Chapter One: New Case
Rilley
"ANONG ARAL ANG natutunan mo base sa pinanood natin?" Nakangiti kong tanong kay Weyn. He's only 14 years old na may behavioral disorder. Nasa loob kami ngayon isang restaurant. Dito ko napiling gawin ang maliit naming session pagkatapos naming manood ng sine.
Para lang kaming magbarkadang nabo-bonding. Usually kasi sa mga bata na may behavioral disorder na hindi tanggap na meron silang ganitong karamdaman ay iniisip na baliw na sila kaya lalong lumalala ang kanilang karamdaman.
Ayaw ko naman nila iyong isipin kaya kapag may bago akong pasyente na teen-agers ay ganito ang ginagawa ko. Hindi ko pinaparamdam na may sakit sila o nababaliw na sila para hindi sila magpanic o kung ano-anong maiisip.
Parang siblings-talk lang.
Inismiran ako ni Weyn.
Hindi nawala ang ngiti sa labi ko at hinintay siyang sumagot. Bumuntong hininga naman siya at inis na ginulo ang buhok niya bago bored na tumingin sa akin.
"Get hold of yourself, control your anger, think a million times first before you act, should be developing a relationship with others, be obedient, bad acts are equal to a worst scenario or consequence. Happy?" Monotone at dire-diretso niyang sabi. Lalo pa akong napangiti.
"Very good" Inirapan ako nito kaya mahina akong napatawa.
"Stop saying 'Very Good', it wants me to think that I'm a 6 years old kid and stop smiling, it annoys me" Tumango tango lang ako sa kaniya. Nang dumating ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain at nagsimula na akong magtanong.
"So, how was your new school?"
"Are you my mommy?" Mahina ulit akong napatawa.
"No, I am your friend" Natigilan siya saglit at napatingin sa mata ko. Ngumiti ako. Umiwas siya ng tingin at bahagyang umubo.
"It's good" Napatango tango ako.
"Tell me more" Sabi ko habang hinihiwa ang steak ko.
"I'm trying my best to avoid a fight. Like you said last time, I should contain myself and control my emotions. I won't let my emotions took over me. So, so far I haven't been involved in any trouble" Mahina akong napapalakpak dahil sa sinabi nito.
"That's a big achievement"
"Yeah, thanks to you" Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Magte-three weeks ko palang itong hawak at nag-iimprove na siya.
"Did you make friends?" Agad siyang napasimangot at halatang naiinis. Mukhang may naalala itong tao.
"Nope. But there's a girl who keeps bugging and annoying me. She said, she wants me to be her friend but she's so loud. I can't think properly because of her. I hate her" Natawa ako dahil sa mukha nito. Magkasalubong na magkasalubong ang kilay at seryosong seryoso. Ang boses niya pa ay parang nagsusumbong sa mommy niya na inaaway siya ng iba pang bata.
"Be friends with her, she can help you to cope up easily" Ngumuso ito and I find it cute kaya palihim ko itong kinuhanan ng litrato. Isasama ko ito sa portfolio na ginagawa ko.
Gumagawa ako ng portfolio at nakalagay do'n ang naging pasyente ko. Nakalagay do'n ang profiles, about, mental health. Trip trip ko lang gumawa. Sa ngayon ay marami na akong nagawa dahil 2 years na akong Psychiatric nurse.
I am a psychiatric mental health nurse (PMHN). I work to improve or support the mental and physical well-being of people with mental health or behavioral conditions.
Sa ngayon, tinutulungan ko si Weyn na ma-improve ang coping ability niya. Apat na beses kaming nagtake ng small sessions after school niya. Gumagawa rin kami ng activity na makakapag-enhance ng self-control niya.
Kakatapos lang namin manood ng movie kanina about sa behavioral act. Sa session namin ngayon ay minomonitor ko kung may naging pagbabago bang naganap at tini-train ko narin ang utak niya. Tinanong ko kung anong lesson ng movie for him to analyze the situation or movie carefully. Para ma-enhance ang decision making niya at para malaman niya kung anong dapat at hindi dapat gawin. Para maiwasan ang mga padalos dalos niyang desisyon.
At masasabi kong malaki na ang pinagbago niya hindi gaya no'ng una naming pagkikita na halos batuhin at ibalibag niya na ako sa galit.
"But she's annoying"
"As you said earlier, you should develop relationships with others. This is the new start Weyn. Nag-i-improve ka na, kailangan mo na lang ipagpatuloy" He sighed and continue murdering his food.
"I'll try" Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi na siya gaya no'n na walang pinapakinggan at laging gusto niya lang ang nasusunod kaya lagi siyang napapa-away sa past schools niya at laging nae-expel. 'Yon ang rason kung bakit siya pinatingnan ng magulang niya, hindi sa spoiled brat siya. Meron lang sa past niya na naka-apekto sa kaniyang pagkilos.
Natapos ang session namin, namasyal pa kami hanggang sa inihatid ko na si Weyn sa bahay nila. Nag-alok pa ang magulang niya na mag-dinner sa kanila kaso marami pa akong gagawin. Kailangan ko pang i-type ang nangyari kanina sa session.
"Yow Rillsy baby! How was your session with that psychotic kid?" Salubong sa akin ni Asia pagkapasok ko ng Life Intel Institution, pangalan ng hospital kung saan ako nagta-trabaho. Mental hospital talaga ang kalahati nito, pinaganda lang ang pangalan.
"He's not a psycho Asia. Anger management lang at trauma"
"Did you know that anger management is a psycho-therapeutic program for anger prevention and control?" Napa-irap ako sa sinabi ni Asia at paminsan minsan ngumingiti sa nakakasalubong ko.
"Mild lang naman ang case niya" Pagtatanggol ko. Agad namang tumawa ng malakas si Asia.
"Rillsy baby, sa pagkaka-alam ko'y muntik ka na no'n masaksak ng ballpen" Napa-iling na lang ako sa kaniya. Bigla kong naalala no'ng pinakilala sa akin ni Dr. Sivillian si Weyn kasama ang magulang niya.
Sa unang pagkikita namin, isang salita palang ang lumalabas sa bibig ko ay nagpanic at nagwala na siya at ilang beses naulit ang salitang 'Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!'
Pinilit namin siyang pakalmahin pero nakuha niya agad 'yung ballpen at tinutukan si Dr. Sivillian. Sinugod niya si Dr. Sivillian na agad kong pinigilan at kami ang nagrambulan sa opisina ni Dr. Sivillian. Muntik na akong masaksak sa mukha no'n luckily, I manage to dodge it.
Buti na lang at nakapag-aral ako ng self-defense. Masyado kasing advance ang isip ko no'ng college pa lang ako at pumasok na agad sa isang martial art class para madepensahan ang sarili kung mayroon akong magiging delikadong pasyente sa hinaharap. Nakatulong naman ang pagiging advance ko kaya worth it ang pinambayad ko sa Martial Art Class na'yon.
"Tsk! Ang init talaga ng ulo mo kay Weyn" Umirap naman ito.
"Malamang! No'ng dumaan kayo sa mesa ko biglang tinapon 'yung pizza ko! Tsk Tsk! Sana naman ay gumaling ang batang iyon para hindi ko na makita dito"
Pumasok na kami sa loob ng office ng Alpha Team Nurse. Sumalubong sa amin ni Asia ang pitong magkakahiwalay na desk. May kung anong papel na nakakalat sa bawat lamesa ng isa at sa likod ay may locker. Meron ding drawer na nagsisilbing divider ng pitong lamesa. Do'n nakalagay ang mga documents ng naging pasyente namin. Sa gitna naman ay may printer at mahabang lamesa kung saan kami kumakain. Dito na kami kumakain o nagpapahatid. Tamad kaming pumunta sa cafeteria e.
Nasa Alpha ako since magaling ang performance ko sabi ni Dr. Sivillian na trainor namin. Under niya kami. By teams kasi dito ang mga nurse. Ang nagsisilbi naming leader ay si Dr. Sivillian since hawak niya ang team namin. Siya ang nagbibigay at nagdi-discuss ng mental health ng magiging patient namin.
Nakadistino din ang team namin sa Building 2–Floor 5. Do'n nakatira ang mga pasyente na Malala na ang lagay. Mga wala na talaga sa sarili.
"Good evening Rills" Tinanguan ko si Harry at nginitian.
"Kompleto ata ngayon ang Team Alpha" Puna naman ni Kleyo. Kumaway lang sa'kin ang iba habang tutok sa kani-kanilang ginagawa. Minsan lang kami makumpleto dahil sa sari-sariling lakad. Iba iba kasi ang patient namin kahit Team kami pero 'yung performance namin pang buong team.
Pumunta na ako sa desk ko at umupo. Ibinaba ko ang bag ko at nag-inat saka nilabas ang recorder. Nirecord ko 'yung pinag-uusapan namin para naman hindi ma-offend si Weyn. Awkward din pati daw 'yon sabi ni Paris. Iba-iba kami ng style sa sessions namin. 'Yung iba ay nirerecord, sinusulat o vini-video.
"Kamusta na ang lagay no'ng bubwit" Pangungulit ni Asia. Tinulak niya ang kaniyang swivel chair gamit ang paa habang nakasakay siya-papalapit sa akin.
"Marami ng improvement. One week pa siguro at ayos na ang lagay niya" Tiningnan ko ang relo ko at nakitang pasado alasais na. Mamaya pa kami kakain ng 8 at out time namin ay 10.
Hays! Ganito talaga ang buhay, mahirap. Siguradong bagsak na naman ako sa bahay pagdating ko dahil sa pagod.
"Good for me" Napa-iling na lang ako at nagsimula na sa trabaho. Inopen ko lang ang document ni Weyn sa laptop ko at nagsimula ng gumawa ng report.
"GUYS TIME OUT muna tayo" Sabay sabay kaming napa-angat ng ulo nang dumating si Eria, kambal ni Asia. Una siyang natapos sa amin kaya siya na ang nagpresentang kumuha ng makakain namin sa cafeteria.
"Ano 'yan?"
"Masarap ba 'yan?"
"Baka may lason 'yan ha"
"Wala akong pera"
"Ayoko na ulit no'ng kaldereta, sawa na ako"
"Magkano?"
Sabay sabay nilang tanong. Agad naman akong tumayo at tinulungan si Eria sa paghahanda ng dinner namin. Nang matapos ay pumila kami saka binayaran si Eria.
"Dapat nag-order na lang tayo sa Jollibee" Usal ni Leonel na agad binatukan ni Eria.
"Rereklamo reklamo ka pa kulang naman bayad mo!" Nagtawanan kaming lahat at nagsi-upuan na. Apat kaming babae sa Alpha Team at tatlo naman ang lalaki. Sina Leonel, Kleyo, Harry, Eria, Asia, Paris at ako.
Habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan kami tungkol sa mga pasyente namin. Nagtanungan din kung sino ang magra-round mamayang 9:30 sa Bldg. 2, 5th floor.
"Chic ang bagong pasyente ni Harry mah men! Nakita kong kiniss siya kanina paglabas ng Alpha Room!" Manghang sabi ni Kleyo, binatukan naman siya ni Harry.
Sa Alpha Room ginagawa ang mga sessions namin at do'n din kinakausap ang pasyente tungkol sa personal na bagay. Nakakagamit naman ako no'n kapag adult ang patient. Minsan sa garden para relax lang ang pasyente.
"Mag-ingat ka Harry, uso pa naman case ng mga pasyenteng nao-obsess. Baka ma-adik ang pasyente mo sa'yo" Pananakot ni Paris. Nagkunwari namang kinalibutan si Harry.
"Hindi kasi 'yon pasyente, girlfriend niya iyon!" Sabat naman Eria. Nanlalaki naman ang mata ni Kleyo at Leonel kay Harry saka inalog ito.
"Pare ang swerte mo naman! Baka may kapatid 'yan reto mo na sa akin!" Kinuyog si Harry no'ng dalawa at napailing na lang kami.
"Meron, dalawa" Natigil naman si Leo at Kleyo at excited na tumingin kay Harry.
"Talaga?! Ilang taon na?" Sabay na tanong ng dalawa.
"9 years old at 4 months old" Nagtawanan kami maliban lang kay Leo at Kleyo na nanlumo.
Natapos na kaming lahat na kumain. Nag-udyukan na sila kung sino ang maglilinis, nagtutulakan pa na parang bata. Napa-iling na lang ako. Sa huli, si Harry ang naglinis dahil madaya daw siya, hindi sinabing may gf na kaya nagtampo 'yung apat. (Paris, Asia, Leo and Kleyo)
Bumalik na ako sa ginagawa ko at tinapos iyon. Lumabas na naman si Eria kasama si Paris at Kleyo dahil magra-round na daw sila. Pagbalik ay may ice-cream na silang dala. Agad kaming nag-agawan sa ube flavor dahil favorite naming lahat 'yon tapos iisa pa, the rest ay mango flavor na.
Natawa na lang ako sa hitsura nila dahil ako ang nakakuha ng ube flavor. Hinili hili ko pa sila at tumawa ng tumawa dahil nakanganga na silang anim sa akin.
Nangangalahati na ako ng kain nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang secretary ni Dr. Sivillan. Mabilis kaming nagtayuan at yumuko para magbigay galang.
"Good evening po Mr. Salazar"
"Good evening Alphas, proceed to Dr. Sivillian's office, now" Pagkalabas ni Mr. Salazar ay nagkatinginan kaming pito.
"Baka may bagong patient na naman" Sabi ni Asia habang inuubos ang ice-cream niya. Napatingin naman ako sa aking relo at nakitang 9:50 na.
"Siguro importante, malapit na tayong mag-out oh. Pwede naman sanang ipagsabukas 'yon pero hinabol pa" Sabi naman ni Paris na nag-aayos na ng desk niya.
"Baka isa sa anak ng politician?" Hula ni Leo. Nagkibit balikat na lang ako at akmang kukuhanin ko ang ice-cream ko ng makitang wala na ito at hawak hawak na ni Kleyo.
Biglang lumaki ang butas ng ilong ko.
"KLEYO!! That's mine!" Napatigil naman si Kleyo sa pagsubo sa isang tabi. Kaya pala hindi nagsasalita dahil kinakain na 'yung ice-cream ko! Akmang lalapit na ako ng bigla niyang binilisan ang pagkain, kumalat pa sa baba at pisnge niya ang ice-cream at nagtatakbo palabas. Napa-iling na lang ako.
"Patay gutom talag kahit kailan!" Tinawanan na lang ako ng mga kasama ko at sabay sabay kaming lumabas office namin. Ilang lakad lang ang ginawa namin at nakarating na kami sa office ni Dr. Sivillan.
Kumatok muna kami sa pintuan bago pumasok.
Pagpasok namin ay nakita na agad namin si Kleyo na naka-upo sa couch at pinupunasan ang pisnge niya.
"Are you all here?"
"Yes" Sagot namin kay Mr. Salazar.
"Follow me" Binuksan ni Mr. Salazar ang isang pang pintuan sa loob ng office ni Dr. Sivillan at pumasok kami sa loob ng prentation room. Ginagamit namin ito kapag may bago kaming case or patient.
Pagpasok naming lahat ay may isang matandang babae pero maganda ang naka-upo sa isang upuan, may kasama itong babae na mukhang secretary niya. Nag-uusap sila ni Dr. Sivillian at mukhang seryoso ito.
Nang makita nila kaming pumasok ay agad tumayo ang babae na mukhang pamilyar sa akin. Nginitian niya kami.
"This is your team Sivillan?"
"Yes" Humarap sa amin si Dr. Sivillan "Alpha Team this woman in front of you is Mrs. Alisha Todler-Wilson, the owner or co-founder of Leaf" Sabay sabay na nanlaki ang mga mata namin dahil sa narinig.
Kaya pala pamilyar ang mukha niya kasi siya si Ma'am Alisha! Ang nag-iisang pilipina na nakasali sa isa sa pinakamayamang babae sa buong Asia! At ang Leaf ang kanilang pinakamalaking kompaniya sa pinas which is nagpo-produce sila ng mga magazines and etc. Mayroon din silang five star hotels at beach resort! Marami silang properties all over the world!
Gulat parin kaming lahat at walang nagsalita.
Pakisampal nga ako! Bakit naman pupunta dito si Ma'am Alisha? Madalas akong bumili ng magazines na gawa ng Leaf dahil gusto iyon ni mama!
"Wait lang po!" Dali-dali akong lumabas ng presentation room at bumalik sa Office ng Alpha para kuhanin ang latest magazine nila at mabilis ang takbong bumalik.
Pagbukas ko ng pinto ay naka-upo na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. Napayuko naman ako sa hiya.
"Hi hija what's your name?" Nakangiti nitong sabi. Totoo nga ang sinasabi nilang mabait si Ma'am Alisha!
"Hi po Ma'am, I'm Rilley Villafuerte po" Lumapit ako sa kaniya at nakipagkamay. "U-Uhm... lagi po akong bumibili ng magazines niyo para kay mama. Matutuwa po iyon kapag nakakuha ng pirma mo. U-Uhm do you mind?" Narinig ko ang mahinang hagikhikan ng mga ka-team ko at si Dr. Sivillian naman ay napa-iling. Avid fan kasi niya si Mama.
Nakangiti namang kinuha ni Ma'am Alisha ang magazine.
"Say to your mother I said hi" Sabi niya at muling inabot ang magazine.
"T-Thank you po, hehehe" Agad akong umupo sa tabi ni Paris at Leo. Pinaggigitnaan nila ako ngayon. Tumikhim si Dr. Sivillian, napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
"Alpha Team, you are all here because of your new big patient" Nagkatinginan kaming pito.
May sakit si Ma'am Alisha?
"He has the behavioral disorder"
He? Asawa ba ni Ma'am Alisha?
"He has Attention Deficit Hyperactivity Disorder or ADHD that makes it difficult for a person to pay attention and control impulsive behaviors. He may also be restless and almost constantly active" Nagbulungan ang ilang mga kasama ko. Tahimik naman si Ma'am Alisha.
Parang si Weyn lang. Pero sigurong mahirap ito. Baka kasi asawa ni Ma'am Alisha ito. E si Weyn ay 14 years old lang.
"Mrs. Wilson decided to isolate him. Itatago ito sa media because he is soon to be the CEO of Leaf. His condition is unstable; he can't work because it may trigger him. You only have two months para gawing stable ang lagay niya. All of the Alpha Team will stay at their rest house kung saan siya i-a-isolate. You will monitor his condition from time to time and make him take his medicine"
Kinabahan ako bigla. Nakaka-pressure naman dahil ang aalagaan namin ay magiging CEO ng Leaf. Kakayanin kaya ng two months? Mukhang malala ang ADHD ng soon-to-be-Ceo na ito. Wait–! Soon-To-Be-CEO?
Does that mean...
"Who's the patient?" Nakakunot noong tanong ni Eria.
Biglang binuksan ni Dr. Sivillian ang projector at lumabas ang isang gwapong mukha ng isang lalaki. Mahinang napatili sina Eria, Asia at Paris. Ako naman ay napatitig lang sa mata nito na parang tinititigan din ako pabalik. Isa lang ang masasabi ko.
He looks... heartless.
"He's Alastair Wilson III, my son" Ma'am Alisha drop a bomb that made all the Alpha Team gasp in shock including me.
"He is your 2-month priority Alpha Team. This is a secret and I trust you that you won't tell this to others. Lahat ng narinig at nalaman niyo ay mananatili lamang sa loob ng silid na ito. Do you accept this case?" Nagkatinginan kaming lahat bago sabay sabay na tumango.
"Yes"
—Dem Taint
Chapter Two: The PatientRilley"WE ALL KNOW that Behavioral disorders, also known as disruptive behavioral disorders, are the most common reasons that parents are told to take their kids for mental health assessments and treatment. Behavioral disorders are also common in adults. If left untreated in childhood, these disorders can negatively affect a person's ability to hold a job and maintain relationships." Tahimik ang buong PR (Presentation Room) at maiging nakikinig kay Dr. Sivillan kahit alam na namin ang mga sinasabi niya about sa Behavioral Disorders. Parang review na rin ito sa amin."I know that you all know this but let me discuss it to you, para naman hindi kalawangin ang utak ninyo" Mahina kaming napatawa."Attention-Deficit/hyperactivity disorder (ADHD), Emotional Behavioral Disorder, Oppositional Defiant Disorder(ODD), Anxiety, Obsessiv
Chapter Three: His TraumaRilleySOBRANG LAKAS NG tibok ng puso ko nang marinig na pinapapunta ako ni Mr. Alastair sa kwarto niya. Parang paulit-ulit itong sinisipa ng kabayo,kinakabahan ako.Malala ang ADHD ni Mr. Alastair, malay ko bang nagalit siya dahil ang clumsy ko kaya papupuntahin niya ako sa kwarto niya para pagalitan.Tahimik na dito sa living room at parang may dumaang isang libong anghel sa sobrang tahimik. Hindi sila nagsasalita at nakatitig lang sa akin, nag-aabang ng aking gagawin. Wala na si Mr. Alastair, tuluyan na siyang umalis matapos niya iyong sabihin.Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Baka kasi pagpasok ko sa kwarto niya'y sumalubong sa akin ang isang itak. Pero siyempre, joke lang iyon."I think you better go hija, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay si
Chapter Four: Rain Rilley IT'S 4 AM in the morning and it is my first day working with Alpha Team here in Wilson's private beach. This is also my first day being Third's personal assistant slash personal nurse. Sa ngayon, hula ko'y tulog pa silang lahat lalo na ang Alpha Team dahil napagod kami kahapon sa pag-iikot dito. Ang dami dami kasing pasikot sikot, halos hindi ko na nga rin matandaan ang iba e. Na-orient na din kami kahapon ni Ma'am Alisha. Nagbigay siya
Chapter Five: Stress DanceRilleyDAHAN DAHAN KONG ibinalot ang gasa sa aking binti at nang matapos ay mabilis ko itong ibinuhol. Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Third. Nginitian ko ito pero inismiran lang ako nito.Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Kinuha ko ang first aid kit at ang swivel chair sa study area niya saka hinila papunta sa harap niya at doon umupo."Turn mo na, talikod ka" Sumenyas pa akong tumalikod
Chapter Six: Bulol Rilley "GO GET ME food Villafuerte" Malamig na utos ni Third. Busy ito sa kaniyang pagla-laptop. Tinatapos na niya ang trabaho na iniuwi niya dahil sinabi ko kay Ma'am Alisha na bawal ang trabaho sa kaniya ng two months. He should be taking a break. Hindi rin siya makakapag-focus at mauuwi lang sa wala ang mga efforts namin kung lagi siyang tutok at stress sa trabaho niya. Buti na lamang at pumayag siya kay Ma'am Alisha, dinig na dini
Chapter Seven: Eloise Rilley "RISE AND SHINE Thir—ay sorry po!" Mabilis kong nilagay ang mga palad ko sa mukha ko para hindi makita si Third na naka-boxer lang habang proud na proud na nakahiga na parang hari sa kaniyang king size bed. Bahagya akong namula nang mahagip ng mata ko ang umbok. Parang tumatak sa isipan ko 'yung pwesto ni Third sa kaniyang kama kahit nakatalikod na ako sa kaniya. He seems like he's having a beautiful dream d
Chapter Eight: Third Rilley Year 2014, 3rd year college 10:30 A.M. "MS. VILLAFUERTE PUT these folders on my desk in my office please" Napakamot ako sa noo ko. Doc bakit kailangang ako? Pwede naman si Klaire total bida bida naman 'yun. "Villafuerte daw. Rilley kilos kilos naman aba! Tatam
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a
Chapter Seventeen: Iniirog (PART ONE) Rilley AS HOUR PASSED by, Third is getting weirder for me, though Alpha Team doesn’t seem to notice it because they we’re blinded by his sudden change of mood. Or I was overthinking again? Nope, I wasn’t because from the very beginning, weird na talaga siya para sa akin. He is moody, yes, pero napasobra naman ata ngayon. Sa hitsura niya kasi ay masayang masaya siya. Ngayon lang namin siyang nakitang ganito. Hindi man siya ngumingiti’y kitang kita naman iyon sa kislap ng mata niya. Binati niya pa lahat ng Alpha Team, si Eloi at Ivan. Kahit mali mali ang nasabi niyang pangalan ay hindi na sila nagreklamo dahil ngayon lang ito bumati sa kanila. “Germany ka na pala ngayon Paris!” Tumawa ng tumawa si Leonel. Inaasar ni
Chapter Sixteen: MeaningRilleyTHIRD IS BEING unreasonable again.Kasi no'ng sinundan ko siya sa parking lot at natapos na ang pag-uusap nila ni Eloi ay hindi niya ako pinansin at nilampasan lamang kahit na tinawag ko siya."He is probably in a bad mood babe, hayaan mo na" Inakbayan ako ni Eloi at nilapit ng sobra ang bibig niya sa tainga ko at inamoy ako doon. Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang ginawa at agad siyang itinulak.
Chapter Fifteen: Drunk Rilley "I'M SORRY KLEYO. I've been busy these days that I couldn't check how you feel about Paris. I thought everything is okay between the two of you. I still notice how the two of you cared for each other and I just shrug it off." I heaved a heavy sigh. "I'm sorry that I didn't see your pain" Kleyo just laughed at me. "Wala ka namang kasalanan Rilley. Labas ka naman sa pinasok ko. Saka naiintindihan ko naman na lagi kang busy, lahat naman tayo busy e. Wala naman iyon pati sa akin." Nagkibit balikat siya saka uminom ng beer.
Chapter Fourteen: Friend Rilley ITINIGIL KO ANG aking sasakyan sa tapat ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng airport. Sa kaniyang magkabilang gilid ay dala niya ang kaniyang dalawang maleta na kulay pink. Nakasuot siya ng pink V-Neck T-Shirt at jeans and a pink rubber shoes din. Nakashades pa ito. Aakalain mo talaga siyang lalaki dahil sa kaniyang tikas ng tayo at sa gwapong mukha. Kung hindi lang siya naka-overall pink, mapapagkamalan ko siyang lalaking Hollywood star.
Chapter Thirteen: Sad and Happy Memories Rilley "SHOULD I SMILE at them?" Pinamay-awangan ko si Third. I am practicing him now. Kailangan niya ng lumabas at sumama sa dinner namin at sinabihan ko siyang magsorry sa Alpha Team. We've been practicing for almost an hour now. Hindi siya mukhang sincere sa pagpapractice namin kaya hindi ko na pinush, doon kasi kami tumagal, sa pagiging sincere niya sa mga salita niya pero least nagsorry siya 'diba? At least he tried kahit pilit. Saka malapit ng mag-dinner, maya maya lamang ay kakatok na si Kleyo, we don't have much tim
Chapter Twelve: I'm the Boss Rilley "THIS IS REALLY a bad news" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ni Dr. Sivillan. Kahit may air-conditioner naman ay todo ang pamamawis ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ako o gini-grill sa init. Nagkatinginan kaming mga Alpha Team at sabay sabay na napabuntong hininga. Sabay sabay din kaming napailing at napahilot sa sari-sariling sentido dahil sa stress. "What happened? Why did Alastair l
Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.
Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a