Amelia's POV "Hindi po tayo pwedeng magpatalo. Hindi tayo pwedeng magpaapi sa kanila. Nandito po ako mommy. Sasamahan ko po kayo kahit saan, kahit sa anong laban." Hawak-hawak lamang ni Briana ang mga kamay ko nang harapin niya ako. Alam kong sinasabi niya ito para palakasin ang loob ko. Para bigyan ako ng pag-asa. Hindi ko alam? Pero dahil sa pinagdadaanan kong ito parang wala na yatang pag-asa. Hindi na magagamot ang lahat na sakit sa puso at dibdib ko. Hinila ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak ni Briana sa akin. Napatalikod ako mula sa harapan niya. Ang sakit sa pakiramdam. Pumapatak pa rin ang mga luha sa aking mga mata. "Wala na anak... Sa tingin mo kaya pang ibalik ang lahat? Kung pwede lang sisimulan ang nakaraan para itama ang lahat. Gagawin ko pero hindi pwede." Ramdam kong pinagmamasdan lamang ako ni Briana habang nakatayo siya sa likuran ko. Alam kong nalulungkot siya sa ngayon. Alam kong nasasaktan din siya. "Bakit hindi niyo po si Daddy yayain na magpakasal ka
Alyana's POV"Here the divorce papers Alyana. Kailangan mo itong papirmahan kay Alex as soon as possible. Like I said before, magpapakasal tayo sa maslalong madaling panahon."Malamig na ibinagsak ni Alex ang hawak niyang papers sa table na nasaharapan namin. It was a divorce papers.Binibigyan niya ako ng divorce papers para hiwalayan ko si Alex as my ex-husband. Malinaw na sa kaniya ang lahat na gagawin niya ito sa amin.Alam kong kailangan niyang gawin ito for the security of his family. Para makasigurado siya sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.Hanggang ngayon alam kong iniisip pa rin niya na niloloko ko siya. Na pinapaikot ko lang siya sa mga kilos ko.Hindi ko pinansin ang papers na inilapag niya sa ibabaw ng table, sa halip ay nilapitan ko siya.I helped him para alisin ang kaniyang necktie. Malamig lamang siyang nakatitig sa akin. Ibang-iba na siya kaysa dating Eduard na nakilala ko. Malambing at mapagmahal. Higit sa lahat hot.Hindi ko alam kung mahal niya pa ba ako o ginagaw
"Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin? Namiss kita Juliana. Hind ko mapigil ang sarili ko na hindi kita makita.""Nababaliw ka na Alex. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin sa palagay mo gusto kitang makita? Sa palagay mo namiss din kita? Nagkakamali ka."Nakatalikod lamang siya sa akin. Nakatanaw siya sa labas ng kaniyang opisina. Tila nalulungkot ang matapang na lalaking nakilala ko. May pinagdadaanan ang puso niya.Pinuntahan ko siya ngayon dito sa kaniyang opisina. May maganda akong regalo para sa kaniya. Regalo na ikakabaliw ng puso niya. Gusto ko siyang mabaliw sa akin. Gusto kong maranasan niya kung gaano kasakit ang magmahal ng totoo.Huli na ang lahat para magbago siya. Hindi na maibabalik ang mga oras na nagmakaawa ako sa kaniya. Kailangan kong patayin ang puso ko para sayo Alex dahil iyon ang nararapat at iyon ang makabubuti sa lahat."Nakakatuwa ka. Hindi ko aakalain na mamahalin mo ako ng totoo. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makalimot. Patuloy ka pa rin na nagmamahal sa
Alex's POV"Divorce papers na kailangan mong pirmahan Alex. Palayain mo na ako at hayaan mo na akong makahinga." Namilog ang mga mata ko sa gulat. Marahan akong napalunok. Para akong nabulunan dahil sa inihaing salita sa akin ni Juliana.Hihiwalayan niya ako bilang asawa niya? Hindi biro ang gagawin niya. Hindi pwedeng mangyari ang gusto niya.'Palayain mo na ako at hayaan mo na akong makahinga', iyon ang hinihiling niya sa akin. Ang kalayaan niya bilang asawa. Ang pakawalan ko siya para hindi ko na siya masakop pa. Hindi ko alam kung gaano ko siya nasaktan. Hindi ko alam kung gaano ko siya nadurog. "Isa lang ang kahilingan ko Alex. Palayain mo ako. Hayaan mo na akong makawala dahil hindi mo na ako asawa,"Nakatingin lamang ako sa envelope na ihinagis niya sa ibabaw ng table ko. Ito na ba ang wakas ng lahat? Ito na ba ang panahon para singilin niya ako? Bahagya akong napailing. Hindi maaaring mangyari 'to. Hindi pwede. Kung kailangan kong pigilan siya gagawin ko. Hindi niya pweden
Amelia's POVNapasulyap ako sa magara kong wristwatch. Sa pag-ikot ng oras. Hindi ko namamalayan ay labis na akong nananabik sa paghihintay ko sa asawa ko.Gumaan ang aking pakiramdam nang makita kong paparating na ang car ni Alex. Kapag nakikita ko na ang kaniyang sasakyan ay nakakahinga na ako ng maluwag.Kinuha ko ang payong para sunduin siya sa kaniyang sasakyan. Malakas kasi ang bugso ng ulan sa labas. May kasama itong pagdagundong.Bumaba siya ng sasakyan nang makita niya ako. Hindi man lang siya natuwa na nakita ako. Sa halip pagkauyam ang nakita ko sa mga labi niya nang umarko ang mga ito. Parang hindi niya ako asawa."Nag-abala ka pa. Dapat hindi mo na ginawa 'to. Nagpapagod ka lang Amelia." pagbigkas niya na kasing lamig ng panahon. Ang lamig ng pagkatao niya habang papasok kami ng mansion.Hindi naman siya ganito sa akin. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa asawa ko? Hindi ko na maintindihan ang ikinikilos niya sa tuwing kasama ko siya. Marami ng pinagbago sa kaniya.Napabun
Briana's POV"Daddy!"Pumatak na lamang ang mga luha ko. Nanikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko kanina pa. Hindi ako makapaniwalang sinasaktan ni Daddy si Mommy.Inis na binitawan ni Daddy ni Mommy. Kita ko ang galit na lumiliyab sa kaniyang mga mata. Gusto niyang durugin ni Mommy sa kaniyang paningin."Narinig ko ang pinag-aawayan niyo ni Mommy Dad. Hindi po ako makapaniwalang nagiging magulo ang pamilyang 'to Daddy. Bakit niyo po hinahayaang masaktan si Mommy?" Nagtatanong lamang ang bawat tingin ko sa kaniya. Pumapatak ang mga luha sa aking mukha. Ang sakit-sakit sa pakiramdam. Parang dinudurog ang damdamin ko sa mga sandaling ito.Ang makita kong nag-aaway sila ni Mommy ay parang sinasakal ako sa leeg. Parang ayaw ko ng mabuhay pa sa mundo. Binabalot ng sakit at hapdi ang aking puso.Nakita kong napahikbi si Mommy sa pag-iyak. Nasasaktan siya. Napapunas rin siya ng kaniyang mga luha. Hindi niya mapigil ang kaniyang paghikbi."Mahal niyo po ba talaga kami Dad ni Mommy o napipi
Alyana's POV"Nasaan na ang divorce papers na ibinigay ko sayo Alyana? Napirmahan na ba ni Alex? Gusto kong makita iyon dahil hindi mo pa sa 'kin ibinabalik." Malamig na kumilos si Eduard sa harapan ko. Nakasuot siya ng long sleeve at black pants. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang suot. Bumagay pa ito sa kaniyang haircut. Dahil sa suot niya ay nagmimistula siyang Mr. International. Naaamoy ko rin ang pabango niya. Ang lakas makahatak ng amoy niya. Yong tipong hindi ako magsasawa sa kaniyang bango araw-araw.Ito yong gusto sa kaniya. Simply but hot. Kaya nga siguro natutunan ko siyang mahalin. Natutunan ko siyang tanggapin."Hindi pa sa akin ibinabalik ni Alex. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya? Pero babalikan ko siya Eduard. Kakausapin ko uli siya."Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo na ayaw ni Alex na pirmahan ang divorce papers. Kailangan kong magsinungaling sa kaniya.Kailangan kong gawin ito para iiwas sila sa gulo. Alam kong minsan na silang nagtalo noon. Minsan na n
Abby's POV "Marcus! Marcus! Marcus!" malakas na hiyawan ng mga fans sa sport complex ng University. Nagkaupo lang ako habang pinapanuod ang mga basketball players. Oo, kasali na doon si Marcus. Isa rin siya sa mga varsity ng University. Hinihiyaw ang kaniyang pangalan dahil marami siyang fans sa campus. Nagtitilian ang mga ito. Hindi mapakali ang kaniyang mga fans. Minsan nga ang ilang sa mga fans niya ay nag-aaway pa malapitan at mahawakan lang si Marcus. Maraming tawag sa kaniya. Campus idol, crush ng campus at marami pang iba.Isa rin siya sa mga heartrobs ng University. Isa sa mga hinahangaan pagdating sa sports. Magaling kasi siya sa kahit anong larangan.Mula sa malayo natatanaw ko siyang tumatakbo habang dala niya ang bola. Basang-basa na siya sa kaniyang pawis. Ang hot niya tingnan."Marcus! Marcus! Marcus!" pagsigaw pa rin ng kaniyang mga fans. Ang ilan sa kanila ay may iwinawagay-way pa na tarpaulin. Ipinapakita nila kung gaano sila ka-supportive bilang fans ni Marcus.N