Damian's POVMULA nang umalis si Damon kahapon, nakaluhod na ako sa labas ng kwarto ni Anya. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako... nakatingala sa pinto ng silid niya. Nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ko.Hindi sapat ang humingi ng tawad para sa nagawa kong pagkakasala. Hindi sapat ang pagluhod para mabawasan ang kasalanan ko. Ang sakit na ibinigay ko sa asawa ko... higit pa sa sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa sakit niya.She was a soft-hearted loving woman. Mabait, mapagmahal, malambing at mapagtiwala. Paano ko nagawang isipin na magagawa niya akong lokohin? Damon's right—this is all my fault. Kahit ano pang sinabi niya, dapat nagtiwala ako sa asawa ko. Dapat nanindigan ako sa mga binitiwan kong pangako sa harap ng altar.Muling umagos ang luha mula sa mga mata ko. Bumalik siya noong araw na iyon dala ang balita sa sakit niya. But instead of finding comfort in me... ang kataksilan ko pa ang bumungad sa kaniya. I even forced her countless times to sign our divorce papers
Damian's POV"When I'm gone, promise me you'll be happy, hmm? You have to live your life with Margot, and be happy... "Kumuyom ang nanginginig kong kamao dahil sa pagpipigil sa matinding emosyon. Napakasakit marinig na lumabas ang mga salitang iyon mula sa mismong labi ni Anya. Bawat salitang pinakawalan niya ay parang kutsilyong humihiwa sa dibdib ko.Ito ba? Ito na ba ang kaparusahan ko sa pagtataksil sa kaniya? Ang tuluyan niyang ipamigay sa iba habang nasa gitna siya ng paghihirap at pagsubok?"I can be happy... but it cannot be without you. I can't live without you."Nakangiti siyang pumikit kasabay nang pagbagsak ng mga luha niya."Damian, paano kapag nawala na ako? Anong mangyayari sa inyo ni Andi? Hindi ko kayo maiiwan nang ganito. Please, Margot is pregnant, anak mo ang dinadala niya. You have to marry her. Bumuo kayo ng pamilya kasama si Andi. Huwag n'yong pabayaan ang anak ko, please. Ibigay n'yo sa kaniya ang bagay na hindi ko na maibibigay pa, ang kompletong pamilya."Ma
Damian's POV"Damian! Anong gagawin mo!"Lumingon ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Margot sa kamay ko. Ilang butil ng luha ang naipon sa gilid ng mga mata niya—nagsusumamo ang tingin at parang sinasabing huwag akong umalis.Marahan kong inalis ang kamay niya bago nagpatuloy sa paglalakad. I went straight to my car and took my phone out. Tatawagan ko na sana ang numero ni Attorney Reyes nang biglang bumukas ang pinto sa passenger's seat at pumasok si Margot."Get out."Puno ng luha ang mukha niya nang lingunin ako. "What are you going to do?""Out.""Please, sabihin mong hindi mo gagawin ang iniisip ko!""Kung ayaw mong madamay dito, lumabas ka."Hinawakan niya ako sa kamay at kulang na lang ay magmakaawa. "Damian, please, don't do this! Hindi ako papayag! Hindi mo ako pwedeng iwan!"I looked at her for a few more minutes before shoving away her hands. Sa twing nakikita ko si Margot, naaalala ko ang pagkakasalang ginawa ko sa asawa ko. Gusto kong magalit sa kaniya, p
Damian's POVNAKATAYO ako sa labas ng emergency room at nakatitig sa pinto nang biglang dumating sina Tito Abel at Tita Mathilda, kasama ng mga ito sina Mama at Papa.Humahagulhol na lumapit si Tita Mathilda sa pinto ng emergency room habang ako ay lumapit kay mama."How's Anya?""She's fine, hijo. Don't worry about your wife. Kasama niya ngayon si Luci."Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Gusto ko sana itong puntahan, pero hindi ko rin magawang umalis. Lalo pa't ako ang dahilan sa nangyari kay Margot."Damian, ano ba talagang nangyari? Paano nangyari ito kay Margot?" papa asked, kalituhan ang makikita sa mga mukha nila.Nagbaba ako ng paningin. Muling nagbalik sa alaala ko ang senaryo kung paano bumagsak ang duguang katawan ni Margot sa lupa."It's my fault... ""Anak." Kinuha ni Mama ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.I'm trying my best to stay calm but I'm beginning to lose it. Ang mga babaeng ito... ang asawa ko at si Margot, nagdurusa sila nang dahil sa akin. Kasalanan
Damian's POVNAKATAYO ako sa labas ng private room ni Margot, matagal na nakatitig sa pinto. Nagtatalo ang isip ko sa dapat na gawin. Alam ko kung ano ang tama at mali, pero ngayong buhay ni Anya ang nakataya, kahit ang mali ay gagawin kong tama.Ilang araw na ang lumilipas, lalong humihina ang lagay ni Anya. At wala akong magawa kundi maghintay. Ayon kay Dra. Avila, sa susunod na atakihin pa ito, hindi na niya kakayanin.Hindi ko rin kakayanin kapag nawala siya sa akin. Kaya gagawin ko ito. Mas mabuti pang mapunta sa impyerno kaysa ang mabuhay nang wala ang asawa ko.Nanginginig ang mga kamay—pinihit ko ang siradura at maingat na binuksan ang pinto. Natigilan ako nang makita ang bumungad sa akin sa loob.***Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalakad ang daan pabalik sa silid ni Anya. Balisa, hindi ko alam ang gagawin ko. Gustong lumakad pabalik ng mga paa ko, pero hindi ko magawa."Ito ang tama... ito ang dapat kong gawin."Malayo pa ako sa kwarto ni Anya, napansin kong may ilang
Damian's POV***Four years ago***Nakaupo ako sa metal stool sa pinakadulo ng bar counter sa loob ng isang high-end bar. Pag-aari ng kaibigan ng pamilya namin. Dito ay nakakubli ako at hindi gaanong kapansin-pansin mula sa pwesto nina Anya.Dito ginanap ang celebration party para sa bachelorette party niya. Damn it. Tinalo ko pa ang isang stalker mula nang makilala at matutunan kong mahalin si Anya Guerrero. Hindi naman ako torpe. Nakukuha ko ang kahit sinong babaeng matipuhan ko, but when it comes to her, nawawala ako sa sarili.Pamilyar na kirot sa puso ang naramdaman ko nang maalalang tuluyan nang magiging pag-aari ni Damon ang babaeng minamahal ko.Sumimsim ako ng whiskey sour sa basong hawak ko bago muling nilingon ang kinaroroonan ni Anya. She's wearing a blush pink sexy lace dress. Litaw ang maputi at makinis nitong balat sa suot niyang iyon. She was dazzling—breathtakingly beautiful. Nakatawa siyang nakikipag-inuman sa mga kaibigan niya.Masakit sa akin na makitang masaya ito
Anya's POVHALOS bumagsak ako sa sahig habang nakatayo sa labas ng emergency room. Mabuti na lang dahil kanina pa nakaagapay sa akin si Damian at pinipigilan ang tuluyan kong pagbagsak."Ano bang nangyari? Bakit biglang tumakbo palabas si Andi?" may himig ng pag-aalala at pagkataranta ang boses nito.Hindi ako makasagot. Hindi ko masabi ang dahilan kung bakit biglang nagalit si Andi at umalis.Nang wala pa rin akong tugon na maibigay ay pinaharap niya ako sa kaniya. Mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso."Anya, tell me what happened! Please!"I looked at the eyes of the man whom I loved for four years. Ang lalaking nag-ahon sa akin sa kahihiyan at tinanggap at minahal ako, ay siyang lalaking nagsadlak din sa akin sa kahihiyang iyon.Siya ang sumira sa buhay ko."I told her na maghihiwalay na tayo," diretso kong sabi.Natigilan siya. Hindi nakapagsalita. Nakita ko kung paano naipon ang ilang butil ng luha sa mga mata niya."Hindi matanggap ni Andi na maghihiwalay na tayo... nagali
Anya's POV PUMARADA sa harap ng airport ang kotseng sinasakyan namin ni Damian. Mabilis itong umibis ng sasakyan at patakbong lumapit sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto. He knelt down after giving me a soft kiss on my lips. "Are you ready?" "Oo—medyo. Kinakabahan lang. First time ko ito sa ibang bansa." Kinuha niya ang kamay ko at mahina iyong pinisil. "Bawal mapagod, ha? Bawal ma-excite nang sobra, at bawal kabahan nang labis." Sunod-sunod akong tumango. Lagi itong paranoid pagdating sa akin. Kulang na lang, pati paghinga ko, bantayan niya. "Remember what the doctor told you, marami nang bawal sa iyo." "Oo na po! Ang strikto ni Manong. Sulitin na natin ang nalalabing labing-walong taon ng buhay ko." "Anya!" Dumungaw ang inis at takot sa mga mata ni Damian. Natawa ako. Ang sabi kasi nila, sampu hanggang dalawampung taon ang inaasahang itatagal ng mga taong nagpa-heart transplant. Alam na namin ito ni Damian bago pa ako operahan noon, pero kahit isa o dalawa lang iyan, bas