Anya's POV"Ang saya, mama! Papa! Balik ulit tayo dito, ha?"Natatawa kong pinahid ang sauce ng barbecue sa gilid ng labi ni Andi. Tapos na kami sa pagligo at ngayon ay kumakain na."Hindi pa nga tayo umuuwi, ang pagbalik agad ang nasa isip mo.""Sige na, mama. Ang saya dito, e! Balik agad tayo, ha?""O, sige. Babalik ulit kayo dito.""Kami lang? Hindi ka kasama?""Kasama, syempre," si Damian ang sumagot kaya nabaling sa kaniya ang paningin ko. Nagkatinginan kami habang nakangiti siya sa akin. "Bakit naman hindi sasama si Mama?"Mahina akong tumawa. "Kasi busy na no'n si Mama. Pero syempre, nandyan si Tita Margot. Siya ang makakasama n'yo ni Papa.""Ay." Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ng anak ko.Natigilan at napatingin naman sa akin si Damian."Bakit siya kasama?" inosenteng tanong ni Andi."Anak, magiging asawa na ni Papa si Tita Margot. Madalas mo na rin siyang makakasama, lalo na sa ganitong mga outing.""Ha? Bakit ganoon? Di ba, ikaw ang asawa ni Papa?"Natigilan ako sa tanon
Anya's POVMALAKI ang ngiti sa mga labi ko habang hinahagod ng tingin ang bawat tanawin na nadadaanan namin. Ever since, I always loved joyriding with Damian and Andi. May kung anong saya akong nararamdaman sa twing bumibyahe kami nang malayo at magkasama."Don't eat or drink inside my car."Natigilan ako sa pagbabalak na buksan ang coke in can na hawak ko dahil sa sinabi ni Damian. Nagtataka ko siyang nilingon."Bakit? Noon naman, sa loob tayo ng kotse kumakain, ah?""Noon iyon. Mukha bang may karapatan ka pa rin gawin iyon ngayon?"Matagal na sandali akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Gulat at sakit ang una kong naramdaman. Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong wala na nga pala akong karapatan."Sorry, nakalimutan ko." Ngumiti ako at binalik na lang ang coke sa lagayan. "Kumusta pala sa office? Hectic ba ang schedule mo?""Kailan ba hindi naging hectic ang schedule ko?" balik tanong niya sa pasubladong paraan.Umismid ako. "Ah, paano ang trabaho mo? Marami ka bang trabaho n
Anya's POVKABABABA lamang ng kusina ni Damian, magkasalubong na agad ang mga kilay nito. Basa pa ang buhok niya tanda na katatapos lang maligo.Hindi ito makatingin sa akin o kahit sa anak namin nang diretso. Mailap ang mga mata nito. Sinusubuan ko naman ng pagkain si Andi. Wala akong ganang kumain kaya nag-juice na lang ako. Si Damian man ay nagkape lang din. Aba, kung gaganahan pa siyang kumain pagkatapos ng nangyari, ewan ko na lang.Sa tuwing napapansin kong nakatingin ito sa akin, todo iwas ako ng mukha. Ano ba ito? Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi kaya marinig nina Damian at Andi ang tambol ng dibdib ko?Simula nang magising ako kaninang umaga dahil sa malakas na ungol ni Damian... na parang nasasarapan at may pagtawag pa sa pangalan ko, hindi na ako napayapa. Bawat segundo ay parang nakikipagkarera sa mga kabayo ang aking puso.Ano kayang napanaginipan niya? Syempre, may hinala na ako kung ano pero ayaw kong isipin."Ano bang iniisip mo't namumula ka na dyan?"Napukaw ako
Anya's POVHINDI ko napigilang hindi matangay sa bawat halik at haplos ni Damian na ibinibigay niya sa akin. Sa loob nang apat na taon, naging pamilyar ang bawat sistema ko sa kaniyang mga labi. Kaya nang sa pangalawang pagkakataon na inangkin niya ang labi ko, nakalimot ako't bumigay.Oo, mahal ko pa rin siya at miss na miss ko na ang dating kami. Miss ko na ang lalaking pinakasalan at minahal ko dahil parang reyna at prinsesa ang turing sa amin ni Andi. Pero alam kong hindi na ito pwede, at mabilis na pinaalala sa akin ng mundo kung bakit.Nang sa sandaling maghiwalay ang mga labi namin, hindi ang nakangiting mukha ni Damian o ang kumikislap niyang mga mata ang kumuha sa pansin ko, kundi ang taong nakatayo sa lilim ng puno, malayo ngunit mataman na nakamasid sa amin. Si Margot."Anya, mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito—"Natigilan si Damian nang bigla akong tumayo. Ilang maliliit na hakbang paatras ang ginawa ko. Asawa ako pero hindi ko alam kung bakit parang napahiya ako nang mala
Anya's POVNILINGON ko sa tabi ko si Damian at nakita ang payapa nitong mukha habang mahimbing na natutulog.Nandito pa rin kami sa kwarto na pinasukan ko—magkasamang nakahiga sa iisang kama. Gustuhin ko mang umiwas o umalis, ayaw naman akong pakawalan ni Damian. Halos yakapin na niya ako, huwag lang akong mapalayo sa kaniya.Hinayaan ko na lang din ito dahil napapagod nang umiwas ang puso ko. Halos hindi na siya matulog, mabantayan lang ako at masiguro na hindi na naman ako aalis sa tabi niya.When the clock strikes 12, maagap kong binawi ang kamay kong hawak ni Damian. Maingat at walang ingay akong bumangon at saka tahimik na bumaba ng bahay para lumabas.Sa sandaling makalabas ako, nakita ko si Margot sa pantalan, nakaupo sa silyang nakaharap sa lamesa. Tahimik ko itong nilapitan."Margot?"She didn't bother to look at me. "May sasabihin ako, maupo ka."Sinunod ko ito at naupo sa tabi niya. "Hindi ka ba nilalamig dito sa labas? Ang lalim na ng gabi. Sa loob tayo.""Anong pake mo?"
Anya's POVMATAGAL na namayani ang katahimikan sa amin tatlo. Walang ibang ginawa si Damian kundi titigan ako nang mataman na para bang may kasalanan akong nagawa sa kaniya, kaya hindi ko magawang salubungin ang mga tingin niya.I let out an awkward laugh after a long period of silent. "K-kain na tayo? Tamang-tama ang dating mo. Kakaluto lang ni Damian, mainit pa ang mga pagkain."Tumaas ang kilay ni Margot sa sinabi ko. "Oh? Si Damian ang nagluto?"Mula sa akin ay bumaling ito kay Damian."Darling, how sweet of you naman. Never mo itong ginawa para sa akin."Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Nang makitang sa akin pa rin nakatutok ang nagliliyab na mga mata ni Damian, pinili kong lumapit na lang kay Andi at hindi magsalita. Kumuha ako ng plato at mga kubyertos para kay Margot, saka nilapag ito sa tabi ng plato ni Damian.Hinila naman ito ni Margot. "Let's sit down. Gusto kong tikman ang luto mo."Nang makaupo kaming lahat sa harap ng hapag, saka binalingan ni Margot ang anak ko
Anya's POV"Buntis ako!"Hindi ko sinasadyang mabitiwan ang dala kong baso dahil sa narinig. Nahulog iyon at naglikha ng malakas na ingay nang mabasag sa sahig.Mabilis na bumukas ang pinto sa harap ko, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Damian. But as soon as he saw me, his face got soften immediately."I-I'm... I'm sorry." Agad akong tumalikod at patakbong bumalik sa kwarto.Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na napansin ang sugat sa talampakan ko dahil sa bubog ng baso na naapakan ko. Ni hindi ko maramdaman ang sakit mula rito dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa puso ko.Buntis... buntis si Margot... buntis ang stepsister ko at magkakaanak na sila...Hinagod ko ang dibdib ko dahil sa matinding sakit na nananahan doon. Parang pinipiga ang puso ko—pinipilit ng malaki at magaspang na kamay.Why didn't I see this coming? Of course, mabubuntis si Margot. Lagi nilang ginagawa iyon patunay lang na nananabik sila sa isa't isa. Hindi na ako dapat umasa kay
Anya's POVPAREHO kaming hubo't hubad ni Damian habang nakahiga sa papag ng kubo at nakaunan ako sa malapad at mabuhok niyang dibdib. He was gently stroking my hair while resting his other hand on my back.Ang mga damit namin ay nagkalat sa sahig, kasama na ang aming undergarments.Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. "Damian?"Nakapikit ang mga mata niya pero hindi naman siya tulog."Hmm?""I think we should go back. Hinihintay ka ni Margot."Natigilan siya at napatingin sa akin sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya, pero natigilan kami nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis akong bumangon at namimilog ang mga matang tiningnan si Margot, gulat itong nakatingin sa amin."Mga baboy kayo!"Akmang susugurin niya ako pero agad na nakabangon si Damian at napigilan siya."Margot, stop!""Sinasabi ko na nga ba! Ahas ka! Hindi ako dapat nagtiwala sa iyo! Nasa loob ang kulo mo!" Dinuro niya ako. Pilit inaabot ang kamay sa akin para masaktan ako.Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan habang nakat