Thalia's POV NAGKATINGINAN sina Mama at Papa sa sinabi ni Axel. Agad nilang tinawagan si Lolo Guillermo. Ayaw nitong makipag-usap sa telepono kaya ito mismo ang nagpunta sa mansion.Buong oras, kasama ko si Axel sa kusina habang nag-uusap sina Papa at Lolo sa pribadong library. Nakabantay naman sa amin si Yaya Osang. Ayaw kasi kaming iwan ni Papa nang kaming dalawa lang."Bakit ka nagpunta rito? Hindi ka na makakalabas dito kung hindi sa kulungan ang uwi mo.""I know." He smiled and hugged me.Ikinulong niya ako sa mga bisig niya kaya binaon ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. I missed this—his warm hug."I need to see if you're safe.""I'm safe, thanks to your father.""Glad he was there."Kumalas ako sa yakap namin nang maalala si Karen. "Now, would you mind explaining to me about your wife and daughter?"Natahimik siya bigla at pagkatapos ay naiiling na nagbuga ng hangin. "She's not my wife."Natigilan ako. She's not his wife? Hindi ako naniniwala sa mga narinig."Pero ang sabi ni
Thalia's POVKULANG na lang ay panawan ako ng malay-tao sa nasaksihan. Parang tumigil ang takbo ng mundo ko habang nakatingin sa naglalagablab na sasakyan."Oh, God!" bulalas ni Mama.Mabilis na inutusan ni Papa ang mga security nito na puntahan ang kotse. Agad naman akong nilapitan ni Dianne."Axel... ""Kambal, don't go there! It's dangerous!""No, let me go!" Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya, pero mas lalong humigpit ang kapit ni Dianne dito. "I-I need to see if he's okay... I need to know!""Tanya, get everybody in the house!"Paalis na si Papa para lapitan ang kotse pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso."What did you do! Anong ginawa mo! Ano!"Natigilan siya nang makita akong umiiyak at sumisigaw. I don't know what's happening but I just lost it. Para akong nawala sa sarili."This is all your fault! Sinabi ko nang huwag mo siyang ilalayo sa akin! Papa, it's your fault!""Baby, hindi ko kagagawan ito." Umiling siya sa akin."I hate you so much! Ikaw ang may gawa
Thalia's POV "Kambal, pumayag ka na, please? Let's go shopping! Mamasyal tayo kasama si Mama like we always do back then. Just the three of us!"Mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko sa sinabi ni Dianne. I don't really wanna go out but they just won't stop.Simula nang malaman namin na buntis ako, mas lalo lang akong na-depress. Anong gagawin ko sa batang ito? Now that I don't have Axel to help me raise this child, kinakabahan ako. Paano ko mapapalaki ito?Hindi makapaniwala at hindi matanggap ni Papa ang tungkol dito, and I know he's really disappointed in me. Mag-iisang linggo na pero hindi niya pa rin ako kinakausap."Mas made-depress ka lang kung mananatili ka sa kuwarto mo. Sige na, kambal. Come to the mall with us."Malungkot kong tiningnan si Dianne. Nasasaktan siyang tumingin sa akin. Siya rin ang nagpahid ng isang luhang naglandas sa pisngi ko."I don't know how to overcome this, kambal. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya." Umiling ako matapos maalala na naman
Thalia's POV NANG makita kong abalang um-o-order si Dianne sa counter, hinintay kong malingap ang mga bodyguards na nagbabantay sa amin. Maingat akong lumabas ng restaurant at patakbong sinundan ang lalaki kanina. Alam kong puwedeng nagkakamali na naman ako, pero sigurado ako sa nakita ko. He was looking directly at me! Hindi lang siya bastang nakatayo roon. Nakatitig siya sa akin!And his built? His height? Parehong-pareho! He might be him... he might be my Axel!"Mister, sandali!"Nilingon niya ako mula sa malayo. Maraming tao sa paligid but he knew that I was referring to him! Kilala niya ako!Lalo kong binilisan ang paglalakad nang makitang kumanan siya. Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko, makahabol lang sa kaniya."Axel!"Natigilan ako bigla nang hindi ko na siya makita. Maraming tao sa paligid. Para akong naghahanap ng karayom sa buhangin. Nakipagsisikan ako at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.Muli akong napahinto nang mapansin ang ilang mga lalaking nakasuot ng i
Thalia's POV "Thalia!"Napaatras ako nang marinig ang gulat na boses ni Manang Celia. Kalalabas lang nito sa kuwarto at nahihintakutan pang nakatingin sa amin."Anong ginagawa mo sa labas?" Lumapit siya sa akin. Pilit akong hinihila pabalik sa kuwarto. "Dalian mo! Pumasok ka na sa silid!"Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatingin ako sa gawi ng lalaki at gusto pang kausapin ito, pero natatakot din ako na baka palayasin ako ni Manang Celia kapag nagmatigas ako."Ano pa bang ginagawa mo? Pumasok ka na!""O-opo, manang!" Mabilis akong lumapit sa pinto pero hindi ako agad pumasok.Nilingon ko uli ang lalaking nakaupo sa wheelchair. Hindi ko talaga magawang maaninag ang mukha niya kahit anong pilit ko."Thalia, pasok na!"Tuluyan kong binuksan ang pintuan at pumasok sa kuwarto. Buong oras na nakaupo ako sa dulo ng kama, iniisip ko ang lalaking nakita kanina.Paano kung siya si Axel? I might be imagining things, pero kahit ang kapiranggot na pag-asa, kakapitan ko."Please, oh, God! P
Thalia's POV "Oh, my God!" Nangilid ang luha sa pisngi ko habang hawak ko ang aking dibdib.Nakasandal ako sa pader ng kusina, pilit na pinakakalma ang sarili. I knew it! Axel is alive! Nararamdaman ko iyon.I wiped my tears away and run straight to the front gate. Natigilan pa sina Manang Celia at Tiago nang makita ako. Umawang ang labi ng mga ito."Thalia, anong ginagawa mo rito?" Halatang kinakabahan si Manang Celia nang tumingin sa akin. Agad niya akong nilapitan. "Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo!""S-sir... "Hindi naman makapaniwalang tinitigan ako ni Tiago mula ulo hanggang paa. "Is that really you, Thalia?""Axel's alive? Buhay pa siya, di ba? Buhay siya?"Nag-unahan sa pagbuhos ang mga luha sa pisngi ko nang makita ang pagtango nito. Agad ko silang talikuran at mabilis na tumakbo papunta sa loob ng bahay.Nang marating ang tapat ng kuwarto ni Axel, huminga muna ako nang malalim bago ito binuksan. Nakita ko siyang nakaupo sa wheelchair habang nakatingin sa labas ng
Thalia's POV"I don't need you."Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni Axel. "Aba, sir, hindi kayo ang magdedesisyon sa bagay na iyan! Ang ama n'yo ho!"Kukunin ko na sana ang pagkain sa ibabaw ng table para dahil sa kaniya, pero kamuntikan na akong mapatalon sa gulat nang magtaas siya ng boses."Get out!""Pero sir—""Lalabas ka o palalayasin kita!""Ay, lalabas na ho!" Muli kong binalik ang tray sa table. Padabog ko itong ibinaba. "Sir, ayaw n'yong subuan ko kayo? Masarap ang pagkain! Natikman ko—""Out!"Napapikit ako nang muli siyang sumigaw. Diretso akong magmartsa palabas pero hindi ko agad sinarado ang pinto."Sir, kain kayo, ha? Huwag kayong magpapalipas ng gutom."Iritado siyang nagbuga ng hangin kaya nagmamadali kong isinara ang pintuan at bumaba."Sungit naman!" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Ganito rin ako kasungit noon nang dukutin niya ako. Nakikisama siya sa akin kahit puro pagsusungit ang ginagawa ko."Hindi mo naman sinabi sa akin ang t
Thalia's POV ILANG araw na akong nananatili rito sa bahay at inaalagaan si Axel. Kahit papaano, hindi na siya masyadong nagsusungit sa akin. Pero mailap pa rin.Hindi man kami madalas mag-usap dahil ako lang ang panay daldal, at least, nakikinig siya sa mga kuwento ko at hindi ako binabara katulad noong mga naunang araw na inaalagaan ko siya."Gusto mo bang lumabas tayo?" Lumipat ako sa harap niya at malapad na ngumiti."Hindi tayo puwedeng lumabas," bored niyang sagot."Dyan lang sa garden, para maarawan ka naman at makalanghap ka ng fresh air. Gusto mo iyon, di ba?"Matagal siyang natigilan sa mga sinabi ko. Alam kong gusto niya rin lumabas dahil madalas siyang nakaharap sa bukas na valcony.Hindi siya um-oo pero hindi rin tumanggi kaya ako na mismo ang nagtulak sa wheelchair niya. Nang makalabas kami sa garden, dinala ko siya malapit sa mga tanim na bulaklak."Hawakan mo, oh. Mga gumamela ito." Pumitas ako ng kulay pulay at dinala sa kamay niya.Hinawakan niya iyon at pinakiramdam
Luci's POVNAKAUPO ako sa pinong buhangin habang pinanonood si Luna Marie na magtatakbo sa paligid. Kanina pa ito naglalaro sa front beach ng resort namin, parang hindi napapagod sa kakatakbo."Baby, dahan-dahan lang. Baka madapa ka na naman."Malakas na pagtawa ang itinugon nito sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa tubig at nag-umpisang magtampisaw."Mama, ang lamig ng dagat! Ang sarap maligo!" Umahon ito at patakbong lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong hinihila papunta sa tubig. "Mama, ligo tayo! Sige na!""Baby, hindi puwedeng mabasa si Mama. Ikaw na lang. Tapos mamaya, papaliguan kita.""E, wala akong kasama! Nasaan na kasi sina Tita Linda at Lolo Ernesto at Lola Guada?""Busy sa resort si Tita Linda mo, baby. Ang dami natin guest ngayong buwan.""Sina Lolo at Lola, busy rin?"Napangiti ako nang makitang sumimangot na ito. "Hindi sila busy, pero di ba, dinalaw nila si Tita Laura?""Ah, iyong kakambal mo?""Yes, baby ko!"Sumimangot ito lalo. "Paano iyan? Wala
Luci's POVUNTI-UNTING bumagsak sa lupa si Damon. Dinaig ko pa ang tinakasan ng malay sa nasasaksihan. Gising ako pero ayaw nang tumakbo nang maayos ng utak ko.Nakita ko kung paano umalis ang kotseng kinalululanan ng lalaking bumaril sa amin. Nang mawala ito sa paningin ko ay pabagsak akong lumuhod sa tabi ng mag-ama ko."D-Damon... ""L-lumayo na k-kayo... " Bigla siyang umubo ng dugo kaya lalong nagbagsakan ang mga luha ko. "Si Luna... take our b-baby... ""Damon, no! Please, stop talking!"Mahigpit kong niyakap ang baby namin habang hawak ang kamay ni Damon. Luminga ako sa paligid, umaasa na may makitang tao at mahingian ng tulong."Tulungan n'yo kami! Maawa kayo! Tulungan n'yo kami!"Nang muli kong tingnan si Damon, putlang-putla na ang mukha niya. Halos wala nang kulay."Oh, God! T-tulong! Please, maawa kayo sa amin!"Narinig kong tumunog ang cellphone ni Damon sa loob ng bulsa nito. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.I saw Nico's name on the screen. Agad ko itong sinagot,
Luci's POV"Mama!"Hindi ko napigilan ang paglunok nang marinig ko siyang tawagin akong 'mama'. I never thought a single word from her would make me this happy."Luna Marie."Lumapit ako sa kaniya with open arms. Nagmamadali siyang bumaba mula sa kinauupuan niya at patakbong lumapit. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay para sa akin."Mama!"I tried so hard not to cry, pero nanakit lang ang lalamunan ko sa pagpipigil ng luha.Luna Marie. Anak. Baby ko."Baby, I'm sorry, ngayon lang bumuti ang lagay ni Mama. Ngayon lang kita nabisita."Nakaluhod na ako sa sa sahig habang yakap siya. Oh, God, thanks for healing me. Thank you for keeping us safe all these years. Ngayon, yakap ko na ang anak ko. Her body is so tiny. Kumakain kaya siya nang maayos dito? Nakikipagkaibigan ba siya sa ibang bata?Ang dami kong gustong malaman. Ang dami ko rin gustong ibigay sa kaniya. At una na roon ang kaligtasan.Natuon ang paningin ko sa picture namin dalawa na nakadikit sa pader sa harap ng maliit na ta
Damon's POVNASA labas ako ng bahay ng mga Herrera, nakatanaw sa bintana ng kuwarto ni Luci. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. She wants us to divorce, she wants to leave me and she's planning on marrying Andrew.Isipin pa lang na hindi na siya akin at pag-aari na ng ibang lalaki, halos mabaliw na ako sa galit. Hindi ako makakapayag. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Kahit idaan ko pa sa dahas.Sumakay ako ng kotse ko at nag-drive papunta sa pinakamalapit na bar. Kanina pa tawag nang tawag si Mama at maging si Nico, pero wala akong ganang sagutin ang tawag ng kahit na sino.Pagdating ko sa bar, sinalubong agad ako ng nakabibinging ingay ng tugtog, makakapal na usok, iba't ibang kulay at mga tao sa paligid. Wala akong pakialam sa paligid ko. Naupo ako sa isang metal stool at um-order ng alak.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumalik nga si Luci, pero ngayong bumalik siya sa akin, tuluyan na niya akong iiwan."I should've treate
Luci's POV"Miss Luci!"Hindi ko pinansin ang boses na tumawag sa akin. Agad akong sumakay sa taxing huminto sa gilid ng daan at nagpahatid sa bahay namin.Isa-isang nagbagsakan ang mga luha ko habang iniisip ang gabi kung kailan iniwan ako ni Damon para sumama sa sekretarya niya.Pagod na pagod na akong maghabol sa taong walang balak na huminto o lumingon man lang sa akin. If he still loves my best friend, then I will let go of him.Hindi niya ako kailangan sampalin ng katotohanan na mas pipiliin pa niya ang ibang babae kaysa sa akin na asawa niya. I'm now ready to let go of this toxic love. Ang pag-ibig na unti-unting lumason sa akin dahilan para mamatay ako."L-Luci?"Parang nakakita ng multo si Daddy nang makapasok ako sa double wooden doors ng aming bahay. He stopped in front of the kitchen's door and stared at me for a long time."I'll explain everything later, daddy. Let me rest for now.""W-what? Explain everything?" Sinundan ako nito hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko.L
Damon's POV"False alarm, sir. Naliligaw lang pala ang mga lalaki kanina at hinahanap nila ang resort para mag-check-in."Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang sinabi ng bodyguard na iniwan ni Nico para kay Luci. Natagpuan ko ang dalawang lalaking tinutukoy nito sa lobby ng resort.Mataman kong tinitigan ang dalawa. Mga lalaking mukhang vlogger dahil parehong may bitbit na camera sa mga kamay at nagsasalita sa harap nito.Pinabalik ko na sa Maynila sina Nico at ang mga tao nito. Agad ko naman pinuntahan sa cottage ko si Luci. Naabutan ko itong nanonood ng cartoon habang nakahiga sa kama."I'm back.""Damon!" Napasinghap ito, malapad na ngumiti. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong lumapit sa akin.Punong-puno ang puso ko nang mahigpit akong yakapin ni Luci. I hugged her back and rested my chin on the top of her head."Wife... " I hugged her forehead. "Siguradong-sigurado na ako, Luci. Akin ka. Ikaw ang asawa ko."Hindi umuwi sa kanila si Luci noong gabing iyon. Muli siyang n
Damon's POVUMIBIS ako ng sasakyan nang marating ang bahay namin ni Luci. Sandali akong pumasok para kunin ang toothbrush na gamit noon ng asawa ko."Dumiretso ka na sa hospital. I need to get the DNA test result today." Inabot ko sa kaniya ang panyo kung nasaan ang toothbrush at ang isang strand ng buhok ni Luci na palihim kong kinuha kanina."Yes, sir."Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nito, agad akong bumalik sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa built-in closet namin at binuksan ang jewelry box ni Luci."It's still here."Kinuha ko ang kwintas nito na kapareho ng kay Laura. Magkatulad na magkatulad ang dalawa. Gintong kwintas na may initials at mga pangalan nila.***"What are you doing here! I thought I told you to never show your face again!"Lumabas mula sa wooden doors ng malaking bahay si Tito Tobias. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa akin."I need to talk to you.""Well, I don't wanna talk to you. Ang kapal ng mukha mo! Matapos mong patayin ang anak ko?""This is
Damon's POVMARAHAN kong hinahaplos ang buhok ni Luci habang nakaupo sa gilid ng kama sa tabi niya.Ngayon, sigurado na akong siya ang asawa ko. Hindi siya si Laura, siya si Luci. Ngayong may patunay na ako, babawiin ko na siya. Maraming bagay akong gustong ihingi ng tawad, maraming bagay rin ang gusto kong gawin para sa kaniya. Lahat ng pinagsisihan kong hindi nagawa noon, magagawa ko na ngayon. Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang gumalaw ito dahil sa pag-ihip ng malakas na hangin mula sa dagat. Unti-unting bumukas ang mga mata niya."Good morning." I smiled at her as I held her hand."D-Damon?""Yes? Are you hungry?"Nagtatakang bumangon ito kaya dumulas ang puting kumot mula sa hubad niyang katawan. I chuckled as I gave her my blue polo shirt. Pinasuot ko iyon sa kaniya at inakay siya papunta sa wooden table."Hindi ka galit?"Naupo ako sa silya at hinila siya paupo sa kandungan ko. "I'm sorry sa mga inasal. Wala ako sa sarili ko kahapon.""Hindi ka na g-galit?" Umiling siya
Damon's POVSA PANGALAWANG pagkakataon, para akong mababaliw nang isipin na wala na nga talaga si Luci. Na ito ang bangkay ng babaeng natagpuan namin noon at ito ang inilibing namin.Kung hindi... kung hindi ito si Luci, ano ang nakita ko kanina? Sigurado akong walang ganoong pilat ang asawa ko. At sapat nang patunay iyon para masabing ang babaeng palagi kong kasama ay ang anak nina Mang Ernesto at Aling Guada. Kahit sabihin pang taliwas ang nararamdaman ko.Siya si Laura, hindi ang aking asawa. Hindi ang Luci ko.***"Damon! Gising, Damon! Gising!"Naalimpungatan ako nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Ang nakangiting mukha ni Luci ang bumungad sa akin."Luci?""Amoy alak!" Nagtakip ito ng ilong matapos ngumiwi.Matagal akong natigilan habang nakatitig sa mukha niya. Natawa ako kasabay nang pag-iling."Hindi nga pala ikaw si Luci. You're Laura."Tumango ito. "Ako Laura, hindi Luci."Tumayo ako at dumiretso sa shower. Buong gabi akong naglasing kagabi. Kung hindi pa ako ginisin