Hello po, kumusta po kayong lahat? Happy mother's day po sa lahat ng nanay, mama at mommy. Maraming salamat po sa inyong lahat, ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POV“Vava, bakit siya nandito?” Tanong ko kay Carlos.“Babe, can we talk?” Tanong niya rin sa akin.“Okay,” sagot ko sa kanya.Naglalakad kami papunta sa may garden area. Nang makarating kami doon ay hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya kahit hindi pa niya ito sinasabi sa akin.“Babe, hindi ko na alam ang gagawin ko.” panimula niyang sabi sa akin.“Bakit siya nandito? Nasaan si Pia? Bakit mag-isa lang siya?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Ang sabi ng driver namin. Umalis kaninang umaga si Pia at hanggang kaninang hapon ay hindi pa bumabalik. Nang umakyat sila sa silid ay may nakita silang maleta at sulat. Here,” sagot niya sa akin at inabot ang isang sulat.“Mang Berto, pakidala po si Precious sa bahay nila Liya.” Basa ko sa nakasulat sa papel.“Saan siya nagpunta? Bakit niya iniwan ang anak niya?” Naiinis na tanong ko kay Carlos.“Hindi ko rin alam, kaya nagagalit ako dahil bakit niya iniwan na lang ang anak niya.
LIYANNA’S POVSobrang gaan ng pakiramdam ko paggising ko. Unang bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Carlos. Nakayakap siya sa akin habang tulog na tulog. Hinalikan ko siya sa pisngi at akmang babangon na ako pero lalo niya akong niyakap ng mahigpit.“Vava, babangon na ako. Silipin ko muna ang mga bata sa kabilang kwarto.” Sabi ko sa kanya.“Mamaya na, babe. Gusto pa kitang kayakap.” Inaantok na sagot niya sa akin.“Okay, pero five minutes lang ha.” Sabi ko sa kanya.“Hindi ba puwedeng whole day?”“Minutes lang po, saka may trabaho ka pa diba. Kailangan natin ng pera, marami na ang anak natin.” Pabiro na sabi ko sa kanya.“Gawa tayo ng lalaki, babe. Kung sakaling babae pa rin ay hindi ako titigil hangga’t wala tayong na lalaking anak.” aniya sa akin.“Puwede naman kung ikaw lang naman ang magbubuntis at manganganak.” Sagot ko sa kanya.“Babe,” tawag niya sa akin.“Hmmm.. Why?”“Gusto ko,” mahinang bulong niya sa tainga ko.“Anong gusto mo?”“Ikaw, gustong-gusto kita.” Sagot niya sa ak
WARNING!! MATURED CONTENT!!! READ AT YOUR OWN RISK (R18+)LIYANNA’S POVNaging maayos ang pakiramdam ko kinagabihan. Pinatulog ko muna si Mireya at Carlos. Naiinitan ako at para bang gusto kong maligo sa dagat.Namili ako ng bikini na isusuot ko. Hindi pa naman malalim ang gabi kaya gusto kong magtampisaw sa tubig. Nagsuot ako ng balabal at lumabas na. Hindi gaanong madilim sakto lang ang liwanag na nagmumula sa buwan.Naglagay ako ng tela sa buhangin. At sinindihan ko ang mga kahoy. Nakangiti ako dahil talagang island vibe ang datingan ng ginawa ko. Umupo ako at ilang minutong nagmasid sa dagat. Tanging tunog ng mga alon ang naririnig ko.Malamig ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko pero biglang may mainit na braso ang pumulupot sa aking katawan. Nang lingunin ko ay si Carlos pala ito at halatang bagong gising siya. Siguro ay hinahanap niya ako sa loob.“Bakit hindi mo ako ginising?” Pabulong na tanong niya sa tainga ko.“Masarap na kasi ang tulog mo kaya ayaw kitang i
LIYANNA’S POV“Baby, are you ready to go home?” Tanong ni Carlos sa anak niya habang naglalakad kami papunta sa private jet niya."Of course, daddy. Miss ko na po si Ate Prexie." Masayang sagot ni Mireya.Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Masakit kasi ang katawan ko at inaantok pa ako. Umakyat na kami at kagaya pa rin ng dati ay masaya pa rin silang nag-uusap. Balak kong umidlip sa biyahe, pakiramdam ko kasi ay ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko na nakayanan pa ang antok ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Napuyat na naman kasi ako kagabi.Napabalikwas ako ng bangon paggising ko dahil nandito na ako sa silid ko. Hindi ako makapaniwala na sobrang lalim ng tulog ko para hindi ko namalayan na nakauwi na kami. Kaagad akong bumangon at hinanap ang mga bata.Pagbaba ko ay natanaw ko si Prexie na umiiyak. Habang si Mireya ay pinapatahan siya. Mabilis ang bawat hakbang ko hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan nila."Why are you crying, Prexie?" Nag-aalala na tanong ko sa
LIYANNA'S POVMaagang umalis si Carlos ngayon dahil papasok pa siya sa trabaho. Mamayang hapon ang schedule ng court hearing ni Cathy. Ang mga bata ay nasa school. Nagsinungaling ako na masama ang pakiramdam ko. Kahit na ang totoo ay inihahanda ko ang sarili ko para mamaya. Kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin. Matagal akong nakaharap sa salamin. At paulit-ulit na nagri-replay sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Pia. Hindi ako makapaniwala, parang isang masamang panaginip ang lahat. Hindi ko kayang pigilan ang luha ko. Sumisikip ang dibdib ko.Suot ang isang simpleng bestida ay nagmaneho ako papunta sa korte. Nang makarating ako sa korte ay nakaupo lang ako sa labas at hinihintay na tawagin ako. Nilalamig ang mga paa at kamay ko. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Kung kaya ko bang magsalita doon. Kung kaya ko bang sabihin ang totoo lalo alam ko na masasaktan ko si Carlos.Ilang sandali pa ay pinapasok na ako sa loob. Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Carlos at galit ang nakik
LIYANNA’S POV (Continuation of Flashback)"Sino ang daddy ni Precious?" Tanong ko kay Pia."Si….." Kitang-kita sa mukha niya na kinakabahan siya. Alam ko natatakot siya. Pero karapatan naming malaman ang totoo."Sino? Sabihin mo na, kailangan namin malaman ang totoo. Sino ba talaga ang daddy niya?""Si…..""Sabihin mo na, Pia.""Sino ninong," mabilis na sagot niya sa akin sabay yuko.Halos mabingi ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam ang ire-react ko sa kanya. Alam ko na malaki ang chance na si daddy ang ama ni Precious pero iba pala talaga kapag sa kanya na mismo nanggaling ang katotohanan. Na sa mismong bibig niya lumabas ang kailangan kong marinig. Hindi na kailangan ng DNA test dahil alam ko na hindi siya nagsisinungaling."Pero bakit mo pinaniwala ang lahat na anak siya ni Carlos?! Bakit kailangan mong lokohin ang lahat ng tao? Bakit kailangan mong manakit lalo na sa anak ko?!" Galit na tanong ko sa kanya.Umiyak ito at hindi siya nagsasalita. Nanatili siyang nakaluhod
THE UNTOLD STORY (FLASHBACK)CARLOS POV #1 BEFORE WEDDING“Why are you here, ate?” tanong ko kay ate Cathy nagulat lang ako dahil bigla siyang nandito sa office ko. Ang alam ko ay abala ito sa paghahanda sa kanyang kasal.“Dinadalaw lang kita, masyado kana rin kasing busy sa negosyo mo.” Sagot niya sa akin.“Alam mo naman kung bakit ako nagsisipag ate, gusto ko na may mapatunayan. Gusto ko bago ko ligawan si Liya ay may maipagmamalaki na ako sa kanya.” Nakangiti na sagot ko sa kanya. I work really hard para sa magiging future namin ni Liya. Yes, I’m in love with my best friend. At balak ko na ligawan siya, alam ko na mahal rin niya ako. Magkasama na kami mula pagkabata kaya alam ko na may mutual understanding na kami. Noong college kami ay may mga naging girlfriends ako pero hindi ko naman sila sineryoso dahil mas mahal ko si Liya. Ginamit ko sila para magselos si Liya pero hindi umubra. At ngayon handa na ako. Ready na akong ligawan siya at sabihin sa kanya na mahal ko siya.“Ma
(CONTINUATION OF FLASHBACK)CARLOS POV #2 AFTER WE BECOME ONELasing ako kagabi at masakit ang ulo ko ngayon. Laging ganito tuwing umaga, mabigat ang pakiramdam ko at mabilis akong mairita. Lahat na lang ay kinaiinisan ko at nagagalit ako kahit hindi naman dapat. Sa tingin ko ay hindi pa gising si Liya kaya mabilis akong pumunta sa silid niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko kung bakit ko siya biglang binuhusan ng tubig. Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero paulit-ulit rin nagpi-play ang mga sinabi sa akin ni ate kahapon. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero mas lamang ang nararamdaman kong sakit sa ginawa niya. Tuwing galit ako ay tinatakot ko siya sa annulment pero ako mismo sa sarili ko ay hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan niya ako at pirmahan niya ang annulment.Isinama ko siya sa office pero naiinis lang ako sa suot niya. Masyado siyang maganda at takot ako may ibang tumingin sa kanya. Oo sobrang possessive ko na pagdating sa kanya. Pero asawa ko na siya a