ay hindi niya ako pinansin at nilampasan lamang kahit na tinawag ko siya."He is probably in a bad mood babe, hayaan mo na" Inakbayan ako ni Eloi at nilapit ng sobra ang bibig niya sa tainga ko at inamoy ako doon. Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang ginawa at agad siyang itinulak.

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Fifteen

    Chapter Fifteen: Drunk Rilley "I'M SORRY KLEYO. I've been busy these days that I couldn't check how you feel about Paris. I thought everything is okay between the two of you. I still notice how the two of you cared for each other and I just shrug it off." I heaved a heavy sigh. "I'm sorry that I didn't see your pain" Kleyo just laughed at me. "Wala ka namang kasalanan Rilley. Labas ka naman sa pinasok ko. Saka naiintindihan ko naman na lagi kang busy, lahat naman tayo busy e. Wala naman iyon pati sa akin." Nagkibit balikat siya saka uminom ng beer.

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Fourteen

    Chapter Fourteen: Friend Rilley ITINIGIL KO ANG aking sasakyan sa tapat ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng airport. Sa kaniyang magkabilang gilid ay dala niya ang kaniyang dalawang maleta na kulay pink. Nakasuot siya ng pink V-Neck T-Shirt at jeans and a pink rubber shoes din. Nakashades pa ito. Aakalain mo talaga siyang lalaki dahil sa kaniyang tikas ng tayo at sa gwapong mukha. Kung hindi lang siya naka-overall pink, mapapagkamalan ko siyang lalaking Hollywood star.

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Thirteen

    Chapter Thirteen: Sad and Happy Memories Rilley "SHOULD I SMILE at them?" Pinamay-awangan ko si Third. I am practicing him now. Kailangan niya ng lumabas at sumama sa dinner namin at sinabihan ko siyang magsorry sa Alpha Team. We've been practicing for almost an hour now. Hindi siya mukhang sincere sa pagpapractice namin kaya hindi ko na pinush, doon kasi kami tumagal, sa pagiging sincere niya sa mga salita niya pero least nagsorry siya 'diba? At least he tried kahit pilit. Saka malapit ng mag-dinner, maya maya lamang ay kakatok na si Kleyo, we don't have much tim

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Twelve

    Chapter Twelve: I'm the Boss Rilley "THIS IS REALLY a bad news" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ni Dr. Sivillan. Kahit may air-conditioner naman ay todo ang pamamawis ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ako o gini-grill sa init. Nagkatinginan kaming mga Alpha Team at sabay sabay na napabuntong hininga. Sabay sabay din kaming napailing at napahilot sa sari-sariling sentido dahil sa stress. "What happened? Why did Alastair l

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Eleven

    Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Ten

    Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.

  • His Psychotic Obsession [Nursing The Psychopath]   Obsession Nine

    Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status