Anya's POVMATAGAL kaming nagkatitigan bago tumawa si Damian na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Stop trying to be funny."Sa kabila nang pagtawa niya ay halatang-halata ko ang inis sa mga mata niya."Mukha ba akong nagpapatawa? Ang mga luha ko, ang pagmamakaawa ko, joke lang ba itong lahat para sa iyo?"Gusto kong magmura sa sobrang inis, pero napapagod na ang puso ko sa pakikipag-away. Gusto ko rin ibigay sa anak ko ang gusto nito—ang makasama ang papa niya. At para mangyari iyon, alam kong kailangan kong tanggapin na hinding-hindi na babalik sa akin si Damian. Na si Margot na ang mahal niya at kapag nawala ako, si Margot na rin ang tatayong pangalawang ina ni Andi.Kung gusto kong sumaya at maging maayos ang buhay ng anak ko oras na iniwan ko ito, ngayon pa lang, kailangan ko nang ayusin at tanggapin ang lahat. Kailangan kong sanayin si Andi sa presensya ni Margot, at kailangan kong masanay na makita ang mag-ama ko... masaya kasama ang ibang babae. Kasama ang stepsister ko.
Anya's POVSA MGA naunang ilang araw ay hindi kami nagpapansinan ni Damian. Ang totoo nyan, ako ang hindi niya pinapansin. Natutulog siya sa kwarto namin habang ako ay sa silid ni Andi natutulog.Sa tuwing nagkikita kami sa mansion, para akong hangin na dinadaan-daanan lang niya. Lagi niyang kasama si Andi, at kapag nandiyan ako, umiiwas siya.Kapag sinusubukan ko naman siyang kausapin, tila wala siyang naririnig. Minsan lang siya sumagot, kasing-lamig pa ng yelo."Luto na ang breakfast!" masigla kong wika mula sa kusina. Ako mismo ang nagluto para kina Damian at Andi.Pinagmasdan ko ang bilog na lamesa kung nasaan ang fried rice, scrambled at boiled eggs, sausages, sawsawan at pancakes with chocolate syrup."Wow! Ang daming pagkain!" Excited na naupo si Andi sa isang silya habang tahimik naman si Damian.Sinadya kong ipagluto sila para makuha ang loob ni Damian. Magkasama nga kami sa iisang bubong, pero daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan niya ako. Hindi rin mabuti ang
Anya's POVNAKASUOT ako ng sweet floral dress na may spaghetti straps at hanggang hita lang ang haba ng laylayan. Matapos akong paayusan ni Luci kanina, nag-shopping kami at kung ano-anong pampaganda ang binili namin.Katulad niya ay nagpaputol din ako ng buhok. Ngayon ay hanggang balikat na lang ang haba ng buhok ko at medyo pinakulot ko rin ito. Inayusan din ako at nilagyan ng kolorete kaya ang dating maputla kong mukha ay may kulay na ngayon."Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinihintay—" natigilan sa pagsasalita si Damian nang mapansin ang ayos ko. Kabababa lang nito mula sa hagdan.Napahawak ako sa buhok ko at napangiti habang naglalakad palapit sa kaniya. Bumaba ang paningin niya sa kabuuan ko bago muling nag-angat ng paningin sa akin. Punong-puno ng paghanga ang mga mata.Napasikdo ang puso ko nang muling magtama ang paningin namin. "Sorry, ginabi ako. Nagpasama pa kasing mag-shopping si Luci."Matagal na nawalan ng imik si Damian habang nakatingin lang sa akin. Nang salubun
Anya's POV"Ang saya, mama! Papa! Balik ulit tayo dito, ha?"Natatawa kong pinahid ang sauce ng barbecue sa gilid ng labi ni Andi. Tapos na kami sa pagligo at ngayon ay kumakain na."Hindi pa nga tayo umuuwi, ang pagbalik agad ang nasa isip mo.""Sige na, mama. Ang saya dito, e! Balik agad tayo, ha?""O, sige. Babalik ulit kayo dito.""Kami lang? Hindi ka kasama?""Kasama, syempre," si Damian ang sumagot kaya nabaling sa kaniya ang paningin ko. Nagkatinginan kami habang nakangiti siya sa akin. "Bakit naman hindi sasama si Mama?"Mahina akong tumawa. "Kasi busy na no'n si Mama. Pero syempre, nandyan si Tita Margot. Siya ang makakasama n'yo ni Papa.""Ay." Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ng anak ko.Natigilan at napatingin naman sa akin si Damian."Bakit siya kasama?" inosenteng tanong ni Andi."Anak, magiging asawa na ni Papa si Tita Margot. Madalas mo na rin siyang makakasama, lalo na sa ganitong mga outing.""Ha? Bakit ganoon? Di ba, ikaw ang asawa ni Papa?"Natigilan ako sa tanon
Anya's POVMALAKI ang ngiti sa mga labi ko habang hinahagod ng tingin ang bawat tanawin na nadadaanan namin. Ever since, I always loved joyriding with Damian and Andi. May kung anong saya akong nararamdaman sa twing bumibyahe kami nang malayo at magkasama."Don't eat or drink inside my car."Natigilan ako sa pagbabalak na buksan ang coke in can na hawak ko dahil sa sinabi ni Damian. Nagtataka ko siyang nilingon."Bakit? Noon naman, sa loob tayo ng kotse kumakain, ah?""Noon iyon. Mukha bang may karapatan ka pa rin gawin iyon ngayon?"Matagal na sandali akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Gulat at sakit ang una kong naramdaman. Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong wala na nga pala akong karapatan."Sorry, nakalimutan ko." Ngumiti ako at binalik na lang ang coke sa lagayan. "Kumusta pala sa office? Hectic ba ang schedule mo?""Kailan ba hindi naging hectic ang schedule ko?" balik tanong niya sa pasubladong paraan.Umismid ako. "Ah, paano ang trabaho mo? Marami ka bang trabaho n
Anya's POVKABABABA lamang ng kusina ni Damian, magkasalubong na agad ang mga kilay nito. Basa pa ang buhok niya tanda na katatapos lang maligo.Hindi ito makatingin sa akin o kahit sa anak namin nang diretso. Mailap ang mga mata nito. Sinusubuan ko naman ng pagkain si Andi. Wala akong ganang kumain kaya nag-juice na lang ako. Si Damian man ay nagkape lang din. Aba, kung gaganahan pa siyang kumain pagkatapos ng nangyari, ewan ko na lang.Sa tuwing napapansin kong nakatingin ito sa akin, todo iwas ako ng mukha. Ano ba ito? Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi kaya marinig nina Damian at Andi ang tambol ng dibdib ko?Simula nang magising ako kaninang umaga dahil sa malakas na ungol ni Damian... na parang nasasarapan at may pagtawag pa sa pangalan ko, hindi na ako napayapa. Bawat segundo ay parang nakikipagkarera sa mga kabayo ang aking puso.Ano kayang napanaginipan niya? Syempre, may hinala na ako kung ano pero ayaw kong isipin."Ano bang iniisip mo't namumula ka na dyan?"Napukaw ako
Anya's POVHINDI ko napigilang hindi matangay sa bawat halik at haplos ni Damian na ibinibigay niya sa akin. Sa loob nang apat na taon, naging pamilyar ang bawat sistema ko sa kaniyang mga labi. Kaya nang sa pangalawang pagkakataon na inangkin niya ang labi ko, nakalimot ako't bumigay.Oo, mahal ko pa rin siya at miss na miss ko na ang dating kami. Miss ko na ang lalaking pinakasalan at minahal ko dahil parang reyna at prinsesa ang turing sa amin ni Andi. Pero alam kong hindi na ito pwede, at mabilis na pinaalala sa akin ng mundo kung bakit.Nang sa sandaling maghiwalay ang mga labi namin, hindi ang nakangiting mukha ni Damian o ang kumikislap niyang mga mata ang kumuha sa pansin ko, kundi ang taong nakatayo sa lilim ng puno, malayo ngunit mataman na nakamasid sa amin. Si Margot."Anya, mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito—"Natigilan si Damian nang bigla akong tumayo. Ilang maliliit na hakbang paatras ang ginawa ko. Asawa ako pero hindi ko alam kung bakit parang napahiya ako nang mala
Anya's POVNILINGON ko sa tabi ko si Damian at nakita ang payapa nitong mukha habang mahimbing na natutulog.Nandito pa rin kami sa kwarto na pinasukan ko—magkasamang nakahiga sa iisang kama. Gustuhin ko mang umiwas o umalis, ayaw naman akong pakawalan ni Damian. Halos yakapin na niya ako, huwag lang akong mapalayo sa kaniya.Hinayaan ko na lang din ito dahil napapagod nang umiwas ang puso ko. Halos hindi na siya matulog, mabantayan lang ako at masiguro na hindi na naman ako aalis sa tabi niya.When the clock strikes 12, maagap kong binawi ang kamay kong hawak ni Damian. Maingat at walang ingay akong bumangon at saka tahimik na bumaba ng bahay para lumabas.Sa sandaling makalabas ako, nakita ko si Margot sa pantalan, nakaupo sa silyang nakaharap sa lamesa. Tahimik ko itong nilapitan."Margot?"She didn't bother to look at me. "May sasabihin ako, maupo ka."Sinunod ko ito at naupo sa tabi niya. "Hindi ka ba nilalamig dito sa labas? Ang lalim na ng gabi. Sa loob tayo.""Anong pake mo?"
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin