KABANATA 22Shuen's POVNagulat ako nang sabihin sa akin ni Kendra na narito si Diovanni at hinahanap ako. Hindi ko inaasahan na pupunta siya sa aking lugar ng trabaho, at hindi ako magtataka kung nalaman niya kung nasaan ako. Marami siyang koneksyon, kaya madali lang para sa kanya na matunton ako.Nanginginig ang aking mga talukap habang nakatingin ako kay Diovanni. Hindi ko alam ang aking nararamdaman, kung dapat ba akong maging masaya, umiyak, o magalit. Naramdaman ko ang pagtalon ng aking puso habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Alam ko kung gaano ko siya nais makita muli. Inaasam ko ang kanyang mga yakap at halik. Ngunit, mayroon ding takot sa aking puso dahil alam ko na sa isang halik lang mula sa kanya, bibigay na naman ako."Maari ba tayong mag-usap?" seryoso niyang sabi. "Sumunod ka sa akin." Pagkasabi niyon, lumakad siya palayo sa akin.Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang umalis siya sa aking harapan. Napatingala ako sa kisame para pigilan ang mga luha na parang
KABANATA 23Diovanni's POVNakita ko si Shuen na unti-unting lumalayo, at pakiramdam ko'y malapit na niya akong tuluyang makalimutan. Gusto ko sana siyang pigilan, sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman, na mahal ko siya, na hindi ko siya kayang mawala, ngunit hindi ko nagawa. Kahit masakit, naisip ko na hindi na dapat akong umasa pa. Kaya pinabayaan ko na lang siyang umalis, at doon, parang nadurog ang puso ko. Umiyak ako, hindi ko mapigilan ang sakit na aking nararamdaman. Ang pagpapalaya kay Shuen ay napakahirap, ngunit wala akong magagawa.Nasaktan ko na siya ng sobra, at alam kong kung ipaglalaban ko pa siya, mas lalo ko lang siyang masasaktan. Napakasakit sa akin na makita ang sarili ko na ganito; parang hindi ko na kayang magpatuloy pa sa buhay na wala si Shuen. Ayaw ko ring masaktan si Dionne, marami na akong panahon na sinayang para makasama ang anak ko.Bagaman hindi pa rin ako makawala sa impluwensya ni Katarina kahit matagal na kaming wala sa isa't isa. Natatakot ako
KABANATA 24Diovanni's POVPagbalik namin sa bahay, nakita ko si Dionne na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa loob. Agad na sinalubong kami ng yaya, at maingat niyang kinuha si Dionne mula sa aking mga bisig para ipanhik sa taas. Habang papunta ako sa hagdan, balak kong magpalit ng damit, napansin ko si Mama sa sala. Malalim ang usapan nila ni Katarina at Arianda, at ramdam ang bigat ng kanilang pag-uusap.Sinikap kong umiwas sa kanilang seryosong palitan ng salita, hahakbang na sana ako paitaas, ngunit napansin ako ni Mama. Hindi ko mabasa ang kanyang mukha habang mahigpit niyang hawak ang isang papel, at mataray ang kanyang boses na tigib ng galit nang tawagin niya ako."Diovanni," sabi niya, ang tono niya'y halo ng galit at hindi makapaniwala. "Ipaliwanag mo ito sa akin," utos niya, itinutok ang papel sa akin.Hinarap ko si Mama, blangko ang aking ekspresyon katulad ng pakiramdam ng aking isipan. "Ano ang problema, Mama?" tanong ko, walang tunay na in
KABANATA 25Shuen's POVWalang sa amin ang inasahan na bigla na lang susulpot ang lalaki, lalo na nang kanyang harangin si Mr. Takama. Masyado ring maliwanag ang pwesto ng lalaki, kaya hindi ko maaninag nang maayos ang kanyang mukha. "Isa, bibilang ako hanggang tatlo. Pakawalan mo siya," matigas niyang sabi.Agad nag-senyas si Mr. Takama sa kanyang mga bodyguard na ako'y pakawalan ako. Kaya naman dali-dali akong binitawan ng mga ito bago tuluyang umalis ang lalaki sa tabi ni Mr. Takama. Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki at hinatak ako sa likuran niya.Matangkad siya at tila pamilyar ang hubog ng kanyang katawan, pati na rin ang amoy ng kanyang pabango ay parang kilala ko na. Noon ko lang na-realize na tama ang hinala ko nang humarap siya sa akin at malinaw kong nakita ang kanyang mukha."Izan?" hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanyang pangalan.Seryoso ang mukha niya habang sinisiyasat niya ako mula ulo hanggang paa. "Kunin mo ang mga gamit mo at aalis na tayo dito," utos niya, k
KABANATA 26Diovanni's POVIlang buwan na rin mula nang huli kong nakita si Shuen, at aaminin ko na hindi ko pa rin lubos matanggap na wala na siya sa tabi ko at hindi ko na siya makikita araw-araw. Nitong mga nakaraang araw, mabigat ang loob ko dahil sa ginawa kong desisyon. Pero hindi ko maikakaila na kahit paano'y naging masaya ako, lalo na ngayon na marami na akong nagagawa kasama si Dionne na hindi ko magawa noon.Naisasama ko na siya sa mga paborito niyang lugar, natutulog sa tabi niya gabi-gabi, nasasamahan siya papuntang eskwela, at sabay kaming kumakain. Tuwing umuuwi ako galing trabaho, may yakap na naghihintay sa akin. Simula nang magpasya akong pakasalan si Shuen at panindigan ang nararamdaman ko, doon ko lang napansin ang mga pagkukulang ko kay Dionne.Pero tuwing nakikita ko ang kasiyahan ng anak ko, napagtanto ko kung gaano pala ako nangulila sa kanya, dahil natabunan ito ng presensya ni Shuen. Sa kabilang banda, hindi ko maikakaila na hinahanap-hanap ko pa rin ang pagma
KABANATA 27Diovanni's POVMabilis na naging seryoso ang kanyang ekspresyon. "Tungkol ito kay Katarina," sabi niya, at nang lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig, naramdaman ko na rin na tumigas ang aking sariling ekspresyon bilang tugon.Tinitigan ko siya ng may parehong kapusukan. "Ano ang problema sa kanya?""Marahil ay maupo muna tayo para dito," iminungkahi niya, habang dahan-dahang bumalik sa couch na kanyang nauna nang pinili.Wala akong masyadong pagpipilian kundi ang sumunod, at umupo ako sa tapat niya habang pinapanatili ang isang mahigpit na fachada. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan tungkol kay Katarina?""Nalaman ko na muling nagsasama kayo. Bumalik ba siya sa buhay mo?" Ang bahagyang ngiti sa mukha ni Vitto ay misteryoso, na nagpapalakas sa aking kuryosidad.Nanginig ang aking panga sa kanyang insinuasyon. "Mali ang iyong impormasyon," matatag kong sinabi. "Pansamantala lang siyang nakatira sa akin, para sa kapakanan ni Dionne.""Gayon ba? Sinasabi mo ba na ang i
KABANATA 28Diovanni's POVNakaparada ang kotse ko sa labas ng coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shuen. Tahimik ito habang malalim akong nag-iisip. Matagal na rin mula nang huli akong pumunta dito, at naaalala ko pa yung huling pag-uusap namin at yung gulo na nangyari na nakapag-pahiwalay sa amin. Matigas ang loob ko noon, sinabi ko sa kanya na kalimutan na lang niya ako, at umaasa ako na gagawin niya yun.Pero ngayon, andito ako, kinakabahan at umaasang makita siya kahit sandali. Nasa kotse lang ako, naghihintay na lumabas siya sa coffee shop, dahil siya lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam ko. Si Shuen ang gusto kong kasama kapag nasasaktan ako, kahit alam kong hindi na pwede. Isang yakap niya lang ay alam kong napapawi nito ang lahat.Kahit malayo, yung makita ko lang si Shuen ay masaya na ako. Parang huminto ang oras habang hinihintay ko siyang lumabas. Nang lumabas siya, tila sumigla ako, pero bigla din itong napawi dahil sa presensya ni Izan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa m
KABANATA 29Diovann's POV"Tama na!" Ang boses ko ay tumigil sa kanyang mga pakiusap, parang malamig na hangin. "Ang pamilya natin? Katarina, huwag na tayong magkunwari—matagal nang wasak ang pamilya natin! Kahit ayusin mo ito ngayon ay wala ng saysay. Huli na! Hindi mo na mabubuo ang pamilyang ito, lalo na at ikaw lang din naman ang sumira!" Nilamon ang sala ng alingawngaw ng aking mga salita, at naiwan kami sa mabigat na katahimikan."Ano pa ba ang gagawin ko, Dio?!" Desperado ang kanyang boses, nakikiusap ang kanyang mga mata. "Ginagawa ko ang lahat para magbago, para mabalik sa dati! Hindi mo ba nakikita ang lahat ng pagsisikap ko? Gusto kong ibalik ang pamilya natin!"Umiling ako, malinaw ang wakas sa aking kilos. "Katarina, matagal nang nawala ang anumang nararamdaman ko para sa'yo. Hindi na kita mahal. Kaya kahit subukan pa natin ngayon? Hindi na. Tapos na," matigas kong sabi. "Nag-file na ako ng divorce," dagdag ko, ramdam ang bigat ng sitwasyon.Napuno ng luha ang kanyang mga
WAKASDiovanni's POVHindi ko pa rin lubos maisip na buntis na pala si Shuen ng dalawang buwan. Napuno ng ligaya ang puso ko nang ibalita ito ng doktor. Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng anak. Ang balitang ito ay nagbigay sa akin ng dagdag na tapang upang ayusin ang relasyon namin.Napakalaki ng pasasalamat ko. Naniniwala ako na ang magiging anak namin ay pupuno sa nawawalang bahagi ng puso ko mula nang mawala si Dionne. Narito ako ngayon, nakaupo sa tabi ni Shuen habang nagpapahinga siya, at sabik na nag-aantay na siya'y magising. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko nang bigla siyang nawalan ng malay, kaya't agad ko siyang isinugod sa ospital.Ilang sandali pa, napansin kong gumalaw si Shuen. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata, at nang makita niya ako, isang tinging nagtataka ang sumalubong sa akin. Bahagya akong ngumiti, umupo ng mas malapit sa kanya, at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Banayad kong hinalikan ito at idin
KABANATA 40Shuen's POVNasa kusina ako, nakatitig sa masarap na strawberry pancakes na kakaluto ko lang. Ang mga malalambot na ito ay pinalamutian ng maasim-asim na hiwa ng mangga. Sa harap ko, may naghihintay na nakakapreskong mango at strawberry shake, isang kombinasyon na hindi ko napigilang subukan. Nakakapagtaka kung paano naakit ang aking panlasa sa partikular na lasa na ito ngayon. Kanina, habang nagba-browse ako sa isang website, may nakita akong larawan ng isang malinamnam na strawberry, na agad nagpa-udyok sa akin na mag-crave.Walang pag-aatubili, inutusan ko ang aming kasambahay na bilhin ito para sa akin sa grocery, at agad ko itong ginawang mga nakakatakam na pancakes. Halos limang pancakes na ang naubos ko at dalawang beses na rin akong uminom ng shake, pero parang hindi pa rin kontento ang aking tiyan, gusto pa ng higit. Naisip ko nga na baka kailangan ko nang magpatingin sa doktor bukas para malaman kung bakit ganito ang aking pagkain. Baka may ulcer na ako dahil sa m
KABANATA 39Shuen's POV"Ang gown mo, ang ganda-ganda, bagay na bagay sa'yo. Mukhang handang-handa ka na talagang ikasal," sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang nasa fitting room.Ang napili niyang gown para sa kasal nila ni Celsius ay talaga namang nakakamangha, at sigurado akong mas higit pa ang pagkamangha ng kanyang groom. Ang hugis at anyo ng katawan ni Atasha ay saktong-sakto sa gown. Lalo pa nitong pinatingkad ang kanyang kagandahan.Habang tinitingnan ko ang wedding gown, hindi ko maiwasang maalala yung panahon na ako ang nagsusukat ng aking sariling wedding gown. At si Atasha din ang kasama ko noon sa pagpili ng disenyo. Nakakatuwa isipin na ngayon, si Atasha na ang nagsusukat at ako naman ang kasama niya.Masaya ako para sa kanya dahil natupad na ang isa sa mga pangarap niya, ang makasal sa taong gusto niyang makasama habang buhay. Yung pangarap na kasal na inakala niyang si Elias ang magbibigay sa kanya. Pero nakakalungkot isipin na iba pala ang itinadhana para sa kan
KABANATA 38Shuen's POVWARNING: MATURE CONTENT!Ang ulan ay bumubuhos nang napakalakas, tila ba walang tigil. Halos wala akong makita sa labas dahil sa bagsik ng pag-ulan. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng patak nito sa bubong ng kotse. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang bumuhos nang ganito kalakas ang ulan, lalo na't kanina lang ay maaraw pa habang kami ay nasa golf club.At ang mas nakakainis pa, sira ang kotse ni Diovanni kaya wala akong magawa kundi tiisin ang kanyang presensya. Bakit ba kailangan pa akong idamay sa kamalasan niya? Ngayon, kailangan ko siyang kasama buong magdamag."Paano na tayo nito? Wala pang signal ang phone ko?!" reklamo ko dahil pati ang signal ng telepono ay hindi ko magamit sa sitwasyon na ito."Subukan ko ang phone ko. Tawagan ko si Mang Roel," sabi niya habang pumapatak ang tubig mula sa kanyang basang damit.Gusto ko sana siyang pagalitan dahil sa inis ko sa kanya ngayon pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay lamigin s
KABANATA 37Diovanni's POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sandaling ito. Kasama ko si Shuen, ngunit bakit pakiramdam ko ay malayo pa rin siya? Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin; hindi ito kasama sa plano ko. Bigla ko na lang siyang binuhat at kinaladkad kasama ko, kaya ngayon hindi ko alam kung saan kami patungo.Habang kami ay naglalakbay, hindi siya nagsasalita, tahimik lang na nakatingin sa bintana ng kotse. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, at wala akong magawa para baguhin ito. Inaamin ko na nasaktan ko siya, ilang beses ko na siyang nasaktan noon.Kaya hindi nakakagulat na ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Inaasahan ko na magbabago ang nararamdaman niya para sa akin, ngunit hindi ko matiis na makita ito. Hindi ko matiis na makita na nakalimutan niya ako sa loob lang ng dalawang taon.Paano niya ako nakalimutan ng ganun kadali, samantalang hindi siya nawala sa isip at puso ko kahit kailan. Sa huli, kasalanan ko rin dahil sinabi
KABANATA 36Shuen's POVSa buong meeting, wala ginawa si Diovanni kundi ang titigan ako at ngumiti. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon at hindi ako natutuwa. Kaya pagkatapos ng meeting, nagpaalam ako at mabilis na lumabas ng restaurant.Sinabi ko na lang sa aking sekretarya na ipadala ang mga dokumentong kailangan kong lagdaan sa opisina at ako na ang bahala doon sa bahay. Nagpaalam na rin ako kay Ester at dali-dali akong nagtungo sa aking nakaparadang sasakyan. Pero bago pa man ako makalapit, may biglang humawak sa aking braso at marahang pinaikot ako para harapin siya.Nagulat ako nang makita ko si Diovanni, kaya agad kong hinila ang aking braso palayo sa kanya. Pinilit kong kumilos ng normal para itago ang kaba na dulot ng kanyang presensya."Mr. de Marcel? May kailangan ba kayo?" kaswal na tanong ko."Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?"Bahagya akong tumaas ang kilay at ngumiti. "Mag-usap? Tungkol saan? Tapos na ang meeting di ba? May nakalimutan ba kayon
KABANATA 35Diovanni's POVNakaupo ako sa sahig ng sala, napapaligiran ng mga bote na nakatumba. Nasa harapan ko ang larawan ni Dionne, na napapalibutan ng malambot na liwanag ng mga kandila. Ngayon ang anibersaryo ng kanyang pagkawala, at kasing sariwa pa rin ang sakit tulad noong araw na nawala si Shuen. Ang kawalan na iniwan ni Dionne ay bumabalot sa aking buong pagkatao. Parang imposible pa rin tanggapin na wala na ang aking anghel.Bagaman hindi ako ang kanyang tunay na ama, hindi kailanman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Isang taon niyang nilabanan ang leukemia nang may tapang, ngunit sa huli, hindi na kinaya ng kanyang mahinang katawan."Dio, tumayo ka na diyan. Pumunta ka na sa kwarto mo, may flight ka bukas," sabi ni Katarina habang binubuksan ang ilaw. "Diovanni," bulong niya habang papalapit."Lumayo ka," utos ko, may diin sa aking boses habang pinipigilan ko siyang lumapit pa. "Manatili ka diyan habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko. Hindi mo maiintindihan kung ga
KABANATA 34Shuen's POVTWO YEARS LATER...."Magandang umaga, Ma'am! Ano po ang gusto niyong almusal?" tanong ng kasambahay ko habang pababa ako ng hagdan. Kasalukuyan akong kausap ang isang tao sa telepono, kaya't medyo masungit akong tumingin sa kanya. "Hindi mo ba nakikita na may kausap ako?""Sorry po," tugon niya, at dumeretso na lang ako sa veranda ng aking malaking bahay."Yaya Bonel, pakidala na lang ako ng tsaa at lasagna," sabi ko sa isa pang katulong pagkatapos kong ibaba ang tawag. "Pakibilisan."Pagkalapag ng pagkain sa harapan ko, sinimulan ko nang kumain habang nagtetext. Nag-message sa akin ang aking sekretarya at sinabing may appointment ako ngayon sa isang kasosyo sa negosyo. Gaganapin ang meeting sa isang magarang restaurant sa Antipolo.Buti na lang at sa BGC Taguig na ako nakatira, kaya hindi na ako masyadong mahihirapan sa biyahe papuntang Antipolo. Hindi ko sana gustong lumabas ngayon at nais ko lang magpahinga dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Pero kailangan
KABANATA 33Diovanni's POVMatapos ang mahabang paglalakbay, sa wakas ay nakarating na kami sa Amerika, at siniguro kong maipasok si Dionne sa isang nangungunang ospital. Desidido ako na mapabuti ang kanyang kalagayan. Kilala ang mga ospital dito sa Amerika sa pagiging abante sa medikal na pananaliksik at mayroon silang pinakamodernong paggamot para sa kondisyon niya, kasama na ang mga kinakailangang gamot, pinakabagong teknolohiya, at kagamitang pangkalusugan. Ang tanging hangad ko lang ay ang kanyang paggaling. Hindi ko kayang isipin ang buhay na wala siya."Daddy, nasaan tayo?" mahina ngunit may pagtataka sa boses ni Dionne."Princess, we're in the US now. You're going to stay in this hospital for a little while so the doctors can take care of you," mahinahon ngunit matatag kong sagot."Bakit?" Tanong niya, hindi alam ang bigat ng kanyang kalagayan."Para gumaling ka. Tiwala ka lang kay Daddy, ha? At huwag kang mag-alala, pag magaling ka na, babalik tayo sa atin at maglalaro tayo ar