Chapter Three: His Trauma
Rilley
SOBRANG LAKAS NG tibok ng puso ko nang marinig na pinapapunta ako ni Mr. Alastair sa kwarto niya. Parang paulit-ulit itong sinisipa ng kabayo, kinakabahan ako.
Malala ang ADHD ni Mr. Alastair, malay ko bang nagalit siya dahil ang clumsy ko kaya papupuntahin niya ako sa kwarto niya para pagalitan.
Tahimik na dito sa living room at parang may dumaang isang libong anghel sa sobrang tahimik. Hindi sila nagsasalita at nakatitig lang sa akin, nag-aabang ng aking gagawin. Wala na si Mr. Alastair, tuluyan na siyang umalis matapos niya iyong sabihin.
Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Baka kasi pagpasok ko sa kwarto niya'y sumalubong sa akin ang isang itak. Pero siyempre, joke lang iyon.
"I think you better go hija, ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya" Parang tuod naman akong tumango. Mabagal akong naglakad papunta sa grand staircase.
Habang umaakyat ay may makikita kang malaking portrait na nakalagay sa pader. Sila ng mama niya. Naka formal suit siya at mukhang nasa 18 years old ito nang kinuhanan. Naka-upo si Ma'am Alisha sa upuan at nakatayo sa gilid niya si Mr. Alastair.
Nang maka-akyat na ako sa hagdan ay kumaliwa ako, hindi ko alam kung saan ang kwarto ni Mr. Alastair. Hindi ko naitanong, bahala na lang. Didiskubrehin ko na lang ng sarili ko.
Puti ang kulay ng buong mansion. Sa pasilyo ay may nadadaanan akong mamahaling paintings at ilang vase na nakadisplay. Para siyang isang exclusive na penthouse. Mas malaki nga lang ito at mas maganda.
Habang naglalakad ay may nakikita na akong pintuan na magkakalayo. Kulay beige ang kulay ng pinto, ito na siguro ang mga kwarto. Inisa-isa ko itong kinatok at bahagyang binuksan pero walang tao. Halos pare-parehas lang ang laki ng bawat kwartong nabuksan ko. Pare-parehas din itong may flat screen t.v. Pwede ka ng tumira sa kwarto mo at hindi na lumabas.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang double door na kulay black sa dulo ng pasilyo. Ito na ang dead end at base sa gara ng pinto, alam kong dito na ang kwarto ni Mr. Alastair.
Mabilis akong naglakad papalapit do'n. Iniwan ko nga pala ang mga gamit ko sa living room. Hindi ko pa alam kung saan ang magiging kwarto ko kaya iniwan ko muna do'n.
Nang makarating sa malaking double door ay agad akong kumatok.
"Mr. Alastair Wilson III?" Agad na bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang naka-half naked na si Mr. Alastair. Naka-boxer lang siya at bumubukol 'yung ano niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at bahagyang napalunok.
Ang lalaki ng bicep niya na parang kapag na niyakap ka ay madudurog ka. Ang lapad ng dibdib niya at may 8 pack abs! Kitang kita ko rin ng malinaw ang V-line niya! Dumadaus-os pa ang tubig mula sa kaniyang buhok na basa hanggang abs niya.
Muli akong napalunok at napa-iwas ng tingin. Ang init dito! Hooo!
"You're late" Malamig nitong sabi. Napa-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mata namin. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya pero sobrang gwapo parin niya.
"Sorry" Nag-iwas ako ng tingin. Mukhang kakalabas niya lang ng comfort room niya at kakatapos maligo. May nakasabit pa sa kaniyang balikat na puting tuwalyang may initial na ATW.
Binuksan niya ng maluwag ang pinto.
"I don't tolerate late comers but since it's your first day, I'm going to let it pass. There's a punishment for every wrong action, be late again and you'll have your first punishment. I don't give warnings so be responsible" Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Mas mukha pa siyang terror kaysa sa College professor ko noon!
Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya at pumasok sa isang pintuan, sa hula ko ay walk in closet niya iyon. Ako naman ay lalong napanganga nang makapasok sa kwarto niya. Kalahati na ata ng bahay namin ang kwarto niya sa laki!
Black and gray ang theme ng kwarto, may complete sala set, ang kaniyang couch ay kulay itim tapos ang cute no'ng center glass table niya dahil para itong aquarium! May maliliit na isda ang lumalangoy sa loob! Para akong mangyan na tinoktok ang glass table. Nagsigalawan naman ang mga isda na ikinamangha ko.
Maraming pasikot sikot sa kwarto niya. Ilan sa divider ng bawat sulok ay isang glass wall at isang mahabang gray grills. Yamanin na yamanin. Nag-ikot ikot ako dahil kailangan ko itong sauluhin.
May nakita akong isang pinto na kulay gray. Binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang office-like-library. May matataas na book shelves ang nakapalibot at ilang lalagyan ng mga documents. May mga lagayan din ng medals, diploma, trophies at pictures. May sariling sala set din pero kulay gray naman ito. Sa kisame ay may isang maliit chandelier. May parang platform sa gilid at doon nakalagay ang malaking table niya na kulay gray. Sa likod nito ay may makapal na gray curtain na tumatakip sa glass wall.
Lumabas na ako do'n at tiningnan 'yung bathroom niya. May Jacuzzi, shower area, hugasan ng kamay, toilet at madaming iba't ibang sabon. Sinunod kong pinasok ang bedroom niya. May king size bed na kulay black. May flat-screen t.v. na nakadikit sa pader at sa baba no'n ay may maliit na cabinet.
Ang sarap sa ilong ng manly scent ng kwarto niya.
Mayroon ding study stable sa gilid, may maliit na mga book shelves tapos may mini comfort room. May malaking chandelier at may veranda. Ilan ba ang sala set, library at c.r. niya dito?
May mga abstract na painting rin sa paligid at may cactus.
Lumabas na ako ng kwarto niya, ang hindi ko na lang napapasok ay 'yung walk in closet niya saka 'yung isa pang pinto na nasa katabi ng kwarto niya. Saktong pagdating ko sa living room ng kwarto niya ay nakaupo na siya sa couch at may folder na binabasa. Nakapangdekwatro ng pambabae at seryosong seryoso.
"Sit" Napangiwi ako. Ano ako aso? Hindi na ako nagreklamo at pumunta sa kaharap niyang couch at do'n umupo. "Since you're going to be my personal assistant, your room will be the extension of my room" Napatango tango ako. Baka 'yung hindi ko pa nakikitang room ang extension kuno ng room niya.
"I know you know my background. I'm not going to introduce myself, just call me in the way you would be comfortable" Napatango tango ako. Medyo nagtataka lang dahil sabi ni Ma'am Alisha ay hindi ito palasalita pero ang dami-daming sinasabi ngayon sa akin. Akala ko ba ay si Ma'am Alisha ang mag-o-orient sa amin?
Malamig ang pananalita at mukha paring masungit pero na-a-appreciate ko ang sinabi niyang pwede ko siyang tawagin sa kahit anong pangalan na gusto ko. Parang inalis na rin niya 'yung formality at parang sinabi na niya na pwede kaming maging casual sa isa't isa. Though 'yun naman talaga ang plano ko para hindi niya maramdamang may disorder siya at nurse niya ako.
"This is my schedule, list of my like and dislike, you can do and don'ts and my rules. Read it carefully and as much as possible, memorize it" Napatango tango ako at kinuha ang folder na kanina niyang binabasa na nilapag niya sa center table niyang parang aquarium.
"Yes boss–este Third" Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang 'Third'. It was supposed to be Alastair, pero nasabi ko na. Mukhang mas maganda naman pakinggan ang Third kaysa sa Alastair dahil kapangalan niya 'yung tatay niya.
I bet he hate his name dahil kapangalan niya ang nagpahirap sa kaniya.
I saw how his lips rose up pero sandali lang iyon. Baka nga namalikmata lang ako dahil hindi naman daw ito palangiti sabi ni Ma'am Alisha at halata naman.
"Go get your things and move them to your 2 months room. You can rest or go to the beach and make a tour for yourself to familiarize yourself with the place. I need you tomorrow so be ready" Napatango tango ulit ako. Tumayo na siya kaya tinuon ko ang atensiyon sa folder at binasa iyon.
"Did you already have breakfast?" Natigil ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya kanina at nanatiling nakatayo. He just stared at me with his blank expression. Bahagya akong napangiti dahil sa tanong nito. Hindi naman pala siya heartless and rude. Cold lang talaga siya. "Don't get me wrong, I just wanna ask you to get one for me. Don't imagine things" Agad naging ngiwi ang ngiti ko.
"I didn't imagine anything" Binaba ko ang folder sa lamesa at tumayo. "Ikukuha na kita. Anong gusto mo?"
"Anything" Sabi niya at umalis na. Pumasok siya sa kaniyang office. Napakamot naman ako sandali sa aking ulo bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ng grand staircase ay saka ko lang nakita na nag-aabang pala silang lahat sa akin. Lumapit agad sa akin si Ma'am Alisha.
"How are you? Are you okay? Did my son do anything bad to you?" Nahihiyang napakamot ako sa batok at binigyan ng matipid na ngiti.
"Ahh, wala naman po siyang ginawang masama. Okay lang po ako, ikukuha ko lang po siya ng pagkain" Agad na napakunot ang noo ni Ma'am Alisha.
"Kakakain lang niya 15 minutes ago"
"Ahh baka po nagutom ulit?" Hindi ko siguradong tanong. Napatango naman si Ma'am Alisha.
"Ako na ang kukuha, wait me here" Napatango ako at umupo sa couch kasama ang Alpha Team maliban lang kay Asia. Umalis na si Ma'am Alisha kasama si Dr. Sivillan.
"Sure kang walang ginawa sayo? Hindi ka sinigawan? Or anything?" Umiling ako sa tanong ni Leo habang tinitingnan ang bagahe ko.
"Wala nga, ang totoo niyan, mukha naman siyang mabait. Masungit at cold lang siya" Sabay sabay silang napa-irap.
"Mabait? Don't make me laugh Rills, binastos niya kami kanina. He's so rude" Sabi ni Harry. Nagtataka ko naman silang tiningnan.
"Bakit? Ano bang ginawa niya?"
"Habang nagpapakilala kami, nagse-cellphone siya. Tapos hindi man lang siya nagpakilala, binibigyan niya lang kami ng bored look tapos habang nagkumakain at nagkwe-kwentuhan binabara niya kami. Rude, ayoko na sa kaniya" Nakasimangot na sabi ni Paris.
"Intindihin niyo na lang" Nagkibit balikat lang sila. Nagkaroon pa kami ng ilang kwentuhan about sa condition at history ni Third.
Hindi nagtagal ay dumating na si Ma'am Alisha dala ang pagkain. Sinabi niyang siya na raw ang magdadala ng pagkain kay Third kaya nanatili lamang akong naka-upo dito habang nagkikipagkwentuhan kina Kleyo.
"Rilley, hija" Natigil kami sa pagtatawanan at sabay sabay na napalingon kay Ma'am Alisha. Bumaba siya ng hagdanan na hawak parin ang tray na may pagkain.
"Bakit po?" Lumapit siya at binigay sa akin tray. Tinaggap ko naman agad 'yun.
"Ikaw daw ang magdala dahil ikaw ang inutusan. That brat" Naiiling na sabi ni Ma'am Alisha. Napatango naman ako.
"Sige po, maiwan ko muna kayo" Akmang aalis na ako ng pigilan ako ni Kleyo.
"Samahan na kita Rill, dalhin ko na maleta mo. Saan ba ang kwarto mo?" Kinuha ni Kleyo ang maleta ko at lumapit sa akin.
"Ahh, sa kwarto ni Third" Sabay sabay silang napatingin sa akin. Gulat ang ekspresiyon na makikita sa kanilang mukha. Napakunot naman ang noo ko. May sinabi ba akong mali?
"Did I hear you hija? You called my son Third and you'll be staying in his room?" Inosente akong napatango kay Ma'am Alisha.
"Sa extension ng room niya daw po ako. And he said, I can call him whatever I want" Napatingin si Ma'am Alisha kay Dr. Sivillan kaya napatingin din ako kay Doc.
"That's a good sign" Sabi ni Doc. "You can go now, baka lumamig ang pagkain at magalit si Mr. Alastair" Tumango kaming parehas ni Kleyo at sabay na naglakad papunta sa kwarto ni Third.
"Hoy Rill, mag-ingat ingat ka kay Sir Alastair at baka manyak 'yan" Natawa ako ng bahagya at binatukan siya. Mabuti na lang at nasa pasilyo na kami, walang nakarinig ng sinabi nito.
"Sira ka! Mukha lang 'yung delikado pero hindi naman ata siya gano'n" Tinawanan niya lang ulit ako saka inakbayan hanggang sa makarating na kami sa double black door.
Agad kong kinatok ang pinto at agad naman itong bumukas. Sumalubong sa amin ang nakakunot nitong noo at mas lalo pang nangunot nang makitang kasama ko si Kleyo.
"Why are you here male nurse?" Napa-awang ang labi ko dahil sa arogante nitong tanong. Mukha pang wala ito sa mood. Napahigpit naman ang pagkakaakbay sa akin ni Kleyo, saglit itong tiningnan ni Third bago binalikan ng tingin si Kleyo.
"I'm here to help Rill with her luggage, patient" Muling napa-awang ang labi ko. Mabilis kong kinurot si Kleyo at binulungan.
"Watch your words Kle"
"Sorry" Bulong din nito pabalik.
"Are you two done flirting?" Napa-awang ulit ang labi ko dahil sa sinabi ni Third. Sabay kaming napalingon kay Third na blangko lang ang ekspresyon pero nag-e-emit na siya ng black aura. Mukhang tuluyan ng nawala sa mood. Naalala kong may nabasa ako sa dislike niya na ayaw daw niya ng nakikipaglandian kapag nasa trabaho.
Hindi naman ako nakikipaglandian ah!
"We're not flirting, we're just talking" Depensa ko. Nag-'Tch' lang siya at umirap. Kinuha niya sa kamay ni Kleyo ang bagahe ko at niluwagan ang pinto.
"Come in Villafuerte, and you male nurse, get lost" Mabilis akong napalingon kay Kleyo at binigyan niya ako ng I-told-you-hindi-siya-mabait-look.
Naka-akbay parin siya sa akin at hinila ako palapit sa kaniya saka hinalikan ang noo ko. It's just normal for us since magkasama na kami since college at magkaibigan na rin kami. Gano'n rin sila kina Eria, Asia at Paris. We're like sisters and brothers.
"I'll see you later baby Rill" Sabi niya, tumango lang ako at pinanood siyang umalis.
"Are you coming in or not?" Mabilis akong napalingon kay Third. Pumasok ako sa loob at halos mapatalon ako sa gulat nang isara niya ang pinto ng pabagsak.
Inihagis ni Third ang bagahe ko sa sahig na gumawa ng malakas na ingay. Kinuha niya ang tray sa kamay ko at tinapon kung saan at may nabasag pang babasagin na nakapagpatalon sakin sa gulat.
Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Third dahil sa gulat. Bahagya pa akong napa-atras dahil nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"Did you read the folder?" Kinakabahan akong tumango. "I don't like seeing some bitches and jerks flirting so don't do that again, do you understand?!" Dumagundong ang malakas at nakakakilabot niyang boses na mabilis kong ikinatango. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa gulat at takot.
Mas malala pa siya sa dati kong pasyente!
Habang nasa living room kanina ay nalaman kong nambabae pala ang tatay ni Third at nakita niya ito. Dahil do'n ay paulit ulit siyang binugbog ng tatay niya para hindi niya sabihin kay Ma'am Alisha ang nakita niya. That explain why he is angry.
Napasabunot siya sa buhok niya at napasigaw ng malakas. Hindi naman ako makagalaw sa gulat at pinanood lang si Third na magbasag ng mga gamit. Napa-upo siya sa sahig at bigla na lamang sumuksok sa itim na couch.
Nabahag naman ako nang makita ang takot sa mukha niya. Mahina pa siyang bumubulong ng 'No dad please, no'
"T-Third?"
"No please, don't come near me, Dad. Ayoko na po. Ayoko na po" Nataranta na ako nang makitang lumuluha na si Third.
Shit! Kasalanan ko ito! Hindi niya pwedeng makita o maalala ang isang parehong sitwasyon niya dati para hindi siya mawala sa sarili!
Mabilis akong lumapit kay Third at lumuhod sa harap nitong panay ang siksik sa couch niya.
"No, don't hurt me please. Papa masakit po, masakit po" Parang bata nitong sabi at nagpatuloy ang pag-agos ng luha nito. Parang gusto ko narin tuloy umiyak dahil sa nakikita. Grabeng sobrang trauma ang dinanas niya.
"Third, third it's me. I'm sorry hindi na mauulit" Hinawakan ko sa pisngi si Third at pinilit na ipaharap sa akin ang mukha na nagawa ko naman. Nang magtama ang mata namin ay kitang kita ko sa mata ang takot at sakit niya.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya at paulit ulit na hinalikan ang noo niya. Ganito ang ginagawa sa akin ni Mama dati kapag may masama akong napapanaginipan.
Effective naman dahil agad siyang tumahan at tumitig sa akin na parang bata.
"Sorry na ha? Sorry na Third. Hindi ko na uulitin, hindi ko alam na magkakaganiyan ka. I'm sorry, 'wag ka ng umiyak ha?"
"Y-You won't hurt me anymore?" Parang bata nitong sabi at napatango tango ako.
"Yes, I won't hurt you just please don't cry okay?" Tumango tango siya na parang bata at ngumiti ng malapad. Para namang nahulog ang puso ko dahil sa ngiting iyon.
"Promise me, you won't do that again" Biglang nagseryoso ang boses niya na ikinatanggal ng kamay ko sa pisnge niya. Para siyang sinasaniban ng demonyo. "You won't flirt with anyone again dad, okay?" Mabilis naman akong napatango.
Tingin niya sa akin ngayon ay papa niya.
"Yes, I won't flirt with anyone" Ang seryoso niyang mukha ay biglang nawala at ngumiti sa akin ng malapad.
"Dad, I want to sleep" Nakanguso nitong sabi na ikina-awang ng labi ko. His eyes are in bloodshot, his cheeks and nose are red! He's so cute! Pinigilan ko ang sarili kong pisilin ang pisngi nito at inalalayan siyang tumayo.
"Okay, tara na sa kwarto mo."
"Buhat" Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
Tangina bubuhatin ko siya e mas malaki pa siya sa akin?!
What the hell!?
Napakamot ako sa ulo ko.
Jusme naman!
"Ha? E ang bigat bigat mo na eh!" Ngumuso siya at aktong iiyak ulit kaya napahilamos ako sa mukha ko.
Punyeta! Unang araw ko pa lang ganito na? Paano sa susunod na araw?!
"Oh! 'wag kang iiyak! Damuho ka na kaya maglakad ka"
"Will you sleep beside me like we use to do?" Napatango na lang ako para magtigil siya. Inalalayan ko siyang tumayo at pinilit iniwasan ang mga basag na gamit saka kami pumasok sa kwarto niya.
Inihiga ko siya at kinumutan ng comforter. Napatingin ako sa wall clock at nakitang 8 AM pa lang tapos matutulog daw. Pambihira!
"Come here daddy!" Tuwang tuwa niyang sabi habang itinuturo niya ang tabi niya. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat sa kama saka siya tinabihan.
Agad siyang yumakap sa akin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko na ikinabato ko. Like hell?! Kung hindi lang ito inaatake ng sakit niya ay ibabalibag ko na ito!
Malalim akong napabuntong hininga at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko at tinapik tapik ang likod niya para makatulog agad. Nag-hum ako ng kanta at lalo pa siyang nagsumiksik sa leeg ko at niyakap ako. Lumayo naman ako ng kaunti dahil nakikiliti ako pero humabol lang ito.
"Hmmm... you smell so sweet" Malambing nitong sabi, tumama ang hininga niya sa leeg ko at naramdaman ko ang pag-amoy niya sa leeg ko. Natigil ako sa pag-hu-hum at pagtapik ng likod niya. Para akong kinuryente nang libo libong boltahe ng tumama ang ilong niya sa leeg ko at kinalibutan.
Bigla siyang natigil sa pagsinghot at nag-angat ng tingin sa akin. Halos maduling naman ako dahil halos 2 inch na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
"You're not my father" Seryosong seryoso nitong sabi sa akin at pinakatitigan ako sa mata na para bang kinikilatis ang buo kong pagkatao kasama ang kaluluwa ko. Hindi ako makahinga.
Para namang nagsink in sa kaniya ang nangyari at bumalik siya sa wisyo niya. Ang mga mata niyang blangko ay muling bumalik.
"Villafuerte"
—Dem Taint
Chapter Four: Rain Rilley IT'S 4 AM in the morning and it is my first day working with Alpha Team here in Wilson's private beach. This is also my first day being Third's personal assistant slash personal nurse. Sa ngayon, hula ko'y tulog pa silang lahat lalo na ang Alpha Team dahil napagod kami kahapon sa pag-iikot dito. Ang dami dami kasing pasikot sikot, halos hindi ko na nga rin matandaan ang iba e. Na-orient na din kami kahapon ni Ma'am Alisha. Nagbigay siya
Chapter Five: Stress DanceRilleyDAHAN DAHAN KONG ibinalot ang gasa sa aking binti at nang matapos ay mabilis ko itong ibinuhol. Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Third. Nginitian ko ito pero inismiran lang ako nito.Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Kinuha ko ang first aid kit at ang swivel chair sa study area niya saka hinila papunta sa harap niya at doon umupo."Turn mo na, talikod ka" Sumenyas pa akong tumalikod
Chapter Six: Bulol Rilley "GO GET ME food Villafuerte" Malamig na utos ni Third. Busy ito sa kaniyang pagla-laptop. Tinatapos na niya ang trabaho na iniuwi niya dahil sinabi ko kay Ma'am Alisha na bawal ang trabaho sa kaniya ng two months. He should be taking a break. Hindi rin siya makakapag-focus at mauuwi lang sa wala ang mga efforts namin kung lagi siyang tutok at stress sa trabaho niya. Buti na lamang at pumayag siya kay Ma'am Alisha, dinig na dini
Chapter Seven: Eloise Rilley "RISE AND SHINE Thir—ay sorry po!" Mabilis kong nilagay ang mga palad ko sa mukha ko para hindi makita si Third na naka-boxer lang habang proud na proud na nakahiga na parang hari sa kaniyang king size bed. Bahagya akong namula nang mahagip ng mata ko ang umbok. Parang tumatak sa isipan ko 'yung pwesto ni Third sa kaniyang kama kahit nakatalikod na ako sa kaniya. He seems like he's having a beautiful dream d
Chapter Eight: Third Rilley Year 2014, 3rd year college 10:30 A.M. "MS. VILLAFUERTE PUT these folders on my desk in my office please" Napakamot ako sa noo ko. Doc bakit kailangang ako? Pwede naman si Klaire total bida bida naman 'yun. "Villafuerte daw. Rilley kilos kilos naman aba! Tatam
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a
Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.
Chapter Seventeen: Iniirog (PART ONE) Rilley AS HOUR PASSED by, Third is getting weirder for me, though Alpha Team doesn’t seem to notice it because they we’re blinded by his sudden change of mood. Or I was overthinking again? Nope, I wasn’t because from the very beginning, weird na talaga siya para sa akin. He is moody, yes, pero napasobra naman ata ngayon. Sa hitsura niya kasi ay masayang masaya siya. Ngayon lang namin siyang nakitang ganito. Hindi man siya ngumingiti’y kitang kita naman iyon sa kislap ng mata niya. Binati niya pa lahat ng Alpha Team, si Eloi at Ivan. Kahit mali mali ang nasabi niyang pangalan ay hindi na sila nagreklamo dahil ngayon lang ito bumati sa kanila. “Germany ka na pala ngayon Paris!” Tumawa ng tumawa si Leonel. Inaasar ni
Chapter Sixteen: MeaningRilleyTHIRD IS BEING unreasonable again.Kasi no'ng sinundan ko siya sa parking lot at natapos na ang pag-uusap nila ni Eloi ay hindi niya ako pinansin at nilampasan lamang kahit na tinawag ko siya."He is probably in a bad mood babe, hayaan mo na" Inakbayan ako ni Eloi at nilapit ng sobra ang bibig niya sa tainga ko at inamoy ako doon. Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang ginawa at agad siyang itinulak.
Chapter Fifteen: Drunk Rilley "I'M SORRY KLEYO. I've been busy these days that I couldn't check how you feel about Paris. I thought everything is okay between the two of you. I still notice how the two of you cared for each other and I just shrug it off." I heaved a heavy sigh. "I'm sorry that I didn't see your pain" Kleyo just laughed at me. "Wala ka namang kasalanan Rilley. Labas ka naman sa pinasok ko. Saka naiintindihan ko naman na lagi kang busy, lahat naman tayo busy e. Wala naman iyon pati sa akin." Nagkibit balikat siya saka uminom ng beer.
Chapter Fourteen: Friend Rilley ITINIGIL KO ANG aking sasakyan sa tapat ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng airport. Sa kaniyang magkabilang gilid ay dala niya ang kaniyang dalawang maleta na kulay pink. Nakasuot siya ng pink V-Neck T-Shirt at jeans and a pink rubber shoes din. Nakashades pa ito. Aakalain mo talaga siyang lalaki dahil sa kaniyang tikas ng tayo at sa gwapong mukha. Kung hindi lang siya naka-overall pink, mapapagkamalan ko siyang lalaking Hollywood star.
Chapter Thirteen: Sad and Happy Memories Rilley "SHOULD I SMILE at them?" Pinamay-awangan ko si Third. I am practicing him now. Kailangan niya ng lumabas at sumama sa dinner namin at sinabihan ko siyang magsorry sa Alpha Team. We've been practicing for almost an hour now. Hindi siya mukhang sincere sa pagpapractice namin kaya hindi ko na pinush, doon kasi kami tumagal, sa pagiging sincere niya sa mga salita niya pero least nagsorry siya 'diba? At least he tried kahit pilit. Saka malapit ng mag-dinner, maya maya lamang ay kakatok na si Kleyo, we don't have much tim
Chapter Twelve: I'm the Boss Rilley "THIS IS REALLY a bad news" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ni Dr. Sivillan. Kahit may air-conditioner naman ay todo ang pamamawis ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ako o gini-grill sa init. Nagkatinginan kaming mga Alpha Team at sabay sabay na napabuntong hininga. Sabay sabay din kaming napailing at napahilot sa sari-sariling sentido dahil sa stress. "What happened? Why did Alastair l
Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.
Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a