Anya's POVPAGPASOK ko pa lang sa mansion, sinalubong na agad ako nang umiiyak na si Andi. Mahigpit itong yumakap sa mga binti ko at walang humpay sa paghagulhol.Lumuhod ako sa sahig para gantihan siya ng yakap. Nanginginig ang baba ko sa pagpipigil ng luha. "Ang baby ko, bakit umiiyak ang baby ko?""Mama, anong nangyari? Ba't ka naospital?"Tumutulo ang luha mula sa namamaga niyang mga mata. Ang inosente niyang mukha ay nababahiran ng matinding kalungkutan. Napangiti ako nang makitang sinubukan niyang hawakan ang bandage sa ulo ko.Hindi naman ako masyadong nasaktan kahapon sa aksidente. Sa awa ng Diyos, hindi malakas ang impact nang pagkakabunggo sa akin dahil nakapreno pa ang driver. May maliit na sugat lang ako sa bandang noo.Ang masakit lang naman sa akin ngayon ay ang puso ko. Durog na durog ito dahil sa ginawa ni Damian. Pakiramdam ko nga ay siya ang papatay sa akin, hindi ang sakit ko."Okay lang si Mama, anak. Nagulat ka ba sa nangyari?"Hindi na siya sumagot pa at mahigpit
Anya's POVMATAGAL kaming nagkatitigan bago tumawa si Damian na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Stop trying to be funny."Sa kabila nang pagtawa niya ay halatang-halata ko ang inis sa mga mata niya."Mukha ba akong nagpapatawa? Ang mga luha ko, ang pagmamakaawa ko, joke lang ba itong lahat para sa iyo?"Gusto kong magmura sa sobrang inis, pero napapagod na ang puso ko sa pakikipag-away. Gusto ko rin ibigay sa anak ko ang gusto nito—ang makasama ang papa niya. At para mangyari iyon, alam kong kailangan kong tanggapin na hinding-hindi na babalik sa akin si Damian. Na si Margot na ang mahal niya at kapag nawala ako, si Margot na rin ang tatayong pangalawang ina ni Andi.Kung gusto kong sumaya at maging maayos ang buhay ng anak ko oras na iniwan ko ito, ngayon pa lang, kailangan ko nang ayusin at tanggapin ang lahat. Kailangan kong sanayin si Andi sa presensya ni Margot, at kailangan kong masanay na makita ang mag-ama ko... masaya kasama ang ibang babae. Kasama ang stepsister ko.
Anya's POVSA MGA naunang ilang araw ay hindi kami nagpapansinan ni Damian. Ang totoo nyan, ako ang hindi niya pinapansin. Natutulog siya sa kwarto namin habang ako ay sa silid ni Andi natutulog.Sa tuwing nagkikita kami sa mansion, para akong hangin na dinadaan-daanan lang niya. Lagi niyang kasama si Andi, at kapag nandiyan ako, umiiwas siya.Kapag sinusubukan ko naman siyang kausapin, tila wala siyang naririnig. Minsan lang siya sumagot, kasing-lamig pa ng yelo."Luto na ang breakfast!" masigla kong wika mula sa kusina. Ako mismo ang nagluto para kina Damian at Andi.Pinagmasdan ko ang bilog na lamesa kung nasaan ang fried rice, scrambled at boiled eggs, sausages, sawsawan at pancakes with chocolate syrup."Wow! Ang daming pagkain!" Excited na naupo si Andi sa isang silya habang tahimik naman si Damian.Sinadya kong ipagluto sila para makuha ang loob ni Damian. Magkasama nga kami sa iisang bubong, pero daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan niya ako. Hindi rin mabuti ang
Anya's POVNAKASUOT ako ng sweet floral dress na may spaghetti straps at hanggang hita lang ang haba ng laylayan. Matapos akong paayusan ni Luci kanina, nag-shopping kami at kung ano-anong pampaganda ang binili namin.Katulad niya ay nagpaputol din ako ng buhok. Ngayon ay hanggang balikat na lang ang haba ng buhok ko at medyo pinakulot ko rin ito. Inayusan din ako at nilagyan ng kolorete kaya ang dating maputla kong mukha ay may kulay na ngayon."Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinihintay—" natigilan sa pagsasalita si Damian nang mapansin ang ayos ko. Kabababa lang nito mula sa hagdan.Napahawak ako sa buhok ko at napangiti habang naglalakad palapit sa kaniya. Bumaba ang paningin niya sa kabuuan ko bago muling nag-angat ng paningin sa akin. Punong-puno ng paghanga ang mga mata.Napasikdo ang puso ko nang muling magtama ang paningin namin. "Sorry, ginabi ako. Nagpasama pa kasing mag-shopping si Luci."Matagal na nawalan ng imik si Damian habang nakatingin lang sa akin. Nang salubun
Anya's POV"Ang saya, mama! Papa! Balik ulit tayo dito, ha?"Natatawa kong pinahid ang sauce ng barbecue sa gilid ng labi ni Andi. Tapos na kami sa pagligo at ngayon ay kumakain na."Hindi pa nga tayo umuuwi, ang pagbalik agad ang nasa isip mo.""Sige na, mama. Ang saya dito, e! Balik agad tayo, ha?""O, sige. Babalik ulit kayo dito.""Kami lang? Hindi ka kasama?""Kasama, syempre," si Damian ang sumagot kaya nabaling sa kaniya ang paningin ko. Nagkatinginan kami habang nakangiti siya sa akin. "Bakit naman hindi sasama si Mama?"Mahina akong tumawa. "Kasi busy na no'n si Mama. Pero syempre, nandyan si Tita Margot. Siya ang makakasama n'yo ni Papa.""Ay." Biglang naglaho ang ngiti sa mukha ng anak ko.Natigilan at napatingin naman sa akin si Damian."Bakit siya kasama?" inosenteng tanong ni Andi."Anak, magiging asawa na ni Papa si Tita Margot. Madalas mo na rin siyang makakasama, lalo na sa ganitong mga outing.""Ha? Bakit ganoon? Di ba, ikaw ang asawa ni Papa?"Natigilan ako sa tanon
Anya's POVMALAKI ang ngiti sa mga labi ko habang hinahagod ng tingin ang bawat tanawin na nadadaanan namin. Ever since, I always loved joyriding with Damian and Andi. May kung anong saya akong nararamdaman sa twing bumibyahe kami nang malayo at magkasama."Don't eat or drink inside my car."Natigilan ako sa pagbabalak na buksan ang coke in can na hawak ko dahil sa sinabi ni Damian. Nagtataka ko siyang nilingon."Bakit? Noon naman, sa loob tayo ng kotse kumakain, ah?""Noon iyon. Mukha bang may karapatan ka pa rin gawin iyon ngayon?"Matagal na sandali akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Gulat at sakit ang una kong naramdaman. Ah, oo nga pala. Nakalimutan kong wala na nga pala akong karapatan."Sorry, nakalimutan ko." Ngumiti ako at binalik na lang ang coke sa lagayan. "Kumusta pala sa office? Hectic ba ang schedule mo?""Kailan ba hindi naging hectic ang schedule ko?" balik tanong niya sa pasubladong paraan.Umismid ako. "Ah, paano ang trabaho mo? Marami ka bang trabaho n
Anya's POVKABABABA lamang ng kusina ni Damian, magkasalubong na agad ang mga kilay nito. Basa pa ang buhok niya tanda na katatapos lang maligo.Hindi ito makatingin sa akin o kahit sa anak namin nang diretso. Mailap ang mga mata nito. Sinusubuan ko naman ng pagkain si Andi. Wala akong ganang kumain kaya nag-juice na lang ako. Si Damian man ay nagkape lang din. Aba, kung gaganahan pa siyang kumain pagkatapos ng nangyari, ewan ko na lang.Sa tuwing napapansin kong nakatingin ito sa akin, todo iwas ako ng mukha. Ano ba ito? Ang lakas ng tibok ng puso ko! Hindi kaya marinig nina Damian at Andi ang tambol ng dibdib ko?Simula nang magising ako kaninang umaga dahil sa malakas na ungol ni Damian... na parang nasasarapan at may pagtawag pa sa pangalan ko, hindi na ako napayapa. Bawat segundo ay parang nakikipagkarera sa mga kabayo ang aking puso.Ano kayang napanaginipan niya? Syempre, may hinala na ako kung ano pero ayaw kong isipin."Ano bang iniisip mo't namumula ka na dyan?"Napukaw ako
Anya's POVHINDI ko napigilang hindi matangay sa bawat halik at haplos ni Damian na ibinibigay niya sa akin. Sa loob nang apat na taon, naging pamilyar ang bawat sistema ko sa kaniyang mga labi. Kaya nang sa pangalawang pagkakataon na inangkin niya ang labi ko, nakalimot ako't bumigay.Oo, mahal ko pa rin siya at miss na miss ko na ang dating kami. Miss ko na ang lalaking pinakasalan at minahal ko dahil parang reyna at prinsesa ang turing sa amin ni Andi. Pero alam kong hindi na ito pwede, at mabilis na pinaalala sa akin ng mundo kung bakit.Nang sa sandaling maghiwalay ang mga labi namin, hindi ang nakangiting mukha ni Damian o ang kumikislap niyang mga mata ang kumuha sa pansin ko, kundi ang taong nakatayo sa lilim ng puno, malayo ngunit mataman na nakamasid sa amin. Si Margot."Anya, mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito—"Natigilan si Damian nang bigla akong tumayo. Ilang maliliit na hakbang paatras ang ginawa ko. Asawa ako pero hindi ko alam kung bakit parang napahiya ako nang mala