Aurora's Point of ViewHindi ko maalala ang sarili na dumaan sa ganitong kaba. May mga pinagdaanan ako noon, kung saan inilaban ko ang sarili ko, pero ngayon... buhay na ang pinaglalaban ko.Kapag makita nila ako at maabutan, paniguradong p*p*t*y*n nila ako.Tunay ngang d*m*ny* si Candice. Kaya niyang pumatay para lang sa sariling interes. Kaya niyang ipahamak ang iba para lang makuha ang gusto niya.Hindi pwedeng bumalik siya, hindi pwede, dahil mas delikado na ngayon ang buhay ni Alted at ng mga bata.Sa gitna ng pagtakbo at pakikipagsapalaran ay nagagawa ko pa silang isipin. Nagagawa ko pang isingit ang kapakanan nila, samantalang hinahabol na ako ng kamatayan."AAAHHHH!"Malakas akong napatili nang matisod ang paa ko ng isang bato. Tumilapon ang baril sa mga tuyong dahon kaya kaagad akong gumapang para hanapin iyon."Ayon!" Sigaw ng isang galit na boses.I quickly grabbed the gun when I found it. Hindi ako marunong sa paggamit ng baril pero itinutok ko iyon sa direksyon ng dalawan
Candice’s Point of ViewThings could have been easy. Kung sana sumunod lamang si Aurora sa hinihiling ko. Hindi sana kami nahihirapan pareho."Stop the car." Utos ko sa driver.Tumingin siya sa akin sa rearview mirror. Alam ko na magsusumbong siya kay Alted sa nangyari, kaya ngayon pa lang dapat na siyang balaan."Naaalala kita. Hindi ba baguhan ka pa lang na driver?" Tanong ko sa kaniya.Parang dalawa o tatlong taon pa lang siya sa amin.Nakita ko ang pamumutla niya. Napipilitan siyang tumango."O-opo.""May pamilya ka naman siguro?"Nagtaas ako ng kilay.Hindi siya agad nakasagot."M-ma'am, huwag niyo po idamay ang pamilya ko." Mahina ang kaniyang boses pero rinig ko.Tumango ako. Noon ko pa naunawaan kung gaano kahalaga ang pamilya sa mga mahihinang tao. Para sa kanila, iyon ang kanilang lakas, pero ang totoo, iyon ang kanilang malaking kahinaan.I've never been friends with our maids. Hindi ko sila personal na kilala, pamilyar lang sila sa akin pero hindi ko inaalam ang personal
Candice's Point of View I've seen him already naked. Nakita ko na ang buo niyang katawan noon. Kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto na mukhang may nangyari sa kanila ni Aurora kagabi. Umawang ang bibig ko nang makita ang mga mantsa ng dugo sa puting kubre kama. Sh*t! Something really happened to them. Agad akong nataranta at napaahon. The bloodstain is obviously an evidence of Aurora's first time! Hindi pwede na makita iyon ni Alted. Parang may hamog sa utak ko. Hindi agad ako nakapag-isip. I immediately stripped off my clothes. Nang wala na akong saplot ay saka pa lang ako nahiga sa kaniyang tabi. Lumundo ang kama, kaya naalimpungatan siya. Mabilis na tumibok ang puso ko nang pumihit siya paharap sa akin. Dahan-dahan na binuksan niya ang kaniyang mga mata at kumurap-kurap nang makita ako. "G-good morning." Utal kong bati. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Aurora and I are identical twin. Wala kami halos pagkakaiba. Maliban lamang s
Aurora's Point of View I HEARD small chattering from somewhere. Hindi lang ako sigurado kung sila sino ang nag-uusap. Masyadong mabigat ang talukap ng mga mata ko para mabuksan iyon nang tuluyan kaya kinailangan ko pang igalaw ang mga daliri ko sa kamay para masiguradong hindi ako na-paralyze. Nang maramdaman kong gumalaw kahit paano ang ilan kong daliri ay sinubukan kong imulat muli ang mga mata sa mabagal na paraan dahil wala akong lakas para biglain ang katawan ko. "She's awake!" Hindi ko pinansin ang sumigaw, nagpokus ako sa liwanag na unti-unti ko nang nasisilayan. Purong liwanag na masakit sa mga mata kaya bumagsak muli ang talukap ng mga mata ko pagkaraan. Pagod na pagod iyon kaya mukhang hihilahin na naman ako ng dilim. "Don't touch her. She needs to rest." Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang sumama sa madilim na dimensyon. Hindi ko alam kung bakit pero dumaan ang pag-asa sa puso ko bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay. "Mommy." I saw Snow. Mas
Aurora's Point of View Naramdaman ko ang paglapat ng stethoscope sa dibdib ko. Kasunod ay ang pagcheck sa pulsuhan ko at may ilan pang ginawa ang doktora na hinayaan ko na lamang. "She's fine. I could stay here, Mr. Dela Fuente so I could watch her for the whole day. Mamaya lang ay gigising siya ulit kaya kailangan ma-check natin kung may naaalala ba siya o wala. She needs to rest for awhile. Binabawi niya pa ang lakas niya." Imporma ng doktor. Dahil sa narinig, hinayaan ko muna ang sarili na muling makaidlip. Kung bakit sobrang hina ng katawan ko, hindi ko na rin alam. Basta magpapahinga na lamang muna ako. I could feel myself half-sleeping only. Hindi gaanong makatulog, kaya nang magawa kong imulat ulit ang mga mata ay hinanap ko agad ang doktora. Wala na sila Elizabeth at ang kapatid niya, tanging ang babaeng doktor na lamang ang naroon na ngayon ay may binabasang files. Nang mapatingin siya sa akin at makitang gising na ako, agad siyang tumayo mula sa couch. Lumapit siy
Aurora's Point of View Alam kong naiintindihan niya ako. Alam kong kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Ako itong naguguluhan sa kaniya. Tumigil siya sa pagbabalat ng mansanas. Ibinaba niya ang kutsilyo sa tray at gano’n din ang mansanas na hawak. Tumitig siya sa akin nang matiim at nakita kong pilit niyang pinagtatakpan ang emosyon sa mga mata. "How did you know my real name? Liza ang tawag sa akin ni Dra. De Guzman at ni Kuya Nexon." Puna niya. Napipilan ako. Hindi ko na alam kung paanong sasagutin ang tanong niya. Dahil sa oras na simulan kong magsabi sa kaniya ng isang salita ay uulanin na ako ng tanong. "Ligtas ba sila?" Wala sa sariling naitanong ko nang sumagi sa isip ko ang mga bata. Biglaan lang din ang paglabas no’n sa labi ko, pero hindi ko na binawi. Kumunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang kilay. "Sino ka ba talaga? Imposibleng ikaw si Candice dahil nakita ko siya sa bahay nila Kuya Alted habang nakahimlay ka sa higaan at nag-aagaw buhay." Aniya sa n
Aurora's Point of View"DON'T move!" Malakas na sigaw ni Elizabeth nang maramdaman kong kumirot ang likod ko. Nagmamadaling lumapit siya sa akin at hindi lang isang beses na nagmura nang masilip ang bandage sa balikat ko. "Dumudugo na naman!" Aniya na iginaya ako paupo sa mahabang sofa sa salas. Mula rito ay diretsong matatanaw ang dalampasigan sa harap namin. Nakatayo malapit sa dagat ang rest house ni Nexon. Wala rito ang lalaki dahil may inaayos itong problema sa isang negosyo. Kaming dalawa lang ni Elizabeth ang narito. "Bakit kasi naglilinis ka ng mga muwebles!" Pasigaw na naman niyang sabi. "Ang tigas din ng ulo mo, Aurora. Look what you've done to yourself. Dumudugo na naman ang sugat mo! Minsan kasi pinapairal mo 'yang katangahan na meron ka." Siguro kung noon niya ito sinabi baka na-offend na ako, pero nasasanay na ako sa mga salitang binibitawan niya. Ganoon pala talaga siya, masyadong pranka at matalas ang dila. Noong una, hindi ko matanggap na ang isang Elizabeth
Aurora's Point of ViewNagsinungaling din ako sa kanilang lahat. Lalo na kay Alted. Sinubukan ko noon kumbinsihin siya na hindi ako si Candice, pero nang hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, tuluyan ko rin na inangkin ang pagkatao ng asawa niya dahil sa pagiging makasarali ko. Naiinggit rin ako kay Candice, dahil lahat ng bagay na meron siya ay mga bagay na wala ako. Pamilya, mga anak, marangyang buhay at kalayaan. Iyon ang nagtulak sa akin na magpanggap. Matatanggap pa ba nila ako kung malaman nilang kagaya ni Candice ginamit ko rin sila sa ibang paraan? Hinawakan ni Elizabeth ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "You've been good to them. Nakita ko iyon, nasaksihan ko at naramdaman kong wala kang masamang interes sa kanila kaya matatanggap ka nila. Aurora, hindi ka naging si Candice nang nasa puder ka ni Kuya Alted. Ikaw pa rin si Aurora noon dahil kung ikaw si Candice, hindi ka magiging mabuti sa kanila. You learned to love them, you cared for them, and you
Aurora's Point of View"Sabi sa'yo, Kuya Alted. Hindi ka na niyan babalikan." Mahina ngunit dinig kong sabi ni Elizabeth na sinundan pa ng mahinang tawa."Babalik siya, Liza. Babalikan niya kami." Mabagal ngunit may diin niyang sagot.My throat went dry. My heart stopped beating. The world suddenly stopped spinning.Malakas na tumawa si Elizabeth at naglakad palapit para lang punasan ang mga luha ni Snow. Pinutol ko agad ang tingin kay Alted at itinuon iyon kay Elizabeth na ngayon ay bumaling na rin sa akin at ngumiti.Nakita niya rin ang luha sa mga mata ko. Lumiit ang kaniyang ngiti, ngunit mas naging payapa ang emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko na nakita ang pag-aalala."Uwi ka na raw," aniya sa nang-aasar na tono."Baka mamaya si Kuya Alted naman ang umiyak kapag hindi ka pa sumama."Binuksan niya ang pinto ng backseat at tiningnan si Winter na tahimik sa tabi ko. Sumunod siya nang ngumiti si Elizabeth. Pumasok si Winter sa sasakyan at saglit pa akong sinulyapan. Tiningnan ni
Aurora's Point of View"Come on, Mommy!" Nagpababa si Snow kay Alted at sabay silang lumapit ni Winter sa akin para hawakan ang magkabila kong kamay at igaya palabas ng bahay.Nilingon ko si Elizabeth. There's a sudden adrenaline rush. Malakas na tumambol ang puso ko. Pinapalayas niya na ba ako?Gumilid si Alted nang mapadaan kami sa gawi niya at hinayaan lang ang kaniyang mga anak na hilahin ako palabas ng bahay. Hindi ko alam ang dapat na sabihin, lalo na nang makalabas kami at tuluyan nila akong hilahin palapit sa sasakyan na nakaparada. Mas lalo pa akong naguluhan nang makitang sa likod ng sasakyan ni Alted inilagay ng dalawang katulong ang mga gamit na ibinaba nila.Alam kong akin iyon dahil imposibleng kay Elizabeth iyong maleta at duffle bag. Isa pa, kinumpirma ni Elizabeth na gamit ko iyon.Nakasunod na pala sa amin si Alted kasama si Elizabeth na ngumiti pa ng matamis kahit na nakikita niyang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Humakbang siya palapit sa akin."Kapag pinaalis
Aurora's Point of View"Ihuhulog din kita, makita mo!" Muli ay sigaw niya at nagmamartsang lumapit, pero ibinaba ko na si Winter para lang makatakbo kami palayo habang tumatawa.Nakisali na rin si Snow na gusto rin kaming hulihin. Tumakbo si Snow palapit sa amin, kasabay ng pagsugod ni Elizabeth mula sa kabilang parte ng pool. Tumakbo kami palayo ni Winter habang magkahawak kamay."Run!" Sigaw ni Winter.Napuno ng tawanan ang buong villa.Pagod na si Winter sa pagtakbo kaya nahuli rin kami ni Elizabeth, hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa pool, medyo nanghihina pa ako dahil sa kakatawa, kaya nang itulak niya ako ay mabilis akong kumapit sa kamay niya para makahanap ng suporta.Sa huli, dalawa kaming bumagsak sa pool."Mommy!" Natatawang sigaw ni Winter at ni Snow.Malakas na tawanan nila Snow at Winter ang bumati sa amin nang makaahon kaming dalawa ni Elizabeth.Ganoon ang laging nangyayari, nagtutulakan, naghahabulan at nagtatawanan kaming apat. Walang kapaguran ang kam
Aurora's Point of ViewLimang katulong ang galing sa mansyon na ipinadala rito para magsilbi pansamantala dahil narito ang mga bata. Dalawa ang nagbabantay kay Snow at kay Winter, tatlo naman ang nagluluto at nagdadala ng pagkain dito sa amin.Ngayon ko lang talaga napagtanto na maaaring buhay prinsesa si Elizabeth, pero pinipili niya lang ang mamuhay nang mag-isa upang matuto sa maraming bagay na sarili niya lang ang inaasahan. Marunong siyang magluto, maglinis, maglaba at iba pang gawaing-bahay, samantalang may taga-silbi naman sila sa kanilang bahay."Kapag ikinasal ka, si Cassiopeia ang kunin mong maid of honor, ha?" Basag niya sa katahimikan.Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay. Kunot-noo ko siyang tiningnan."Ha?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niya iyong sinabi.Ngumiti siya sa akin at sumimsim sa inumin."Just in case," nagkibit-balikat siya.“Malay mo, maikasal ka, tapos kailangan mo ng maid of honor. I suggest, si Cassiopeia ang kuni
Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman. Parang lumubo ang puso ko sa loob dahil sa pagtawag ni Winter sa totoo kong pangalan.She smiled."I like your name." Dagdag niya pa."Aurora is Sleeping Beauty's real name. Your name is a princess' name. Mommy Aurora."Mommy Aurora?Iniangat ko ang isang kamay para lamang haplusin ang pisngi ni Winter. Parang may mainit na kamay na humahaplos sa puso ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko.It really means a lot to me. Noon, hindi ko alam kung magagawa ba nila akong tanggapin bilang ako. Bilang si Aurora, at hindi bilang si Candice.Kaya nakakataba ng puso na marinig mula sa kaniyang labi ang pagbigkas ng dati ay walang halaga kong pangalan."Aurora."Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Elizabeth. Nakapasok na pala sila sa bahay ni Alted.Mula kay Elizabeth, bumaling ang tingin ko kay Alted. Matigas pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Daddy." Tawag ni Snow sa kay Alted.Nagbaba ako ng tingin. Medyo kinabahan din dahil
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga
Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na
Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na