Dianne's POVNABALING kay Axel ang paningin ko nang itanong niya iyon. Napansin ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya kaya agad akong tumango."Why did you associate yourself with him?""Bakit?" Napasulyap ako kay Eros bago muling binaling ang mukha kay Axel. "I know he's a dangerous man. Marami siyang tauhan, makapangyarihan, mainitin ang ulo, but he's harmless when it comes to me. And I can handle myself.""You don't know what you got yourself into, Dianne.""Why? Do you know him personally?" narinig kong bulong ni Thalia kay Axel.Huminga nang malalim si Axel bago nilapit ang labi sa tainga ni Thalia. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito. But I'm sure I heard him mentioned a name. Si Adler.Nag-aalalang tumingin sa akin sina Thalia at Axel. "Call me if anything happens," he said."Or if you need any help," agad na dugong ni Thalia.Napansin ko pang nagkatinginan sandali sina Axel at Eros. Natatawa ko silang tinanguan. Palabas na ako ng shop nang bigla akong pigilan ni Eros
Dianne's POVMAG-IISANG linggo na mula nang magsimula ang lihim na relasyon namin ni Eros. Patago kaming nagkikita sa condo, o minsan naman ay sa hotel kung 'quickie' lang ang gagawin namin.Siguro ay nadadala na rin ako sa mga makamundong bagay na ginagawa namin kaya minsan, kahit sa gabi ay tumatakas ako, makipagkita lang sa kaniya.Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Eros habang nakaupo sa tabi ng libingan ng anak ko. I can tolerate being with him. Kahit anong kababuyan pa ang gawin namin, okay lang sa akin. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang dalawin niya ang puntod ng anak ko."What are you doing here?"Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mukha ni Eros nang lingunin ako nito."Mahal, kanina pa kita sinusubukang tawagan. Gusto sana kitang yayain pumunta rito pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko.""Sinadya ko iyon. Dahil balak ko talagang dalawin si Strawberry. I thought I made it clear to you? Ayaw kong dinadalaw mo ang anak ko."Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha
Dianne's POVPADABOG kong tinapon sa luxury sofa ang handbag na dala ko matapos namin makapasok ni Matthias sa mansion. Hindi na namin naituloy ang pags-shopping dala nang matinding pagtatalo. Ni hindi na nga kami nakakain nang maayos kanina."Don't treat me like a puppy, Dianne. Hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako bulag. Hindi basta-bastang nabibilog ang utak ko!""Ano bang gusto mong palabasin? Sinabi ko na sa iyo ang totoo, si Eros ang lapit nang lapit sa akin!"Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha na parang tinatantya ang sinasabi ko. I swallowed hard while breathing heavily. Nahahalata na ba ni Matthias ang mga kilos ko?"Darling, I wouldn't cheat on you. Malapit na tayong ikasal." Sinubukan kong maglambing uli sa kaniya."Kung ganoon, huwag mo nang titingnan ang lalaking iyon na parang may nararamdaman ka pa rin sa kaniya! And everytime he's with that woman, stop looking at him like a jealous ex-wife!""I am not!""Then stop acting like one!"Napapitlag ako nang dumagund
Dianne's POVAGAD na isinuot sa akin ni Eros ang panty ko na hinubad niya at maingat na itinaas ang laylayan ng aking skirt. He even helped me get down from his desk before turning his gaze to Pia.Gulat na gulat ito habang nakatingin sa amin. Nakaawang pa ang mga labi niya. Eros tried to talk to her but I stopped him."Ako na."Marahan akong lumapit kay Pia. The pain was visible in her eyes. Alam kong nasasaktan ko siya ngayon kaya sinubukan kong magpaliwanag. Pero isang malakas na sampal ang natanggap ko nang malapitan ko siya."Pia!" Mabilis na pumagitan sa amin si Eros.Hawak ko ang pisngi kong sinampal nito nang balingan ako ni Eros. Nag-aalala ang mga matang sinipat ang pisngi ko."Are you okay?"Nakita ko kung paanong mas nasaktan si Pia nang makita ang ikinilos ni Eros. Hinarap naman siya nito."You don't need to hurt her! Kausapin mo kami nang maayos!""Maayos? After niya akong saksakin sa likod, gusto n'yo nang maayos na usapan? Sampal lang iyon. Wala pa iyon sa sakit na nar
Dianne's POV"Gusto kong mabuntis."Gulat na napatitig sa akin si Pia dahil sa sinabi ko. This is my plan from the beginning. Ang makipagrelasyon kay Eros para pag-initan siya ni Matthias, at para magpabuntis sa kaniya.I want to have a baby bago ako tuluyang lumayo sa lahat. Gusto ko ng isang anak na makakasama ko sa pagtanda. Kahit iyon na lang, masaya na ako."You're out of your mind." Muling naupo si Pia sa tabi ko habang umiiling. "Alam ba ito ni Matthias?"Umiling ako."Gaga ka talaga, Dianne. Mapapatay kayo ni Matthias sa ginagawa mo!""Si Eros lang ang papatayin niya. He can't hurt me.""Bakit? Dahil iniisip mong mahal na mahal ka niya? Halang ang kaluluwa ng taong iyon! Oras na nalaman niyang iniiputan mo siya sa ulo, baka una ka pa niyang patayin."Napalunok ako sa mga sinabi niya. Idagdag pa ang tono ng pananalita niya na talagang nagbigat ng kilabot sa akin. Umiling ako at umiwas ng paningin."I can take care of myself.""Hay nako!""I have a favor to ask." Muli ko siyang
Dianne's POVNAGLALAKAD ako sa gilid ng daan matapos manggaling sa bahay ni Thalia. Malalim ang iniisip ko kaya ni hindi ko napansin ang babaeng tumatawag sa akin."Ma'am Dianne!"Tuluyan lang akong nagbalik sa reyalidad nang may kamay na humawak sa braso ko."Oh, Suzette. Anong ginagawa mo rito?""It's lunch time, ma'am. May katagpo kasi ako rito kaya dito na ako nag-lunch."Napangiti ako. "Ganoon ba?""Can I invite you for a drink, Ma'am Dianne? Gusto sana kitang makumusta.""O, sige ba. Ako na ang taya. Na-miss din kita, e."Pumasok kami sa isang coffee shop at nag-order ng ice coffee at cupcakes."Kumusta ka na, ma'am? Narinig ko pong ikakasal na kayo?""Oo. I'm getting married to Matthias de Dios.""Ah." Nakita ko ang kalituhan sa mga mata niya kaya napangiti ako."Ikaw, kumusta na? May boyfriend ka na ba?""Nako, wala pa iyan sa isip ko, ma'am. Nag-iipon pa lang ako." Uminom siya ng ice coffee bago muling tumingin sa akin. "Ma'am, may balita pa rin ba kayo kay Mariedel?"May ila
Dianne's POVUMAWANG ang mga labi ko nang makita si Eros. Sinara nito ang pinto sa likuran niya at mabilis na lumapit sa akin. Wala sa sariling napaatras ako."Mag-uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo!"Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at tinitigan gamit ang nag-aalala ngunit determinadong mga mata."G-gusto mo na ba talagang mamatay, ha? Kapag naabutan ka ni Matthias—""Then be it! Maabutan na niya ako para mabawi na kita!"Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. He's really crazy! Pero sa tingin ko, mas baliw ako dahil nagagawa kong kiligin sa ganitong oras."Eros, hindi mo naiintindihan—hmmp!"Bigla niya akong hinalikan sa mga labi. Hinalikan niya ako na para bang isang dekada kaming hindi nagkita. I tried to push him away, pero mahigpit niyang pinulupot ang mga braso sa katawan ko upang hindi ako makawala.Ginusto kong magpumiglas at sampalin siya, pero sa halip na gawin iyon, para akong yelo na unti-unting natutunaw sa init na hatid ng katawan niya. Tuluyan akong bumigay hang
Dianne's POVHINDI ko maimulat ang mga mata ko habang nakahiga sa sahig ng kuwarto ni Matthias. Agad siyang lumabas matapos akong paulit-ulit na suntukin sa mukha.Nananakit ang buong katawan ko—lalo na ang aking mukha. Ni hindi ko na maramdaman ang magkabila kong pisngi. Kahit ang imulat ang mga mata ay nahihirapan akong gawin.Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko sa kamay, pero hirap na hirap na rin ako. Parang naparalismo ang katawan ko dahil sa pagkakabugbog sa akin.Ang pagkahulog at pagkabasag ng mga plato sa sahig at maging ang matinis na sigaw ni Linda ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.***Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang namamanhid o nananakit ang buong mukha ko, basta ang alam ko lang, ilang araw akong nawalan ng malay."Ma'am Dianne! Salamat naman sa Diyos at gising ka na, ma'am!" Mabilis akong nilapitan ni Linda kaya marahan akong napatingin sa kan