Thalia's POV"Axel, may nakita talaga ako! Maniwala ka!""Nasaan?" Nilingon niya ang bahay at tumingin sa second floor kung saan ko nakita ang pigura kanina. "There's no one there, Thali."Tiningnan ko ulit ang bahay at nag-isip. Nakita ko talaga, nakatayo roon! Pigura ng tao. Akala ko nga, si ano, e.Hinapit ako ni Axel sa baywang at saka niyakap. "It's just your imagination, or your eyes are playing tricks on you. Hindi ka siguro sanay sa ganito."Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. "You think so?""Oo naman. Don't worry, pagkatapos ng lahat ng ito, araw-araw kitang ipapasyal sa lugar na may maraming tao."Pilit ko na lang winala sa isip ko ang nakita kanina. Siguro nga, imagination ko lang iyon. Pagsapit ng gabi, tinulungan akong magluto ni Axel. Gusto kong humigop ng mainit na sabaw kaya nagpresinta akong magluto ngayong gabi."Oh, saan ka pupunta?" Nahuli ni Axel ang kamay ko nang makita akong palabas ng kitchen."Basement.""Huh? What are you going to do in the basement?"Nataw
Thalia's POV"Thali, it's not real. Nananaginip ka lang.""I hate you!" Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. We were eating breakfast in the kitchen.How could he not believe me? I swear, I saw it! There's a black, human figure outside our room last night! Pinapanood nito ang lahat ng ginagawa namin."My Thali—""Stop!" Malakas kong binagsak ang kutsara sa mesa. "If you don't want to believe me, then let's just not talk about it!""Thali—""Sabing ayaw ko nang pag-usapan, e!""May iba akong sasabihin."Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't hindi mo sinabi agad!"Palihim siyang natawa. Nakakainis! "Sorry kung hindi ko masabi kung sino ang humahabol sa atin."Tumigil ako sa pagsubo at tumingin ulit sa kaniya."Pinoprotektahan lang kita, Thalia. Hangga't hindi mo siya kilala, mas makakabuti. When the right time comes, I'll tell you everything.""Paanong makakabuti iyon? Puwede niya akong patayin kapag nagkita kami at hindi ko siya maiiwasan dahil ayaw mong
Thalia's POVNAKAUPO ako sa kandungan ni Axel habang yakap niya ako mula sa likuran. Nasa loob kami ng movie room at nanonood ng palabas.Paminsan-minsan, bumababa ang paningin ko sa singsing na suot ko. My wedding ring. I didn't imagined the day would come that I will wear this willingly.Sumandal ako sa matitipunong dibdib ni Axel at pumikit. I can hear his heartbeats. Malakas ang tambol ng dibdib niya. Napangiti ako nang maisip na dahil sa akin iyon."Bitch."Gulat ko siyang nilingon dahil sa pagmumura niya. "What did you say?""That fucking woman is seeing her ex while in a relationship with the male lead. How fuck up is that?"Tumingin ako sa pinapalabas sa TV nang makitang tutok na tutok doon ang mga mata niya. "It's just a movie, Axel.""Na nangyayari sa totoong buhay."Sa sobrang inis niya, kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Maya-maya lang, seryoso na siyang nakatingin sa akin."What?" inosente kong tanong. Parang may halong galit ang tingin, e."Do you... still have fe
Thalia's POVBUONG akala ko, wala na akong igugulat pa sa nasaksihan ngayon-ngayon lang. My husband has a daughter! And she's 3 years old!Pero akala ko lang pala iyon, dahil hindi pa ako nakakabawi sa gulat, pumasok na ang isang babae. She's beautiful, sophisticated and very intimidating."Honey." Naluluha niyang nilapitan si Axel at mahigpit na yumakap dito.I don't know what's happening but I don't like the view in front of me. Ano ito? Family reunion?"Karen, what are you doing here with Anna?""We were so worried about you, Axel! Buong akala ko, hindi ka na namin makikita!"Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang hinalikan ng babae sa mga labi ang asawa ko. I wanted to pull her hair and slap her face!Kumukulo ang dugo ko sa ulo, but I couldn't let myself do that. Not in front of the kid. Naalala ko kami noon ni Mama habang nakikitira sa mansion with papa and Tita Dayana.Ang pinagkaiba lang ngayon, baliktad ang sitwasyon. Mukhang ako ang ibang babae sa buhay ni Axe
Thalia's POVMATAGAL akong nakaupo sa gitna ng kama habang iniisip ang mga nangyari. Ang ibig sabihin ba nito, trinaydor talaga ako ni Axel?Mariiin akong pumikit. Ang dami na niyang nagawa para sa akin. Iniligtas niya ang buhay ko, hindi lang isang beses. And I felt it, his feelings for me are genuine. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ito gagawin!"Baka naman... may rason siya? Baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa nangyayari?" Mariin akong pumikit. Now I'm in denial!Pero may rason naman para maramdaman ko ito. Kanina lang, pinipilit niya akong makinig sa kaniya. So, there must really be an explanation for all of this.Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto. Tatawagin ko dapat ang pangalan ni Axel, pero napaatras ako nang bigla itong bumukas."Ikaw? What are you doing here?"Agad na pumasok sa loob si Karen at mabilis na sinara ang pintuan. "I'm here to help you.""Help me?""Tutulungan kitang makatakas."Nagtaka ako sa mga sinabi niya. Tutulungan niya akong tumakas? B
Thalia's POVHINDI na ako nagdalawang-isip pa. Matapos malaman ang lahat, nagdesisyon na akong tumakas ng isla. Karen helped me."Paano ka? At ang anak mo? Baka anong gawin nila sa iyo dahil sa pagtulong mo sa akin?"Banayad siyang ngumiti. "I won't leave his side. Kahit anong mangyari, sasamahan ko siya."Hindi ko napigilan ang hindi masaktan dahil sa narinig. Pikit ko na lang binalewala at mabilis na sumakay ng yate. Sinunod ko ang bilin ni Karen at ginaya ang ginawa noon ni Axel para mapatakbo ito.Tumakas akong puno ng luha ang mga mata. For the second time, trinaydor na naman ako ng taong mahal ko. Bakit ba ito laging nangyayari sa akin?Iyak ako nang iyak buong byahe. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng luha sa mga mata. "Hindi ko siya mapapatawad."Nang makarating ako sa dock, puno ng pangamba ang dibdib na bumaba ako ng yate. Takot na takot akong baka mahanap ako o may nag-aabang sa akin dito na mga tao nila."Oh, my God!" Hindi pa ako nakakalayo sa yate, bigla akong
Thalia's POVILANG araw na akong nagkukulong sa kuwarto at iniiwasan ang lahat. Laging si Dianne ang kasama ko. Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin ngayon.Papa and mama urged me to cooperate with the policemen. Sa maikling panahon, nalaman nila kung sino ang pasimuno sa pandurukot sa akin. Natunton nila ang bahay na bato na pinagdalhan sa akin ni Axel. And they even found Danica and Axel's father.Sa loob nang tatlong araw mula nang makabalik ako, nanatiling tikom ang bibig ko. Nalilito ako sa totoong nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang totoong kalaban at sinong hindi. Marahan na hinawakan ni Dianne ang kamay ko at ngumiti. "Would you like me to get you something to eat? Kaunti lang ang nakain mo kaninang tanghali."Umiling ako sa kaniya. "Wala akong gana."Bumuntonghininga si Dianne. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Kambal, bakit hindi mo sabihin kina Mama at Daddy ang totoo? Bakit itinatago mo ang nangyari sa iyo?""Nalilito ako." Mabilis kong pinahid ang luhang nagl
Thalia's POVMABILIS kong binawi ang kamay ko mula kay Eros at patakbong lumapit kay Axel. Mahigpit niya akong niyakap na ikinapikit ko."Anong ginagawa mo rito?" Kumalas ako sa yakap namin."Sinusundo ka."Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Oh, how I missed him so much! But I shouldn't let him see this. Not until he tells me the truth!"Let's go, sasama ka sa akin!"Nagdalawang-isip ako sa gagawin, pero ang totoo, gusto ko nang sumama sa kaniya. Gusto kong malaman ang totoo, pero kung aalis ako ngayon at sasama kay Axel, it would surely break my parent's heart."You're Axellandus Guerrero! The one who kidnapped Thalia!"Natigilan kami pareho nang hablutin ako ni Eros sa kamay at inilayo kay Axel."Give her back," nagbabanta ang boses ni Axel nang balingan nito si Eros.Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Eros pero lalong humihigpit ang kapit niya sa kamay ko."Not in this lifetime," matapang na sagot ni Eros.Dumilim agad ang mukha ni Axel. Natigilan ako
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin