Hinilot ni Silver ang kaniyang sintido habang nakasandal sa kaniyang swivel chair. Hindi pa rin lubos na mag-sink in sa kaniya na binababaan siya ng tawag ng dati niyang asawa na parang walang halaga ang kaniyang mga salita. F*ck *t. She was so decisive and cold, how could she still be the little wife who cried and begged me not to divorce? Naisip niyang baka sa nagdaang tatlong taon, wala naman talagang nararamdaman sa kaniya si Avi. Nagtiis lamang ito sa kaniyang piling para sa lihim at personal na interes. At sa tuwing napapagtanto niya ito, lumalaki lamang ang galit sa kaniyang dibdib. “Mr. Galwynn, here's your coffee.” Ibinaba ni Gino ang dalang kape at napansin ang seryoso at madilim na anyo ni Silver. Kaya hindi niya napigilan ang sarili, “Na-contact niyo na ba Sir si Avi? Nakuha niyo ba ang numero niya?” Silvestre massages the bridge of his nose. D*mm*t. Ayaw niya man sisihin ang sarili, hindi niya maiwasan makaramdam ng pagkayamot sa sarili. Napangunahan
Nang pirmahan ni Aeverie ang divorce paper, umalis siyang walang dalang kahit na ano kaya naiwan ang lahat ng kaniyang gamit sa kuwarto. Hindi iyon pinapakialaman ng mga katulong dahil umaasa silang babalik pa rin si Avi. Ngayon ay pumasok si Arsen sa silid para sirain at itapon ang lahat ng mga gamit nito. Ang mga skin care na nasa mesa ay itinapon ni Arsen sa sahig kasama na ang mga palamuti na naroon. Lahat iyon ay basura sa kaniyang paningin. Kaya nang makarating si Silver sa silid, nagkalat na ang lahat ng gamit sa sahig at basag-basag na ang ilang salamin. “Arsen! What are you doing?” Magkasalubong ang makapal na kilay ni Silver nang makita ang kalat. “I hate the traces of your life here, the smell of Avi! Her things, these are all garbages!” Naiyak si Arsen nang makitang palapit sa kaniya si Silver. “Kung hindi dahil sa kaniya, hindi sana nasayang ang tatlong taon, Silver. Ako dapat ‘yon! Ako dapat ang kasama mo sa tatlong taon na iyon. Ako dapat ang ipinakilala mo k
Kagaya ni Aeverie, magaling din si Uriel sa musika, magaling itong tumugtog ng piano at gitara. Kaya para ma-distract si Aeverie pagkatapos ng tawag ni Silver, tumugtog si Uriel ng piano. Habang nakatayo naman sa tabi ng piano si Aeverie at kumakanta. Isa sa paborito niya ang Queen of the Night. Hindi kailanman nawala ang magandang tinig ni Aeverie. Nanatiling marikit at kahanga-hanga ang soprano nitong boses. Puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang kinakanta iyon. Ang maganda niyang mukha ay tila nagliliwanag sa madilim at maliit na entablado. Nang matapos niya ang kanta, agad na pumalakpak si Rafael at nagtaas ng wine glass. Puno ng paghanga ang mga mata nito sa magaling at magandang kapatid. “You’re still good at it, huh?” Lumapit si Rafael at ibinigay sa kaniya ang isa pang wineglass na tinanggap niya naman. “The third wife taught you very well.” Ani Rafael, nangingiti pa rin. Sumimsim si Aeverie sa inumin at saka tiningnan ang kapatid. “If it’s in ancient times, she
Para kay Uriel, walang deserving sa pagmamahal ni Aeverie. She might be mean sometimes, but her intentions would always be pure and genuine. Kilala niya si Aeverie, mukha lang itong suplada at masama ang ugali, pero malambot ang puso nito at mabilis na masaktan. Kaya para tiisin ni Aeverie ang tatlong taon kasama si Silvestre? Hindi niya kayang tanggapin na puro pasakit at paghihirap lang ang naranasan ng kaniyang kapatid sa piling ng lalaking iyon. “How is she?” Tanong ni Rafael nang bumaba siya. “Nakatulog agad.” Iniabot sa kaniya ni Rafael ang isang baso ng cognac. Huminga ito ng malalim at saka tinungga ang hawak na inumin. “Aeve’s alcohol tolerance is low. Dapat pala hindi ko na siya pinainom.” Naupo si Uriel sa high stool. Nasa bar counter sila ng mansyon at natatanaw ang ilang katulong na nag-aakyat ng mainit na tubig sa kuwarto ni Aeverie. “She actually needs that. Kung hindi pa siguro nalasing, baka hindi pa nasabi sa atin ang mga ganoong bagay.” “Tsk.” Rafael hisse
Mabilis na inalis ni Silver ang suit at itinapon iyon sa sofa, na tila ba nagliliyab iyon sa apoy. “We're already divorced. I'm not interested in knowing what she has done to me. Sige na, Nang, pwede ka nang bumalik at magpahinga.” Ngunit hindi nakinig ang ginang. “Señorito, bakit kailangan niyong maghiwalay ni Avi? Napakabuting babae ni señorita Avi, halatang mahal na mahal kayo.” “Mahal na mahal?” Sarkastiko niyang tanong. “Ganoon ba siya magmahal, Inang? Pagkatapos niyang umalis ay pupunta siya sa ibang lalaki? Is she really in love with me? Then why would she throw herself into the arms of another man right after leaving me?” Sumilay ang mapang-insultong ngiti sa labi ni Silver. Naglandas sa kaniyang lalamunan ang pait. “Totoo pala talaga na hindi sapat ang tatlong taon para makilala mo ng husto ang isang tao.” Gumalaw ang kaniyang panga nang maalala ang maamong mukha ni Avi, at pagkaraan ay napalitan iyon ng maganda at malamig na mukha ng babae sa ospital. “Why would she
Kilala sina Rafael at Uriel bilang mga business-tycoon. Madalas na sumama si Blue sa dalawang magkapatid, pero nanatili ang kaniyang posisyon bilang personal assistant ni Rafael.Sa trabaho, walang kadugo o kapatid, propesyunal masyado si Rafael at Uriel. Kaya nasanay na si Blue na ganoon. Ngayon na si Aeverie na ang kaniyang amo, alam niyang itatrato rin siya nitong empleyado kapag nasa hotel sila.Ganunpaman, sapat na kay Blue na maging sekretaryo ni Aeve. Masaya siyang kahit anak siya sa labas, hindi sa kaniya naging malupit ang kaniyang mga kapatid.“Napalitan na ang bedding na galing sa Marksmen Home Furniture Supply kagaya ng sinabi mo. Nasabihan na rin ang lahat ng branch ng hotel na hindi maaaring tumanggap ng supply galing sa MHFS, at lahat ng mga muwebles at kama galing sa kanila ay papalitan sa susunod na linggo.”Tumango si Aeverie. Mabuti naman mabilis ang naging kilos ng mga empleyado para masunod ang gusto niya.Sunod-sunod na katok ang gumambala sa kanila.Tiningnan ni
Aeverie clenched her teeth. Kumuha siya ng alcohol saka ini-spray sa kung saan nakaluhod kanina si Mr. Agripino.Diring-diri siya sa matandang iyon.Ang kapal ng mukha nito para isabotahe ang kanilang hotel. Maging sa mga ganitong klaseng trabaho ay talamak pala ang kurapsyon.Tingnan natin kung saan siya dadalhin ng pagiging gahaman niya sa pera. Bulong-bulong niya sa sarili.“Marami na siguro ang nagagalit sa mga ginagawang kalokohan ni Mr. Agripino kaya hindi na nakayanan at nagsumbong na sa iyo.” Ani Blue nang muling bumalik sa opisina.Naupo siya muli sa swivel chair at inayos ang kaniyang buhok.“No one reported him.” Sagot niya.“Huh?” Nagsalubong ang kilay ni Blue, hindi nakuha ang sinabi niya.“Teka, akala ko ba may nagreport sa iyo tungkol kay Mr. Agripino?”Nagkibit ng balikat si Aeverie, binuksan niya ang ibang files saka nag-iwas ng tingin kay Blue.“Saan ba nahuhuli ang isda? Sa sariling bibig hindi ba?” Magaan niyang sabi.Naupo si Blue sa katapat na upuan at nakakunot-
Naiintindihan niya ang pagiging paranoid nito sa safety. That’s his expertise, to make people safe always. “And yes, just send me the name of that senior executive of yours. I’ll send you the information you needed this evening.” “Thank you, Sage.” “Keep safe, la mia regina. I’ll treat you to dinner when I get home.” Pangako nito. “Sure, I'd look forward to that.” “Good bye, Aeve.” He said before ending the call. Saktong pumasok si Blue dala ang kaniyang kape. “Miss Aeve? Ibinalita sa News9 ang tungkol sa engagement ni Silvestre Galwynn at ng isang dating modelo na ang pangalan ay Ariel Sendyll Espejo.” Balita nito. Well, too late. She already knew. Ngumiti siya. “Congrats to them.” She said menacingly. Kung gusto na ni Silvestre at Arsen na isapubliko ang relasyon nila, wala siyang problema sa bagay na iyon. If that what makes them happy, then let them have it. Hindi siya para tumutol sa ikakasaya ng dalawang taong iyon. Pero para idamay siya at sa kaniya isisi ang paghihi
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U
Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Parang may mga langgam sa loob ng kaniyang utak na kinakagat siya’t tinutusok. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama, naghahanap ng tubig na maiinom, ngunit ang bumungad sa kaniya ay si Sage na madilim ang ekspresyon ng mukha. “S-sage.” Utal niyang tawag sa kapatid nang makita ito sa paanan ng kama. Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo si Sage at inalalayan siyang makaupo ng maayos. Sinapo naman niya ang kaniyang ulo nang maramdaman na parang nanunuyo ang dugo nito sa loob. “Why are you here? Anong oras na ba?” Tanong niya. Bumukas ang pinto, pumasok si Uriel. Nang makita siya nito ay dumilim din ang ekspresyon ng mukha. “How is she? Do we still have to send her to the hospital?” Tanong ni Uriel kay Sage. Kumunot ang kaniyang noo, hindi maintindihan ang nangyayari. “Hospital? Why would you send me to the hospital? I’m fine.” Aniya. “You almost drown last night, Aeve. And I think you don't know it yet.” Malamig na s
Mabigat ang loob ni Aeverie nang umuwi siya sa mansyon. Nauna silang umalis ni Sage, dahil may biglaan itong meeting ngayong dis oras ng gabi. Hindi na siya halos nakapagpaalam dahil gusto na lamang niyang makapagpahinga.The family dinner wasn’t that great. Bulong ng kaniyang isip nang lumubog siya sa bathtub.Si Achilles lamang at ang asawa nito ang pumunta pagkatapos ng halos dalawang oras na paghihintay sa iba pang anak ni David Cuesta. Pagkatapos na salubungin si Achilles, ay hindi na siya nagsalita pa sa hapag.Hinintay na lamang niyang matapos silang kumain at nang makauwi na siya.Her phone rings suddenly.Hindi pa nag-iisang oras simula nang makauwi siya ay sunod-sunod na tawag na ang kaniyang natatanggap. Nasa gilid lamang ng maliit na mesa ang kaniyang cellphone kaya madali lamang abutin.Sumimsim siya sa baso ng champagne bago sagutin ang tawag. Panglimang baso na niya iyon at ramdam na niya ang kaunting epekto nito sa kaniyang sistema.“Where are you?” Bumati agad sa kani