Chapter Four: Rain
Rilley
IT'S 4 AM in the morning and it is my first day working with Alpha Team here in Wilson's private beach. This is also my first day being Third's personal assistant slash personal nurse.
Sa ngayon, hula ko'y tulog pa silang lahat lalo na ang Alpha Team dahil napagod kami kahapon sa pag-iikot dito. Ang dami dami kasing pasikot sikot, halos hindi ko na nga rin matandaan ang iba e.
Na-orient na din kami kahapon ni Ma'am Alisha. Nagbigay siya ng ilan pang mga impormasyon tungkol sa ugali, buhay at mga gusto at ayaw ni Third.
Nalaman na rin nila ang nangyaring pagti-trigger sa trauma ni Third. Kaya nagpaalala si Ma'am Alisha na hangga't maari ay huwag ipapakita kay Third ang mga pwedeng magtrigger ng trauma nito dahil nawawala siya sa sarili.
Kaya pala siya naging isip bata at papalit palit ng emosyon ay dahil dito. Mas malala pa nga ang trauma niya kaysa sa ADHD niya. Ngayon, dalawa na ang problema namin. Ang trauma ni Third at ang ADHD nito. At dapat, within two months ay maging stable ang lagay nito. Sana lang ay kayanin namin.
Lumabas na ako ng banyo na nagdudugtong sa kwarto namin ni Third. Two way room pala ang mini comfort room ni Third, kahapon ko lang rin nalaman nang makapasok ako sa magiging kwarto ko.
Pagsara ko ng pintuan ng c.r ay agad kong kinuha ang elastic band sa mini cabinet na katabi ng kama ko at ipinuyod ang mahaba kong buhok sa isang malinis na bun. Sinuot ko na ang black sneakers ko at kinuha ang cellphone, good morning towel, tumbler at si little tres.
Si little tres ay isang bilugang sisiw na kasing laki at bigat ng isang cellphone. Kulay dilaw ito at malambot, binigay sa akin ni Ma'am Alisha kahapon. Binigyan niya din si Third ng kulay dilaw na parang USB na may button.
Kapag pinindot ni Third ang button ay kakanta ang nakarecord na boses kay Little Tres. Ang cute nga ni Little Tres e, pwedeng gawing keychain tapos ang lambot lambot pa.
May charger ito dahil nalo-lowbatt din siya. Kaya kagabi ay chinarge ko ito, pinaglaruan ko kasi. Hiniram ko kay Third ang button at paulit ulit itong pinindot kaya panay ang huni ni Little Tres, tawa tuloy ako ng tawa kasi ang cute.
"Villafuerte" Natigil ako sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ko nang magsalita si Little Tres. Pinalitan ni Third ng boses si Little Tres at ang inilagay ay sa kaniya. Hindi tuloy bagay dahil ang cute ni Little Tres tapos ang tunog niya ay ang baritonong boses ni Third.
"Villafuerte" Sabi ulit ni Little Tres at umiilaw ilaw pa. So cute.
"Villafuerte!" Napapitlag ako sa gulat at muntikan pang mabitawan ang lahat ng dala ko nang marinig ko ang sigaw ni Third mula sa kaniyang kwarto.
Nataranta na ako at dali daling pumunta sa c.r. na nagkokonekta sa room namin. Binuksan ko pa ulit ang isang pintuan at nasa kwarto na niya ako. Muntik pa akong madapa dahil sa pagkataranta, buti na lang at nabalanse ko ang sarili ko.
"How many times do I have to push this button for you to be here?!" Pasigaw nitong tanong na ikinapitlag ko. Nasa study table niya siya, naka-upo sa swivel chair at magkasalubong na magkasalubong ang kilay. Napayuko naman akong lumapit sa kaniya.
"Sorry na. 'Wag ka naman agad sumigaw. Ke aga aga high blood ka agad. Kalma okay? Relax ka lang magjudge ka muna~" Hinampas niya ng malakas ang study table niya na ikinapitlag ko ulit. Nanlaki pa ang mata ko sa gulat.
"Do you think I'm joking? Stop saying nonsense and f*cking get the damn mail in the f*cking mailbox!" Sigaw ulit nito.
Ito na nga ba ang sinasabing problema niya sa anger management niya. Pinapakalma lang galit na agad. Napakamot ako sa ulo ko at tumango.
"Kukunin ko na, sorry na. 'Wag ka ng sumigaw, saka ipag-utos mo ng maayos. Try to calm down will you? Kitang kita ko na ang mga litid mo oh! Breathe!" Mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.
Kinuha niya ang ballpen sa study table niya, nanlaki naman ang mata ko dahil baka ibato niya sa akin iyon kaya agad kong inihara ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Akmang ibabato na nga niya sa akin ang ballpen nang matigilan siya.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napa-ayos ako ng tayo. Ibinaba ko na ang kamay ko dahil mukhang wala na siyang balak na batuhin ako.
"Why are you wearing that?" Napatingin na din ako sa suot ko. Naka-sports bra ako at leggings saka sneakers na black. Nakasampay sa balikat ko ang good morning towel at hawak hawak ko sa kaliwang kamay ko ang tumbler tapos sa kanan naman ay si Little Tres at ang cellphone ko.
"Mag-g-gym ako, gusto mong sumama? Sabay na tayo para din mawala ang init ng ulo mo" Nakangiti kong sabi. Inirapan naman niya ako at ibinaba na ang ballpen na ipapambato sana niya sa akin.
Hindi naman siya sadista e 'no? Please note the sarcasm.
Kahapon pa siyang ganiyan, kapag hindi agad nagagawa ang ini-uutos niya ay mambabato siya.
No'ng magkatabi kami sa kama niya, no'ng bigla matrigger ang trauma niya at mabalik sa katinuan matapos maging isip bata ay bigla na lang niya akong itinulak ng malakas kaya napasubsob ako sa sahig. Sinigawan pa ako na kailangan daw niya ng tubig. Tapos no'ng hindi agad ako nakatayo dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko ay binato ako ng malaking unan!
Napakasama ng ugali!
Daig pa ang 5 years old na spoiled brat!
Buti na lang at nakapagtimpi ako kahapon.
Binabawi ko na ang sinabi kong mabait siya.
"I don't go to gym" Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Paano siya hindi pumupunta ng gym e ang sexy sexy niya? Ang lalaki ng braso tapos kompleto pa ang abs. Ano 'yon inborn? Kalokohan!
"Ngayon, pupunta ka na! Mag-exercise lang tayo saglit tapos balik naman agad sa kwarto mo. Pampatanggal stress nadin at para maging productive ang araw mo!" Hyper kong sabi.
"I said no" Malamig nitong sabi at humarap sa kaniyang study table. Nagsimula na siyang magtipa sa laptop na nando'n. Napabuntong hininga na lang ako at ibinaba ang mga hawak ko sa couch saka lumapit sa kaniya.
Tinggal ko ang salamin sa mata niya at isinabit ko sa sports bra ko tapos 'yung laptop niya ay sinara ko ng walang pasabi.
"What the f*ck?!" Agad niya akong binalingan ng napakasamang tingin. Nginitian ko lang siya at lumayo ng konti dahil baka maibalibag ako nito.
"I don't take 'no' answers" Ang madilim niyang mukha ay mas lalong dumilim at pakiramdam ko'y naglalabas na siya ng maitim na enerhiya.
"Get out" Malamig at may pagbabanta niyang sabi. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko.
"No, no, no and no. Kailangan mong magpahinga dahil kahapon ka pang panay laptop. Dapat malayo ka sa trabaho. Ipaco-confiscate ko mamaya lahat ng gadget mo maliban lang sa cellphone para makapagpahinga ka"
"And who are you to do that?" Hindi ko pinansin ang mga nanlilisik niyang mata. Kahit nakakatakot siyang tingnan ay ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Sanay naman na ako sa ganiyang uri ng tingin mula sa past patient ko.
"I am your nurse and personal assistant. Kung gusto mong gumaling, kailangan makipag-cooperate ka sa akin—sa amin" Inis niyang ginulo ang buhok niya.
"Tch! Okay! Just get out and do what I tell you to do!" Frustrated niyang sabi na mahina akong ikinatawa kaya binalingan niya ako ng napakasamang tingin.
"Sige sig—Teka! Ano bang pinapagawa mo sa akin?" Naglitawan ang mga ugat niya sa sentido at leeg tapos ang kaniyang kamay ay lalong naging ugatan dahil sa panggigigil.
"THE MAIL!!" Gigil na gigil niyang sabi at pumadyak pa. Napakagat na lang ako ng ibaba kong labi para maiwasan ang matawa. Pangbawi ko lang ito sa ginawa niyang pagtulak sa akin kahapon ano!
Siya na nga itong tinabihan para patulugin, niyakap na ako at lahat tapos itutulak pa ako! Aba! Hindi tama iyon! Don't ever mess with me dahil siguradong babawian kita.
"Ahh oo! Ang MAIL" Binigyan diin ko pa ang salitang 'Mail' para inisin ito lalo. "Kukuhanin ko na, dapat pagbalik ko ready ka na rin for exercise okay?" Halip na sumagot ay inirapan niya lang ako. Napailing iling na lang ako.
Inalis ko na ang pagkakasabit ng salamin niya sa sports bra ko at binigay sa kaniya. Kumuha siya ng maliit na panyo tapos 'yon ang pinangkuha sa salaming inabot ko saka itinapon sa trash can. Napangiwi ako sa kaartehan ng lalaking ito. O lalaki ba talaga ito? Ang arte e!
"You are the living bacteria Villafuerte, don't give me that look" Lalo akong napangiwi. Ako? Bacteria? Si Rilley Villafuerte na caring ang loving psychiatric nurse ng Life Intel isang bacteria? Natawa ako ng mahina, masyado siyang patawa.
"Kung ako nga ay isang nabubuhay na bacteria, sigurado akong good bacteria ako. Good for health, hindi katulad mo. Sperm!"
"Girls love sperm" Napanganga ako sa sinabi niya.
What the fuck? Kadiri!
"Ewww, ang mahal po naman is 'yung nabubuong baby not the sperm it self"
"If you don't have sperm, you can't have a baby. And if you do love the baby, then you love the sperm too since baby is made by sperm"Napa-irap ako sa sinabi niya. Pinamay-awangan ko siya.
"Excuse me? Baka nakakalimutan mong paghindi ipinasok at ipinutok sa loob e hindi rin magkaka-baby. At paano makakagawa ng baby kung walang papasukang eggcell ang sperm cell aber?" Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi nito. Pakiramdam ko'y namula ako dahil sa sinabi ko. Masyadong vulgar. Bakit ko ba sinabi 'yon? Bakit ba kami napunta sa gano'ng usapan?!
Tumalikod ako sa kaniya para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya, dapat in-english ko na lang para may sosyal. "K-kukuhanin ko na 'y-yung mail!"
Nagmadali akong pumunta sa pintuan niya at lalabas na sana nang tawagin niya ako.
"Villafuerte"
"Oh?" Paglingon ko, isang bumubulusok na puting bagay ang tumama sa mukha ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse sa sobrang lakas ng impact, buti na lang at nakahawak ako sa doorknob.
"Aray ha!" Reklamo ko at saka pinulot ang puting bagay na'yon. Binuklat ko ito at nakitang ito ang kaniyang white t-shirt na suot. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakahubad baro na ito. "Anong gagawin ko dito?"
"You're going outside, wear it dumbass" Napa-'o' shape ang labi ko at maya maya'y napangiti. Bigla namang may sumalpok sa noo ko kaya napahawak ako dito.
"Aray!" Tiningnan ko ang bagay na tumama sa noo ko at nakitang ballpen ito ni Third. Binalingan ko ng masamang tingin si Third na blangko lang na nakatingin sa akin.
"Don't imagine things and get out" Napangiwi ako.
Don't imagine things? Hindi naman ako nag-i-imagine ah?
Nagkibit balikat na lang ako at agad sinuot ang White T-shirt niya na umabot hanggang ilalim ng pwet ko. Tumingin ako kay Third na nakatingin din sa akin.
"Happy?" Inirapan niya ako.
"Get lost" Napa-iling iling na lang ako at agad na lumabas ng kwarto niya.
SOBRANG TAHIMIK NG pasilyo, halatang tulog pa nga ang Alpha Team maliban sa akin.
Ilang minutong lakaran lang ay agad na akong nakalabas ng mansyon. Agad akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin lalo pa at malapit lang kami sa dagat. Buti na lang at pinasuot ni Third sa akin ang T-Shirt niya.
Napatingin ako sa langit. Makulimlim, mukhang uulan.
Nang makarating sa gate ng resort ay agad akong pumunta sa mailbox at kinuha ang sulat. Tiningnan ko kung kanino galing, HOPE ang nakalagay na pangalan. Ang address ay sa England.
Nice, may ka-penpal pala itong si Third. Mayaman siguro dahil galing pang England. Pero pwede namang tawagan o kaya magchat na lang sila sa social media accounts nila, bakit kailangan pa sa sulat? Nagkibit balikat na lang ako.
Trip nila 'to e, bayae na lang.
Naglakad na ako pabalik sa mansyon, pagkarating ko sa kwarto ni Third ay wala na siya. Naiwan lang ang mga gamit ko do'n sa couch. Hinanap ko siya sa walk in closet niya saka sa office niya pero wala.
"Baka inunahan na akong mag-gym" Kausap ko sa sarili ko. Inilapag ko na lamang ang sulat sa tabi ng laptop niyang nakasarado sa ibabaw study table niya saka kinuha ang cellphone, tumbler, good morning towel at si Little Tres.
Lumabas na ako ng kwarto at agad tinungo ang third floor ng mansyon.
Kahapon, no'ng tinour kami ni Manang Ester, dumaan at pumasok kami sa third floor. May gym room dito at kumpleto sila sa gamit. Meron ding game room kung saan nando'n ang iba't ibang klaseng computer, bilyaran at machine na pwedeng laruin tapos marami pang iba. Ang saya ditong tumira.
Pagpasok ko sa gym, sumalubong sa akin ang maraming kagamitan sa gym. Nakahanay sila sa tabi at gitna ng maayos. Glass ang wall ng gym kaya siguradong kitang kita mula dito ang dagat sa labas. May kurtina itong kulay gray na naka-ipon sa magkabilang gilid.
May nakahanay na upuang kulay blue sa tabi kaya do'n ko muna inilagay ang mga gamit ko.
Naglakad ako papunta sa treadmill at nag-stretching muna bago binuhay ang makina at nagsimulang tumakbo.
"Ugh! Ahh! Ugh! Ahh!" Bahagya akong bumagal sa pagtakbo at lumingon kung saan nanggagaling ang ungol. Do'n ko nakita si Third na nasa Chest press machine. Naka-fitted black sando ito at black short tapos naka sneakers black din.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
After 20 minutes, lumipat ako ng leg adduction machine. Umupo ako at inayos ang mga hita ko saka pinagbukas at sara ito habang tumataas baba ang bakal sa likod. Maya maya'y napagod na ako kaya umalis na ako do'n at kinuha ang jumping rope.
*KRUUUUUUUUG!
Bahagya akong napatigil sa pagtalon nang biglang kumulog ng malakas. Napatingin ako sa glass wall at kita kong sobrang dilim na sa labas. Uulan nga. Nagpatuloy ako sa pagja-jumping rope hanggang sa biglang gumuhit ang kidlat sa langit.
*CLAAAAAAASHP!
Napapitlag ako sa sobrang liwanag ng kidlat. Mabilis kong binalik ang jumping rope sa lalagyan nito. Isasara ko na sana ang kurtina para takpan ang glass wall nang bigla akong nakarinig ng kalabog.
*BLAAAAAAAAAG!
Mabilis akong lumingon sa paligid para tingnan kung saan nanggaling ang kalabog kaso wala akong nakita, mag-isa na lang ako dito sa area ng mga fixed weight dumbbell.
*BLAAAAAAAAAG!
Bumuhos ng malakas ang ulan, ang kalabog ay lumakas ng lumakas na para bang may nagwawala. Biglang pumasok sa isip ko ang kasama kong mag-gym. Nasaan na si Third?
Nataranta ako bigla.
"Third?!" Napasigaw na ako sa taranta. Alam kong siya iyon! Baka inaatake na naman siya ng Trauma niya!
Shit!
Mabilis akong tumakbo at inikot ang buong gym kaso hindi ko siya makita.
Nasaan na ba 'yon?
"Thir—"
*BLAAAAAAAAAG!
Napapitlag ako sa sobrang lakas ng kalabog na nadinig ko. Mabilis akong napalingon sa likod kong may pintuan. 'Yon na lang ang hindi ko nabubuksan. Ang boxing room.
Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo at agad binuksan ang pintuan.
"Third?!" Sumalubong sa akin ang madilim na silid. Kinapa-kapa ko ang paligid at nadapa pa ako pero mabilis naman akong tumayo kahit na merong masakit at makirot sa pakiramdam sa binti. May tumusok sa binti ko. Ang hapdi.
Kinapa kapa ko ang binti ko at do'n ko nahawakan ang malaki-laki tapos patusok na bagay. Hula ko'y nabasag na gamit dito ang napatusok sa'kin. Napangiwi ako sa sakit. Ramdam ko ang hapdi at ang likido na tumutulo doon.
"ARGH!" Rinig kong nahihirapang sigaw ni Third kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko na muna ininda ang sakit ng binti ko at ipinagsawalang bahala muna dahil mas importante si Third. Baka kung anong nangyayari na sa kaniya.
"Third?! Where are you?" Panay ang kapa ko sa pader para mahanap ang switch at kasabay no'n ang malakas na kalabog at sigaw. Sigaw na parang nahihirapan.
"Thir—" Natigil ako sa pagbigkas ng pangalan ni Third nang may makapa akong switch, agad ko iyong binuksan at sumalubong sa akin ang makalat na boxing room.
May ring sa gitna, may nakakalat na gloves at 'yung sando ni Third at sapatos. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang ang mga punching bag ay nagkalat sa sahig at hindi na nakasabit. May kalas kalas ding Weight Dumbbell, ang mga bilog ng dumbbell ay nagkalat sa kung saan. Marami ring nabasag na hindi ko alam kung ano.
"ARGHHHH! NO! STOOOP!" Tila nakalimutan ko ang masakit kong binti at mabilis na tumakbo papunta sa isa pang pintuan. Pagbukas ko noon ay sumalubog sa akin ang malaking basag ng salamin ng C.R. Nagkalat ang mga bubog at mga sabon, bukaskas ang mga gripo at lumalagaslas na ang tubig pero hindi ko iyon pinansin.
Anong nangyari? Nagwala ba siya? Bakit?
"Third? Si Villafuerte ito! Where are you?" Isa isa kong binuksan ang shower room at cubicle dahil baka nando'n siya pero wala, hindi ko siya nakita. Pero alam ko talagang dito ko narinig ang sigaw niya e.
Ito na lang ang last na pintuan, wala ng iba. Wala na siyang mapupuntahan. Nasaan na iyon? Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration. Rinig na rinig ko parin ang malakas na ulan sa labas at ang patuloy na pagkidlat at pagkulog.
Nahampas ko ang sink ng washing area.
Nasaan na'yon?
Imposible namang naging invisible siya?
Dito ko narinig 'yung sigaw niya!
Biglang nahagip ng mata ko ang mga cabinet. Napailing ako. No, hindi naman siya kasya do'n. Pero para makasigurado ako, isa-isa ko itong binuksan.
Nang makarating ako sa dulo ng cabinet ay may narinig akong mahinang pagsinghap. Nanlaki ang mata ko at agad binuksan ang panghuling cabinet at parang dinurog ang puso ko sa nakita.
Si Third, pinagkasya niya ang sarili niya sa maliit na cabinet na halos kasing laki lamang ng isang washing machine na mataba. Wala siyang damit pang itaas at siksik na siksik siya do'n. Kitang kita ko pa ang paglandas ng luha sa mata niya at ang takot.
Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat, parang gusto kong maiyak dahil sa hitsura niya. Nakaka-awa siya.
"D-Dad I'm tired, I'm tired" Humihikbi nitong saad. Napaluhod naman ako para magkapantay kami habang nasa loob pa siya ng cabinet. Hinawakan ko siya sa kamay niya pero agad niya iyong itinaboy.
"Third hindi kita sasaktan, ako 'to! Si Villafuerte! Si Rilley Villafuerte!" Tiningnan lang ako nito ng may takot sa mata. Umusog pa ako papalapit sa kaniya at pilit siyang pinalabas sa cabinet kaso, nagmatigas siya.
"Go away, please. Don't hurt me; I'm t-tired daddy. I-I'm tired" Naiyak na ako sa sitwasyon niya. Madali akong mahabag, napakababaw ng luha ko at sobrang nakaka-awa siya ngayon. Hindi ko makaya ang nakikita ko ngayon.
Grabe talaga ang dinanas niya, hindi mo aakalain na ang anak ng CEO ng Leaf na mukhang walang paki-alam sa mundo ay may masasaklap na nakaraan.
Napatigil siya sa pagtaboy sa akin nang makita akong umiiyak habang nakatingin sa kaniya. Mabilis ko namang pinahid ang luha ko at ngumiti sa kaniya.
"Third, uwi na tayo? Gusto mo bang matulog? Tara sa kwarto mo?" Tinitigan niya ako ng matagal bago nagsalita.
"H-Hope?" Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
Sino si Hope? 'Yon ba 'yung kasulatan niya? 'Yung taga-England?
Hindi ko na iyon inintindi at mabilis na tumango. Magpapanggap muna akong si Hope para mailabas ko siya. Baka kasi siya mabalian.
"Yes ako si Hope, labas ka na diyan please" Nagliwanag ang mukha niya at dali daling lumabas ng cabinet, tinulungan ko naman siya. Nang makalabas sa cabinet ay napatitig ako sa katawan niyang may mga galos. May konting bahid pa ng dugo at bubog sa katawan niya.
"Hope is here now, I'm safe" Pinunasan niya ang kaniyang pisnge at matamis na ngumiti sa akin. Para namang nahulog ang puso ko sa ngiting iyon. He thinks that he's safe with Hope?
Sino ba si Hope?
Kaibigan niya ba'yon? Bahagya akong napailing, ang sabi ni Ma'am Alisha, walang kahit isang kaibigan si Third dahil sa ugali nito. Baka girlfriend?
Inaya ko na siyang lumabas at gagamutin ko pa ang kaniyang sugat. Parang bata naman siyang tumango pero nang lumabas na kami sa boxing room ay biglang nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa glass wall kaya napatingin narin ako do'n.
Nangunot ang noo ko nang makitang wala namang kahit ano, langit na sobrang makulimlim lamang dahil nga't umuulan ng malakas.
Biglang nanginig ang kaniyang kamay at parang nakakita ng multo. He look at me with a horrified expression.
Naguluhan ako sa ikinikilos niya at magsasalita na sana nang bigla niya akong hilahin, bumalik kami sa c.r. pero this time ay pumasok kami sa isang shower room.
Isinandal niya ako sa pader at nilapat ang kaniyang hintuturo sa akin labi at nag-'Shhh' sa akin na parang bata. Tumango tango naman ako at hindi nag-ingay kahit na naguguluhan na ako. Inalis din niya ang kaniyang hintuturo sa labi ko at hindi mapakaling sumisilip sa pintuan.
Parehas na kaming nababasa ng tubig ngayon dahil bukas ang shower, hindi ko naman masarado dahil sira na ito at malayang nakakalabas ang tubig. Nagkukulay pula na din ang tiles dahil sa mga sugat namin.
"Third, ano bang—" Nanlaki ang mata ko at hindi natapos sa pagsasalita nang bigla niya akong isinandal sa pader at tinakpan ang bibig ko.
"I said shhh! Don't make noise Hope, baka mahuli tayo ni daddy!" Taranta niyang sabi. "I don't want him to hurt you too. So just shut up okay?" Parang bata niyang sabi, napatango naman ako ng mabagal. Inalis niya rin ang kamay niya sa bibig ko at sumilip sa labas habang ako'y pinagmamasdan lang ang ginagawa niya.
Sa pag-oobserba ko kahapon no'ng matrigger ang trauma niya at ngayon, nagwawala muna siya bago maging isip bata. At ngayong nag-iisip bata siya'y alam kong wala na naman siya sa sarili niya.
Anong gagawin ko para mabalik siya sa katinuan?
"Oh my god what happened here?"
"Rills and Sir Alastair is not in their room"
"Search the area and find them, mag-ingat kayo sa mga bubog"
Napahinga ako ng maluwag matapos marinig ang boses nina Eria, Harry at Kleyo. Si Third naman ay nataranta na at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit at sumiksik kami sa dulo ng shower room. Agad akong nagpumiglas.
"Stop moving Hope! It's better this way! I will protect you from daddy, he's here na!" Hindi parin ako tumigil sa pagpupumiglas at hinampas hampas ko na ang likod niya.
"Lumayo ka sa akin Third! That's not your father! It's the Alpha Team, my team! Snap out of it Third!" Naramdaman kong umiling iling siya, maya maya'y narinig kong umiiyak na siya. Napatigil ako sa paghampas at pagpupumiglas.
"He will hurt us Hope. When... W-when my mother decided to l-leave us. It's... It's raining at that time. My father got angry and beat me to death. He's always angry when it's raining season and he always beat me. So please Hope, just listen to me and behave. Nandiyan na siya sa labas, nandiyan na siya" Nanginig na ang boses niya at ramdam ko ang pagtulo ng luha niya papunta sa balikat ko.
Kaya ba gano'n ang reaksyon niya no'ng mapatingin siya sa glass wall? Takot siya sa ulan. Dahil naaalala niya ang pambubugbog ng papa niya. Rain also triggered his trauma. Paano na lang kung laging umuulan lalo na kapag December? E'di lagi siyang nagkakaganito?
"Rill? Where are you?!" Rinig kong sigaw ni Leonel. Humigpit ang yakap sa akin ni Third.
"Don't you ever say a word Hope, don't talk" May pagbabanta niyang sabi, nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Pumikit ako ng mariin at bago bumuntong hininga saka nagsalita.
"Third, look at me" Malambing kong sabi. Naramdaman ko ang pagkabato niya, unting unting lumuwag ang yakap niya sa bewang ko kaya nakita ko ang mukha niyang maamo. Namumula na naman ang mukha niya that makes him cute.
"H-Hope don't go" Unti unti akong kumalas sa kaniya at marahan siyang itinabi. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at ngumiti kahit naiinis na ako sa pagtawag niya sa akin ng Hope.
"Watch me okay? Wala si daddy mo dito" He pouted at mukhang maiiyak na naman. Napa-iwas na lang ako ng tingin dahil nagiging cute na naman siya. Malayong malayo sa blangko at heartless niyang hitsura.
"D-Don't go please" Hinawakan niya ako sa kamay ko at umiiyak na siya. Bahagya akong napangiwi. Ang gwapo niyang umiyak.
"Tatawagin ko lang ang Alpha Team, okay? Dito ka lang, babalikan kita" Nagkagat labi naman siya at parang batang tumango. "Good" Saglit kong ginulo ang buhok niya bago tumalikod.
"Rills?!"
"Rilley!"
"Rill!"
"GUYS! NANDITO KAMI SA SHOWER RO—" Hindi pa ako nakakalabas ng shower room at hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bigla na lamang may malakas na pwersa ang humigit sa akin...
"I won't let you leave me again Hope"
"I heard her!"
"Sa may shower room!"
...Sa sobrang lakas ng pagkakahila sa akin ni Third ay napasubsob ako sa dibdib niya. Nagkaroon iyon ng impact at bahagya siyang nadulas dahil sa lumalaguslos na tubig na ikinalaki ng mata ko.
Parang nagslow motion ang lahat.
Nakita kong maaaring tumama ang ulo ni Third sa may dulo at mataas taas na parte ng tiles kaya agad kong nilagay ang kamay ko sa likod ng ulo niya para maprotektahan ito at hindi maalog...
"Dahan dahan Kleyo!"
"Shit! May natapakan akong bubog!"
"Ay shit! Ako rin!"
...Biglang bumilis ang pangyayari.
Narinig ko na lamang na malakas na bumukas ang pintuan at kasabay nito ang paglagapak namin ni Third sa tiles.
"OH MY GOD!" Rinig kong sabay na tili ni Eria at Paris. Hindi ko alam ang nangyari. Basta, ang alam ko lang...
...Nakahiga si Third sa tiles at nakapulupot ang kaniyang kamay sa bewang ko, habang ako naman ay nakapatong sa kaniya. Nasa likod ng ulo niya ang palad kong sumasakit na.
We stared at each other (Not minding the profanities I've heard from the Alpha Team); I saw how his scared expression turns to his usual blank expression.
A second passed...
My eyes widened in shock when I felt and realize that my lips are touching his.
—Dem Taint
Chapter Five: Stress DanceRilleyDAHAN DAHAN KONG ibinalot ang gasa sa aking binti at nang matapos ay mabilis ko itong ibinuhol. Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Third. Nginitian ko ito pero inismiran lang ako nito.Napailing na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Kinuha ko ang first aid kit at ang swivel chair sa study area niya saka hinila papunta sa harap niya at doon umupo."Turn mo na, talikod ka" Sumenyas pa akong tumalikod
Chapter Six: Bulol Rilley "GO GET ME food Villafuerte" Malamig na utos ni Third. Busy ito sa kaniyang pagla-laptop. Tinatapos na niya ang trabaho na iniuwi niya dahil sinabi ko kay Ma'am Alisha na bawal ang trabaho sa kaniya ng two months. He should be taking a break. Hindi rin siya makakapag-focus at mauuwi lang sa wala ang mga efforts namin kung lagi siyang tutok at stress sa trabaho niya. Buti na lamang at pumayag siya kay Ma'am Alisha, dinig na dini
Chapter Seven: Eloise Rilley "RISE AND SHINE Thir—ay sorry po!" Mabilis kong nilagay ang mga palad ko sa mukha ko para hindi makita si Third na naka-boxer lang habang proud na proud na nakahiga na parang hari sa kaniyang king size bed. Bahagya akong namula nang mahagip ng mata ko ang umbok. Parang tumatak sa isipan ko 'yung pwesto ni Third sa kaniyang kama kahit nakatalikod na ako sa kaniya. He seems like he's having a beautiful dream d
Chapter Eight: Third Rilley Year 2014, 3rd year college 10:30 A.M. "MS. VILLAFUERTE PUT these folders on my desk in my office please" Napakamot ako sa noo ko. Doc bakit kailangang ako? Pwede naman si Klaire total bida bida naman 'yun. "Villafuerte daw. Rilley kilos kilos naman aba! Tatam
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a
Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.
Chapter Twelve: I'm the Boss Rilley "THIS IS REALLY a bad news" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ni Dr. Sivillan. Kahit may air-conditioner naman ay todo ang pamamawis ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ako o gini-grill sa init. Nagkatinginan kaming mga Alpha Team at sabay sabay na napabuntong hininga. Sabay sabay din kaming napailing at napahilot sa sari-sariling sentido dahil sa stress. "What happened? Why did Alastair l
Chapter Seventeen: Iniirog (PART ONE) Rilley AS HOUR PASSED by, Third is getting weirder for me, though Alpha Team doesn’t seem to notice it because they we’re blinded by his sudden change of mood. Or I was overthinking again? Nope, I wasn’t because from the very beginning, weird na talaga siya para sa akin. He is moody, yes, pero napasobra naman ata ngayon. Sa hitsura niya kasi ay masayang masaya siya. Ngayon lang namin siyang nakitang ganito. Hindi man siya ngumingiti’y kitang kita naman iyon sa kislap ng mata niya. Binati niya pa lahat ng Alpha Team, si Eloi at Ivan. Kahit mali mali ang nasabi niyang pangalan ay hindi na sila nagreklamo dahil ngayon lang ito bumati sa kanila. “Germany ka na pala ngayon Paris!” Tumawa ng tumawa si Leonel. Inaasar ni
Chapter Sixteen: MeaningRilleyTHIRD IS BEING unreasonable again.Kasi no'ng sinundan ko siya sa parking lot at natapos na ang pag-uusap nila ni Eloi ay hindi niya ako pinansin at nilampasan lamang kahit na tinawag ko siya."He is probably in a bad mood babe, hayaan mo na" Inakbayan ako ni Eloi at nilapit ng sobra ang bibig niya sa tainga ko at inamoy ako doon. Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang ginawa at agad siyang itinulak.
Chapter Fifteen: Drunk Rilley "I'M SORRY KLEYO. I've been busy these days that I couldn't check how you feel about Paris. I thought everything is okay between the two of you. I still notice how the two of you cared for each other and I just shrug it off." I heaved a heavy sigh. "I'm sorry that I didn't see your pain" Kleyo just laughed at me. "Wala ka namang kasalanan Rilley. Labas ka naman sa pinasok ko. Saka naiintindihan ko naman na lagi kang busy, lahat naman tayo busy e. Wala naman iyon pati sa akin." Nagkibit balikat siya saka uminom ng beer.
Chapter Fourteen: Friend Rilley ITINIGIL KO ANG aking sasakyan sa tapat ng isang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng airport. Sa kaniyang magkabilang gilid ay dala niya ang kaniyang dalawang maleta na kulay pink. Nakasuot siya ng pink V-Neck T-Shirt at jeans and a pink rubber shoes din. Nakashades pa ito. Aakalain mo talaga siyang lalaki dahil sa kaniyang tikas ng tayo at sa gwapong mukha. Kung hindi lang siya naka-overall pink, mapapagkamalan ko siyang lalaking Hollywood star.
Chapter Thirteen: Sad and Happy Memories Rilley "SHOULD I SMILE at them?" Pinamay-awangan ko si Third. I am practicing him now. Kailangan niya ng lumabas at sumama sa dinner namin at sinabihan ko siyang magsorry sa Alpha Team. We've been practicing for almost an hour now. Hindi siya mukhang sincere sa pagpapractice namin kaya hindi ko na pinush, doon kasi kami tumagal, sa pagiging sincere niya sa mga salita niya pero least nagsorry siya 'diba? At least he tried kahit pilit. Saka malapit ng mag-dinner, maya maya lamang ay kakatok na si Kleyo, we don't have much tim
Chapter Twelve: I'm the Boss Rilley "THIS IS REALLY a bad news" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa unang pangungusap na lumabas sa bibig ni Dr. Sivillan. Kahit may air-conditioner naman ay todo ang pamamawis ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ako o gini-grill sa init. Nagkatinginan kaming mga Alpha Team at sabay sabay na napabuntong hininga. Sabay sabay din kaming napailing at napahilot sa sari-sariling sentido dahil sa stress. "What happened? Why did Alastair l
Chapter Eleven: BoundariesRilleyHALOS LIPARIN KO na ang grand staircase ng mansyon. Nakapantulog parin ako at hindi man lamang nakapag-ayos ng buhok dahil bigla bigla na lamang akong ginising ni Eloi at sinabing nagwawala daw si Third.Naintindihan ko naman agad si Eloi dahil rinig na rinig ko mula sa labas ang malalakas na patak ng ulan.He's afraid of rain.
Chapter Ten: Something's OffRilley"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry."I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Chapter Nine: HopeRilleyPUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod."Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya a