Thalia's POVBUONG akala ko, wala na akong igugulat pa sa nasaksihan ngayon-ngayon lang. My husband has a daughter! And she's 3 years old!Pero akala ko lang pala iyon, dahil hindi pa ako nakakabawi sa gulat, pumasok na ang isang babae. She's beautiful, sophisticated and very intimidating."Honey." Naluluha niyang nilapitan si Axel at mahigpit na yumakap dito.I don't know what's happening but I don't like the view in front of me. Ano ito? Family reunion?"Karen, what are you doing here with Anna?""We were so worried about you, Axel! Buong akala ko, hindi ka na namin makikita!"Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang biglang hinalikan ng babae sa mga labi ang asawa ko. I wanted to pull her hair and slap her face!Kumukulo ang dugo ko sa ulo, but I couldn't let myself do that. Not in front of the kid. Naalala ko kami noon ni Mama habang nakikitira sa mansion with papa and Tita Dayana.Ang pinagkaiba lang ngayon, baliktad ang sitwasyon. Mukhang ako ang ibang babae sa buhay ni Axe
Thalia's POVMATAGAL akong nakaupo sa gitna ng kama habang iniisip ang mga nangyari. Ang ibig sabihin ba nito, trinaydor talaga ako ni Axel?Mariiin akong pumikit. Ang dami na niyang nagawa para sa akin. Iniligtas niya ang buhay ko, hindi lang isang beses. And I felt it, his feelings for me are genuine. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ito gagawin!"Baka naman... may rason siya? Baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa nangyayari?" Mariin akong pumikit. Now I'm in denial!Pero may rason naman para maramdaman ko ito. Kanina lang, pinipilit niya akong makinig sa kaniya. So, there must really be an explanation for all of this.Mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto. Tatawagin ko dapat ang pangalan ni Axel, pero napaatras ako nang bigla itong bumukas."Ikaw? What are you doing here?"Agad na pumasok sa loob si Karen at mabilis na sinara ang pintuan. "I'm here to help you.""Help me?""Tutulungan kitang makatakas."Nagtaka ako sa mga sinabi niya. Tutulungan niya akong tumakas? B
Thalia's POVHINDI na ako nagdalawang-isip pa. Matapos malaman ang lahat, nagdesisyon na akong tumakas ng isla. Karen helped me."Paano ka? At ang anak mo? Baka anong gawin nila sa iyo dahil sa pagtulong mo sa akin?"Banayad siyang ngumiti. "I won't leave his side. Kahit anong mangyari, sasamahan ko siya."Hindi ko napigilan ang hindi masaktan dahil sa narinig. Pikit ko na lang binalewala at mabilis na sumakay ng yate. Sinunod ko ang bilin ni Karen at ginaya ang ginawa noon ni Axel para mapatakbo ito.Tumakas akong puno ng luha ang mga mata. For the second time, trinaydor na naman ako ng taong mahal ko. Bakit ba ito laging nangyayari sa akin?Iyak ako nang iyak buong byahe. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa dami ng luha sa mga mata. "Hindi ko siya mapapatawad."Nang makarating ako sa dock, puno ng pangamba ang dibdib na bumaba ako ng yate. Takot na takot akong baka mahanap ako o may nag-aabang sa akin dito na mga tao nila."Oh, my God!" Hindi pa ako nakakalayo sa yate, bigla akong
Thalia's POVILANG araw na akong nagkukulong sa kuwarto at iniiwasan ang lahat. Laging si Dianne ang kasama ko. Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin ngayon.Papa and mama urged me to cooperate with the policemen. Sa maikling panahon, nalaman nila kung sino ang pasimuno sa pandurukot sa akin. Natunton nila ang bahay na bato na pinagdalhan sa akin ni Axel. And they even found Danica and Axel's father.Sa loob nang tatlong araw mula nang makabalik ako, nanatiling tikom ang bibig ko. Nalilito ako sa totoong nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang totoong kalaban at sinong hindi. Marahan na hinawakan ni Dianne ang kamay ko at ngumiti. "Would you like me to get you something to eat? Kaunti lang ang nakain mo kaninang tanghali."Umiling ako sa kaniya. "Wala akong gana."Bumuntonghininga si Dianne. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Kambal, bakit hindi mo sabihin kina Mama at Daddy ang totoo? Bakit itinatago mo ang nangyari sa iyo?""Nalilito ako." Mabilis kong pinahid ang luhang nagl
Thalia's POVMABILIS kong binawi ang kamay ko mula kay Eros at patakbong lumapit kay Axel. Mahigpit niya akong niyakap na ikinapikit ko."Anong ginagawa mo rito?" Kumalas ako sa yakap namin."Sinusundo ka."Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Oh, how I missed him so much! But I shouldn't let him see this. Not until he tells me the truth!"Let's go, sasama ka sa akin!"Nagdalawang-isip ako sa gagawin, pero ang totoo, gusto ko nang sumama sa kaniya. Gusto kong malaman ang totoo, pero kung aalis ako ngayon at sasama kay Axel, it would surely break my parent's heart."You're Axellandus Guerrero! The one who kidnapped Thalia!"Natigilan kami pareho nang hablutin ako ni Eros sa kamay at inilayo kay Axel."Give her back," nagbabanta ang boses ni Axel nang balingan nito si Eros.Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Eros pero lalong humihigpit ang kapit niya sa kamay ko."Not in this lifetime," matapang na sagot ni Eros.Dumilim agad ang mukha ni Axel. Natigilan ako
Thalia's POVNASA loob kaming lahat nang malawak na living room. Nakahanda na ang mga pulis at bodyguards ni Papa sa labas—naghihintay na lang ng utos mula sa kaniya."Thalia, get over here!" matigas na utos ni Papa habang matalim na nakatingin sa akin.Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Axel. Nakaupo kasi kami ni Axel sa iisang sofa. Magkatabi at magkahawak ang mga kamay.Natuon sa mga kamay namin ang paningin nilang lahat. Pare-parehong gulat at pagtataka ang makikita sa mga mata nila."Anong ibig sabihin niyan?" Nagpipigil na itinuro ni Papa ang mga kamay namin. "Kayo?"Nagkatinginan kami ni Axel. Lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko."Kasal na kami," diretsahang saad ni Axel.Natigilan sina Papa at Eros habang napatakip naman ng bibig si Mama. Si Dianne ay tahimik lang sa isang sulok."What? W-when? How did this happened?" Biglang tumayo si Papa. "Did he forced you, Thalia!"Hindi ako nakasagot agad dahil sa takot ko kay papa. Magkahalong dismaya, galit at pag-aalala a
Thalia's POV NAGKATINGINAN sina Mama at Papa sa sinabi ni Axel. Agad nilang tinawagan si Lolo Guillermo. Ayaw nitong makipag-usap sa telepono kaya ito mismo ang nagpunta sa mansion.Buong oras, kasama ko si Axel sa kusina habang nag-uusap sina Papa at Lolo sa pribadong library. Nakabantay naman sa amin si Yaya Osang. Ayaw kasi kaming iwan ni Papa nang kaming dalawa lang."Bakit ka nagpunta rito? Hindi ka na makakalabas dito kung hindi sa kulungan ang uwi mo.""I know." He smiled and hugged me.Ikinulong niya ako sa mga bisig niya kaya binaon ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. I missed this—his warm hug."I need to see if you're safe.""I'm safe, thanks to your father.""Glad he was there."Kumalas ako sa yakap namin nang maalala si Karen. "Now, would you mind explaining to me about your wife and daughter?"Natahimik siya bigla at pagkatapos ay naiiling na nagbuga ng hangin. "She's not my wife."Natigilan ako. She's not his wife? Hindi ako naniniwala sa mga narinig."Pero ang sabi ni
Thalia's POVKULANG na lang ay panawan ako ng malay-tao sa nasaksihan. Parang tumigil ang takbo ng mundo ko habang nakatingin sa naglalagablab na sasakyan."Oh, God!" bulalas ni Mama.Mabilis na inutusan ni Papa ang mga security nito na puntahan ang kotse. Agad naman akong nilapitan ni Dianne."Axel... ""Kambal, don't go there! It's dangerous!""No, let me go!" Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya, pero mas lalong humigpit ang kapit ni Dianne dito. "I-I need to see if he's okay... I need to know!""Tanya, get everybody in the house!"Paalis na si Papa para lapitan ang kotse pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso."What did you do! Anong ginawa mo! Ano!"Natigilan siya nang makita akong umiiyak at sumisigaw. I don't know what's happening but I just lost it. Para akong nawala sa sarili."This is all your fault! Sinabi ko nang huwag mo siyang ilalayo sa akin! Papa, it's your fault!""Baby, hindi ko kagagawan ito." Umiling siya sa akin."I hate you so much! Ikaw ang may gawa