Damian's POV***Four years ago***Nakaupo ako sa metal stool sa pinakadulo ng bar counter sa loob ng isang high-end bar. Pag-aari ng kaibigan ng pamilya namin. Dito ay nakakubli ako at hindi gaanong kapansin-pansin mula sa pwesto nina Anya.Dito ginanap ang celebration party para sa bachelorette party niya. Damn it. Tinalo ko pa ang isang stalker mula nang makilala at matutunan kong mahalin si Anya Guerrero. Hindi naman ako torpe. Nakukuha ko ang kahit sinong babaeng matipuhan ko, but when it comes to her, nawawala ako sa sarili.Pamilyar na kirot sa puso ang naramdaman ko nang maalalang tuluyan nang magiging pag-aari ni Damon ang babaeng minamahal ko.Sumimsim ako ng whiskey sour sa basong hawak ko bago muling nilingon ang kinaroroonan ni Anya. She's wearing a blush pink sexy lace dress. Litaw ang maputi at makinis nitong balat sa suot niyang iyon. She was dazzling—breathtakingly beautiful. Nakatawa siyang nakikipag-inuman sa mga kaibigan niya.Masakit sa akin na makitang masaya ito
Anya's POVHALOS bumagsak ako sa sahig habang nakatayo sa labas ng emergency room. Mabuti na lang dahil kanina pa nakaagapay sa akin si Damian at pinipigilan ang tuluyan kong pagbagsak."Ano bang nangyari? Bakit biglang tumakbo palabas si Andi?" may himig ng pag-aalala at pagkataranta ang boses nito.Hindi ako makasagot. Hindi ko masabi ang dahilan kung bakit biglang nagalit si Andi at umalis.Nang wala pa rin akong tugon na maibigay ay pinaharap niya ako sa kaniya. Mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso."Anya, tell me what happened! Please!"I looked at the eyes of the man whom I loved for four years. Ang lalaking nag-ahon sa akin sa kahihiyan at tinanggap at minahal ako, ay siyang lalaking nagsadlak din sa akin sa kahihiyang iyon.Siya ang sumira sa buhay ko."I told her na maghihiwalay na tayo," diretso kong sabi.Natigilan siya. Hindi nakapagsalita. Nakita ko kung paano naipon ang ilang butil ng luha sa mga mata niya."Hindi matanggap ni Andi na maghihiwalay na tayo... nagali
Anya's POV PUMARADA sa harap ng airport ang kotseng sinasakyan namin ni Damian. Mabilis itong umibis ng sasakyan at patakbong lumapit sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto. He knelt down after giving me a soft kiss on my lips. "Are you ready?" "Oo—medyo. Kinakabahan lang. First time ko ito sa ibang bansa." Kinuha niya ang kamay ko at mahina iyong pinisil. "Bawal mapagod, ha? Bawal ma-excite nang sobra, at bawal kabahan nang labis." Sunod-sunod akong tumango. Lagi itong paranoid pagdating sa akin. Kulang na lang, pati paghinga ko, bantayan niya. "Remember what the doctor told you, marami nang bawal sa iyo." "Oo na po! Ang strikto ni Manong. Sulitin na natin ang nalalabing labing-walong taon ng buhay ko." "Anya!" Dumungaw ang inis at takot sa mga mata ni Damian. Natawa ako. Ang sabi kasi nila, sampu hanggang dalawampung taon ang inaasahang itatagal ng mga taong nagpa-heart transplant. Alam na namin ito ni Damian bago pa ako operahan noon, pero kahit isa o dalawa lang iyan, bas
BlurbDamon never loved his wife, that's what he thought. But after knowing that she was kidnapped, halos mabaliw siya sa kakahanap sa asawa.Ngunit kung kailan nalaman niyang mahal na niya ito—saka ito tuluyang mawawala sa kaniya. Huli na ba para magsisi?Prologue"May nangyari sa amin ni Anya. May relasyon kami."Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig. My knees started to tremble and I lost my balance. Bumagsak ako sa lupa mahabang masaganang dumadaloy ang luha sa mga pisngi ko.Sa loob nang ilang minuto, narinig ko kung paano nagmakaawa si Damian para sabihin ni Damon ang totoo—para bawiin nito ang sinabi kanina, pero hindi nito ginawa.Nang marinig ko ang mga yabag ni Damon na papalayo, kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo at humabol sa kaniya. I grabbed his hand to stop him."What do you want?" Matalim na agad ang mga mata niya. Wala man lang siyang pakialam sa mga luhang umaagos sa pisngi ko."Narinig ko... ""Louder your voice, damn it!""Narinig ko ang usap
Luci's POVNAKAUPO ako sa harap ng mahabang mesa at nakatulala sa kawalan. Sa twing naiisip ko ang mga narinig noon, nawawalan na lang ako ng gana.Parang sampal ang bawat salitang sinabi ni Damon. I refused to accept the thought of my husband and my best friend having an affair. Hindi ganoong klaseng babae si Anya. At kahit... kahit hindi ako mahal ni Damon, hindi siya ang tipo ng lalaki na mambababae.My husband maybe cold-hearted, but he would never cheat on me. I know it."It's okay, Luci. Wala silang relasyon. Damon just said that to get back at Damian," pangungumbinsi ko sa sarili ko.But who am I kidding? Alam ko naman kung gaano kamahal ni Damon si Anya. At kaya hindi nito magawang buksan ang puso para sa akin, kasi si Anya pa rin ang laman niyon.Mula sa mga nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesa, umangat ang paningin ko sa nakasabit na wall clock."12:30 AM... "Mahigit tatlong oras na akong nakaupo dito, hinihintay siya. Today is our second anniversary—oh, hindi pala. Kahapo
Damon's POVUNANG bumungad sa amin ni Nico ang malaking arko na may pangalang Casa de Black Phoenix. Isa itong illegal na pasugalan sa Espanya kung saan tanging mga Pilipino na may malalaking pangalan lamang ang tinatanggap na pumasok.We entered the black building and was greeted by a woman wearing a suit. Kinuha nito ang pangalan namin ni Nico bago kami pina-assist sa isang lalaking nakasuot ng pang-waiter na damit.Sinundan namin ang waiter hanggang sa makapasok kami sa silid na nasa pinakadulong kaliwa. Bumungad sa amin ang malawak na espasyo kung saan abalang nagsusugal ang lahat. May bandang tumutugtog nang malamyos na musika at ilang mga babaeng nakahubad na nagsasayaw sa entable sa sulok.I looked around as my eyes searched for a man. Nang mahanap ito, kaswal akong lumapit sa mesa kung nasaan siya at naupo. We started playing cards while drinking the alcohol that a waiter had brought to us. Nakatayo naman sa gilid ko si Nico."I want you to find this man." I placed a picture o
Damon's POVTUMAYO ako at nakipagkamay kay Senyor Rolando. Katatapos lang ng meeting namin na ginanap sa isang 5-star restaurant kung saan nagkasundo kami sa negosyong gagawin."Nice doing business with you, Mr. Aragon," nakangiti nitong saad."It's my pleasure."Matapos nang pag-uusap, paalis na kami ni Nico nang makatanggap ako ng tawag sa private number ko. Hindi ko iyon binigyan ng pansin."Kukunin ko lang ang sasakyan," paalam ni Nico at nagmamadali itong tumakbo.Ilang ulit na tumunog ang cellphone ko habang hinihintay ko ang pagbalik ni Nico. Nang huminto ay isang beep naman ang narinig ko. Magkakasunod na text messages ang natanggap ko mula kay Luci. Muli ay hindi ko iyon pinansin.Iritado akong umiling bago ibinalik ang cellphone sa loob ng aking bulsa."Si Miss Luci?""Yeah.""Gusto mo bang tawagan ko siya at ipaalam na busy ka?""Huwag na. Mangungulit lang iyon.""It might be important, sir. Hindi niya ugaling tawagan ka sa pribadong numero mo."Hindi na ako sumagot pa sa s
Damon's POVBIGLANG nanlambot ang mga tuhod ko sa nabasa. Pabagsak akong napaupo sa single sofa at natulala na lang.Inagaw ni Nico mula sa akin ang cellphone ko bago mabilis na tumakbo palabas. Nagsimulang manginig ang mga tuhod at kamay ko. Sinong gagawa nito? Sinong dudukot kay Luci?Nang maisip si Antonio Dionisio ay mabilis akong tumayo at sumakay ng sasakyan. Mula sa huling lugar kung saan sila nakita, nagmaneho ako nang limampu't limang minuto at sinundan lang ang daan. Hanggang sa marating ko ang liblib na lugar kung nasaan si Nico at ang iba ko pang mga tauhan."Nico!"Mabilis kong nilapitan ang kotseng ginamit nina Pio at Luci nang umalis sa mansion. Nandito pa rin ang walang buhay na katawan ni Pio. Tadtad ng bala. Ngunit si Luci ay wala."Where's my wife?"Nico shook his head. "Ganito na ito nang dumating kami."Itinaas ko ang wristwatch ko at nakitang alas-dose na ng hatinggabi. I was late—I was three hours too late. They got her."Si Antonio lang ang mangangahas na gumaw
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin