Nang pirmahan ni Aeverie ang divorce paper, umalis siyang walang dalang kahit na ano kaya naiwan ang lahat ng kaniyang gamit sa kuwarto. Hindi iyon pinapakialaman ng mga katulong dahil umaasa silang babalik pa rin si Avi. Ngayon ay pumasok si Arsen sa silid para sirain at itapon ang lahat ng mga gamit nito. Ang mga skin care na nasa mesa ay itinapon ni Arsen sa sahig kasama na ang mga palamuti na naroon. Lahat iyon ay basura sa kaniyang paningin. Kaya nang makarating si Silver sa silid, nagkalat na ang lahat ng gamit sa sahig at basag-basag na ang ilang salamin. “Arsen! What are you doing?” Magkasalubong ang makapal na kilay ni Silver nang makita ang kalat. “I hate the traces of your life here, the smell of Avi! Her things, these are all garbages!” Naiyak si Arsen nang makitang palapit sa kaniya si Silver. “Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana nasayang ang tatlong taon, Silver. Ako dapat ‘yon! Ako dapat ang kasama mo sa tatlong taon na iyon. Ako dapat ang ipinakilala mo k
Kagaya ni Aeverie, magaling din si Uriel sa musika, magaling itong tumugtog ng piano at gitara. Kaya para ma-distract si Aeverie pagkatapos ng tawag ni Silver, tumugtog si Uriel ng piano. Habang nakatayo naman sa tabi ng piano si Aeverie at kumakanta. Isa sa paborito niya ang Queen of the Night. Hindi kailanman nawala ang magandang tinig ni Aeverie. Nanatiling marikit at kahanga-hanga ang soprano nitong boses. Puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang kinakanta iyon. Ang maganda niyang mukha ay tila nagliliwanag sa madilim at maliit na entablado. Nang matapos niya ang kanta, agad na pumalakpak si Rafael at nagtaas ng wine glass. Puno ng paghanga ang mga mata nito sa magaling at magandang kapatid. “You’re still good at it, huh?” Lumapit si Rafael at ibinigay sa kaniya ang isa pang wineglass na tinanggap niya naman. “The third wife taught you very well.” Ani Rafael, nangingiti pa rin. Sumimsim si Aeverie sa inumin at saka tiningnan ang kapatid. “If it’s in ancient times, she
Para kay Uriel, walang deserving sa pagmamahal ni Aeverie. She might be mean sometimes, but her intentions would always be pure and genuine. Kilala niya si Aeverie, mukha lang itong suplada at masama ang ugali, pero malambot ang puso nito at mabilis na masaktan. Kaya para tiisin ni Aeverie ang tatlong taon kasama si Silvestre? Hindi niya kayang tanggapin na puro pasakit at paghihirap lang ang naranasan ng kaniyang kapatid sa piling ng lalaking iyon. “How is she?” Tanong ni Rafael nang bumaba siya. “Nakatulog agad.” Iniabot sa kaniya ni Rafael ang isang baso ng cognac. Huminga ito ng malalim at saka tinungga ang hawak na inumin. “Aeve’s alcohol tolerance is low. Dapat pala hindi ko na siya pinainom.” Naupo si Uriel sa high stool. Nasa bar counter sila ng mansyon at natatanaw ang ilang katulong na nag-aakyat ng mainit na tubig sa kuwarto ni Aeverie. “She actually needs that. Kung hindi pa siguro nalasing, baka hindi pa nasabi sa atin ang mga ganoong bagay.” “Tsk.” Rafael hisse
Mabilis na inalis ni Silver ang suit at itinapon iyon sa sofa, na tila ba nagliliyab iyon sa apoy. “We're already divorced. I'm not interested in knowing what she has done to me. Sige na, Nang, pwede ka nang bumalik at magpahinga.” Ngunit hindi nakinig ang ginang. “Señorito, bakit kailangan niyong maghiwalay ni Avi? Napakabuting babae ni señorita Avi, halatang mahal na mahal kayo.” “Mahal na mahal?” Sarkastiko niyang tanong. “Ganoon ba siya magmahal, Inang? Pagkatapos niyang umalis ay pupunta siya sa ibang lalaki? Is she really in love with me? Then why would she throw herself into the arms of another man right after leaving me?” Sumilay ang mapang-insultong ngiti sa labi ni Silver. Naglandas sa kaniyang lalamunan ang pait. “Totoo pala talaga na hindi sapat ang tatlong taon para makilala mo ng husto ang isang tao.” Gumalaw ang kaniyang panga nang maalala ang maamong mukha ni Avi, at pagkaraan ay napalitan iyon ng maganda at malamig na mukha ng babae sa ospital. “Why would she
Kilala sina Rafael at Uriel bilang mga business-tycoon. Madalas na sumama si Blue sa dalawang magkapatid, pero nanatili ang kaniyang posisyon bilang personal assistant ni Rafael.Sa trabaho, walang kadugo o kapatid, propesyunal masyado si Rafael at Uriel. Kaya nasanay na si Blue na ganoon. Ngayon na si Aeverie na ang kaniyang amo, alam niyang itatrato rin siya nitong empleyado kapag nasa hotel sila.Ganunpaman, sapat na kay Blue na maging sekretaryo ni Aeve. Masaya siyang kahit anak siya sa labas, hindi sa kaniya naging malupit ang kaniyang mga kapatid.“Napalitan na ang bedding na galing sa Marksmen Home Furniture Supply kagaya ng sinabi mo. Nasabihan na rin ang lahat ng branch ng hotel na hindi maaaring tumanggap ng supply galing sa MHFS, at lahat ng mga muwebles at kama galing sa kanila ay papalitan sa susunod na linggo.”Tumango si Aeverie. Mabuti naman mabilis ang naging kilos ng mga empleyado para masunod ang gusto niya.Sunod-sunod na katok ang gumambala sa kanila.Tiningnan ni
Aeverie clenched her teeth. Kumuha siya ng alcohol saka ini-spray sa kung saan nakaluhod kanina si Mr. Agripino.Diring-diri siya sa matandang iyon.Ang kapal ng mukha nito para isabotahe ang kanilang hotel. Maging sa mga ganitong klaseng trabaho ay talamak pala ang kurapsyon.Tingnan natin kung saan siya dadalhin ng pagiging gahaman niya sa pera. Bulong-bulong niya sa sarili.“Marami na siguro ang nagagalit sa mga ginagawang kalokohan ni Mr. Agripino kaya hindi na nakayanan at nagsumbong na sa iyo.” Ani Blue nang muling bumalik sa opisina.Naupo siya muli sa swivel chair at inayos ang kaniyang buhok.“No one reported him.” Sagot niya.“Huh?” Nagsalubong ang kilay ni Blue, hindi nakuha ang sinabi niya.“Teka, akala ko ba may nagreport sa iyo tungkol kay Mr. Agripino?”Nagkibit ng balikat si Aeverie, binuksan niya ang ibang files saka nag-iwas ng tingin kay Blue.“Saan ba nahuhuli ang isda? Sa sariling bibig hindi ba?” Magaan niyang sabi.Naupo si Blue sa katapat na upuan at nakakunot-
Naiintindihan niya ang pagiging paranoid nito sa safety. That’s his expertise, to make people safe always. “And yes, just send me the name of that senior executive of yours. I’ll send you the information you needed this evening.” “Thank you, Sage.” “Keep safe, la mia regina. I’ll treat you to dinner when I get home.” Pangako nito. “Sure, I'd look forward to that.” “Good bye, Aeve.” He said before ending the call. Saktong pumasok si Blue dala ang kaniyang kape. “Miss Aeve? Ibinalita sa News9 ang tungkol sa engagement ni Silvestre Galwynn at ng isang dating modelo na ang pangalan ay Ariel Sendyll Espejo.” Balita nito. Well, too late. She already knew. Ngumiti siya. “Congrats to them.” She said menacingly. Kung gusto na ni Silvestre at Arsen na isapubliko ang relasyon nila, wala siyang problema sa bagay na iyon. If that what makes them happy, then let them have it. Hindi siya para tumutol sa ikakasaya ng dalawang taong iyon. Pero para idamay siya at sa kaniya isisi ang paghihi
Yakap-yakap ni Silvestre si Arsen nang pumasok sila sa kompanya. Hindi na magkamayaw ang mga reporter at photographer sa pagkuha ng mga litrato sa kanilang dalawa. Para sa media, malaking balita ito. Kilalang negosyante ang mga Galwynn at nasa hanay ng mga magagaling na manufacturers ang pamilya nito. Si Arsen naman ay dating sikat na modelo, pero bigla nalang naglaho sa hindi malamang dahilan. Ngayon na bumalik na ito, isang malaking kontrobersyal naman ang kinasasangkutan. Ganunpaman, natutuwa ang lahat ng mga tao sa pagbabalik nito. Ang mga dating taga-hanga ng modelo ay paniguradong mabubuhayan ng loob. “Send them away.” Malamig na saad ni Silver sa kaniyang sekretaryo bago pumasok sa elevator. Dikit na dikit naman si Arsen kay Silvestre na tila takot na takot sa mga nangyayari, ngunit ang totoo, gusto niya lamang na magmukhang intimate ang mga kuhang litrato nilang dalawa. Sumara ang elevator at umakyat sa palapag kung saan naroon ang opisina ni Silver. Iginiya siya ng lala
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m