Anya's POV"Buntis ako!"Hindi ko sinasadyang mabitiwan ang dala kong baso dahil sa narinig. Nahulog iyon at naglikha ng malakas na ingay nang mabasag sa sahig.Mabilis na bumukas ang pinto sa harap ko, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Damian. But as soon as he saw me, his face got soften immediately."I-I'm... I'm sorry." Agad akong tumalikod at patakbong bumalik sa kwarto.Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko na napansin ang sugat sa talampakan ko dahil sa bubog ng baso na naapakan ko. Ni hindi ko maramdaman ang sakit mula rito dahil mas masakit ang nararamdaman ko sa puso ko.Buntis... buntis si Margot... buntis ang stepsister ko at magkakaanak na sila...Hinagod ko ang dibdib ko dahil sa matinding sakit na nananahan doon. Parang pinipiga ang puso ko—pinipilit ng malaki at magaspang na kamay.Why didn't I see this coming? Of course, mabubuntis si Margot. Lagi nilang ginagawa iyon patunay lang na nananabik sila sa isa't isa. Hindi na ako dapat umasa kay
Anya's POVPAREHO kaming hubo't hubad ni Damian habang nakahiga sa papag ng kubo at nakaunan ako sa malapad at mabuhok niyang dibdib. He was gently stroking my hair while resting his other hand on my back.Ang mga damit namin ay nagkalat sa sahig, kasama na ang aming undergarments.Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. "Damian?"Nakapikit ang mga mata niya pero hindi naman siya tulog."Hmm?""I think we should go back. Hinihintay ka ni Margot."Natigilan siya at napatingin sa akin sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya, pero natigilan kami nang biglang bumukas ang pinto. Mabilis akong bumangon at namimilog ang mga matang tiningnan si Margot, gulat itong nakatingin sa amin."Mga baboy kayo!"Akmang susugurin niya ako pero agad na nakabangon si Damian at napigilan siya."Margot, stop!""Sinasabi ko na nga ba! Ahas ka! Hindi ako dapat nagtiwala sa iyo! Nasa loob ang kulo mo!" Dinuro niya ako. Pilit inaabot ang kamay sa akin para masaktan ako.Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan habang nakat
Anya's POVMABILIS na inilipat ng hospital si Anya. Dinala ko siya sa pinakamaayos at pinakamagaling na hospital sa bansa. Pagdating pa lang doon, isang doctor agad ang lumapit sa akin. Nagpakilala itong doctor ni Anya—si Doctor Avila Coangco.She's not our family doctor kaya hindi ito pamilyar sa akin. But she assured me that she is my wife's doctor. Ipinaliwanag niya sa akin ang sitwasyon ni Anya, mga bagay na nasabi na sa akin ng unang doctor na nakausap ko. Maliban sa isang bagay... the reason why Anya didn't want to go through the operation.Doctor Avila explained that Anya was afraid to leave us. Natatakot itong hindi na muling magising kapag sumailalim sa operasyon... natatakot itong maiwan kami ni Andi.She's sick. My wife is sick. Sa kabila ng pinagdadaanan niya, ako pa rin at ang anak namin ang iniisip niya. At ito pa ang ginawa ko? I cheated on her. I fucking cheated on my sick wife! What have I done?"Fuck!"Paulit-ulit kong sinuntok ang pader sa labas ng private room ni A
Damian's POVMULA nang umalis si Damon kahapon, nakaluhod na ako sa labas ng kwarto ni Anya. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako... nakatingala sa pinto ng silid niya. Nagsisisi sa mga kasalanang nagawa ko.Hindi sapat ang humingi ng tawad para sa nagawa kong pagkakasala. Hindi sapat ang pagluhod para mabawasan ang kasalanan ko. Ang sakit na ibinigay ko sa asawa ko... higit pa sa sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa sakit niya.She was a soft-hearted loving woman. Mabait, mapagmahal, malambing at mapagtiwala. Paano ko nagawang isipin na magagawa niya akong lokohin? Damon's right—this is all my fault. Kahit ano pang sinabi niya, dapat nagtiwala ako sa asawa ko. Dapat nanindigan ako sa mga binitiwan kong pangako sa harap ng altar.Muling umagos ang luha mula sa mga mata ko. Bumalik siya noong araw na iyon dala ang balita sa sakit niya. But instead of finding comfort in me... ang kataksilan ko pa ang bumungad sa kaniya. I even forced her countless times to sign our divorce papers
Damian's POV"When I'm gone, promise me you'll be happy, hmm? You have to live your life with Margot, and be happy... "Kumuyom ang nanginginig kong kamao dahil sa pagpipigil sa matinding emosyon. Napakasakit marinig na lumabas ang mga salitang iyon mula sa mismong labi ni Anya. Bawat salitang pinakawalan niya ay parang kutsilyong humihiwa sa dibdib ko.Ito ba? Ito na ba ang kaparusahan ko sa pagtataksil sa kaniya? Ang tuluyan niyang ipamigay sa iba habang nasa gitna siya ng paghihirap at pagsubok?"I can be happy... but it cannot be without you. I can't live without you."Nakangiti siyang pumikit kasabay nang pagbagsak ng mga luha niya."Damian, paano kapag nawala na ako? Anong mangyayari sa inyo ni Andi? Hindi ko kayo maiiwan nang ganito. Please, Margot is pregnant, anak mo ang dinadala niya. You have to marry her. Bumuo kayo ng pamilya kasama si Andi. Huwag n'yong pabayaan ang anak ko, please. Ibigay n'yo sa kaniya ang bagay na hindi ko na maibibigay pa, ang kompletong pamilya."Ma
Damian's POV"Damian! Anong gagawin mo!"Lumingon ako nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak ni Margot sa kamay ko. Ilang butil ng luha ang naipon sa gilid ng mga mata niya—nagsusumamo ang tingin at parang sinasabing huwag akong umalis.Marahan kong inalis ang kamay niya bago nagpatuloy sa paglalakad. I went straight to my car and took my phone out. Tatawagan ko na sana ang numero ni Attorney Reyes nang biglang bumukas ang pinto sa passenger's seat at pumasok si Margot."Get out."Puno ng luha ang mukha niya nang lingunin ako. "What are you going to do?""Out.""Please, sabihin mong hindi mo gagawin ang iniisip ko!""Kung ayaw mong madamay dito, lumabas ka."Hinawakan niya ako sa kamay at kulang na lang ay magmakaawa. "Damian, please, don't do this! Hindi ako papayag! Hindi mo ako pwedeng iwan!"I looked at her for a few more minutes before shoving away her hands. Sa twing nakikita ko si Margot, naaalala ko ang pagkakasalang ginawa ko sa asawa ko. Gusto kong magalit sa kaniya, p
Damian's POVNAKATAYO ako sa labas ng emergency room at nakatitig sa pinto nang biglang dumating sina Tito Abel at Tita Mathilda, kasama ng mga ito sina Mama at Papa.Humahagulhol na lumapit si Tita Mathilda sa pinto ng emergency room habang ako ay lumapit kay mama."How's Anya?""She's fine, hijo. Don't worry about your wife. Kasama niya ngayon si Luci."Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. Gusto ko sana itong puntahan, pero hindi ko rin magawang umalis. Lalo pa't ako ang dahilan sa nangyari kay Margot."Damian, ano ba talagang nangyari? Paano nangyari ito kay Margot?" papa asked, kalituhan ang makikita sa mga mukha nila.Nagbaba ako ng paningin. Muling nagbalik sa alaala ko ang senaryo kung paano bumagsak ang duguang katawan ni Margot sa lupa."It's my fault... ""Anak." Kinuha ni Mama ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.I'm trying my best to stay calm but I'm beginning to lose it. Ang mga babaeng ito... ang asawa ko at si Margot, nagdurusa sila nang dahil sa akin. Kasalanan
Damian's POVNAKATAYO ako sa labas ng private room ni Margot, matagal na nakatitig sa pinto. Nagtatalo ang isip ko sa dapat na gawin. Alam ko kung ano ang tama at mali, pero ngayong buhay ni Anya ang nakataya, kahit ang mali ay gagawin kong tama.Ilang araw na ang lumilipas, lalong humihina ang lagay ni Anya. At wala akong magawa kundi maghintay. Ayon kay Dra. Avila, sa susunod na atakihin pa ito, hindi na niya kakayanin.Hindi ko rin kakayanin kapag nawala siya sa akin. Kaya gagawin ko ito. Mas mabuti pang mapunta sa impyerno kaysa ang mabuhay nang wala ang asawa ko.Nanginginig ang mga kamay—pinihit ko ang siradura at maingat na binuksan ang pinto. Natigilan ako nang makita ang bumungad sa akin sa loob.***Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalakad ang daan pabalik sa silid ni Anya. Balisa, hindi ko alam ang gagawin ko. Gustong lumakad pabalik ng mga paa ko, pero hindi ko magawa."Ito ang tama... ito ang dapat kong gawin."Malayo pa ako sa kwarto ni Anya, napansin kong may ilang
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin