Eros' POVNAALIMPUNGATAN ako sa pagtulog nang makarinig nang impit na ungol mula kay Dianne. Nakatalikod ito mula sa akin kaya hindi ko makita kung gising siya o tulog.Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang ipatihaya. Natigilan ako nang makitang umiiyak siya habang tulog."S-Strawberry. A-anak ko... "Matagal akong natigilan at nanigas sa kinahihigaan dahil sa narinig. Si Strawberry. Hanggang ngayon... nasasaktan pa rin siya sa nangyari sa anak namin."Dianne." Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.Pabaling-baling ang ulo niya habang walang katapusan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Kahit tulog ay kitang-kita sa mukha niya ang sakit dulot nang pagkakawala ng aming anak."Strawberry ko... don't leave mama... "Mariin akong lumunok at pinilit na kontrolin ang sarili kong emosyon. Pilit ko siyang ginising hanggang sa bumalik ang malay niya."Strawberry." Lalo pa siyang naiyak nang magising.Mahigpit ko siyang niyakap habang inaalo sa likod. She hugged me back and continued cryi
Dianne's POV"Makakaya ko rin pumatay para sa kaniya."Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ang tinuran ni Matthias. Tiningala ko siya. Nakita ko kung paano dumilim ang mukha niya sa paglipas ng segundo habang nakatingin kay Eros.But when I turned to Eros, nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang nakangiti pa ito. Baliw ba siya? How can he smile like that after he was just threatened?Akmang magsasalita si Eros, pero mabilis kong kinuha ang atensyon ni Matthias para maiwasan na ang pagdiskusyon sa pagitan nila."D-darling." Pinagapang ko ang kamay ko sa dibdib niya at pinalambing ang tinig ko. "I saw the horses awhile ago. Gusto ko sanang mangabayo at mamasyal sa tabing-dagat."Itinuon niya sa akin ang buo niyang atensyon. "Darling, medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa party kagabi. Can we do it a little later?""I can accompany her."Napatingin kami kay Eros sa sinabi nito. He looked at me intently, na parang wala siyang pakialam kahit nandito lang si Matthias at pi
Dianne's POVNILILINIS ni Eros ang katawan kong napuno ng putikan sa ilalim ng malakas na ulan. Kanina pa nito hinihilog ang buong katawan ko gamit ng kaniyang mga kamay.Nang matapos ay tumayo siya sa harap ko at hinagkan ako sa mga labi. "Dianne.""Dito na tayo magtatapos."Natigilan siya sa sinabi ko. Sinalubong ko ang mga mata niyang puno ng pagkalito."No."Inarkuhan ko siya ng isang kilay. "No?""Hinding-hindi ako papayag na matapos tayo. This is only the beginning.""Beginning?" Bigla akong natawa. "Bakit? Kahit na alam mong ikakasal na ako, nakahanda ka pa ring ituloy ito?""Oo."Tumingkayad ako hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa."Wala ka talagang takot sa langit. Hindi mo ba naisip na puwede tayong parusahan sa ginagawa natin?""Malunod na ako sa kumukulong kumunoy ng kasalanan, pero hinding-hindi kita bibitiwan, Dianne."Mariin akong lumunok sa mga narinig. Wala akong nakikitang halong pagbibiro sa mga mata niya. Gusto ko tuloy na muling
Dianne's POVMALAPAD ang ngiti sa mga labi ko habang pinapadala ang picture ni Mariedel sa social media account ni Eros. Gusto kong malaman kung may ugnayan pa rin sila hanggang ngayon at malalaman ko iyon sa pamamagitan nito. "Siguradong magmamadali ang lalaking iyon kapag nalaman na nadehado na naman ang kabit niya."Ibinalik ko kay Joseph ang cellphone nito na siyang ginamit na pangkuha ng picture kanina ni Mariedel.I dialed his number after that. "I visited your mistress awhile ago.""What?" hindi makapaniwala ang boses niya.Natawa lang ako bago ibinaba ang tawag. Bumalik na kami sa Manila at dumiretso sa favorite snack shop namin ni Thalia na madalas namin tambayan noon.She just texted me awhile ago. Nalaman kasi niyang nakabalik na ako from isla kaya gusto niyang makipagkita.Pag-ibig na pag-ibig ko ng sasakyan, nagulat ako nang biglang prumeno ang isang kotse sa harap ng sasakyan namin. Ang mas lalo kong ikinagulat ay nang makitang lumabas mula sa driver's seat si Eros."Wh
Dianne's POVNABALING kay Axel ang paningin ko nang itanong niya iyon. Napansin ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya kaya agad akong tumango."Why did you associate yourself with him?""Bakit?" Napasulyap ako kay Eros bago muling binaling ang mukha kay Axel. "I know he's a dangerous man. Marami siyang tauhan, makapangyarihan, mainitin ang ulo, but he's harmless when it comes to me. And I can handle myself.""You don't know what you got yourself into, Dianne.""Why? Do you know him personally?" narinig kong bulong ni Thalia kay Axel.Huminga nang malalim si Axel bago nilapit ang labi sa tainga ni Thalia. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito. But I'm sure I heard him mentioned a name. Si Adler.Nag-aalalang tumingin sa akin sina Thalia at Axel. "Call me if anything happens," he said."Or if you need any help," agad na dugong ni Thalia.Napansin ko pang nagkatinginan sandali sina Axel at Eros. Natatawa ko silang tinanguan. Palabas na ako ng shop nang bigla akong pigilan ni Eros
Dianne's POVMAG-IISANG linggo na mula nang magsimula ang lihim na relasyon namin ni Eros. Patago kaming nagkikita sa condo, o minsan naman ay sa hotel kung 'quickie' lang ang gagawin namin.Siguro ay nadadala na rin ako sa mga makamundong bagay na ginagawa namin kaya minsan, kahit sa gabi ay tumatakas ako, makipagkita lang sa kaniya.Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Eros habang nakaupo sa tabi ng libingan ng anak ko. I can tolerate being with him. Kahit anong kababuyan pa ang gawin namin, okay lang sa akin. Pero ang hindi ko matatanggap ay ang dalawin niya ang puntod ng anak ko."What are you doing here?"Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mukha ni Eros nang lingunin ako nito."Mahal, kanina pa kita sinusubukang tawagan. Gusto sana kitang yayain pumunta rito pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko.""Sinadya ko iyon. Dahil balak ko talagang dalawin si Strawberry. I thought I made it clear to you? Ayaw kong dinadalaw mo ang anak ko."Unti-unting nabura ang ngiti sa mukha
Dianne's POVPADABOG kong tinapon sa luxury sofa ang handbag na dala ko matapos namin makapasok ni Matthias sa mansion. Hindi na namin naituloy ang pags-shopping dala nang matinding pagtatalo. Ni hindi na nga kami nakakain nang maayos kanina."Don't treat me like a puppy, Dianne. Hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako bulag. Hindi basta-bastang nabibilog ang utak ko!""Ano bang gusto mong palabasin? Sinabi ko na sa iyo ang totoo, si Eros ang lapit nang lapit sa akin!"Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha na parang tinatantya ang sinasabi ko. I swallowed hard while breathing heavily. Nahahalata na ba ni Matthias ang mga kilos ko?"Darling, I wouldn't cheat on you. Malapit na tayong ikasal." Sinubukan kong maglambing uli sa kaniya."Kung ganoon, huwag mo nang titingnan ang lalaking iyon na parang may nararamdaman ka pa rin sa kaniya! And everytime he's with that woman, stop looking at him like a jealous ex-wife!""I am not!""Then stop acting like one!"Napapitlag ako nang dumagund
Dianne's POVAGAD na isinuot sa akin ni Eros ang panty ko na hinubad niya at maingat na itinaas ang laylayan ng aking skirt. He even helped me get down from his desk before turning his gaze to Pia.Gulat na gulat ito habang nakatingin sa amin. Nakaawang pa ang mga labi niya. Eros tried to talk to her but I stopped him."Ako na."Marahan akong lumapit kay Pia. The pain was visible in her eyes. Alam kong nasasaktan ko siya ngayon kaya sinubukan kong magpaliwanag. Pero isang malakas na sampal ang natanggap ko nang malapitan ko siya."Pia!" Mabilis na pumagitan sa amin si Eros.Hawak ko ang pisngi kong sinampal nito nang balingan ako ni Eros. Nag-aalala ang mga matang sinipat ang pisngi ko."Are you okay?"Nakita ko kung paanong mas nasaktan si Pia nang makita ang ikinilos ni Eros. Hinarap naman siya nito."You don't need to hurt her! Kausapin mo kami nang maayos!""Maayos? After niya akong saksakin sa likod, gusto n'yo nang maayos na usapan? Sampal lang iyon. Wala pa iyon sa sakit na nar
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin