Last na ito kay Rod at kay Clark and Clarissa naaa. Sana support niyo po sila. Thank you po sa lahat ng sumuporta.
PREVIEW (CLARISSA) “Clarissa, uuwi ka na?” Tumango ako sa sinabi ni Abel, ang ka-klase ko. Nakita ko siyang pinapalibutan ng mga kaibigan niya. Namumula rin ang pisngi nito at hindi makatingin sa akin ng diretso. “Clarissa, pwede ka ba daw niya ihatid?” sabi ni Elyrio, kaklase ko rin. Dumagundong na ang malakas na kulog at kailangan ko ng umuwi. “May payong ka bang dala?” Umingay na naman sa kanila dahil alam na nila ang sagot ko. “Ah—oo, may payong ako,” namumulang sabi ni Abel. Agad siyang tinulak ng mga kaibigan niya papunta sa akin at ako naman ay ngumiti lang sa kanila. “Ah—pasensya ka na sa mga kaibigan ko ah?” aniya nang naglalakad na kami paalis ng skwelahan. “Hindi. Ayos lang iyon,” “Bakit hindi ka sinundo?” “Ah—nag-away kasi kasi kami ng kuya ko kaya walang susundo sa akin ngayon.” “Siya ba ang nagsusundo lagi?” “Oo,” Pinapakiramdaman ko si Abel, alam kong gusto niyang hawakan ang kamay ko kaya nilalayo ko ng konti kada nasasagi ng kamay niya ang kamay ko. Pa
(CLARISSA) “Yaya, nandiyan pa po ba ang mga kaibigan ni kuya?” “Opo ma’am Clarissa, nasa ibaba pa po sila,” “Salamat po,” Lumabas ako ng kwarto para tignan ang sala kung nasaan sina kuya. Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya napaatras ako. Gusto kong uminom ng tubig dahil nauuhaw ako pero nahihiya akong bumaba. Saka sinabihan niya ako kanina na huwag bumaba dahil pupunta ang mga kaibigan niya. “Ah-yaya,” “Yes po?” “Pwede po bang-“ naputol sa ere ang ano pa mang sasabihin ko nang makita na busy pa siya sa pagtutupi ng mga damit ko. “Ay huwag na po pala. Ako nalang po,” Bumaba ako para kumuha ng tubig. Alam kong nakita ako ni kuya kasama ng mga kaibigan niya. Hindi ko nalang sila pinansin. Nauuhaw na talaga ako. Dumiretso ako sa kusina. Malakas ang tambol ng puso ko. Naramdaman ko ang mga yabag ni kuya sa likuran ko kaya lumingon ako sa kaniya. Naroon na naman ang mga masasama niyang tingin sa akin. “Kuya, nauhaw po kasi ako,” “Bakit hindi mo nalang ipakuha sa yaya mo
CLARK She’s sleeping peacefully in my arms. Malungkot akong ngumiti. Kanina, hindi niya ako pinapansin. Alam kong galit siya sa akin dahil nagalit ako kahapon. My friends visited me kaya ayaw kong lumabas siya sa kwarto niya. Kilala ko ang mga kaibigan ko. Alam kong may gusto ang isa sa kanila sa kaniya. I’m trying to protect her—no, natatakot lang ako na mawala siya sa akin. I know I’m being selfish pero anong magagawa ko? There’s only woman that I love, at siya iyon. When she said may nagugustuhan siyang iba, pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko. Takot at pangamba ang naramdaman ko kahapon. Muntik ko ng sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, buti napigilan ko pa ang sarili ko. Papunta ako kay mommy at naabutan ko siya sa kusina na umiinom. “We need to talk, mom,” “Is it about your sister again?” “Bakit ba pinagbubuhatan mo siya ng kamay? Bakit ba ang unfair niyo ni dad sa kaniya? She’s our family!” Parang may bumara sa lalamunan ko nang banggitin ko ang salitang pamilya. “S
CLARISSA “Kuya, I have no class today. Pwede ba akong sumama sa lakad mo?” I am trying to close the distance between us. “May lakad kami ng mga kaibigan ko, Clarissa,” he answered without looking at me. Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng tenga ko. “Ako lang mag-isa dito kuya, saka hindi ba kita pwedeng e date?” Nakita kong natigilan siya sa paglilinis ng kotse niya at lumingon sa akin bigla. Nagulat siya nang makita ang itsura ko. Bumaba ang paningin sa suot kong dress. He looked away immediately. “Dito ka lang sa bahay,” Sumimangot ako. “Pero kuya, ilabas mo naman ako kahit sandali lang. Bored ako sa bahay e,” Nakita ko ang mga babaeng dumadaan sa harapan ng gate namin at alam kong nakatanaw sila kay kuya. Sinamaan ko sila nang tingin. “Fine,” napatingin ako kay kuya at naabutan siyang nakatitig sa mukha ko. “Really?” “Yeah.. Wait me here. Magbibihis lang ako,” Tumango ako. “Okay.” Nakita ko ang munting ngiti sa labi niya na ikinalakas ng tambol ng puso
CLARK Anong bagay? Ilang damit na ang nilabas ko sa wardrobe. Nakatingin sa ako sa malaking salamin. Kinuha ko ang office suit at itinapat sa katawan ko. While looking at my reflection, bigla kong naisip, bakit pala magsusuot ako ng office suit? Dammit! I get the black turtle neck long sleeve. Nang tignan ko ulit ang sarili ko sa salamin, biglang nalukot ang noo ko. Ang init sa labas and magsusuot ako ng—fvck! Kailan ka pa naging tanga Clark? What should I pick then? I dialed Hut’s number. Naghintay ako ng ilang minuto bago niyang sagutin ang tawag, “Gago, ang aga. Bakit ba?” Magulo pa ang buhok niya, mukhang nadisturbo ko ang tulog. “Man, I have a date. Anong susuotin ko?” “Date?” humikab siya, “sinong-” nabitin sa ere ang sasabihin niya at nakita ko ang pamimilog ng mga mata niya. “Date with Clarissa?” “Y-Yeah,” hindi ko maitago ang ngiti ko at narinig ko nalang ang mga malulutong na mura niya sa kabilang linya. “Gago. For real? You confessed?” “No. She asked me out,”
CLARISSA “Clark, I didn’t expect that I see you here,” tumingin siya sa akin. “Oh my, is this Clarissa? Wow! Malaki ka na ah,” Peke akong ngumiti. Ang totoo niyan, naiinis ako.. Naiinis na nagseselos ako habang nakatingin sa kanila ni Clark na magkayakap. Nakangiti si Clark sa kaniya.. Bumalik na naman lahat ng ala-ala. Just like before, hindi niya ako pinapansin at laging nasa babaeng ito lang ang attention niya. Kinuha ko nalang ang Shawarma nang maluto na. Nasa gilid lang ako habang masamang nakatingin sa kanila na nag-uusap. Clark knew na ayaw ko sa babaeng iyan. She’s a bitch! Nakita ko si Glem na nakahawak na sa braso ni Clark. Right, ayaw ko rin naman siyang tawaging kuya. “Clark,” tawag ko kaya lumingon siya sa akin. “Your Shawarma,” Tumingin siya sa pagkain na hawak ko. “Ah-mamaya na muna. Mag-uusap na muna kami ni Glem,” Parang may kirot sa puso ko ng tanggihan niya ako. Hindi ako nagkomento, iniwas ko lang ang paningin lalo’t naramdaman ko na ang nagbabadyang lu
CLARK It’s been 20 minutes nang umalis si Clarissa. I texted her where she went but it took her 3 minutes before she replied. Nagmamadali akong pumunta sa gawi niya nang nagpaalam na si Glem. She’s asking me about the reunion na napagkakasunduan ng barkada kaya medyo natagalan ako sa pakikipag-usap ko sa kaniya. I know Clarissa hates her, kanina ko pa gustong umalis but hindi ko magawa and besides, wala namang gusto si Glem kun’di ang makausap ako about that matter. Pagdating ko kung nasaan si Clarissa, I saw her laughing with a guy na alam kong may gusto sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko at malalaki ang hakbang na hinablot ang kamay niya palayo kay Abel. Nanlalaki ang mata niya nang makita ako. “Tapos ka na makipag-usap?” Tumingin siya sa likuran ko at nang makita na wala si Glem sa likuran ko, humarap naman siya sa akin agad. “Ah, si Abel, ka-klase ko dati,” Tinignan ko lang si Abel. I hate the way he looked at Clarissa. “Hello, I heard what happened to you. I’m happy you re
CLARISSA Pulang-pula ang mukha ko at halos hindi ako makatingin sa kaniya. Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. “A-Ano, uwi na tayo,” alam kong nakatitig siya sa akin pero ang mukha ko ay hindi ko mailingon sa kaniya. He just kissed me. Ang pula ng mukha ko. Sobrang pula ng mukha ko. Nang makarating kami ng bahay, pumasok ako sa loob at iniwan siya. B-Bakit niya ako hinaIikan? Agad akong humarap sa salamin. Ang pula nga ng mukha ko. Napatitig ako sa labi ko, bumalik sa ala-ala ko ang haIik niya kanina. Nakagat ko ng mariin ang labi ko at humiga sa kama. Maraan ang ilang minuto, saka pa nagsink-in lahat. Nagpagulong gulong ako sa kama habang tinatago ang mukha sa ilalim ng unan. “He kissed me!” Para na akong baliw na sayang-saya sa nangyari. Oh my God! He kissed me… Pareho ba kami ng nararamdaman? I’m sure he wouldn’t kiss me kung hindi. Tumikhim ako. Humarap ulit ako sa salamin. “Clarissa, umayos ka. Baka mamaya, nanaginip ka lang.” Pero hindi ito panaginip. Thi