Hi po, kumusta na po kayo? Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi. Sorry po kung di ako gaanong active, may sakit po kasi ako. Babawi po ako kapag magaling na po ako. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
THE UNTOLD STORY (FLASHBACK)CARLOS POV #1 BEFORE WEDDING“Why are you here, ate?” tanong ko kay ate Cathy nagulat lang ako dahil bigla siyang nandito sa office ko. Ang alam ko ay abala ito sa paghahanda sa kanyang kasal.“Dinadalaw lang kita, masyado kana rin kasing busy sa negosyo mo.” Sagot niya sa akin.“Alam mo naman kung bakit ako nagsisipag ate, gusto ko na may mapatunayan. Gusto ko bago ko ligawan si Liya ay may maipagmamalaki na ako sa kanya.” Nakangiti na sagot ko sa kanya. I work really hard para sa magiging future namin ni Liya. Yes, I’m in love with my best friend. At balak ko na ligawan siya, alam ko na mahal rin niya ako. Magkasama na kami mula pagkabata kaya alam ko na may mutual understanding na kami. Noong college kami ay may mga naging girlfriends ako pero hindi ko naman sila sineryoso dahil mas mahal ko si Liya. Ginamit ko sila para magselos si Liya pero hindi umubra. At ngayon handa na ako. Ready na akong ligawan siya at sabihin sa kanya na mahal ko siya.“Ma
(CONTINUATION OF FLASHBACK)CARLOS POV #2 AFTER WE BECOME ONELasing ako kagabi at masakit ang ulo ko ngayon. Laging ganito tuwing umaga, mabigat ang pakiramdam ko at mabilis akong mairita. Lahat na lang ay kinaiinisan ko at nagagalit ako kahit hindi naman dapat. Sa tingin ko ay hindi pa gising si Liya kaya mabilis akong pumunta sa silid niya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko kung bakit ko siya biglang binuhusan ng tubig. Nakaramdam ako ng awa sa kanya pero paulit-ulit rin nagpi-play ang mga sinabi sa akin ni ate kahapon. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero mas lamang ang nararamdaman kong sakit sa ginawa niya. Tuwing galit ako ay tinatakot ko siya sa annulment pero ako mismo sa sarili ko ay hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan niya ako at pirmahan niya ang annulment.Isinama ko siya sa office pero naiinis lang ako sa suot niya. Masyado siyang maganda at takot ako may ibang tumingin sa kanya. Oo sobrang possessive ko na pagdating sa kanya. Pero asawa ko na siya a
(LAST PART OF FLASHBACK)CARLOS POV #3 RELATIONSHIP BREAKDOWNI tried my best na maging maayos ang pagsasama namin ni Liya. Pero sadyang nawalan na ako ng pag-asa. Kahit anong gawin ko ay nawawalan na ako ng gana sa relasyon namin. Oo ako ang nagsabi sa kanya na subukan namin pero nasira na kasi ang tiwala ko sa kanya.“Alam mo doon na lang ang asawa mo sa bahay niyo.” Sabi sa akin ni ate.“Wala akong secretary, ate.”“Si Pia, siya na lang ang kunin mo. Naghahanap siya ng trabaho kaya siya na lang.” Sabi pa niya sa akin.“Pero mas gusto ko na kasama ang asawa ko.” Sagot ko sa kanya.“Pansamantala lang naman, teka nga pupunta ba kayo sa dinner mamaya?” Tanong niya bigla sa akin."Yeah," tipid na sagot ko kay ate."Isasama mo ba ang asawa mo?" Tanong niya sa akin."Of course, ate hindi ko siya hahayaan na mag-isa sa bahay.""Pumapayag kana talaga na ayusin ang pagsasama niyo? Kahit alam mo na niloloko ka lang niya.""Walang masama kung subukan namin." Naiinis na sagot ko sa kanya."Mahal
CARLOS POV #4 PAST TO PRESENT TIME Aminado ako na tanga ako, na uto-uto ako. Dahil naniniwala ako sa lahat ng mga sinasabi sa akin. Sa mga buwan na dumaan at halos ilang taon na ang lumipas ay nasanay na ako. Nasanay na akong mag-isa. Ngayon ako naniniwala sa sinasabi nila na saka ka magsisisi kapag nawala na sa ‘yo ang taong mahal mo. Nagsisisi ako sa lahat ng mga maling nagawa ko sa asawa ko. Sa lahat ng ginawa kong pananakit sa kanya ay kulang pa itong nararamdaman kong lungkot at pagsisisi. Hindi ko rin inakala na nagbunga ang kataksilan ko na magkakaroon ako ng anak kay Pia. Nakikisama ako kay Pia pero para na lang sa anak ko. Gumaling na ako at wala na ang mga traces ng gamot sa katawan ko. Pero regular pa rin akong pumupunta sa doktor para siguraduhin na maayos na ako. Never kong naisip na gumamit ng dr*gs pero sarili ko lang pa lang kapatid ang gagawa at sisira sa buhay ko.“Carlos, kausapin mo na ako. Alam ko na mali ang ginawa ko.” Umiiyak na sabi sa akin ni Ate.“Sinira mo
LIYANNA’S POV (PRESENT TIME)Nakinig ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Pero isa lang ang alam ko nasasaktan ako. Kaya ba hindi na siya umuwi at kaya ba may kakaiba sa kanya noong huling pagkikita namin. Napansin ko na iba ang kulay ng mata niya. Medyo namumula at ngayon ko lang ulit naalala. Naisip ko lang baka puyat siya dahil mukha siyang pagod. Kaya pala ibang-iba siya sa Carlos na nakilala ko. Galit ako dahil bakit sa amin pa nangyari ang lahat ng ito. At bakit ang mga itinuturing namin na pamilya pa ang dahilan ng paghihirap namin.“Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa ‘yo. Ang sama niya talaga kasi ikaw na sarili niyang kapatid ay sinira niya ang buhay mo.” Umiiyak na sabi ko kay Carlos.“Let’s forget the past, babe. Ang mahalaga buo na ang pamilya natin. At nasa kulungan na siya doon niya pagbabayaran ang mga ginawa niya.” “Pero nakakalungkot lang dahil hindi mo ako tinanong. Alam ko na may mali ako dahil
WARNING! MATURED CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK (R18+)LIYANNA’S POVNakarating kami sa isang hotel. Inalalayan niya ako pababa sa kotse niya.., nakahawak siya sa baywang ko habang naglalakad kami. "Vava, bakit ka pa gumagastos. Ang mahal dito," sabi ko sa kanya."Babe, hindi naman.""Pero nagtitipid tayo," pabiro na sabi ko sa kanya."Magsisipag pa ako sa trabaho, hahaha!" Natatawa na sabi niya sa akin."Hati tayo sa gastos ha," pangungulit ko pa sa kanya.Tinawanan lang niya ako. Gusto ko lang talagang makipagbiruan sa kanya. Pagpasok namin ay walang katao-tao. Tanging kami lang ang nandito ngayon. Napangiti ako dahil may musika kaagad na bumungad sa akin."Vava, bakit walang katao-tao?" Tanong ko sa kanya."Mas gusto ko na tayo lang ang nandito." Nakangiti na sagot niya sa akin.“Pero hindi mo naman kailangan na gumastos, simpleng date ay mas okay na sa akin.” Sabi ko sa kanya.“Gusto ko lang gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noon,” sabi niya sa akin.“Sapat na sa akin na mal
LIYANNA'S POV"Ate, kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Vena. Nakaupo kami ngayon dito sa garden."Okay naman ako, Vena. Katunayan ay hindi na ako sinusumpong ng sakit ko." Sagot ko sa kanya."Mabuti naman, ate. Pero magpagamot ka pa rin ha.""Opo, lalo na ngayon na marami ang dahilan para lumaban." Sagot ko sa kanya."Ate, sa tingin mo. Okay lang kaya na maging kami ni Charles?" Biglang tanong niya sa akin."Oo naman, bakit naman hindi? Mabait siya at alam ko na aalagaan ka niya. Huwag mong isipin ang nakaraan, kasi hindi ko talaga siya nagustuhan. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Thank you, ate. Nahihiya lang kasi ako, pero crush ko talaga siya dati pa." Nahihiya na sabi niya sa akin."Alam ko, hahaha!" Sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na crush niya ito dahil palaging namumula ang pisngi niya kapag nasa bahay si Charles. Halata kasing kinikilig siya."Ate, hindi na ako babalik sa US. Okay lang ba?" Tanong niya sa akin."Syempre ok
LIYANNA’S POVKinakabahan ako dahil ngayon lang ako ulit nanuod ng ganito. Paano ba naman kasi iba na ang panahon ngayon. Noon ay masaya akong nanunuod dahil bata pa siya at talaga namang sobrang galing niya. Pero ngayon ay trenta na siya para gawin ang mga ganitong bagay. Kung si Mireya ay nagsasaya ako naman ay kinakabahan lalo sa kanya. May anak na siya at natatakot ako sa mga iniisip ko na negative na mangyayari. Malakas ang hiyawan ng mga tao. Habang ako malakas rin ang t*bok ng puso ko. Sobrang bilis niyang magpatakbo. Na habang pinapanood ko siya ay hindi ako humihinga dahil sa intense ng laban nila."Baby, kinakabahan ako sa pinanggagawa ng daddy mo." Sabi ko sa anak ko."Mommy, mananalo po si daddy. Nanalo nga siya sa puso mo eh." Nakangiti na sagot pa niya sa akin.Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko sa anak ko. Mukhang tuwang-tuwa pa talaga siya. Nang malapit na sa finish line ay biglang tumigil sa gitna si Carlos. Kinakabahan ako dahil hindi siya umuusad. Hinila ko si M
CARLOS POVNoong isinama ako ng asawa ko sa loob ng delivery room ay grabe ang kaba ko. Nilalamig ang mga daliri ko sa paa ganun rin ang mga kamay ko. Ang makita na nahihirapan ang asawa ko ay parang torture sa akin. Doon ko lalong hinangaan at minahal ang asawa ko ganun rin ang mommy ko.Tumulo ang luha ko ng makita ko ang anak ko. Sobrang saya ng puso ko. Sa wakas ay naranasan ko ng maging isang ama, naranasan ko ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na ako ang mag-aalaga kay baby. Na kahit mapuyat ako ay gagawin ko ang lahat. Gusto kong bumawi sa mag-ina ko. Alam ko ang hirap niya sa pagbubuntis at ngayon nais ko na ako naman ang maghirap sa pag-aalaga. Hindi ko ito nagawa kay Mireya kaya bumabawi ako kay Baby Inzio. Kaya kong tiisin ang pagiging moody ng asawa ko. Nalaman ko na nangyayari pala talaga ito. Ang nagbabago ang ugali niya. Postpartum ang tawag nila kaya sinabi rin sa akin ni Dok na lawakan ko pa ang pag-unawa ko sa asawa ko dahil hi
LIYANNA'S POVHawak ni Carlos ang kamay ko. Pawis na pawis at ramdam ko ang sobrang sakit. Kung gaano ako nahihirapan ay ganun rin kalamig ang kamay ni Carlos. Ramdam ko na nilalabanan niya ang takot niya. "Uhmmmm.....!" Nakatikom ang bibig ko habang patuloy na umiire. Sabi kasi sa akin ni Dok ay mas makakakuha ako ng lakas kaysa sa sumigaw ako. Lahat ng sinasabi ni Dok ay ginagawa ko."1, 2, 3 push.." utos sa akin ni Dok na ginawa ko naman."Uhmmmmmm!" Tumutulo na ang luha ko sa mata ko. Pero naka-set na sa isipan ko na kahit anong mangyari ay ilalabas ko ang baby ko ng maayos. Ngayon ko naranasan ang hirap ng mag ina na iluwal ang kanilang mga anak. Normal delivery o cesarean delivery ay pareho na mahirap. Paulit-ulit ang utos sa akin ni Dok hanggang sa narinig ko ang iyak ng baby ko. "Congratulations, Liya." Sabi sa akin ni Dok."I love you," bulong ni Carlos sa tainga ko at nakita ko na umiiyak siya. Paulit-ulit rin niya akong hinalikan sa noo.Pagod na pagod ako pero sobrang
LIYANNA'S POVIto na ang pinakahihintay naming araw. Ang gender reveal party. Pagkagaling namin sa simbahan ay tumuloy kami sa venue. Napili nila sa open grounds. Hindi ko alam pero ang mga kaibigan ng asawa ko sa racing club ang may pakana. Gusto ko sana sa bahay na lang pero mas gusto daw nila doon.Pumayag naman ako dahil alam ko na namiss nilang mag-race. Hapon na ginanap para hindi gaanong mainit. "Kinakabahan ako, babe." Pabulong na sabi ni Carlos sa akin."Vava, dapat masaya ka. Kasi ito na pinakahihintay mo, natin. Sa wakas ay hindi kana magpupuyat, hahaha!" Pabiro na sabi ko sa kanya."Sorry, babe. Alam ko na napupuyat ka sa akin." Nakangisi na sabi niya sa akin."Hahaha! Sinusulit mo talaga dahil ilang buwan ka rin bago ka ulit makakapasok." Natatawa na sabi ko sa kanya."I love you and thank you for understanding me, for loving me and for carrying our child." Nakangiti na sabi niya sa akin."I love you too and I'm always willing to carry our child." Malambing na sagot ko s
LIYANNA'S POVMabilis na lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayan. Nagising ako dahil naririnig ko ang asawa ko. Kaya mabilis akong pumunta sa banyo para silipin siya. "Vava, are you okay?" Nag-aalala na tanong ko sa asawa ko.Bigla na lang kasi itong nagsuka ngayong umaga. Hindi ko alam pero napansin ko na palagi siyang inaantok kaya isang linggo na siyang hindi pumapasok sa trabaho. "Nahihilo ako, babe. At nangangasim ang sikmura ko." Sagot niya sa akin."Magpacheck-up na kaya tayo?" Saad ko sa kanya."Okay lang ako, itutulog ko lang ito," sagot niya sa akin at mabilis na bumalik sa kama namin para matulog ulit.Inayos ko ang kumot niya at hinalikan ko siya sa labi. Lumabas naman ako sa silid namin para puntahan si Mireya at Prexie. Oo sa amin na nakatira si Prexie. Dahil hiniling rin niya kay daddy habang si Precious ay doon pa rin sa mansyon. Masaya ako dahil magkasundo ang dalawang bata. Nakakatuwa dahil si Prexie ang madalas ba nag-aasikaso kay Mireya. Pero may hil
LIYANNA'S POV"Babe, hindi ito totoo diba? Hindi pa patay si Ate?" Umiiyak na tanong sa akin ni Carlos."Vava," umiiyak ako at niyakap ko siya."Okay na siya eh, noong dinalaw ko siya ay nakangiti na siya at nakakausap na siya ng maayos. Hindi ito, hindi ito ang nais ko. Mahal na mahal ko ang ate ko, kahit na ano pa ang naging kasalanan niya." Umiiyak na saad sa akin ng asawa ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya."I'm sorry, alam ko na ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganun si ate. Sorry, Vava sana hinayaan ko na lang siya." Sabi ko sa kanya dahil sinisisi ko ang sarili ko."No, babe. It's not your fault, hindi mo kasalanan. Kagustuhan ito ni ate, nakakalungkot lang dahil tinapos niya na kaagad ang buhay niya." Saad sa akin ng asawa ko.Kaagad kaming umuwi sa Pilipinas dahil sa natanggap naming balita. Ate Cathy ended her own life. Nagpakamatay siya at nagluluksa ang buong pamilya namin. Kaya kahit na may magandang balita kami sa kanila ay hindi namin magawang s
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton